my_story
Saturday, February 24, 2007
post
current song: wala
current mood: wala
sa ngayon, wala na kong maisip na mapost. wala naman kasing blog-able na pangyayari sa skul. talagang tinatambakan kame ng gagawin ng mga bullsh*t na profs namen.
naalala ko lang, nung isang araw. nakasakay ako sa bus papuntang lawton, tas nung nsa city hall na, may bumaba na magiina. tatlo sila. nauna ung bunso, sumunod ung nanay, tas ung panganay. eh nung pababa na sila, biglang napa sudden stop ung bus. muntik na masubsob pababa ung bunso, tas natawa nng malakas ung kuya nya. tas pinagalitan sya ng nanay nya. di daw kasi sya kumakapit. tas nung nakatayo na sya, binatukan pa sya nung kuya nya habang tumatawa haha. kawawa naman hahaha.
ayun. korni to, pero nagagandahan talaga ako dun sa commercial ng gran matador brandy. ang tagline nun eh "simula ng init". eh ewan, prang ang sexy nung commercial, pti ung sound, ung video. prang ang galing nung pagkakagawa. oo na corni na ko haha.
july wrote this piece of crap on Saturday, February 24, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Thursday, February 22, 2007
ash wednesday
current song: wala
current mood: emotional
seryoso muna.
kahapon ash wednesday. hindi talaga maganda ang MWF sked namen dahil puro bigtime kuno ung mga prof at subjects. bangag talaga lahat tpos ng klase. wala ako sa sarili after class. nagaway kame ng isang tao. buong gabi ko dinala yun. ayoko talaga kapag nalulungkot ako dahil msyado akong nagiging emosyonal. sobrang dami kong naiisip na bagay. hindi lang ung dahilan ng pagiging malungkot ko, kundi lahat ng frustrations saka sad moments sa buhay ko kahit mula pa pagkabata. bigla na lang ako naiiyak kapag naaalala ko yung childhood ko, ung pagiging magkaaway namin ng tatay ko mula grade 1, ung pagiging malayo ko sa kapatid ko, ung pagiging pabigat ko sa nanay ko, ung mga pambabatikos sken mula highschool, mga problema sa skul, sa tropa ko, sa ugali ko at sa pagiging sobrang moody. ganun.
at dahil nga ash wednesday kahapon, uso ang confession. kahit umatend ako ng mass, hindi ako nagpalagay ng ash sa forehead ko dahil ayokong maging hypocrite. alam kong hindi ko pa kayang patawarin lahat ng taong nagbigay ng bad memories sken. di sa ayoko silang patawarin, pero sa totoo lang, nahihirapan pa ko. hanggang ngayon sinisisi ko padin sila sa lahat ng gnwa nila kaya ako naging ganito.
kaya pala ako sentimental sa mga bagay bagay. yung kahit tipong dahon na recoletter nung highschool, kahit balat ng candy o kaya txt msgs, hindi ko tinatapon/binubura. kasi yun ung mga nagpapaalala skin ng masasayang bagay. na kahit malungkot ako madalas, may mga times na masaya din ako. kaya pla anlakas ko mambangas, kasi nung bata ako palagi akong nababangas. o cguro takot lang akong mabangas ule ngayon. defense mechanism, ika nga. pero kahit ganun, hindi ko padin makuha maging masaya 'talaga'. napaka opposite dahil tawa lang ako ng tawa lagi. pero sabi nga sa isang quote, "pretending to be happy is always easier than explaining why you're sad". andali kasing sabihin na "forgive and forget" pero sa totoo lang, bilib ako sa mga taong kayang gumawa nun kasi hindi talaga madali. siguro para sken. siguro kasi nung bata ako, hindi ako nakaramdam o naturuan ng sense of forgiveness, kaya ganito ako ngayon. mapagtanim ng sama ng loob.
ngayong lenten season, isa yun sa mga hahanapin ko. gusto ko nang patawarin ang sarili ko sa kung anu man ang naging ako. ayoko nang isisi sa iba ung mga pagkakamali sa buhay ko. mas lalo lang kasi bumibigat ung dinadala ko. anu ba ung dinadala ko. secret.
o ang drama. define drama.
