my_story
Friday, March 30, 2007
ironic
current song: wala
current mood: bagong gising
eto ang isa sa mga pinakaironic na bagay sa buhay ng tao. bakit pag may pasok pa sa skul, gs2ng gs2 na natin magbakasyon dahil sa stress saka sa dami ng pinapagawa ng mga bulsh*t professors. pero pag bakasyon na, wala pang 2 weeks, gs2 na natin pumasok dahil sobrang nakakatamad na. eto pa. bakit habang nagaaral tayo, gs2ng gs2 na nating grumaduate at kumita ng pera, pero pag nakagraduate na tayo, gs2 na naman nating magaral kasi nakakamiss din ang magaral. ang ironic nu hehe.
boring. wala pa kong nagagawang desente ngayong bakasyon. tapos ng outing sa loreland at ng soprise nung bday ni dicky, nagpapakabulok na lang ako dito sa bahay at kumakain ng halohalo at turon habang nanunuod ng movies. ang mga napanood ko recently ay: must love dogs, john tucker must die saka wicker park. nakakatuwa ung wicker park, hehe. tas nakakatawa naman ung john tucker must die haha. tungkol kasi un sa isang playboy guy na ginantihan ng mga ex nyang bumuo ng isang team hehe. ang kulet eh. yun lang. magrerent pa siguro ako bukas. pagkatapos ko magpagupet hehe. magpapagupet na ko ng buhok. ang haba na e hahaha.
o yun lang. sana april na, para makapagsimula na ko dun sa mga gs2 ko talagang gawin (magaral magdrive). hehe
july wrote this piece of crap on Friday, March 30, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Thursday, March 29, 2007
the verdict
current song: wala
current mood: tulala
god. salamat. for giving me another chance to prove myself. i know i deserve this because i worked hard for this. thank you for another blessing.
july wrote this piece of crap on Thursday, March 29, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Tuesday, March 27, 2007
bday ni dicky
current song: how can i fall- breathe?
current mood: tired
kanina pumunta ako sa norte para iSoprays ang aming katropang si dicky. kasama ko si don at jerico. pero ksama din ang ibang girls na sila helena, meg, ian, bab, stella at den na may sarili ding soprays. ok naman hehe. nasoprays naman sya hehe. kahit simple lang ang aming mga regalo. isang bote ng vodka cruiser haha. yan ang official regalo sa tropa namen ngayong taon eh. last yr kasi boxers. ngayon naman, alak na nagrerepresent sa ugali nung taong reregaluhan. hehe. kung bakit vodka cruiser na raspberry flavor ang regalo namin kay dicky ay secret na lang hehe. kay jerico naman na nagbday nung march 9, isang fancy na heineken beer ang aking binili haha. fancy na un, hindi pa nga ako nakakatikim nun eh hehe. anyway. kumain kme ng masarap na pagkain, nagpicturan at nagkwentuhan. masaya naman.
sa mga panahong ganito, mas gusto ko pa talaga na may pasok. nakakatamad kasi at nakakalungkot kapag hindi kasama ang mga kaibigan. pati ang mga minamahal na katropa at babae. hehehe. sayang wala si dennis knina. hindi kumpleto tuloy. pero at least nagkasama kami ni ano. masaya din un. nakakamiss din kasi. sana sa norte na lang din ako nakatira. nung umuwi kasi ako, ang hassle haha. anlayo kasi ng cavite sa pasig/antipolo/qc/cainta diba? eh andun pa naman ang mga friends ko hehe. kahit madilim dun, minsan tuloy naiiinggit ako sa kanila hehe.
sinisipon nanaman ako. hindi masaya. kakaibang sipon. sobrang dry ng lalamunan. grrr. sana mawala na to asap pls.
july wrote this piece of crap on Tuesday, March 27, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Monday, March 26, 2007
price of love
current song: wala
current mood: bagong gising
nakuha ko sa email. ok naman.
-------------------------------------------
A farmer had some puppies he needed to sell. He painted a sign advertising the 4 pups and set about nailing it to a post on the edge of his yard. As he was driving the last nail into the post, he felt a tug on his overalls. He looked down into the eyes of a little boy.
"Mister," he said, "I want to buy one of your
puppies."
