my_story
Saturday, January 27, 2007
ang uso
current song: hiling- paramita
current mood: ok lang
after 1 week, update ule hehe. wala na kong panahon mag blog msyado. busy eh. pero ok lang hehe.
naibigay na samin ung results ng mga exam sa prelims. ok naman. nakakagulat lang ung ibang mga score kase hindi ko talaga inaasahan. hehe. may maibibigay pa ko ngayong finals. laban lang. oh yeah hehehe. para sa future family ko tong pagaaral ko, saka para kay mama, saka para din sken hehe. dapat pagbutihan :)
simula halos nung monday, ang mga tao sa paligid ligid ay puro pulitika na lang ang pinaguusapan. panahon na naman kasi ng election sa AB. eto ba ang uso? wala lang. ang gara, para ung mga taong hindi interesado sa pulitika ay walang masabat dun sa mga may balak tumakbo hehe. parang nasa ibang mundo na sila hahaha. ewan ko ba, kahit kelan, hindi akong naging interesado sa bagay na yan. pero ung mga kakilala kong tatakbo, may kanya kanya naman silang dahilan. ewan. sana magtagumpay sila sa mga tinatahak nilang landas. hehe. sabe nga ni coco sa blog nya, politics brings out the worst in anyone. sana wag naman mangyare un sa mga kaibigan kong tatakbo. sana lang.
pero sabagay, kanya kanyang passion yan, kung pulitika ang trip nila, ako, sa chorale na lang magbubuhos ng oras hehe. kahit na minsan, pumapalya hehe. minsan lang naman. kelangan din ng social life. :)
tuesday, nag PE kame ule after 3 yrs. sa wakas, binigay na ung uniform namen. ayos lang naman. masaya maglaro kaso ang hassle pag madameng dalang gamit. grr. eh medyo ang moody ko nung araw na to. nagkatampuhan pa 2loy kami ni bogs. pero naayos din naman. mas masarap maglambing pag kaka-bati lang hehe. ung wholesome na bati ang tinutukoy ko ah hehehe.
Mr. and Ms. AB (MMAB) last thursday. syempre ang representative ng BES sa babae ay ang partner ko dati sa Mr. and Ms. BES, si bogs hehe. wala lang.
si bogs ung nasa pinakaleft.
buti excused kami mula 4pm onwards dahil kakanta kami (chorale). nakakapagod ung araw na un, sobra. nakakabad3p lang kasi ung computer teacher naming mukhang kabayo ay hindi inexcuse ang mga kklase ko, kaya 2loy hindi nila nasimulan ung program. nakaw. may araw kadin mam lintag. grrrr. nakapasok si helena hanggang top 5. wow. syempre proud ako. maganda na nga yan, mabait pa hahaha. matalino pa. whoo. naks. hindi bola un ah haha. woeh. masaya naman tong araw na to para saken. eh kilala na pala ako ng ermats nya. wow. hehehe. exciting :D
tas friday. nanlibre ako sa tropa ko dahil nga dun sa silver sh*t award ko hehe. kahit sa march 2 pa ung recognition day. first and last na kase ata un, kaya dapat cherish the moment hehe. sa moses kame uminom. at humiga sa main field pagkatapos. kahit medyo gloomy ung araw, naging masaya din naman. nakakatuwa lang isipin kasi ang tropa namin, mula 1st yr, solid na. kahit ung isa nasa ibang skul na, at kahit kami ay magkahiwalay na ng section, lage padin kaming nagsasama. wow. sana kahit mga tatay na kme magkakaibigan pden kame. yehey!!
ngayong sabado, nag SM kame ng pamilya para mag grocery. bumili ako ng longsleeves pra sa speech presentation ko, saka bagong USB flash drive. kase ung flash drive namen dati ay hiniram ng kaibigan ng kuya ko at hindi na sinoli. bute na lang nakabili na ko. hehe. at bumili din ako ng pilot gtec 0.4pt na ballpen. nakakaadik pala gamitin talaga un. kahit mahal. nakaubos na nga ako ng isa eh. wow.
o un lang naman for now hehe.
dati nga pala, habang nasa labas ako ng bahay, may nakita akong bulaklak, tas pinicturan ko gmet ang cellphone ko. nagandahan naman ako dun sa kuha. kaya isshare ko lang senyo hehe. pdeng iclick yang picture para mas malaki :)
flower (320x240)
july wrote this piece of crap on Saturday, January 27, 2007
i'm the mobilemaniac
|