my_story
Monday, April 30, 2007
.
july wrote this piece of crap on Monday, April 30, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Saturday, April 28, 2007
wrong
current song: wala
current mood: disappointed
medyo fan ako ng mga singing contest sa tv. kanina, nanuod ako ng finals nung pinoy pop superstar world challengers special. syempre ang jologs, nanunuod lang ako nun dahil sa galing nung mga sumasali. bet ko dun si nerissa binoya (sino?). contender na sya sa season 1 nung show, tas ngayon, bumalik ule para magtry. ever since, bilib na talaga ako dun kasi ang galing talaga, kaso nagkakataon lang na lagi nyang nakakalaban ung mas magaling sa kanya. pero kanina, matapos kong panoorin ung apat, sobrang naelibs talaga ako sa kanya. taas balahibo e haha. bihira lang mangyre yun sken, kapag nakakarinig lang ako ng talagang magaling na musika. kaso, lamang ung isang kalaban nya sa txt votes, saka lamang din sa looks. medyo maitim kasi si nerissa, saka maliit, pero di naman panget. tas ung kalaban nya, medyo matangkad, maputi, maganda. sigurado talaga akong siya yung mananalo, at nung announcement na, sila nga yung dineclare na top 2. kaso hindi sya yung nanalo. disappointed talaga ako haha. naaawa ako kasi sobrang unfair eh, kung technicalities lang ang paguusapan, eh mas magaling naman yung nerissa. siguro lamang lang sa height, looks at text votes yung isa. aw.
pag nakakapanood ako ng mga ganito, nadidisappoint lang ako. wala na talagang nakakakita ng totoong talent. mas iniisip ng mga tv shows ngayon ang pagiging marketable ng mga sumasali sa talent searches. kapag maitim ka, kahit magaling ka, hindi ka pwedeng manalo. kahit may talent ka pa hehehe. bow.
july wrote this piece of crap on Saturday, April 28, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Thursday, April 26, 2007
highblood
current song: wala
current mood: bagong ligo
kahapon, 1st time kong lumabas ule ngayong bakasyon kasama ang mga kaibigan ko. surprise bday party para sa isa naming kklaseng nakatira sa cainta, rizal province. malayo yun sa cavite. mga 2 hrs mula samin via train. haha. ang init kahapon, 12nn ako umalis dito. kasing init din ata ng panahon ung ulo ng mga tao sa paligid. nagsimula lahat sa lrt2, cubao station. ung vendo ksi dun ng train tickets, hindi ngwwork. (yung bills and coins, pero ung coins only, ok naman). eh since wala akong coins, isa ako dun sa naperwisyo nung kasiraan na yun hehe. ung mamang bading na nakapila sa harap ko, galit na galit na. nagaamok, inaaway na ung repairman dun. edi nagalit na din ung repairman, nagaway na sila. pero buti naayos din ung machine. mga 10 mins siguro. nakabili na ko ng ticket.
nung nakasakay naman ako sa escalator papunta dun sa train, may isang lalakeng tumatakbo sa likod ko. eh ako, nakatayo lang. hindi naman kasi ako nagmamadali. mga siguro nasa 50s to 70s na ung matanda. sa pagmamadali nyang abutan ung train, natulak na nya ko, pero hindi naman ako napano. hehe. hindi naabutan nung matanda ung train. nabad3p sya. lumingon sakin, sabi ba naman, "ang bagal bagal kasi eh". edi ako tumingin lang sakanya, tinitigan ko ng masama haha. pero naka shades ako nun kaya di rin halata haha. gusto ko sanang bangasin, kaso naisip ko, matanda na un, malapit nang mamatay yun (sana). kung yun ba ang ikaliligaya nya sa nalalabing oras nya, susuportahan ko na lang sya hahaha. sana mapayapa na ang damdamin nya.