"Well," said the farmer, as he rubbed the sweat off the back of his neck, "These puppies come from fine parents and cost a good deal of money."
The boy dropped his head for a moment Then reaching deep into his pocket, he pulled out a handful of change and held it up to the farmer.
"I've got thirty-nine cents. Is that enough to take a look?"
"Sure," said the farmer. And with that he let out a whistle.
"Here, Dolly!" he called. Out from the doghouse and down the ramp ran Dolly, followed by four little balls of fur.
The little boy pressed his face against the chain link fence. His eyes danced with delight.
As the dogs made their way to the fence, the little boy noticed something else stirring inside the doghouse. Slowly another little ball appeared, this one noticeably smaller. Down the ramp it slid. Then in a somewhat awkward manner, the little pup began hobbling toward the others, doing its best to catch up...
"I want that one," the little boy said, pointing to the runt. The farmer knelt down at the boy's side and said, "Son, you don't want that puppy He will never be able to run and play with you like these other dogs would."
With that the little boy stepped back from the fence, reached down, and began rolling up one leg of his trousers.
In doing so he revealed a steel brace running down both sides of his leg attaching itself to a specially made shoe.
Looking back up at the farmer, he said, "You see sir, I don't run too well myself, and he will need someone who understands."
With tears in his eyes, the farmer reached down and picked up the little pup.
Holding it carefully, he handed it to the little boy.
"How much?" asked the little boy.
"No charge,"answered the farmer, "there's no charge for love."
-------------------------------------------
The world is full of people who need someone who understands.
july wrote this piece of crap on Monday, March 26, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Saturday, March 24, 2007
wednesday-saturday adventures
current song: wala
current mood: pagod
mahabang post ito. goodluck haha.
ok. tapos na ang finals namen sa wakas. oh yeah! actually, nung wednesday pa natapos, pero ngayon ko lang nablog kasi ryt after nung exams namen, dumeretso kami agad sa loreland farm resort sa antipolo para magswimming at magsaya. oh yeah talaga.
hindi masaya ang final exams. lalo na kapag hindi ka nakapagaral. syempre medyo disappointed ako sa mga naging consequence ng katamaran kong magaral, pero wala na, tapos na un e hehe. may next sem pa naman para bumawi :) 3rd yr na kame. hindi na kame 2BES2, 3BES2 na kame. grabe, para kelan lang nagttype ako dito ng first day entry ko, pero ngayon, wow. magt-3rd yr na ko. ansarap pa naman maging college. nako. pwedeng magrepeat? nye.
ayun, nagpunta nga kame sa loreland farm resort. 7pm kami nagcheck-in, kinagabihan nung wednesday. at nagovernyt. oh yeah. night swimming ang saya. may beach volleyball pa. malamig ung tubig. naginuman sila, tas ako shot-shot lang kase.. basta. hehe. nako. aminan portion ata ang outing na yun. sobrang memorable hehe. sa wakas. oh yeah haha. masaya naman. may bago na ngang bansag saken eh. naughty boy daw hahaha. secret na lang kung bakit :) ansarap talaga magswimming tapos mag exam. sayang nga lang at konti lang kame kase ung iba ayaw sumama. aw. ansarap talaga magswimming nyehehe. pati dun sa pambatang slide, ansakit eh. basta masaya ung outing hehe. next wk ule sana meron hehehe.
nako. dapat mag mmrt ako pauwi, pero nung pabili na ko nung ticket, biglang may nagannounce na sira daw yung train to taft avenue. eh ayoko naman magantay magawa un kaya bumaba na lang ako at nag-bus to pasay. syempre traffic, pero go lang hehe. may nakakatawang nangyari dun.
may isang matandang babae, naka green na damet at puting skirt. tas may hawak syang red na plastic na naglalaman ng mga damit nya. akap akap nya un. nakaupo sya dun sa opposite side ng bus kung san ako nakaupo. tas nung nasa ortigas na kame, bigla syang nagtanong sken.
hindi exact dialogue itow
matanda: baclaran na ba to?
july: hindi pa po, ortigas pa lang po.
matanda: malayo pa ba tayo?
july: opo (naks ang galang haha)
matanda: sa baclaran ka din ba bababa?
july: opo (ampf wala na ibang sagot eh
matanda: tapos? san ka na sasakay?