july wrote this piece of crap on Thursday, February 22, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, February 18, 2007
antok
current song: wala
current mood: antok
stressful noong friday. may laro ng 9 to 11 ang BES vball laban sa polsci, talo naman kme kse di dumating ung ibang mga magagaling na BES player. kelangan tumakbo dahil 11am ang 1st class. umabot naman kame kaso kelangan ko din tumakbo agad sa labas para bumili ng clearbook pra sa group project namen. bagsak ako sa math exam at medyo nabad3p sa kung sino. tas hindi ako nakinig buong period dahil nagbabasa ako ng irereport ko para sa next subject (biology). nakasurvive naman ako sa biology report kaso nawala yung gtec ko na ballpen. bad3p. 2pm, next 1hr subject, hinilo kme kase binalik na ung evaluation sheets ng speech activity namen, at kung sino sino ang kelangan lapitan. di pa dun natatapos dahil 3pm ang call time namen sa music para magrehearse kasi may kakantahan kaming recital ng 5pm. mga 6pm, election naman sa ab chorale. asst sec pden ako. tas mga 7pm, sumibat na kme dun. nagpunta kame sa harap ng main bldg para manuod ng mr and ms thomasian personality kasama ang ibang mga kaibigan. mga 930 na natapos un at medyo naglakad lakad pa kme sa uste kaya mga 1020 na ko nakasakay ng bus pauwi sa cavite. medyo trafic kaya mga 11:45 pm na ko nakauwi. bagsak.
gumising ako ng 10am at tumunganga hanggang 2pm ng hapon. naisipan kong magpagupit sa laspinas, kaya umalis ako ng 2pm tas dumeretso dun hanggang 3pm. fully booked ang branch sa starmall, kaya dumeretso ako sa alabang town. fully booked den. sayang oras, effort at pamasahe. naglibot libot na lang ako sa town at kumain sa mcdo., bumili din ako ng bagong gtec na ballpen at pabango. mauubos na ang pera kaya umuwi na lang ako.
sira na pla ung left ear ng headset ko. last last week pa actually. nalulungkot ako kasi bihira na lang ako makapakinig ng music sa cellphone ko. eh yun pa naman ung lage kong gamet dun bukod sa pagttxt. ang mahal naman kung bibili ng bago. 2k sa mall at 1k sa ghills siguro. gastos nanaman.
bihira ko na lang makasama ung mga kaibigan ko dahil sa dami ng ginagawang related sa school. nalulungkot ako seryoso. pero buti na lang may nagpapasaya skin khit pano.
goodnight. pahinga naman tayo pls.
july wrote this piece of crap on Sunday, February 18, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Thursday, February 15, 2007
valengtimes day
current song: wala
current mood: bagong gising. masaya
feb 13. 07
napagusapan namin ni pareng dicky na valengtimes day na kinabukasan kaya kelangan na mag plano ng mga BES boys ng surprise para sa mga BES girls. nagpasa pasahan kame ng papel habang theology time para pagplanuhan ung gagawin. at tapos nun, nangolekta na ko ng pera para smeng plano. eh kaso, may isang bulilit na BES girl na matalas ang mata at nhalata ata nya na may plano na kame kaya patago din silang nagmiting ng mga BES girls sa labas ng room habang naniningil kme. nung lumabas na ko, patago palang ininspection ni denden ang notebook ko kung san ko inipit ung papel na pinagpasa-pasahan namen kninang mga boys. hala. tas maya maya, may nangongolekta na din ng pera. walangya, buking na kame. grr. inaasar ko pa sila na pakielamera kaso ang defense nila, hindi daw yun pangingielam, "girl power" pala ang tawag dun. ha?? un pala ang power ng mga babae? 0_o
kinagabihan, isa ako sa mga dudes na sumugod sa dangwa terminal noong tuesday night para magpagawa/bumili ng bulaklak para sa valengtimes day. magisa nga lang ako kase nauna na ung iba kong mga katropa. grabe. kahit 9:30pm na ko pumunta dun dahil may rehearsal/class pa ko, eh sobrang dami padin ng tao dun. siguro out of 20 guys, isa lang ang babae. haha. well, sweet siguro kse talaga ang mga lalake kaya gusto naming masaya ang mga girls pag valengtimes day hehe. wow. nakakatakot lang dahil may abs cbn na nagvvideo at baka mamaya makita pa ko sa TV haha. ayko nun.