nakarating ako sa robinson's metro east ng mga 2pm. ang layooo kasi haha. dun ksi kami magkikita ni helena. bago ang buhok ni helena. nagpasalon eh. wow. haha. kumain kami sa mcdo. bumili ako ng coke float at burger meal para makakuha nung card. may raffle ksi sila. ipod nano ung price, eh gusto ko nun haha. yung green. kaso nung binuksan na namen ung card, hindi kami nanalo. sayang. grr. naglibot libot kame, at nagarcade. nung nagtimezone kame, nanalo ako sa hoops, daytona at sa trivia. hahaha. piz tayo helena haha. naglaro din kami ng elvis presly pinball at ice balls haha. habang naghahanap kami ng lalaruin, nakakita kami ng lolo at lola na naglalaro ng air hockey. wow. ang kewl. inisip naming magasawa sila. or baka crush ni lolo si lola, at nagdadate sila. nakakatuwa lang makakita nung ganun hehe. ang cute eh. kahit na halatang dismayado na si lola dahil tinatambakan sya ni lolo. may stolen shot sila. kso hindi malinaw. stolen eh hehe.
nung mga bandang 4pm na, lumipat na kami ng mall. dun sa bagong edition ng sta.lucia east grand mall. ung old version nun mukhang papasabugin na. eto nanaman. nung naglalakad kame ni helena, may magasawang naglalakad, holding hands. tas parang ambilis nila maglakad. nasa likod namin sila. eh sa bilis nila, medyo nabunggo ko ung babae. pero hindi naman sadya, edi nagsorry ako. tapos nun, inovertake-an kami nung magasawa, tas nagparinig ung babae, "para kasing naglalakad sa buwan eh!" edi highblood na ko, sinagot ko, "bakit, bawal ba maglakad ng mabagal sa mall. tatanga-tanga to" (hahaha, walang paggalang eh). hindi naman kagandahan ung babae. parang lumba-lumbang gurang na pinagkaitan ng diyos ng ganda. hahaha. sana mabunggo pa sila ng madaming tao. yehey.
nagkita kita kame dun ng mga kklase kong kasabwat din sa surprise party. sila ay sina don, stella at den. ayos, lima na kame hehe. bumili kami ng balloons sa national bookstore, tas pinablow namin dun sa blow-an. haha. bastus hahaha. nung nablow na kme, (hahaha), kumain muna kme sa foodcourt kse gutom na kme. tas nun, pmunta na kame dun sa target house.
patago kaming dumating dun kase surprise nga. kinonchaba namin ung ermats ni jen. actually si dom ung mastermind neto (bf ni jen). ayun, ayos naman. nasurprise naman sya. kumain kame ng madame. pti ung pagkain tinago ng ermats nya sa garden para di makahalata haha. galeng. tas nag videoke kame sa magic sing. di ako makakanta ng ayos kasi ansama na ng pakiramdam ng ilong ko haha. para akong sisipunin. pero nung lumabas na ung mga babae, at kami na lang ni don at ted ung natira, nadamay na ko. ampf, puro matataas ung kinakanta namen haha. emo e hahaha. typecast daw eh haha. syempre dahil medyo uminom na ko nun, wala na kong pake kahit pumiyok piyok pa ko hehe. pero narealize ko, ambaba na ng boses ko. di ako emo. hahaha. dahil sa patayang kantahan kahapon, eto ako ngayon at may sore throat. basag eh haha.
umuwi kami mga 1am na. dumating ako dito 2am, salamat dun sa driver ng bus na barumbado magmaneho. oh yeah. first time ko ulet gumala after a long time. kahapon lang ulet ako nakatawa na talagang tawa. yung namumula na ko sa tawa hehe. namiss ko din yun.
