my_story
Sunday, January 06, 2008
weird friday
current song: wala
current mood: bagong gising
ang weird nung friday. 3-6pm lang kasi ang klase ko. pero may meeting ang chorale ng 11am kaya dumating ako dun ng 1pm. kasabay un ng meeting namin ng groupmates ko for training. 1pm din ksi un, pero 2pm ako dumating. ako pa naman ang nagset. happy 2008! welcome back latecomer. shet.
masaya naman ung meeting ng chorale. masaya din silang makita ulit. ok din naman ung meeting sa training, may narating din naman kami. masaya ung research (subject ko from 3-6pm). ewan ko. kahit na ngarag dahil may seatwork nanaman, nagtatawanan lang kame ng mga baliw kong thesis mates haha. astig talaga. wala pa kaming nasisimulan dun kahit title. samantalang ung ibang group tapos na. next friday na kasi ang pasahan. haha.
badtrip number 1. may kaibigan akong may pinakaiingat ingatang letter na ibibigay nya sana sa kaibigan nya. as in personal letter, diary type, gnun. sa sobrang saya namin sa thesis group, puro tawanan, hindi namin napansin na lumipad na pla ung papel somewhere. hehe. ayun. may nakapulot at nakabasa, revealed ang buong buhay nya. bad3p for her, pero hindi ko naman din alam kung pano ako makikiramay sa kanya. sana maging ok na sya.
badtrip number 2. may kaibigan akong magaling sa music. at ayon sa kanya, feeling nya planado ang lahat. nakakabad3p nga naman talaga kung iisipin mo kung ano ung nangyre. masakit talaga nga naman un, pag ginamit ung kahinaan mo against you. kahit na im sure, hindi naman minemean un nung nagplano, but still, they should have been sensitive enuf to anticipate na maaari silang makasakit sa pinaplano nila. nakakalungkot isipin na sometimes, ung mga bagay na pinapahalagahan natin ay joke lang sa ibang tao. at itong kaibigan kong ito, he/she took it seriously. i perfectly understand him/her. hindi ko rin tuloy maiwasang mabad3p sa mga taong nagplot nung krimen na yun.
badtrip number 3. nagsuggest ako ng isang paraan para mapadali ang pagrereview namin para sa theories of personality. sa sobrang dami kasi ng readings para sa subject na un, hindi na namin alam kung pano magbabasa. sinabi ko ito sa isa naming vice-president. at ako naman, tatanga tanga, nawala sa isip ko na hindi ko pa pala ito nasasabi kay kaibigang president. ayun. nagawan na pla nila secretary at vp internal ng paraan ung proposal ko, naannounce pa sa klase. so si president, clueless sa lahat ng nangyyre, at medyo naoffend dahil feeling nya, she should have been the first to know. i felt guilty, vp internal and secretary also felt guilty. it was an honest mistake. pero syempre, sometimes, hindi mo mapapansin na ung maliliit na bagay na gingwa mo could lead into something big. at higit pa dun, problematic.
badtrip number 4. may kaibigan ako, magaling, matalino at malibog (hahaha. piz). paguwi ko palang sa bahay, after badtrip 1,2 and 3, nakausap ko agad sya sa YM. medyo weird ang status message nya, at dahil chismoso ako, tinanong ko kung bakit ganun ang status msg nya. ayun. nareformat ang pc nya, fresh na fresh. in fact sa sobrang fresh, pati files wala na. shet talaga, files un. thesis, scripts, memories, treasured works. tangna, pati ako nanghina sa balita nya. nalulungkot talaga ako for him, hindi ko din naman alam kung ano magagawa ko para makatulong. kinausap ko pa ung mga techy friends ko from HS at baka may alam silang paraan. i just do hope na maayos nya ung problema nya. it's a really BIG problem. at wala lang, ayoko ksi na may nangyyreng masama sa mga kaibigan ko. and i mean kaibigan talaga a. shet.
ayun lang. pagkatapos ko maencounter ang apat na bad3ps for the day, gusto kong matulog na lang. masakit sa ulo eh. hindi na tuloy ako nakapagchat sa mIRC na gusto naming irevive. wala lang. nakatulog nanaman ako sa tabi ng computer ko haha. naiwan ko pang bukas. tanga talaga.
friday was BE SENSITIVE DAY. happy fridays for 2008! :)
july wrote this piece of crap on Sunday, January 06, 2008
i'm the mobilemaniac
|