feb 14. 07
eto na. maaga ako gumising dahil may game ang BES volleyball team laban sa legal management nng 8am. wow. eh medyo dumating naman ako on time, kaso nung dumeretso kame dun sa lugar, mga tipong 930am na eh wala paden ung kalaban kaya default na sila at kme ang nanalo. walangya, sayang effort magdala ng gamet. grr. kasama namen si cristina (isang BES girl) tas nung pabalik na kme sa building namen, parang pinipigilan nya na kame haha. yun pala, nasa classrum na yung mga girls at hinahanda yung surprise pra smen haha. wow. buking nanaman haha. may inassign ata silang mga tao para iligaw ung mga lalake nung umaga na yun. wow. planado ah. pumunta na lang kme ni pareng dicky sa dapitan square para kumain at pagkatapos ay sa dangwa para kunin yung pinagawa kong boquet. wow. kaso, pgdting namen dun, hindi pa pala ginagawa. grrr. panira talaga ng araw yun. hindi 2loy ako nakapasok sa 1st subject dahil lang dun. at syempre, hindi din maganda ung gawa kasi minadali grr. bwiset. ayun. bago mag2nd subject haha. basta.
tas sa kalagitnaan ng klase, sinurprise na namen ung mga BES girls. nangharana si arden at kme ung taga bigay ng chocolate hehe. ayos naman. after 1 subject, kme naman ung sinurprise. binigyan kme ng bulaklak at isang malaking card na naglalaman ng love msgs ng buong BES girls. wow. nakakatouch.
bes boys
at hindi pa natatapos ang surprise dahil tapos ng klase, may surprise date pa. wow haha. 1st date? hahaha. basta. ang sweet eh nyehehe.
nung uwian na, niyaya kme nila den2 pumunta kila dicky sa santolan dahil may handa daw. anniv nung parents nya. syempre kahit antipolo na halos un, pumunta pden ako, valengtimes eh. wow. mga 7pm na halos kame dumating dun kasama sila don, stella, den2 at ian pati si helena. tas kumain kme ng masarap na pagkain tas tumambay sa gilid ng riverbanks kung saan masarap magsenti. ang romantic nung lugar kase madilim at mahangin. mga bandang 10pm, sarado na ang lrt pero nanunuod pden kame ng tv kila dicky, at mga bago mag 11pm, umuwi na kme. hardcore commute. edsa mula cubao hanggang cavite haha.
feb 15. 07
habang nsa bus ako pauwi, nagbubura ako ng msgs sa telepono kase full na halos ung inbox. at syempre dahil mageexpire na ung unlimited ko, nagconvert ako ng regload. kaso nung pagkatxt sken nung PIN, nabura ko yung txt! grrr, sayang yung 50 bucks ko. 50 bucks din un ah. mga 12:30mn na ko nakauwi sa bahay tas nagcheck lang ng email at na2log na. wow. masaya talaga ang valengtimes day na to. memorable. sino bang hindi matutuwa pag napaiyak mo yung taong special sayo dahil sa kasweetan mo. aw. happy valengtimes day sa lahat :D
july wrote this piece of crap on Thursday, February 15, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, February 11, 2007
arcade blues
current song: doin just fine- boyz II men
current mood: high blood
hehe. pag sunday, ang usual na ginagawa ng tan family ay ang magsimba either sa imus cathedral or sa sm bacoor, tapos maglulunch either sa sm bacoor or sa rob place imus. knina, dun kme napadpad sa prehong imus. pagtapos namin maglunch, bumili na kame ng mga kelangan sa buhay-buhay, at sila ay umuwi na. eh medyo masama ang gising ko kninang umaga, kaya nagpaiwan na lang ako sa rob place since may nakita akong bagong bukas na arcade dun. ang tom's world.
nagpapalit ako ng tokens. 100 pesos. ok naman. di ko pa kasi nattry magarcade magisa, kaya tnry ko na din. nilaro ko ung mga larong pambata talaga. literal na pambata kase yun lang ung mga games na naglalabas ng ticket na pwde mong ipapalit sa mga items. kya dun na lang ako naglaro haha. ang loser kase talagang kasabay ko ung mga bata haha. pra akong ewan hahaha. ok lang, experience naman eh. eto ung mga nalaro ko.
1st game. basketball kuno
kala ko kasali to dun sa mga larong naglalabas ng ticket, hindi pala. ang loser ko naman hehe. pero ayos lang hehe. masaya naman eh.