---------------------------------
alam nyo ba ung commercial nung arthro. yung health supplement sh*t. wala lang, natatawa/nawiwirduhan/naiinis ako dun. yun yung nagtetestimony yung gurang na lagi na lang daw syang binubuhat nung mga kasama nya sa bahay. at hirap na hirap na daw sya. pero nung nakainom sya ng arthro, nakalakad na daw sya. at take note, paatras. kahapon ko lang napansin un. adik ung lolong yun. lakas tama hahaha.
meron akong isang gustong commercial, ung bacchus energy drink. merong isang lalake na nagttrabaho sa isang call center ata. tas nung kinakausap sya ng boss nya tungkol ata sa work, kung anu ano ung nasasabi nung boss nyang mga technical terms (hardware, software, memory, files, etc). eh prang hindi maabsorb nung lalake ung sinasabi ng boss nya. umiinom naman sya ng energy drink. tas bigla syang tumayo, tas nagsusuntok sa harap nung computer. tagline nga nung commercial, physical energy is not enough, kelangan din ng mental energy hehe. ang galing nung nakaisip nun ah.
si noynoy aquino, ang gara. mama's boy. parang kulang na lang sabihin nya sa ads nya, "iboto nyo po ako kasi sabi ng mama ko". ampf, walang sariling salita eh. muka pang bonjing hahaha. naalala ko tuloy, may bumentang Pichay green joke sken date. sabe dun. "Pangarap mo bang magka-anak? Pangarap kong tuparin ang pangarap mo. Ako po si Prospero Pichay, halina sa kwarto, itanim natin ang Pichay ko" hahahaha. (weh, sige na ambabaw ko na)
wala lang, napansin ko lang sa mga napapanood ko ngayon sa TV. ang gara nila.
july wrote this piece of crap on Thursday, April 26, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Friday, April 20, 2007
love tots daw
current song: wala
current mood: bagong gising
nabasa ko ito sa blog ni Weng
nabasa nya daw ito sa libro ni Bo Sanchez na pinamagatang HOW TO FIND TRUE LOVE
direct quotation
sinabi ni Bo na mas magiging ok at fulfilling ang teenage life kung tatahakin mo muna ang daan ng singlehood. nagbigay siya ng ilang disadvantages ng teenage romance and relationship.
una, nakapokus ka sa isang tao. hindi mo maiiwasang lagi kayong magkasama o magsasama, dahil isang panibagong commitment na naman to, kelangan na may oras kayo sa isa't-isa.
ikalawa, dahil sa may panibago ka na ngang commitment, mas mababawasan yung panahon at pagkakataon para mag-grow ka as a person. yun daw bang mababawasan yung chance mo na talagang magshine sa mga organizations, o kung saan ka man involved.
ikatlo, nakakatempt daw mag-sex. dahil nga nagiging intimate kayo ng labiduds mo, at dahil hormonal beings tayo, ayan, baka mahirapan daw magpigil. haha.
sa pagkakaintindi ko, it all boils down to this: i-nourish mo munang maigi ang sarili mo para kapag pumasok ka na sa isang commitment, mas less yung insecurity, only more room for the relationship's growth. mas marami kang maibibigay dahil kilala mo yung sarili mo. alam mo kung ano yung kaya mo at hindi mo kayang gawin.
end
may point din sya. hehe. kayo, ano sa palagay nyo?
may isshare na lang ako. kapag nasa isang relationship ka, syempre gs2 mong maging masaya yung labs mo. kung gs2 mo syang maging masaya, hindi mo gagawin yung mga bagay na ayaw nya. kaya kayo dyan, kung gs2 nyong maging masaya kayo, wag nyong gagawin yung mga bagay na ayaw ng labs nyo hahaha. (weh, walang sense)
july wrote this piece of crap on Friday, April 20, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Tuesday, April 17, 2007
music
current song: gabaq-an- ust singers
current mood: bored
habang ang ibang mga tao ay nahuhumaling sa kung anu-anong types ng modern music (i.e. alternative, reggae, emo rock, rock, jazz, bossa nova, wateber), ako naman ay nahuhumaling din sa kakaibang form ng music. iniisip ng iba na baduy ung ganitong music, pero eto yung talagang tipong naaappreciate ko, lalo na ngayong summer. hehe.