july: papuntang cavite po
matanda: talaga? san ka sa cavite?
july: bacoor po
matanda: san sa bacoor? cavite din ako nakatira eh dun sa an-gelus (hindi eynjelus ung pronunciation nya, "an"jelus hehe)
july: ah, malapit lang po ako dun. sa camella lang po ako
matanda: sabay na tayo
july: (waaa, no choice grr) ahh
tas medyo nahinto ung conversation... maya maya
matanda: san ka nagttrabaho?
july: ay, hindi pa po ako nagttrabaho, nagaaral pa po ako
matanda: ah, san ka nagaaral?
july: ust po
matanda: ust...? san yun?
july: ah.. sa espana po, espana manila
matanda: ahh sa FEATI University?
july: hindi po, sa UST po
matanda: yung pamankin ko kasi sa ADAMSUN nagaaral
july: ahh (pilit na ngiti)
tas medyo nahinto nanaman ung conversation... maya maya hehe
matanda: iba pala talaga dito sa maynila, galing kasi ako sa diliman, namamasukan ako sa isang bahay dun sa dorm
july: ahh (ayaw na kitang kausapin grr)
matanda: yung amo ko kasi nagabroad na. naku! dati nung nandito yun, ang linis linis lagi ng bahay nila. pero ngayon, napabayaan na. yung mga anak kasi nagkanya kanya na
july: no reaction
matanda: dati kasi ung amo ko, bumibili lagi ng cleanser (klinsir) at muriatic acid kaya yung kubeta palaging malinis. ngayon ung mga anak nya kanya kanyang bili na lang ng sabon. kaya napayaan na
july: ahh
matanda: naglalawndry din ako sa may UP tas dinideliver ko sa mga bahay bahay. nakakatuwa nga kasi meron akong kaibigan dung driver ng tricycle! at dun na lang ako nagpapabili ng kilo-kilong baboy pag inuutusan akong mamalenke! hindi alam ng amo ko iyon (tawa here)
july: ahhh
at kinwento nya pa yung trabaho nya. naputol ule ang usapan, hanggang sa
matanda: may asawa ka na?
july: naku, wala pa po, nagaaral pa lang nga po ako (grr muka na ba kong may asawa??)
matanda: ahh, may kapatid kang babae?
july: wala po eh. dalawa lang po kami, dalawang lalake
matanda: naku iba padin ung piling nang may kapatid kang babae, bakit hindi na naganak ang nanay mo?
july: ahehehe, hindi ko po alam eh
matanda: baka naman may kapatid ka sa labas?
july: nako, wala po!
matanda: baka meron, hindi mo lang alam. kapag dumating ka na sa wastong gulang, malalaman mo din siguro yun.
july: (irritated) wala nga po, desente naman ang mga magulang ko
matanda: ay oo (grrr, anong sagot yan?)
cut off ule
matanda: bute hindi ka nahuhumaling sa mga babae sa FEATI
july: (amputek, taga UST ako!) hindi po
matanda: sabi kasi nila sa likod daw ng FEATI may mga studyanteng nagbebenta ng panandaliang aliw!
july: (watafuck naman o) ay hndi po
matanda: pati dun sa women's university, alam mo ba un? may mga babae daw talagang may dorm na tas dun na lang daw magbebenta.. panandaliang aliw!
july: ahh (naknamputs naman o, nababad3p na ko haha)
nasa ayala na kame neto. bute na lang at maraming sumakay at napuno ung bus. at hindi na kame magkausap kasi may bago na syang seatmate na office girl ata, at yun naman ang kinausap nya. hahaha.
nung nasa baclaran na ko, dali dali akong bumaba saka lumakad ng mabilis kasi baka maabutan pa ko, tas sumakay na ko. nako ayako na makasabay yun at baka maabutan pa ko ng mga bedtime stories nya. walangya haha.
ayun nga. paguwi, bagsak agad ako. pagod na pagod eh. wala akong tulog sa antipolo. nako. hehehe.
pumunta ako sa USTe kahpon ng umaga (friday) para kunin ang gamit ko sa locker, at magrehearse sa chorale. last day nanaming magkakasama ni helena for this sem kaya kung san san kame napadpad hehe. ice monster, ust hospital, museum, etc. nung nsa museum kame, bigla kong narinig ang ust singers kaya nanuod muna kame ng rehearsal nila. wow ang galing nila hehe.