2nd game. bowling
ito ung mini bowling na wala kang papatumbahin. isshoot mo lang ung bola dun sa mga butas. ang pinakamataas ko na nashootan dito eh yung 50 na hole. ung mga bata sa tabi ko hindi nga makapasok sa 10 na hole e haha. losers.
3rd game. pukpokan game. nyehehe
eto ung may kelangan kang pukpokin, pero mas hightech to kse touchscreen. pinupukpok nalang ung tv. at daga na ang kalaban mo. ang onti maglabas ng ticket.
4th game. can alley
dito, bibigyan ka ng 60 seconds para ishoot ung mga maliliit na bola sa can na sumasara at bumubukas. ang loser ko kase wala akong katulong. eh ung mga nauna skeng bata, tinutulungan sila ng mga magulang nila. andaya. grr
5th game. big mouth bertha.
eto ung game na meron kang maliit na canyon tas bubungiin mo ung target hehe. ayos naman kase isa lang ung hindi ko nabungi dito. pero talo ako nung katabi kong bata. grrr.
6th game. barilan
dito, babarilin mo lang ung kriminal. naka topscore pa ko dun sa machine. wow. ansaya eh haha.
7th game. basaan
parang watergun game, kung saan papatumbahin mo ung kalaban gamit ung water gun. medyo nabasa ako dito pero sa kamay lang. at medyo nakakahiya kase madaming nanunuod.
other games.
ung ibang games kasi wala akong pictures. pero naglaro din ako ng sega rally, ung racing. wala kasing daytona. ang loser netong tom's world eh. tas may nilaro din akong jackpotan na arcade, kaso di ko napicturan. sayang.
nung may nakita akong vacant na cubicle sa videoke area, pumasok ako at kumanta ng dalawang kanta. ako lang magisa dun sa cubicle kaya muka nanaman akong ewan. kumanta ako ng "just once" ni james ingram. ang aking piece nung singing contest nung 3rd yr HS ako hehe. syempre talo ako dun. naka off pala ung mic. kala ko naka on. kaya ang score ko ay tumataginting na 62 ata. hehehe. ang 2nd song ko ay "careless whisper" ni george michael. ung malaswa haha. bat ba puro pantatay ung mga kinakanta ko. frustrated kasi ako dhil di ko abot ung matataas na notes nun, kaya kinanta ko hehe. pero this time, naka-on na ung mic. ok naman. 91 haha. not bad.
tas after nun, pina count ko na ung ticket ko. 128 lang. ang loser kse ung ibang bata sobrang dame. parang mga nasa 1000 na haha. ang napapalit ko lang ay isang key chain, isang magic spring at isang puzzle pra dun sa sobra. haha.
ang experience na to ay nakakahiya at nakakatuwa haha. masaya din palang magarcade magisa. tapos umuwi na ko. magisa din haha. next time sa sm naman. o kaya sa ibang arcade na mas madaming masayang games. grrr.
july wrote this piece of crap on Sunday, February 11, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Saturday, February 10, 2007
sacrifice
current song: wala
current mood: bagong gising
eto ang narealize ko kahapon. sa lahat pala ng bagay na ginagawa ko ay nagssacrifice din ako in a way. tulad kunware pag may test ka kinabukasan, kahit na gusto mong manuod ng tv or kung gs2 mong maginternet, may isang bagay na humihila sa'yo para magaral na lang. pero hindi sken nangyayare yan ah, kunware nga lang eh hehe. kunware na lang ule, may isa kang requirement na hindi natapos dahil tamad ka at hindi mo yun ginawa/pinaghandaan, kelangan mong isacrifice ung time mo na makasama ung mga taong mahal mo sa school at umabsent na lang para magcram. syempre hindi masaya un. pero kelangan magsacrifice, kundi mas lalo kang babagsak. hindi palaging masaya. minsan, kelangan nating isacrifice ung mga masasayang bagay na pwedeng mangyare sten para sa mga bagay na talagang kelangan natin at ung mas importante. hindi naman sa sinasabi kong hindi din importante ung mga bagay na pinagpapaliban natin muna, pero minsan, kelangan talagang mamili. wow. exciting.
july wrote this piece of crap on Saturday, February 10, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Thursday, February 08, 2007
tapos na. oh yeah.