chorale music. oh yeah. ang boring para sa iba ay hindi para sa akin haha. sabi nila, intellectual daw yung mga taong nakikinig at nakakaappreciate ng ganitong music. sabi ko naman, "weh? akalain mo un?" haha. recently, dahil sa kaboringan dito sa bahay ngayong bakasyon, ako ay nagdodownload ng mga vids mula sa youtube ng iba't ibang mahuhusay na choirs dito sa philippines na kumakanta ng mga ethnic at tribal songs, mga classics at contempory songs, saka mga wirdong kanta.
pinakapaborito ko sa lahat ang ust singers. syempre, love your own ika nga haha. magaling din ang philippine madrigal singers(up madz), saringhimig singers at ang UA&P chorale. nagdownload din ako ng mga videos ng mga kalaban namin every yr sa himig tomasino (pharmacy glee club, college of science glee club). natutuwa akong pakinggan ung mga kanta nila hehe.
hindi naman sa patay na patay na ko sa pakikinig ng mga kanta nila, pero naeenjoy ko talaga hehe. nakikita ko yung art dun sa pagkanta nila, yung husay nung pagkakaarrange, ung story, ganun. ang pinakapaborito ko ngayon ay ang gabaq-an ng ust singers. isa yung ethnic/tribal song na kinompose ni ruben frederizon. parang interpretation yun ng historic philippines. kung gs2 nyong panoorin, andito yun (click here). kaso baka mawirduhan kayo sa maririnig nyo haha. pero ang galing nung pagkakakanta nila. sabi nga nung ibang mga nagcocomment, para kang sasapian pag pinapakinggan mo yun. haha. ewan ko, hindi naman ako sinapian, pero naelibs talaga ako.
anyway, so much for that. nagaaral ako ngayon ng basics ng music sa internet(notes, staff, rests, rhythm, time and key signatures, wateber) dahil wala na talaga akong magawa. ok naman, may natututunan naman ako haha. atsaka marunong na kong bumasa ng key signature ulet ngayon. nakalimutan ko na kasi ung highschool lessons ko dun eh. naiintndihan ko na din kung bakit may bass at treble clef. saka may mga bagong signs akong natutunan. hehehe. wow.
ganyan kaboring ang summer ko haha. kitams.
july wrote this piece of crap on Tuesday, April 17, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, April 15, 2007
i miss school
current song: wala
current mood: malungkot
i miss school. yung mga tao, mga prof, ang chorale, ang stress, at lahat ng mdaming bagay na nagagawa ko sa school. bigla kong namiss maging 1st yr. ansaya saya pa namin noon.. masaya padin naman yung 2nd yr, pero iba talaga ang 1st yr college. unforgettable. at ngayon, habang naiisip ko lahat ng magandang memories na nangyare saken sa skul, mas lalo lang akong nalulungkot kasi alam kong mahaba pa tong bakasyon. ang weird ko talaga. imbis na magenjoy ako ngayong bakasyon, nagmumukmok ako dito sa bahay. i feel bad. pati ibang tao naaapektuhan.
july wrote this piece of crap on Sunday, April 15, 2007
i'm the mobilemaniac
|
happy vacation?
current song: wala
current mood: wala
hindi din. lahat na ng pdeng internet-in na internet ko na. lahat na ng pwedeng panoorin napanood ko na. iba padin talaga pag may nakakahalubilo kang tao. nakakaparanoid makulong sa bahay. ang ga*o ko talaga. ewan ko. feeling ko ang loser ko ngayon.
july wrote this piece of crap on Sunday, April 15, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Tuesday, April 10, 2007
friendster
current song: kung wala ka- hale
current mood: wala. bored
ngayon lang ako ulit tumingin tingin sa mga profile ng kung sinu-sino sa friendster. wala lang. nakakatuwang makita na andaming nang ipinag-iba (word?)ng mga taong dati kong nakakasama. ayos din ung bagong comment feature. bago ba yun, o talagang hindi lang ako mahilig magayos ng friendster account ko hehe.
