my_story
Wednesday, October 31, 2007
magrereunion nanaman sila
current song: wala
current mood: wala
nabasa ko sa isang multiply blog. highschool "batchmate" ko. wow
Start: Nov 3, '07
Location: Angelica's Crib
HIGH SCHOOL FRIENDS get together!!
missed them, so here we are.. TO PARTY!!
*organized by Kaye! yieee!
------------------------------
obvious na sila lang ang kasali. obvious na obvious. ung mga hindi artista, hindi invited. i hope na maging masaya ang reunion nila. actually, wala namang masayang reunion na nangyyre sa section namen e. puro plastikan lang. wtf, im not coming.
shet ang loser talaga ng hs life ko. dammit
july wrote this piece of crap on Wednesday, October 31, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Saturday, October 27, 2007
last rehearsal for sembreak
current song: weak- freestyle
current mood: bagong gising
khpon ang last rehearsal nmin for the sembreak. nkkfrustrate at 1st ksi 8am plng, asa uste na ko. sumabay kasi ako sa magulang ko papuntang skul kaya ako maaga para sa "9am rehearsal" namin. kso 9am na, 3 palang kami. kamusta hehe. yun pala ay 10am ang rehearsal namin, kaya gudlak sa pagaantay ko. hehe. pero kahit 10am na ay wala pa kami sa sampu sa ab pav, kaya nakakafrustrate lalo. dito na nagsimula ang kabad3pan. siguro mga nasa less than 20 padin kami nung 11am. no choice, sayang oras kaya nagsimula nalang kami kahit wala pa ung iba. nadagdagan ng onti, pero hindi pdin madami. nakakafrustrate talaga. kung kelan last rehearsal na, dun pa nawala ang mga tao. aw.
pero sympre hindi un ang highlight ng araw ko kahapon. habang tumatagal kasi, nawawala ung kabad3pan, except lang nung sinimulan na namin aralin ung contest piece, dahil nakakalito ng onti hehe. onti lang naman. ewan ko, pero parang magaan ung feeling ko kahapon nung rehearsal. kasi konti lang kami, parang mas intimate ung pagkanta. o ako lang nagiisip nun hehe. ewan. tapos nung lumipat kami sa kabilang building para ituloy hanggang gabi ung pagppraktis namin, nagkaroon kami ng isang activity. isang bonding activity hehe. mala SLE ang dating nya (group dy, are you there?). para mas mdali, parang sasabihan mo ng positive things ung mga kasama mo sa group. nakakatouch un. ewan ko, mahilig kasi ako sa ganun. hehe. tapos after nun, nung kumanta na ulet kami, prang mas gumanda ung pagkanta namin. o ako lang uli nakapansin nun haha. prang mas masarap kumanta pag masaya kayo as a group hehe. syempre ganun talaga un. pero syempre din, nakakafrustrate dahil kulang kami.
ayun lang. mahigpit ang laban ngayong taon sa himig tomasino. kelangang lumaban. aw. wish us luck. december 3 ata ung himig tomasino ngayong taon. nood kayo. dadanak ang dugo sa med audi haha. weeeh
july wrote this piece of crap on Saturday, October 27, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Friday, October 19, 2007
whatta week
current song: wala
current mood: ewan
sembreak rehearsals na, at masasabi kong masaya ang buong week na to para saken kasi wala na munang iisiping skul work. tawanan lang lagi from 10am-4pm from monday to friday. pero syempre seryoso din muna minsan, pero masaya pden hehe. nakakarelax talaga kumanta. wow.
nung wednesday, naginuman kami after rehearsal sa tapsi. first time ko uminom dun. kasama ang mga champion pati si conductor at mga new members. wow. masarap ang sisig nila, champion! hehe. saka ansaya. basta masaya sila kasama uminom. kahit na hinarass ako ni kuya pao (aka hippopoclamus/G.G.- Galactic Goddess), ayos lang haha. onting pics muna mula sa multiply/camera ni dan. wow. masarap pla ang coors light. ngayon lang ako nakatikim nun e.
