my_story

Thursday, June 21, 2007

break muna



current song: wala
current mood: tired



long post zzz

ayan. dahil madaming gngwa sa skul (org stuff, mga prof na.. jusko, social life, etc), ngayon lang ule ako nakapag post. hindi na ko nakakapagblog hopping. di na ko updated msydo sa mga buhay ng iba hehe. siguro bukas na lang, o baka sa sunday. ewan ko pa.

reunion nnman ng elementary friends nung sat-sunday (syempre understood na overnyt at walang uwian). bday kasi ni jasper hehe. mas mdami kami ngayon, syempre pinagtripan yung mga wala. masaya naman. kahit pano. to think na elementary friends ko pa un a haha.

monday. ang kewl ng prof namin sa group dynamics at sa stat. iisa lang sya. si john kliatchko. bading ata sya. pag naglalakad sya, prang lumulutang at bigla na lang lumilitaw mula sa likod ng classrum. surprise! parang ganun. pero seryoso, ang kewl nya. malumanay, pero pag humirit nakakatawa. humor with intellect, ika nga. hindi ka2lad ng iba kong mga prof dati. kung sino sila, secret.

tuesday. ngaragan day dahil kelangan gumawa ng homework sa tatlong mabibigat na subjects kinabukasan. filipino, literature at experimental psychology. puro bigtime ang mga prof dun at sabay sabay silang nagbigay ng homework. jusko. natapos ko naman ung dalawa, pero hindi ako nakapagbasa sa literature dahil nga 10pm na ko nakauwi mula sa chorale, at pagod na ko paguwi. sinubukan ko naman eh, pero wala, knockout.

wednesday. pag gising ko, natataranta na ko dahil wala pa kong nababasa sa literature. eh jusko, si BIGMAC ang prof. at pressure pa dahil sinabi nya nung 1st meeting na "ako lang daw ang mabait nung 1st yr kami sa 1bes1". so pressure nga dahil baka ako ang tawagin nya, at madisappoint lang sya saken at mafrustrate. kaya papuntang uste, nagbabasa na ko ng literature, pero nosebleed kaya sumuko na ko. 7am nga pala ang class ko kaya kmsta naman ang puyat na bata. medyo hindi maganda ang umaga ko, at kahit yung katabi ko sa jeep e kinababad3pan ko. grr. late dumating ang prof ko sa filipino (1st subj, 7-10) at nagulat kami dahil iba na ang prof na pumasok sa katauhan ni eros atalia. siya ang prof na kewl na kewl at astig magsulat. pinalitan na nya pala yung lumang filipino teacher for some reason, at natuwa naman ako dahil mukhang magkakasundo kami. 730 na ang klase at taga cavite din sya hehe. isa pa, preho kasi kami ng lingo (puro brutal at murahan na salita ang humor). unang banat nya palang na "isang malaking katarantaduhan ang pagaaral", natawa na kagad ako. puro drugs at novelty songs ang pinaguusapan namin. kung magpapakamatay ka lang din daw sa drugs, eh bat gagastos ka pa sa shabu, MJ o ecstacy. hithitin mo na lang daw ung dumi ng pusa na natuyo sa bubong, durugin mo at ibalot sa dahol ng papaya, tas un na lang hithitin mo. tipid pa. yun ata ang umayos sa araw ko.

buti na lang at hindi nagtawag si BIGMAC msyado for recitation dahil nga hindi ako nagbasa. hindi ako natawag. yehey. although medyo sumakit ang ulo ko sa discussion dahil sa indian names, kmsta naman ang mahabharata. puro love making ang nagaganap hahaha.

come 3rd and last subject at syempre, eto ang sleeping tym dahil si ELLAR ang professor. so nag games na lang kame ng seatmate ko at ayos naman dahil kewl ang seatmate ko hehe.

