my_story
Thursday, February 15, 2007
valengtimes day
current song: wala
current mood: bagong gising. masaya
feb 13. 07
napagusapan namin ni pareng dicky na valengtimes day na kinabukasan kaya kelangan na mag plano ng mga BES boys ng surprise para sa mga BES girls. nagpasa pasahan kame ng papel habang theology time para pagplanuhan ung gagawin. at tapos nun, nangolekta na ko ng pera para smeng plano. eh kaso, may isang bulilit na BES girl na matalas ang mata at nhalata ata nya na may plano na kame kaya patago din silang nagmiting ng mga BES girls sa labas ng room habang naniningil kme. nung lumabas na ko, patago palang ininspection ni denden ang notebook ko kung san ko inipit ung papel na pinagpasa-pasahan namen kninang mga boys. hala. tas maya maya, may nangongolekta na din ng pera. walangya, buking na kame. grr. inaasar ko pa sila na pakielamera kaso ang defense nila, hindi daw yun pangingielam, "girl power" pala ang tawag dun. ha?? un pala ang power ng mga babae? 0_o
kinagabihan, isa ako sa mga dudes na sumugod sa dangwa terminal noong tuesday night para magpagawa/bumili ng bulaklak para sa valengtimes day. magisa nga lang ako kase nauna na ung iba kong mga katropa. grabe. kahit 9:30pm na ko pumunta dun dahil may rehearsal/class pa ko, eh sobrang dami padin ng tao dun. siguro out of 20 guys, isa lang ang babae. haha. well, sweet siguro kse talaga ang mga lalake kaya gusto naming masaya ang mga girls pag valengtimes day hehe. wow. nakakatakot lang dahil may abs cbn na nagvvideo at baka mamaya makita pa ko sa TV haha. ayko nun.
feb 14. 07
eto na. maaga ako gumising dahil may game ang BES volleyball team laban sa legal management nng 8am. wow. eh medyo dumating naman ako on time, kaso nung dumeretso kame dun sa lugar, mga tipong 930am na eh wala paden ung kalaban kaya default na sila at kme ang nanalo. walangya, sayang effort magdala ng gamet. grr. kasama namen si cristina (isang BES girl) tas nung pabalik na kme sa building namen, parang pinipigilan nya na kame haha. yun pala, nasa classrum na yung mga girls at hinahanda yung surprise pra smen haha. wow. buking nanaman haha. may inassign ata silang mga tao para iligaw ung mga lalake nung umaga na yun. wow. planado ah. pumunta na lang kme ni pareng dicky sa dapitan square para kumain at pagkatapos ay sa dangwa para kunin yung pinagawa kong boquet. wow. kaso, pgdting namen dun, hindi pa pala ginagawa. grrr. panira talaga ng araw yun. hindi 2loy ako nakapasok sa 1st subject dahil lang dun. at syempre, hindi din maganda ung gawa kasi minadali grr. bwiset. ayun. bago mag2nd subject haha. basta.
tas sa kalagitnaan ng klase, sinurprise na namen ung mga BES girls. nangharana si arden at kme ung taga bigay ng chocolate hehe. ayos naman. after 1 subject, kme naman ung sinurprise. binigyan kme ng bulaklak at isang malaking card na naglalaman ng love msgs ng buong BES girls. wow. nakakatouch.
bes boys
at hindi pa natatapos ang surprise dahil tapos ng klase, may surprise date pa. wow haha. 1st date? hahaha. basta. ang sweet eh nyehehe.
nung uwian na, niyaya kme nila den2 pumunta kila dicky sa santolan dahil may handa daw. anniv nung parents nya. syempre kahit antipolo na halos un, pumunta pden ako, valengtimes eh. wow. mga 7pm na halos kame dumating dun kasama sila don, stella, den2 at ian pati si helena. tas kumain kme ng masarap na pagkain tas tumambay sa gilid ng riverbanks kung saan masarap magsenti. ang romantic nung lugar kase madilim at mahangin. mga bandang 10pm, sarado na ang lrt pero nanunuod pden kame ng tv kila dicky, at mga bago mag 11pm, umuwi na kme. hardcore commute. edsa mula cubao hanggang cavite haha.
feb 15. 07
habang nsa bus ako pauwi, nagbubura ako ng msgs sa telepono kase full na halos ung inbox. at syempre dahil mageexpire na ung unlimited ko, nagconvert ako ng regload. kaso nung pagkatxt sken nung PIN, nabura ko yung txt! grrr, sayang yung 50 bucks ko. 50 bucks din un ah. mga 12:30mn na ko nakauwi sa bahay tas nagcheck lang ng email at na2log na. wow. masaya talaga ang valengtimes day na to. memorable. sino bang hindi matutuwa pag napaiyak mo yung taong special sayo dahil sa kasweetan mo. aw. happy valengtimes day sa lahat :D
july wrote this piece of crap on Thursday, February 15, 2007
i'm the mobilemaniac
|