nagagandahan ako sa colors na black, white at brown. wala lang. parang sa lahat ng mga kulay, eto talaga yung pinakaclassic. simple saka elegante kung dadalhin o gagamitin sa tama hehe. pero syempre green padin ang favorite color ko ngayon. ewan ko kung bakit. sabi nung isa kong kaibigan, baka kasi green-minded ako. hindi naman. hahaha. bastus.
kelan ko kaya mapapalitan tong layout ng blog ko. 2 yrs ko na atang plano yun, wala pdin haha. nakakatamad kasi eh. pati ung friendster ko hindi ko inaayos haha. wala din akong multiply account, o kung ano. haha. yun kasi ung mga uso eh. eh ewan haha, hindi talaga ako maka-uso minsan hehe. pero siguro pag nakatym, gagawa din ako ng mga ganyan ganyan nyehehe.
july wrote this piece of crap on Tuesday, April 10, 2007
i'm the mobilemaniac
|
bago
current song: wala
current mood: antok
natawa ako dun sa comment ni marvin (hindi naman tawang tawa) tungkol sa blog eyeball haha. kala ko kasi dati chat, sex, at grand lang ang eyeball. ngayon meron nang blog eyeball haha. pano kaya un.
july wrote this piece of crap on Tuesday, April 10, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Monday, April 09, 2007
suddenly
current song: wala
current mood: biglaang nagbago ang mood
at dahil nga puro kasawian at kalungkutan ang mga nakaraang post ko, asahan nyong masusundan pa yan ng kung anu anong kabad3pan ngayong bakasyon. haha. sa tingin ko kasi, isa to sa mga pinakapangit na time ng taon. parang mas gusto ko pang pumasok sa skul, kahit puro pagpapagod at stress lang ang napapala ko, kesa naman ung nakakapahinga nga ako dito sa bahay, kaso wala naman akong magawa o makausap. mas bad3p yung ganun.
------------------------
actually, ayoko talagang maging "ideal" masyado yung mga salitang lumalabas sa bibig ko, o kaya naman ay sinusulat o tinatype ko. tulad kunware, pag tinanong kang "pano mo maayos ang tumutulong gripo sa kusina?" tas ang isasagot mo, "maayos natin ang tumutulong gripo sa kusina kung sama sama tayong magtutulungan upang maayos ito. magagawa natin ito kung tayo mismo sa sarili natin ang magsisimula nito! salamat po!!" ampf. ang laging pumapasok sa utak ko, "pano nga e?" minsan kasi, msyadong madaling sabihin yung isang bagay tulad nung nabanggit ko, pero pag tinanong mo na kung "pano natin gagawin yun?" wala na. blanko na. bilib ako dun sa mga tao na kapag tinanong mo, o kaya nama'y hiningan ng opinyon, praktikal o realistic ung isasagot. yung walang palabok o ka-showbizan na halo. wala lang. di ba mas ok naman pag ganun? walang kumplikasyon o wateber. yung tipong "edi isasara". period. edi hindi na tumutulo ung gripo. ampf
------------------------
isa pa sa mga napapansin ko, kunwari nakatanggap ka ng award para sa isang achievement, let's say "best dancer", pag ipinagmalaki niya yon sa ibang tao, kadalasan, mamimisinterpret nila ito as pagmamayabang. kung palagi kang magsasasayaw dyan, maari nilang isipin na isa kang pasikat. hindi man lagi, pero may mga taong makikitid ang utak, o inggitero na ganun ang naiisip. kapag hindi mo naman ipinagmalaki ung achievement mo, o kaya ayaw mong sumayaw given nga na ikaw ay isang "best dancer", tatawagin naman nila iyong false pride. or pwede ding madamot sa talent. ganun. nakakaasar lang minsan, kasi kung ikaw yung nasa sitwasyon nung taong yun, hindi mo alam kung san ka lulugar. ipagpapatuloy mo na lang ba ang iyong pagiging "falsely proud", o hahayaan mong isipin ng iba na mayabang ka dahil sa iyong "pagmamalaki"?