sana next week meron ulit inuman. pero loaded na ang buhay next week. monday may gig sa tanyankee bldg (8am) tas may recording daw ang ab chorale pti ata lahat ng kasaling choir sa himig tomasino. wow. tas sa gabi, starcity naman with BES, again. tas tuesday clearance/enrollment. may reh din mula monday hanggang thurs ata o fri. fri-sat or sat-sun or sun-mon or mon-tue, whichever haha, overnight training camp ng ab chorale/inuman/bonding/swimming sa villa luz, silang, cavite. wow. exciting. hahaha. sana hindi din maexcite ang nanay ko pag nanghingi na ko ng allowance. sabagay, may pambawi ako, haha. nakasabit ulit ako ngayon sa DL. wow. yehey.
un lang. masaya ang week na to. na hindi. ewan. ang gago gago gago ko ata kasi talaga.. hmm
ps. ilang beses ko kaya sinabi ang "wow" sa post na to? hmm
july wrote this piece of crap on Friday, October 19, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, October 14, 2007
woooow
current song: wala
current mood: grrr
wow. ansaya sana kung totoo to. pero hindi ko nanaman to maaabutan eh. o well, let's see.
source: blog ni zheloh pero mula talaga sa http://www.urbanrail.net/as/mani/manila.htm
july wrote this piece of crap on Sunday, October 14, 2007
i'm the mobilemaniac
|
halu-halong bloghop thoughts
current song: wala
current mood: naiingayan
ansaya talaga magbloghop. mga more than a month ko na din tong hindi nagagawa, salamat sa mas pinahirap, mas pinalupit, at mas pinagulong 3rd yr, 1st sem. wow talaga. champion! pero di nga, andami kong naiisip at napapansin pag nagbbasa ako ng blog ng ibang tao. parang masaya mostly ang mga tao dahil sembreak na. syempre hindi naman ako magpapaka hypocrite para sabihing gusto kong pumasok dahil namimiss ko na ang mga tao, gusto ko din un, pero minsan talaga, mas gusto ko lang magpahinga magisa dito sa bahay.
----------------------------
honestly, tulad ni marvin, nakaramdam na din ako ngayong sem na dapat na kong mag "blogstop" tapos ng "kaso"-kuno ko sa SWDB starring... never mind. pero after more than 2 yrs, ngayon pa. wag na ui. malaki na din ang sentimental value sakin ng blog na to hehe.
tulad ni dan, nareformat ko na tong pc ko na puro virus tulad ng pc ni johnrey. hehe. pero alam kong hindi lang itong pc ko ang kelangan kong ireformat, kundi ang buhay ko. sobrang laki ng nagbago skin ngayong sem. mas tumanda, mas stressed, mas mabisyo, mas masama, mas walang focus etc. kelangan ko na ulit bumalik sa tamang track. alam kong part lang yung mga nangyari last sem ng journey kong tapusin ang school, pero sabi nga ni averill, sa isang journey, getting there is what counts. at syempre learning experiences lahat ng pinagdaanan ko ngayong sem. walang halong idealism, mas masarap maabot ang isang bagay kapag mas madami kang pinagdaanan. parang RPG lang, mas mdaling tapusin ang final boss kapag mataas na ang level mo. wow.
alam kong ilang buwan ko pa bubunuin ang black sea sa ust dapitan everytime na bumabagyo (o umaambon?) [sabi nga ni poli]. at kahit bumagyo pa o umaraw sa dapitan, magpapakalasing padin ako kasama ang mga kaibigan ko at patuloy na lalabanan ang mga lintek na professor. sabi nga ni ate van, it's not really the circumstances that will determine how one should feel. it is still up to that person whether he or she will choose to be happy or sad. kaya kahit madami pang gagawin next sem, magpapakasaya padin ako. alam ko namang andyan lang ang mga kaibigan ko lagi para makipaginuman sakin haha. wow.
excited/anxious na kong grumaduate. mamimiss ko din tong skul na to. lalo na ung mga tao. (weh, 1 yr and 1sem pa, oa naman)
"STUDY HARD as if everything depends on you,
PRAY HARD as if everything depends on Him,
Your future depends on what you do now."