after class, naligaw pa kami kung san san. actually, nakasked akong magaudition sa UST liturgikon vocal ensemble kanina. wow. eto ay isang choir sa UST conservatory of music (open ito sa mga estudyante ng buong unibersidad) na ang conductor ay ang conductor namin sa AB Chorale na si kuya pao. sya din ang nag-aya sa amin duon kaya sumali nadin kami. dalawa lang kaming nagaudition ni nikki mula sa AB Chorale, at syempre pressure nnman dahil mostly taga Music ang makikinig sa amin. jusko. syempre ang kinanta ko ay ang walang kamatayang audition piece ko na "through the fire" pero panlalakeng version. para sa mga hindi nakakaalam, hindi ito mataas tulad nung version ni chaka khan at ang kinanta ko ay ang rendition ng isang finalist ng pinoy pop supahsta na si mc monterola. medyo rnb pop ang groove kaya swak na swak sa jologs kong boses. matapos yun, vinocalize ako at hanggang low F lang ang nakanta ko dahil wala ako sa kondisyon (loser). tas binigyan ako ng set of 4 notes na kakantahin. kamsta naman at puro black keys ang pinipindot ni mr audition-er at pinahirapan pa ko. grr. pero nng matapos, ok naman. ininterview nila ako at sumagot naman ako syempre hehe. finally, pinalayas na nila ako. secret lang daw, pero pasado "ata" kami pareho ni nikki. bass 2 sya at buti n lang at bass 1 lang ako. wow. liturgikon na ko. UST-wide singing group ito. sana gumaling pa ko lalo mula sa group na to.

ayun. nakalimutan kong sabihin na kasama pala ang ilan kong mga katropa at kaibigan nung nagaudition ako. moral support ika nga ni kuya pao na uso sa AB hehe. tapos nun ay kumain na kame. ngtxt si don2 na dala daw nya ang auto nya at isasabay na nya ang mga taga norte. sabit kami ni jerico at naki joyride hanggang north edsa. jusko, napakalayo at ginabi na ko ng uwi. pagod. pero masaya.

medyo mixed ang thoughts at feelings ko tungkol sa pagaudition at pagsali ko sa liturgikon. gs2 ko talaga, walang tanong dun. pero dahil 2 na ang choir ko, less time with friends and BES peeps, mas harassed sa rehearsals, less time for studying (weh). syempre gs2 ko pagbutihin ang pagaaral ko, lalo na ngayong 3rd yr na ko, pero hindi ko alam kung pano ko pagsasabayin lahat ng yun. ah bahala na lang. alam naman ni God kung san ako dadalin. sana makaya ko. haha.

napaka daming kwento. jusko. next week na lang ule siguro. babay.


july wrote this piece of crap on Thursday, June 21, 2007
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, June 16, 2007

3rd yr na



current song: wala
current mood: bagong gising



ayoko na ng skul. grabe. 1st week palang stressed na. grr.


july wrote this piece of crap on Saturday, June 16, 2007
i'm the mobilemaniac
|

Tuesday, June 12, 2007

last day ng bakasyon



current song: el guayaboso- ab chorale haha
current mood: harassed



last day na ng bakasyon. at ano ba ang napala ko ngayong bakasyon? wala. lasingan moments sa outing ng chorale at lalo na sa elementary reunion; tambay sa bahay at magpaka OC sa pagaayos ng kwarto at ng kusina; gala minsan with BES friends (outing, star city at surprise bdays); rehearsals at ngaragan sa pagpapasign ng letters nitong huling mga linggo; pakikipagtalo/tampuhan sa nanay; magpataba; bumili ng skul stuff; makipagusap sa sarili. wtf. bukas na ang first day ng skul at ayokong gumising ng 4:30 AM. kamusta at may 7am class nanaman ako. hello FA? (Failure Due to Absence) Ikaw ba ang sisira sa matayog kong pangarap na grumaduate ng may dangal?

Anyway, magkkwento na lang ako. Nung sunday, bumisita kami sa bagong gawang bahay ng tita ko galing canada. dun na din nakatira yung lola ko. yung lolo ko namatay last january 2006, at since then, parang nanghina na yung lola ko. di na kumakain, nagsasalita. ganun. ayun nga. e since family gathering yun, mdami kaming mga relatives dun. pero dahil nga mahiyain ako, pag may mga ganung gathering, nsa isang sulok lang ako. o kaya nakikitulog sa kwarto. pero since bago pa nga lang ung bahay, at hindi naman talaga ako close dun sa mga imported relatives ko, e hindi na lang ako nakitulog at umupo na lang sa sulok. family of singers kami sa father's side. may mga pinsan akong sumasali sa pinoy pop superstar, pero talunan haha. pero ang point naman ay may talent padin kami at kahit mga tito ko, o mga pinsan, marunong kumanta kahit hindi magaling. hindi ako kumakanta sa mga ganung gatherings dahil una: ayokong marinig ni mama (nahihiya ako, ewan ko kung bakit. prang sya ang pinaka kinakatakutan kong critic bukod kay papa [na magaling din kumanta]) at ikalawa, nahihiya ako talaga. haha. at nng nilabas na nila ang walang kamatayang magic sing, nagsimula na ang kantahan. syempre ayokong makisali, taga kinig lang ako. pero talagang pinipilit nila na kumanta ako kasi balita daw nila na kasali ako sa college choir namin (ab chorale) at gs2 daw nilang marinig ang boses ko. syempre tumatanggi lang ako paulit ulit. pero siguro after 30 times, napapayag din nila ako. kumanta ako ng dalawang martin nieverra/pantatay songs. be my lady at ikaw ang lahat sa akin haha. define jologs hahaha. pero nung kumanta ako, mukhang natuwa naman sila. sabi nga nung tita ko magpapakasal nadaw ulit sila ng tito ko tas ako daw ang pakakantahin hahaha. pero hindi un ang main attraction ng kwentong jologs na to, dahil ang ikinatuwa ko ay yung makita kong nakangiti na ulit ang lola ko (after ilang months) at nakatitig lang sakin habang kumakanta ako. grabe yun, tas binulong nya ata sa katabi nyang tita ko na naaalala nya daw ung lolo ko sakin. wooow. the end. woeh.