tas mamaya, nung wala na kame magawa, bumalik ulet kame dun kasi malamig. eh nakaformal na yung mga tao dun, tas dapat aalis na kame, kaso tinawag kame nung babaeng usher, tas tinanong kung manonood daw ba kami ng recital. ayun. tinanong ko kung kanino, yun pala kay "karen stephanie arriola". sino sya? ewan ko den hehe. eh since naiipit na kame sa sitwasyon, napapasok kame sa museum ng di oras at naging instant audience. ampf. walang palag e haha. mga isang oras din kame nanood sa kanyang kumanta ng mga kantang wirdo. grabe haha. pero magaling naman sya eh hehe. tas grabe, di pa pala dun nagtatapos kasi meron pang kasunod na magrerecital. yun pala si kuya neland (isang pianist na tumugtog smen dti nung concert namen last yr). kaya nanood na den kme. ayos lang, free concert naman. pero nakakaantok hehe.
tas nagrehearse na ko. kinakanta namen ang "the lord's prayer" na nakakaantok dahil sa bagal, pero ok lang naman hehe. nung tapos na, kumain kame ni stella tas nagtxt yung iba nameng kklase na nasa tambayan daw sila. wow. surprise naman. nanood kame nung baccalaureate mass. wow ngayon ko lang nalaman spelling nun. nakakaiyak ung mass nila, parang naisip ko, pano kaya pag ggraduate na kame. parang ayoko na grumaduate haha.
tas umuwi na ko. antrafic. friday is not a good day hehehe.
kaninang umaga, maaga akong gumising dahil pupunta kame ng mga kaibigan ko sa chorale sa boni, mandaluyong PLDT Branch para magsubmit ng aming resume. akalain mong nadamay nila ako sa kanilang summer job hunting adventure kanina. nagedit edit pa kame ng resume sa computer shop at nagkopyahan ng mga ilalagay hehe. tas nung nakapagpasa na kame, pumunta naman kami sa megamall dahil may job fair din dun. nung andun na kame, ang haba ng pila, kaya nagkatamaran na, at umuwi na lang kame. kasama ko nga pala si nikki lauron, si stella rusel at si ruby at ung isang kaibigan nya hehe. ok naman. mahirap pala talagang maghanap ng trabaho.
habang naglalakad kame sa megamall, may isang babaeng lumapet smen na matanda, tas bigla kaming inalok ng call center job. convergys daw. eh kala nya ata graduates na kme hehe. d daw pde ang part time eh. sayang naman.
hindi ako nageexpect na matatanggap ako sa call center job sa PLDT. eh ang barok ko kaya magenglish. goodluck haha. pero kung matanggap, edi swerte hehe. good paying naman ang PLDT, at syempre, gusto ko ng pera para sa buhay ng asawa at mga anak ko hehe. tatay ampf.
yun lang. haba ng post ko.
july wrote this piece of crap on Saturday, March 24, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, March 18, 2007
disappointed
current song: wala
current mood: bad3p
exam wk na simula bukas. 5 lang ang test, ung tatlo kasing subject, walang final exams. 9:15pm na ngayon at wala pa kong napapagaralan na kahit ano. nababad3p ako. makalat kasi yung kwarto. nilinis ko. hindi padin maayos. naiinitan ako. hindi pa kasi ako naliligo. yung kapatid ko lumabas, iniwan yung cellphone. tawag ng tawag si mama kasi ayaw nyang lumabas ung kapatid ko kasi finals week din nun. gusto ko na silaban yung cellphone neto para wala nang maingay. ang kulet kasi eh. si mama ang gulo gulo. nababad3p na ko. kaninang umaga pa to eh. ayoko magaral para sa finals. yung kapatid ko naman labas ng labas. puro barkada inaatupag. si papa tulog na. palibhasa wala syang kwenta. nababad3p talaga ako. grrr. something's wrong with this day. si mama ang ingay. nakakairita talaga. finals ko na bukas, wala pa kong napapagaralan. mababawasan kaya ang bad3pness ko pag natulog na silang lahat?
