my_story
Saturday, March 24, 2007
wednesday-saturday adventures
current song: wala
current mood: pagod
mahabang post ito. goodluck haha.
ok. tapos na ang finals namen sa wakas. oh yeah! actually, nung wednesday pa natapos, pero ngayon ko lang nablog kasi ryt after nung exams namen, dumeretso kami agad sa loreland farm resort sa antipolo para magswimming at magsaya. oh yeah talaga.
hindi masaya ang final exams. lalo na kapag hindi ka nakapagaral. syempre medyo disappointed ako sa mga naging consequence ng katamaran kong magaral, pero wala na, tapos na un e hehe. may next sem pa naman para bumawi :) 3rd yr na kame. hindi na kame 2BES2, 3BES2 na kame. grabe, para kelan lang nagttype ako dito ng first day entry ko, pero ngayon, wow. magt-3rd yr na ko. ansarap pa naman maging college. nako. pwedeng magrepeat? nye.
ayun, nagpunta nga kame sa loreland farm resort. 7pm kami nagcheck-in, kinagabihan nung wednesday. at nagovernyt. oh yeah. night swimming ang saya. may beach volleyball pa. malamig ung tubig. naginuman sila, tas ako shot-shot lang kase.. basta. hehe. nako. aminan portion ata ang outing na yun. sobrang memorable hehe. sa wakas. oh yeah haha. masaya naman. may bago na ngang bansag saken eh. naughty boy daw hahaha. secret na lang kung bakit :) ansarap talaga magswimming tapos mag exam. sayang nga lang at konti lang kame kase ung iba ayaw sumama. aw. ansarap talaga magswimming nyehehe. pati dun sa pambatang slide, ansakit eh. basta masaya ung outing hehe. next wk ule sana meron hehehe.
nako. dapat mag mmrt ako pauwi, pero nung pabili na ko nung ticket, biglang may nagannounce na sira daw yung train to taft avenue. eh ayoko naman magantay magawa un kaya bumaba na lang ako at nag-bus to pasay. syempre traffic, pero go lang hehe. may nakakatawang nangyari dun.
may isang matandang babae, naka green na damet at puting skirt. tas may hawak syang red na plastic na naglalaman ng mga damit nya. akap akap nya un. nakaupo sya dun sa opposite side ng bus kung san ako nakaupo. tas nung nasa ortigas na kame, bigla syang nagtanong sken.
hindi exact dialogue itow
matanda: baclaran na ba to?
july: hindi pa po, ortigas pa lang po.
matanda: malayo pa ba tayo?
july: opo (naks ang galang haha)
matanda: sa baclaran ka din ba bababa?
july: opo (ampf wala na ibang sagot eh
matanda: tapos? san ka na sasakay?
july: papuntang cavite po
matanda: talaga? san ka sa cavite?
july: bacoor po
matanda: san sa bacoor? cavite din ako nakatira eh dun sa an-gelus (hindi eynjelus ung pronunciation nya, "an"jelus hehe)
july: ah, malapit lang po ako dun. sa camella lang po ako
matanda: sabay na tayo
july: (waaa, no choice grr) ahh
tas medyo nahinto ung conversation... maya maya
matanda: san ka nagttrabaho?
july: ay, hindi pa po ako nagttrabaho, nagaaral pa po ako
matanda: ah, san ka nagaaral?
july: ust po
matanda: ust...? san yun?
july: ah.. sa espana po, espana manila
matanda: ahh sa FEATI University?
july: hindi po, sa UST po
matanda: yung pamankin ko kasi sa ADAMSUN nagaaral
july: ahh (pilit na ngiti)
tas medyo nahinto nanaman ung conversation... maya maya hehe
matanda: iba pala talaga dito sa maynila, galing kasi ako sa diliman, namamasukan ako sa isang bahay dun sa dorm
july: ahh (ayaw na kitang kausapin grr)
matanda: yung amo ko kasi nagabroad na. naku! dati nung nandito yun, ang linis linis lagi ng bahay nila. pero ngayon, napabayaan na. yung mga anak kasi nagkanya kanya na
july: no reaction
matanda: dati kasi ung amo ko, bumibili lagi ng cleanser (klinsir) at muriatic acid kaya yung kubeta palaging malinis. ngayon ung mga anak nya kanya kanyang bili na lang ng sabon. kaya napayaan na
july: ahh
matanda: naglalawndry din ako sa may UP tas dinideliver ko sa mga bahay bahay. nakakatuwa nga kasi meron akong kaibigan dung driver ng tricycle! at dun na lang ako nagpapabili ng kilo-kilong baboy pag inuutusan akong mamalenke! hindi alam ng amo ko iyon (tawa here)
july: ahhh
at kinwento nya pa yung trabaho nya. naputol ule ang usapan, hanggang sa
matanda: may asawa ka na?
july: naku, wala pa po, nagaaral pa lang nga po ako (grr muka na ba kong may asawa??)
matanda: ahh, may kapatid kang babae?