current song: wala
current mood: hyper
oh yeah. dapat kagabi ko pa to ipopost eh. pero pagod na ko kaya ngayon na lang. ang sleepless nights at ang pagccram ko para sa lecture speech ko sa english 104 ay tapos na din sa wakas kahapon. dahil nga crammed, hindi ako nakapasok sa 1st 2 subjects ko kahapon para lang practice-in yung speech na yun. again, kasalanan ko naman kasi talaga dahil hindi ako gumawa nung weekend at tumunganga lang ako. kaya harassed na harassed talaga ako kahapon. pero kahit kinakabahan ako sa simula talaga, nadala ko naman ung sarili ko hanggang sa huli. nakakatuwa lang kasi nakuha ko ung attention ng mga kklase ko saka nung prof ko dahil sa pagpapatawa, kaya nakinig sila. at proud talaga ako na kahit sobrang rush na ung pag prepare ko para dun, maganda ung feedback ng lahat sken. pero syempre, andun pdin ung panghihinayang na, "pano kaya kung ginawa ko to ng mas maaga, edi siguro mas maayos". pero well, tpos na un. sbe ko nga sa dulo nung lecture ko, "time spent is time gone forever." ganun talaga hehe. masaya lang ako kasi tapos na. ang sarap ng feeling ng wala nang major requirement na paghahandaan. oh yeah.
july wrote this piece of crap on Thursday, February 08, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Tuesday, February 06, 2007
time management pala ah
current song: wala
current mood: hehe
siguradong stressful nanaman tong week na to para sken. sinimulan ko na kanina. 9am ako pumasok sa school kase distribution daw ng jersey namen para sa AB sportsfest. 11am pa ang unang game namen. di ko alam kung anung gulo tong pinasok ko, pero maglalaro ule ako ng volleyball after 2 yrs hehe. huli kong official na laro nung 4th yr HS kung san natalo namen sila andrew (capt ball ng SJA varsity sa volleyball) pero natalo naman kame ng mga gunggong na 3rd yr hehehe. nanalo naman kame laban sa Asian Studies, kaso yung set kung san ako sinali ay natalo. aw. pero ayos naman ung laro ko eh. oh yeah.
11-1pm halos tumagal ung game. eh may class ako ng 1pm (biology) at ako ay naassign magreport sa skeletal system. wala talaga akong binasa/ginawa para dun. eh saktong pagpasok ko ng classroom, andun na ung prof, at ako ang unang speaker. so goodluck hehe. nagbasa ako ng powerpoint slides, at medyo halata atang hindi ko pinaghandaan ung report, bute na lang at nakalusot pa hehe.
may chorale kame ng 5-7:30pm kaya 9pm na ko nakauwi. kumain lang ako tas natulog na. dapat hindi talaga ako ma22log kase may kelangan pa kong gwin, kaso nakatulog ako agad dahil sa pagod. bute na lang at nagising ako ng 12mn para gawin ung next major requirement ko sa isang subject para sa wednesday. ang lecture speech.
bukas, may PE ako ng 9am, tas class ng 1-7:30pm at chorale ng 7:30-9:30pm. makakauwi siguro ako ng 11pm kaya wala nang lakas at oras para gawin ung lecture speech ko para sa wednesday. eh may report nanaman ako sa biology sa wed. ambigat.
ang topic ko sa lecture speech ay Time Management. parang saktong sakto para sken dahil nga lahat ng ginagawa ko ay minadali at di planado. kasalanan ko din kase, dapat nung weekend ko pa to ginawa kaso ako ay nagmall lang nung linggo at tumunganga buong sabado. yan ang tamang gawain. grar.
kaya kung ako senyo, manage your time effectively to avoid a stressful life. asa naman.
july wrote this piece of crap on Tuesday, February 06, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Saturday, February 03, 2007
globe
current song: wala
current mood: wala
isa ako dun sa mga hindi padin nagsswitch sa globe hanggang ngayon. mula 4th yr HS ata, loyal suncel user na ko. may sentimental value na din sken yung sun digits ko kse andame kong nabuong friendship gamit yun. minsan nga lang, nakakabad3p kase wala talagang signal, lalo na nung bagyo. saka minsan, nagiging dahilan pa yun ng pagaaway dahil hindi nkakarting ung message, kahit na ilang beses na nasend. ang gara. halos lahat sa 2BES ay nakaglobe na, at iilan na lang kaming mga naka sun. pero yung nagiisang taong katext ko ngayon ay naka line sa SUN, kaya di padin ako nagsswitch. nagiipon na nga ako for a 2nd phone, para naman may globe na din ako, kaso nung malaman ko recently na nagtaas na sila ng rates sa kanilang UNLIMITXT service, eh nawalan na ko ng gana. hehe. balita ko yung iba smin will be switching back to sun again. haha. sana nga. welcome back na lang senyo haha.