------------------------
isa sa mga katangiang na iniiwasan kong maging ay ang pagiging "preachy", kahit na minsan, alam kong "preachy" ako sa mga posts ko hehe. minsan kasi ang hinahanap natin, taong makakausap, or makikinig. siguro tama lang ung konting payo, pero yung tipong nangangaral na? that's an entirely different story. ewan ko. alam ko naman ung capacity ko as an individual. siguro matigas lang talaga ang ulo ko, or siguro masyado na kong naririndi sa pangaral sakin ng nanay ko na paulit ulit every week kaya talagang repulsive na ko sa pangaral at sermon. hindi naman sa minamasama ko ung payo or tulong ng iba, pero syempre, naniniwala ako na there's always a subtler way of telling things without sounding preachy. minsan kasi, prang feeling nung mga taong kinakausap mo na authority sila when it comes to certain things, eh parang nagiging offensive na yung dating nila. hindi naman ako bobito hehe. kaya ganun. sana marealize natin na hindi palaging yung opinyon natin ang tama. kung magiimpose ka man ng pinaniniwalaan mo sa iba, always say them in nicer, subtler ways :)
------------------------
walang personal na dahilan kung bakit ko sinasabi tong mga bagay na to. in general perspective lang talaga. siguro yung iba makakarelate, or yung iba tataliwas hehe. naiisip ko lang naman yang mga yan hehe. hindi naman palaging tama ang naiisip ko diba? :)
july wrote this piece of crap on Monday, April 09, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, April 08, 2007
banal-banalan
current song: tahol ng aso
current mood: bad3p
naaasar ako sa mga taong sobrang banal. sobrang banal na sa paningin nila, lahat ng tao sa paligid nila ay makasalanan. naasar din ako dun sa mga taong simba ng simba, pero hindi naman talaga nakikinig sa misa. parang mga hipokritong nagbabait-baitan para matawag silang banal ng mga nilalang sa paligid nila na nagbabanal-banalan din. tapos mangangaral pa sila sa mga taong "makasalanan" na hindi na nagsisimba, pero sa tingin ko naman ay wala din silang pinagkaiba sa mga ito, dahil hindi naman sila "talaga" nagsisimba. gets?
hindi ko pinatatamaan ang mga katoliko, katoliko pa din naman ako. pero anu pa ang silbi ng pagsisimba kung hindi ka din lang makikinig. parang kaplastikan kasi. kada linggo, sobrang daming tao ang nagsisimba, pero makikita mo. natutulog, nagdadaldalan, nagkukunwaring nakikinig, tumatambling, naghahalikan at madami pang iba. at paulit-ulit pa yoon mangyayari hanggang sa susunod na isang daang taon.
contest ba itong pagsisimba, na tipong pag nakumpleto mo ang lahat ng misa sa isang taon, papatungan ka na ng koronang kumikislap sa ulo mo na may nakasulat na "BANAL AKO!!!"
sana marealize ito ng mga taong nagpapanggap habang nagsisimba. na meron pang higit na malalim na kahulugan ang tunay na pananampalataya bukod pa sa linggu-linggong pagsisimba (kung pagsisimba ngang matatawag yun). alam kong mas gusto pa ng nasa itaas ang sinserong panalangin kaysa sa ligguhang pagpapanggap. sabi nga nung isang writer sa "The Josephian" nung 4th yr pa ako, "what we believe in is far stronger and more important than our religion." (hi kathleen de guzman hehe)
minsan tuloy nakakawalang gana.