july: wala po eh. dalawa lang po kami, dalawang lalake
matanda: naku iba padin ung piling nang may kapatid kang babae, bakit hindi na naganak ang nanay mo?
july: ahehehe, hindi ko po alam eh
matanda: baka naman may kapatid ka sa labas?
july: nako, wala po!
matanda: baka meron, hindi mo lang alam. kapag dumating ka na sa wastong gulang, malalaman mo din siguro yun.
july: (irritated) wala nga po, desente naman ang mga magulang ko
matanda: ay oo (grrr, anong sagot yan?)
cut off ule
matanda: bute hindi ka nahuhumaling sa mga babae sa FEATI
july: (amputek, taga UST ako!) hindi po
matanda: sabi kasi nila sa likod daw ng FEATI may mga studyanteng nagbebenta ng panandaliang aliw!
july: (watafuck naman o) ay hndi po
matanda: pati dun sa women's university, alam mo ba un? may mga babae daw talagang may dorm na tas dun na lang daw magbebenta.. panandaliang aliw!
july: ahh (naknamputs naman o, nababad3p na ko haha)
nasa ayala na kame neto. bute na lang at maraming sumakay at napuno ung bus. at hindi na kame magkausap kasi may bago na syang seatmate na office girl ata, at yun naman ang kinausap nya. hahaha.
nung nasa baclaran na ko, dali dali akong bumaba saka lumakad ng mabilis kasi baka maabutan pa ko, tas sumakay na ko. nako ayako na makasabay yun at baka maabutan pa ko ng mga bedtime stories nya. walangya haha.
ayun nga. paguwi, bagsak agad ako. pagod na pagod eh. wala akong tulog sa antipolo. nako. hehehe.
pumunta ako sa USTe kahpon ng umaga (friday) para kunin ang gamit ko sa locker, at magrehearse sa chorale. last day nanaming magkakasama ni helena for this sem kaya kung san san kame napadpad hehe. ice monster, ust hospital, museum, etc. nung nsa museum kame, bigla kong narinig ang ust singers kaya nanuod muna kame ng rehearsal nila. wow ang galing nila hehe.
tas mamaya, nung wala na kame magawa, bumalik ulet kame dun kasi malamig. eh nakaformal na yung mga tao dun, tas dapat aalis na kame, kaso tinawag kame nung babaeng usher, tas tinanong kung manonood daw ba kami ng recital. ayun. tinanong ko kung kanino, yun pala kay "karen stephanie arriola". sino sya? ewan ko den hehe. eh since naiipit na kame sa sitwasyon, napapasok kame sa museum ng di oras at naging instant audience. ampf. walang palag e haha. mga isang oras din kame nanood sa kanyang kumanta ng mga kantang wirdo. grabe haha. pero magaling naman sya eh hehe. tas grabe, di pa pala dun nagtatapos kasi meron pang kasunod na magrerecital. yun pala si kuya neland (isang pianist na tumugtog smen dti nung concert namen last yr). kaya nanood na den kme. ayos lang, free concert naman. pero nakakaantok hehe.
tas nagrehearse na ko. kinakanta namen ang "the lord's prayer" na nakakaantok dahil sa bagal, pero ok lang naman hehe. nung tapos na, kumain kame ni stella tas nagtxt yung iba nameng kklase na nasa tambayan daw sila. wow. surprise naman. nanood kame nung baccalaureate mass. wow ngayon ko lang nalaman spelling nun. nakakaiyak ung mass nila, parang naisip ko, pano kaya pag ggraduate na kame. parang ayoko na grumaduate haha.
tas umuwi na ko. antrafic. friday is not a good day hehehe.
kaninang umaga, maaga akong gumising dahil pupunta kame ng mga kaibigan ko sa chorale sa boni, mandaluyong PLDT Branch para magsubmit ng aming resume. akalain mong nadamay nila ako sa kanilang summer job hunting adventure kanina. nagedit edit pa kame ng resume sa computer shop at nagkopyahan ng mga ilalagay hehe. tas nung nakapagpasa na kame, pumunta naman kami sa megamall dahil may job fair din dun. nung andun na kame, ang haba ng pila, kaya nagkatamaran na, at umuwi na lang kame. kasama ko nga pala si nikki lauron, si stella rusel at si ruby at ung isang kaibigan nya hehe. ok naman. mahirap pala talagang maghanap ng trabaho.
habang naglalakad kame sa megamall, may isang babaeng lumapet smen na matanda, tas bigla kaming inalok ng call center job. convergys daw. eh kala nya ata graduates na kme hehe. d daw pde ang part time eh. sayang naman.
hindi ako nageexpect na matatanggap ako sa call center job sa PLDT. eh ang barok ko kaya magenglish. goodluck haha. pero kung matanggap, edi swerte hehe. good paying naman ang PLDT, at syempre, gusto ko ng pera para sa buhay ng asawa at mga anak ko hehe. tatay ampf.
yun lang. haba ng post ko.
july wrote this piece of crap on Saturday, March 24, 2007
i'm the mobilemaniac
|