nung monday naman (kahapon), pumunta ako sa uste para magpapirma ng reservation letters sa ust para sa rehearsal namin ngayong araw na to. dahil nga holiday, at nagiinsist padin ako, wala akong napala. actually, wala kaming napala nila dan at van. ang lovers hahaha. yiheee. woeh. ayun nga. ang dapat sanay business na aming aasikasuhin ay nauwi sa isang mahabang kwentuhan. mula 11am-5pm halos. wow. pero masaya din un. bonding kuno hahaha. masaya din minsan kumausap ng matalinong lovers haha. kahit mukha akong chaperone. hahaha.

ang tuesday naman ay isang harass na araw sapagkat independence day. salamat sa malaking katangahan ni gloria arroyo at nagkabuhol buhol ang traffic sa buong kamaynilaan. isa ako sa mga tutol sa pagmomove nya ng holidays, dahil kahit naman imove nya, dun prin sa day mismo nung holiday sinecelebrate yung okasyon, at perwisyo lang ang dinudulot nun sa mga katulad kong hamak na mamamayan lang. bow. going back, harass nga ito dahil sobrang aga ko gumising para makarating ng maaga sa uste at magpapirma ng letter kahit puyat ako kinagabihan. pagkatapos ng matagal na biyahe, dadatnan ko lamang ang ab office na walang tao (actually meron, pero hindi ko sila kailangan haha). ayun nga, so sayang effort. stressful. at mula 10am hanggang 2pm, outdoor rehearsal kami kaya kamusta ang tumatagaktak na pawis. ok lang naman sila. at nung nakapagpareserve na kami, kumanta lang kami dun sa room hanggang 5pm. mainit padin kahit may aircon na. ah basta, pati biyahe pauwi stressful. ang hindi lang harass sa araw na ito ay ang pagpunta ko sa sm bacoor upang magpapalit ng dollars na ibinigay ng aming tita galing canada. hindi naman kalakihan ang perang aking ipinagpalit, subalit ito ay pera parin. hahaha. bumili lang ako ng tropicana apple. ito ay ang bago nilang flavor at hadik na hadik ako sa mga apple juice. kung bakit, ewan ko.

hindi naman halatang Filipino 2 ang 1st subject ko bukas? haha. ayokong gumising ng maaga. grrr. sa totoo lang, hindi pa pasukan, nasstress na ko. pero ako lang naman ang gmgwa ng ikakastress ko haha. go stress. grrr. at upang madagdagan pa ang stress, nakikinig ako ngayon ng music mula sa ab chorale hahaha. stressful.

andami ko na nkwento. next time ulit haha. paalaaammm


july wrote this piece of crap on Tuesday, June 12, 2007
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, June 03, 2007

masaya



current song: wala
current mood: masaya. excited.



kahit maaga ako ginising kanina, excited padin ako magmall kasi panahon nanaman para sa aming annual before-school shopping hehe. kundi nyo naiitatanong, twice a year lang kme magshopping, pag pasko at bago magpasukan. nagsimba kami sa imus kasi late na kami nakaalis at kumain sa rob place imus. tas dun na din kami bumili ng skul supplies sa national bukstore dahil siguradong masikip na sa makati (dun kami nagshopping kuno) hehe. masaya naman ang mga nabili ko. ok naman sila haha.

kahit na more than 7 hrs kameng naglibot sa buong makati, sulit naman ang pinagpaguran namin dahil nakabili ako ng leather bag na matagal ko nng gusto, saka ng sapatos na rubber ang sole. hindi na kahoy. napupudpod kasi sa kakalakad ko, at nabubutas kapag baha sa uste haha. nakabili nadin kame ng undergarments haha, mga kelangan sa uniform, tshrt, pati medyas haha. nakabili na din ako ng bagong flash drive, ink sa printer, ream ng bond paper, ah bsta lahat ng kelangan sa skul. masaya naman ako. at dahil dyan, define materialistic.

