my_story
Sunday, February 11, 2007
arcade blues
current song: doin just fine- boyz II men
current mood: high blood
hehe. pag sunday, ang usual na ginagawa ng tan family ay ang magsimba either sa imus cathedral or sa sm bacoor, tapos maglulunch either sa sm bacoor or sa rob place imus. knina, dun kme napadpad sa prehong imus. pagtapos namin maglunch, bumili na kame ng mga kelangan sa buhay-buhay, at sila ay umuwi na. eh medyo masama ang gising ko kninang umaga, kaya nagpaiwan na lang ako sa rob place since may nakita akong bagong bukas na arcade dun. ang tom's world.
nagpapalit ako ng tokens. 100 pesos. ok naman. di ko pa kasi nattry magarcade magisa, kaya tnry ko na din. nilaro ko ung mga larong pambata talaga. literal na pambata kase yun lang ung mga games na naglalabas ng ticket na pwde mong ipapalit sa mga items. kya dun na lang ako naglaro haha. ang loser kase talagang kasabay ko ung mga bata haha. pra akong ewan hahaha. ok lang, experience naman eh. eto ung mga nalaro ko.
1st game. basketball kuno
kala ko kasali to dun sa mga larong naglalabas ng ticket, hindi pala. ang loser ko naman hehe. pero ayos lang hehe. masaya naman eh.
2nd game. bowling
ito ung mini bowling na wala kang papatumbahin. isshoot mo lang ung bola dun sa mga butas. ang pinakamataas ko na nashootan dito eh yung 50 na hole. ung mga bata sa tabi ko hindi nga makapasok sa 10 na hole e haha. losers.
3rd game. pukpokan game. nyehehe
eto ung may kelangan kang pukpokin, pero mas hightech to kse touchscreen. pinupukpok nalang ung tv. at daga na ang kalaban mo. ang onti maglabas ng ticket.
4th game. can alley
dito, bibigyan ka ng 60 seconds para ishoot ung mga maliliit na bola sa can na sumasara at bumubukas. ang loser ko kase wala akong katulong. eh ung mga nauna skeng bata, tinutulungan sila ng mga magulang nila. andaya. grr
5th game. big mouth bertha.
eto ung game na meron kang maliit na canyon tas bubungiin mo ung target hehe. ayos naman kase isa lang ung hindi ko nabungi dito. pero talo ako nung katabi kong bata. grrr.
6th game. barilan
dito, babarilin mo lang ung kriminal. naka topscore pa ko dun sa machine. wow. ansaya eh haha.
7th game. basaan
parang watergun game, kung saan papatumbahin mo ung kalaban gamit ung water gun. medyo nabasa ako dito pero sa kamay lang. at medyo nakakahiya kase madaming nanunuod.
other games.
ung ibang games kasi wala akong pictures. pero naglaro din ako ng sega rally, ung racing. wala kasing daytona. ang loser netong tom's world eh. tas may nilaro din akong jackpotan na arcade, kaso di ko napicturan. sayang.
nung may nakita akong vacant na cubicle sa videoke area, pumasok ako at kumanta ng dalawang kanta. ako lang magisa dun sa cubicle kaya muka nanaman akong ewan. kumanta ako ng "just once" ni james ingram. ang aking piece nung singing contest nung 3rd yr HS ako hehe. syempre talo ako dun. naka off pala ung mic. kala ko naka on. kaya ang score ko ay tumataginting na 62 ata. hehehe. ang 2nd song ko ay "careless whisper" ni george michael. ung malaswa haha. bat ba puro pantatay ung mga kinakanta ko. frustrated kasi ako dhil di ko abot ung matataas na notes nun, kaya kinanta ko hehe. pero this time, naka-on na ung mic. ok naman. 91 haha. not bad.
tas after nun, pina count ko na ung ticket ko. 128 lang. ang loser kse ung ibang bata sobrang dame. parang mga nasa 1000 na haha. ang napapalit ko lang ay isang key chain, isang magic spring at isang puzzle pra dun sa sobra. haha.
ang experience na to ay nakakahiya at nakakatuwa haha. masaya din palang magarcade magisa. tapos umuwi na ko. magisa din haha. next time sa sm naman. o kaya sa ibang arcade na mas madaming masayang games. grrr.
july wrote this piece of crap on Sunday, February 11, 2007
i'm the mobilemaniac
|