naalala ko lang, nung dati, habang nagbabasa ako sa mga forum forum kung san san, napadpad ako sa isa kung saan pinagtatalunan nila kung sino ba ang mas magaling na choir sa pilipinas: ust singers ba o up madrigal singers (philippine madrigal singers). tas may isang nagreply na taga bukas palad ministry ata (yung sikat na choir na kumakanta ng mga kantang pansimbahan) tas sabe nya, iba daw ung line ng choir nila because they sing for God, samantalang ung 2 nabanggit ay kumakanta lang JUST FOR FAME. masyadong nagjujump agad sa conclusion. tsk. anu bang malay nya sa mga passion nung mga taong yun. at isa pa, hindi lang naman ang pagkanta sa simbahan ang paraan para maglorify si God. pwede naman yung daanin sa ibang paraan, at basta ginagamit mo ung talent mo para sa mabuti, at hindi para sa sarili lang, syempre matutuwa na din si God nun. may outreach programs din naman ung mga grupong yun ah, sinong nagsabing para sa sarili lang nila yung ginagawa nila?
syempre apektado ako kasi kumakanta din ako sa chorale na hindi lang sa simbahan kumakanta, pero anong karapatan ng mga taong yun humusga? dahil ba sa banal sila, or what?
ewan. hehe.
PS
sa mga makakabasa nito, sana walang pumalag muna please. kanya kanya naman tayo ng take sa bagay na ito. sana irespeto nyo ung nakikita ko. mata ko naman to eh hehe.
july wrote this piece of crap on Sunday, April 08, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Thursday, April 05, 2007
holy beach madness
current song: especially for you- mymp
current mood: bagong gising
holy thursday na. oh cmon. at hanggang ngayon, hindi ko pa din maisip kung bakit sa panahong ito pinipili ng ibang tao mag out-of-town (magbeach, or whatever) at magpakasaya. naalala ko tuloy, kahapon, habang nanonood ako ng news. may mga flash report, tas parang iniinterview ung isang celebrity (itago na lang natin sya sa pangalang claudine baretto), tas tinatanong siya kung ano ba ang kanyang holy week getaway. ang sagot nya, usually daw kasi pag holy week, kasama lang daw nya ung family nya, last yr daw, nag boracay sila. tinatake nya daw tong time na to as 'family time' since everyday naman daw ay nagbabasa sya ng bible (which i doubt), etc. wala lang. napapansin ko kasi na sa mga ganitong panahon, usong uso sa mga celebrity ung mag beach, or kahit hindi sa celebrity, kahit sa mga ordinaryong tao na din.
at dahil nga medyo banal-banalan ang mga magulang ko, bata pa lang ako, alam kong dapat talaga ay 'holy' ang holy week. never ko pang nagawa yung magpakasaya o magliwaliw pag holy week kasi bawal. talagang tahimik lang sa paligid, paminsan-minsan nga ay gloomy pa (tulad ngayon), at talagang mapapaisip ka tungkol sa maraming bagay. hindi ko pa din alam kung 'mali' ba yung ginagawa nung mga taong nagpapakasaya ngayong holy week, pero from a catholic's point of view, it's way too hedonistic. well, siguro nga it's about a matter of respect. anyway, faith is relative. hehe. goodluck sa lahat. pakabait tayo ngayong holy week. oh yeah.
july wrote this piece of crap on Thursday, April 05, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Wednesday, April 04, 2007
clearance day
current song: prinsesa- teeth
current mood: bagong gising
clearance day kahapon. ang init haha. define hot. lolx
july wrote this piece of crap on Wednesday, April 04, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, April 01, 2007
the problem
current song: wala
current mood: annoyed? haha
the problem with some people is that they think so highly of themselves, when in fact, they don't have anything to brag about. and ms., please do something about your disastrous grammar. it's becoming very disturbing, really. alam mo yung ENGLISH 101??
kung may time ka naman, please see a doctor. people are actually beginning to doubt your sanity. para kang abnormal na teletubbies. argh.
july wrote this piece of crap on Sunday, April 01, 2007
i'm the mobilemaniac
|