yun lang. natutuwa naman ako sa bag ko. black gold, black white ang kulay e hahaha. go uste!

gusto ko magthank you kay mama kasi kahit sobrang gastos ko, natitiis padin nya ko maging anak haha. sabi ko nga sakanya kanina, pag nagkatrabaho na ko, sya agad ang ipagsshopping ko sa unang sweldo ko hehe. sana malaki. yehey.

sana makabili na din ako ng laptop, cellphone at kotse. masaya din siguro yun haha. so help me God. yehey.


july wrote this piece of crap on Sunday, June 03, 2007
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, June 02, 2007

3rd yr 1st sem sked



current song: wala
current mood: wala



mwf-s lang ang klase ko this coming sem.

Monday:

11:30AM-2:30PM - PSY 218 (Group Dynamics)- Kliatchko, John Manuel
6:00PM-9:00PM - MATH 604 (Statistics for Behavioral Science) - Kliatchko, John Manuel

Wednesday:

7:00AM-10:00AM- FIL 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba't-ibang Disiplina)- Ampil, Roberto
11:00AM-2:00PM- LIT 103 (Survey of World Literature I)- Macapagal, Susana
3:00PM- 6:00PM- PSY 210 (Experimental Psychology)- Ellar, Narita

Friday:

11:00AM- 2:00PM- BES 201 (Psychometrics I)- Ellar, Narita
3:00PM- 6:00PM- SPN I (Elementary Spanish)- Pleguezuelos, Fernando

Saturday:

1:00PM- 4:00PM- APP (Art Appreciation)- Soriano, Annete

---------------------

wala lang. gusto ko lang ipagmalaki na wala kaming pasok ng t th hahaha. kahit may sabado.


july wrote this piece of crap on Saturday, June 02, 2007
i'm the mobilemaniac
|

the_maniac

July

19 : also known as julius, jollers, hulyo or whatever you wish to call him : fake chinese : budding psychologist : thomasian : tends to be critical about anything : musically endowed : so damn moody : singer since birth : practical but unavoidably spendthrift : art and cat lover : occasionally alcoholic : broke on wednesdays : easy-going : sensitive animal : certified latecomer : former josephian : mobilephone addict : cyberstuff enthusiast : part-time writer : loud but silent : taken but available : comic but serious : hates school : moderately athletic : intellectually capable : no tv, no movies, no news : frustrated philosopher : food junkie : hopeless romantic : believes in destiny

new_stories

moved
rants
hahahahahahaha
hahahahahahaha
weird friday
happy 3 years
dahil tamad ako
himig tomasino 2007
selfish?
test

my_past

01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 09/01/2005 - 10/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 06/01/2006 - 07/01/2006 07/01/2006 - 08/01/2006 08/01/2006 - 09/01/2006 09/01/2006 - 10/01/2006 10/01/2006 - 11/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2007 - 03/01/2007 03/01/2007 - 04/01/2007 04/01/2007 - 05/01/2007 05/01/2007 - 06/01/2007 06/01/2007 - 07/01/2007 07/01/2007 - 08/01/2007 08/01/2007 - 09/01/2007 09/01/2007 - 10/01/2007 10/01/2007 - 11/01/2007 11/01/2007 - 12/01/2007 12/01/2007 - 01/01/2008 01/01/2008 - 02/01/2008 10/01/2008 - 11/01/2008 04/01/2009 - 05/01/2009

supah_friends

Arafol
Hazel
Helena
Jerico
Johnrey
Josemargo
Marvin
Stellar

blog_mates

Aja
Angel
Anne
Arvin
Arvin2
Audrey
Averill
Bluewinn
Chanhassen
Chinky
Coco
Dan
Daryl
Dennis
Eka
Elle
Francia
Jane
Jane2
Jeff
Jen
Jonna
Jose
Kaori
Leilani
Liza
Lora
Louise
Luisa
Martha
Missmath
Nads
Nikki
Poli
Raymond
Sherrlene
Tessa
Trinefusion
Vanessa
Weng
Wilbert
Zheloh

the_other


Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
My Photobucket
cbox

about the layout: "from the mind of a troubled teen", designed by Clone, only at BlogSkins

blog_listings









blog_code

B5 d+ t k+ s+ u- f i o++ x- e+ l+ c

the_tagboard


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com