july wrote this piece of crap on Sunday, March 18, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Saturday, March 17, 2007
after 1 year
current song: take on me- ab chorale
current mood: ok lang. naiinitan?
halos magiisang buwan na since my last post ah hehe. nakakapressure kase parang required ako dito magkwento ng mga bagay bagay na nangyare since then, pero wala naman talaga akong makkwentong maganda. boring lang.
hell sem. yan ang tawag ko sa 2nd sem ng 2nd yr college life ko. lahat ng malulupit na prof napunta samen. hindi naman sila physical o kaya masungit kaya naging malupit, pero pag pinagsama sama sila. nagiging malupit sila. sabi nga ng isa kong kaibigan, hindi naman talaga mahirap yung mga pinapagawa samen. sabay sabay lang talaga. para bang tipong nagusap usap sila sa faculty room tapos ang napagusapan nila eh, "o guys, anong plano naten para pahirapan ang 2BES2 ngayon?"
grabe. dalawang major panel discussion na nakacorporate attire sa english at filipino, isang madugong report sa computer tungkol sa ULEAD Video Studio 10.0, nakaka internal hemorrhage na recitation sa biology, isang statistics teacher na hindi nagtuturo, isang manyak na theology professor na feeling gwapo pero kamuka naman ni willie revillame worse edition, isang bading na history professor na kung magpatest ay 8 chapters, 200 pages pero 10 items lang ang itatanong. yan, sila ang 7 minor subjects ko ngayong sem. at talagang pinahirapan nila ang section namen. kung sino pa ang minor, tsk2. buti pa yung major subj prof namen walang arte sa buhay. puro group work kase. so mahirap kasi hindi mo alam kung pano hahatiin ung oras mo. tipong, monday, group sa computer ang magmmeet, wednesday, filipino naman at friday, english. ganun. syempre mga kklase ko lang ang nakakarelate dito, pero salamat padin kasi natapos na ang halos 3 weeks ng pagpapahirap. ang sarap ng feeling after kahapon (friday). natatawa lang ako kasi nung last final exam namen sa theology, habang nagttest kame, lumabas ung prof haha. natawa na lang kame lahat tas may mga bibong kklase na nagvolunteer iannounce ung answers sa harap. so panalo na. whoo!
tumambay kame kahapon, saka uminom. isang bagay na hindi ko nagawa for almost 2 months. good boy na ko eh. woeh hehe. kahapon ko lang ata ule nakasama yung mga tropa ko. ok naman. nakakarelax. masaya yung inuman hehe.
nung march 2 pala, recognition day namen. kumanta ang chorale. syempre hindi ganung kaganda, pero ok lang naman. kung gs2 nyong panoorin, eto ung video. (click here)
awardee ako nung araw na yun. para dun sa DL shit. first and last time na ata kaya medyo special din ung day na yun para sken. hehe.
mga tanong:
naniniwala ba kayo na hindi totoo ang sinasabi ng isang tao kapag lasing sya? wala lang. ako kasi hindi hehe. naisip ko lang bigla. saka bakit 'daw' ang mga lalake, mahilig sa porn? totoo ba to? nyehehehe. secret.
kapag binuksan nyo ba ang internet explorer nyo, may nakalagay sa title bar na "TAGA LIPA ARE!"? Or kung nsa My Computer kayo, pag knlick nyo ba ung Drive C: or kahit anong Drive, ayaw magopen? Kung ganun nga. isa din kayo sa mga biktima nung virus na kumakalat ngayon through USB. Natanggal ko na kanina yung virus, medyo matrabaho nga lang, pero nakakabagal kasi ng PC yun kaya dapat tanggalin, makibasa na lang kayo sa nadiscover kong thread sa mapua. (click Here). May step by step guide dyan hehe. goodluck.
summer na. ang init na. kanina bumili ako ng halo halo sa labas, pagdating ko sa bahay, tunaw na. ang init kasi. pag kumakain pala ako ng halo2, ayako ng may mungo, beans, garbanzos saka kaong. ewan. ayako lang talaga ng lasa ng mga yun. hehe.
o sige na, wala na sense ung mga sinasabe ko eh. happy day :)
july wrote this piece of crap on Saturday, March 17, 2007
i'm the mobilemaniac
|