[quoted from the book of Mr. Ampongan, CPA reviewer and author in taxation]
mula sa blog ni Elle.
july wrote this piece of crap on Sunday, October 14, 2007
i'm the mobilemaniac
|
wow
current song: wala
current mood: hapee
after 200 years, tapos na din ako magrestore ng files na binackup ko mula sa dati kong computer. eto na pala ang itsura ng desktop ko ngayon. syempre proud. hehe. hindi naman pla sya ganung kabagal. tama lang. eto na ggamitin ko hanggang sa sumabog tong laptop ko hehe. yehey. (pedeng iclik para lumaki)
july wrote this piece of crap on Sunday, October 14, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Saturday, October 13, 2007
after finals
current song: becoz of u- neyo
current mood: tired
tama na muna ang pagiging negative. tapos na ang finals. yehey. sembreak na. pero wala padin akong break kasi may rehearsals kami sa sembreak hehe. pero ayos lang. ang srap pag wala ka nng iniisip na skul stuff. kumain kami ni jerico at dicky sa sr thai cuisine nung thursday (last day). tradisyon un, every last day, sa mahal kame kumakain hehe. tas deretso inuman, kaming tatlo lang. pero sumunod si dom at si ted. si dom napainom namin after 1 yr mula sa aksidente nya hehe (drunk driving), pero konti lang. next finals na daw ule hehe. nakasama din namin ang tropa nila cristina. syempre sa moses kami uminom, the place to be. pero bawal na daw dun ang naka uniform dahil baka mahuli ni fred lim. "fred lim, isa kang tooot". tas tumambay kami after sa field kasama tropa nila helena, kumain sa recto ng siomai na fancy, tas umuwi na. bagsak ako paguwi hehe.
halo2 thoughts after 1st sem:
pinakamahirap na sem na to, para sken. kala ko nung una madali, dahil sa sked, pero hindi pla, araw2 ding pagod. naranasan ko ding magkaissue sa prof dahil sa blog ko, muntik na kong ma-SWDB, pero buti nakalusot hehe. lesson learned. walang rest day. gusto ko na magdorm. suko na ko sa pagccommute araw araw. tumatanda ako lalo sa mga gagawin, pero masaya kagroup sila alexis majo mj benedict at jerico sa lahat ng group works sa bawat subject. sila lang talaga ang kgroup ko, walang palitan hehe. nako, umiinit ang ulo ko madalas dahil sa stress at sa mga taong sobrang unreasonable. hindi ako satisfied sa nagawa ko, tingin ko kulang pa ung binigay ko, pero ganyan talaga. sana palarin ako next sem hehe. may next sem pa naman.
--------------------------
ngreformat ako ng laptop ko para mas mabilis kasi bwiset na virus yan, kung anu ano nang kalokohan ang nasa add/remove programs ko sa control panel na walang "remove" option. kamsta? ngayong college lang ako nagreklamo sa virus, salamat sa usb flash drive technology at abot kamay na ang mga lintek na viruses. solusyon: reformat na. naisipan kong mag windows vista dahil naaaliw ako sa kewl na graphics nito, pero alam kong hindi sapat tong specs ng pc ko pra tapatan ang minimum requirements ng vista. pero sugod padin, ang kewl talaga nung graphics e hehe. kaya eto.. nakavista na ko ngayon. ultimate edition (thanks to piracy, dont mock me oem lovers). saka office 2007. ang ganda ng graphics hahaha. pero napakabagal hahaha. mas mabagal pa sa navirusan kong xp sp2 dati. well, tignan natin kung matitiis ko tong bagal na to kapalit ng magandang graphics hehe. pero masaya naman. hehe. bagong os after 5 yrs sa win xp. kewl.
july wrote this piece of crap on Saturday, October 13, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Tuesday, October 09, 2007
tired
current everything: wala
im just tired of being the bad guy. black sheep na nga sa family, bad guy pa sa ibang bagay. nakakapagod na iexplain ung sarili ko minsan. buti pa sa pusa, hindi ko na kelangan magpaliwanag.
july wrote this piece of crap on Tuesday, October 09, 2007
i'm the mobilemaniac
|