july wrote this piece of crap on Saturday, February 03, 2007
i'm the mobilemaniac
|
maginaw
current song: wala
current mood: wala
hindi ko alam kung bat maginaw ngayon. last year naman, nung jan-feb, hindi ganito kaginaw. pero sa totoo lang nageenjoy ako kapag maginaw. hehe. masarap ung feeling ng nakajacket tas maginaw ung paligid. pati ata yung mga tao sa paligid nakikiayon na kase lumalambing sila lalo. hanggang kelan kaya to?
july wrote this piece of crap on Saturday, February 03, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Friday, February 02, 2007
rambulan
current song: wala
current mood: bagong gising
meron akong ugali na kapag pagod ako o kaya at stressed, madali akong mabad3p. at pag nabad3p ako, dalawa lang ang pwedeng mangyare. una, tumatahimik na lang ako sa ibang tabi at umiiwas makipagusap sa kahit kanino, hindi dahil sa ayokong makipagusap sa kanila, pero dahil baka mabangas ko lang sila ng di oras, at syempre iniiwasan ko yun. pangalawa, nawawala yung kabad3pan ko dahil may masayang mangyayare (kunwari, may maglalambing, may magpapatawa ng nakakatawa talaga, o kaya may happenings etc.). dun sa una, meron pang mga kasunod yun. dahil nga tahimik lang ako, sobrang dami kong naiisip na bagay. tulad kunware ng family life, lovelife, ang tropa ko, school life, mga pangarap ko sa buhay, mga bagay na gusto kong bilin, mga frustration, high school life atbp. masakit sa ulo ang pagiisip, tas nadadagdagan pa yung lines sa forehead dahil nga nakasimangot, pero hindi ko na maalis yun sa sistema ko.
isa ako dun sa mga taong sobrang sensitive pag pagod o kaya stressed. tipong kahit simpleng pambabad3p lang sken nagrereact na ko kagad. sabi ko nga knina, hindi naman sa ayoko ng kausap. actually, makakatulong pag may kumakausap saken pag bad3p ako, kaso kung yung tipong babangasin lang ako at pagttripan, mas lalo akong mababad3p. eh since kadamihan sa mga tao ay hobby na ang pambabangas, iniiwasan ko na lang, kse ayoko din namang mahawa sila sa kabad3pan ko. o kaya baka may masabi pa kong hindi maganda.
kagabi, nabad3p ako dahil sa isang mababaw na dahilan. kasi may kinakausap akong katabi ko. tas pag tinatanong ko sya, deadma. yung tipong hindi ako nageexist. nababastusan ako sa ganun. seryoso. yung tipong nakatingin ka na dun sa tao, hindi ka paden kinakausap. kasi alam mo yun, ako, kahit bingi ako, pag may kumakausap sken, hindi ako nandedeadma. pero pag sya, nagtatanong, kelangan sumagot ako agad. dun ako nababad3p. medyo mababaw nga, pero kagabi kase, medyo nasstress na talaga ako, tas may ganun pa. kaya bad3p.
ang resulta, tahimik ako buong gabi. hanggang sa paguwi. hindi ko nga namalayan na from lawton hanggang smen, 45 mins lang ang biyahe. sobrang walang traffic. andami ko kasing naiisip habang nasa bus. iniisip ko kung may mali ba dun sa pagiging sobrang sensitive ko, o kung wala na ba sa lugar ung pagiging moody ko, ganun. ang gara ko kasi talaga minsan. pero so totoo lang, hindi naman ako mababad3p kung walang dahilan.
naisip ko na lang, msyadong preoccupied na ang mga tao sa mundo sa kung anu-anong bagay, na tipong kahit yung pagiging sensitive, nawawala na sa sistema nila. masyado na silang madaming ginagawa, na tipong yung mga maliliit na bagay na pwedeng ikabad3p ng iba, hindi na nila napapansin. kung ang pagiging sensitive ay isang indicator ng weakness, then this world has no space left for weak people.
july wrote this piece of crap on Friday, February 02, 2007
i'm the mobilemaniac
|