my_story
Saturday, January 27, 2007
ang uso
current song: hiling- paramita
current mood: ok lang
after 1 week, update ule hehe. wala na kong panahon mag blog msyado. busy eh. pero ok lang hehe.
naibigay na samin ung results ng mga exam sa prelims. ok naman. nakakagulat lang ung ibang mga score kase hindi ko talaga inaasahan. hehe. may maibibigay pa ko ngayong finals. laban lang. oh yeah hehehe. para sa future family ko tong pagaaral ko, saka para kay mama, saka para din sken hehe. dapat pagbutihan :)
simula halos nung monday, ang mga tao sa paligid ligid ay puro pulitika na lang ang pinaguusapan. panahon na naman kasi ng election sa AB. eto ba ang uso? wala lang. ang gara, para ung mga taong hindi interesado sa pulitika ay walang masabat dun sa mga may balak tumakbo hehe. parang nasa ibang mundo na sila hahaha. ewan ko ba, kahit kelan, hindi akong naging interesado sa bagay na yan. pero ung mga kakilala kong tatakbo, may kanya kanya naman silang dahilan. ewan. sana magtagumpay sila sa mga tinatahak nilang landas. hehe. sabe nga ni coco sa blog nya, politics brings out the worst in anyone. sana wag naman mangyare un sa mga kaibigan kong tatakbo. sana lang.
pero sabagay, kanya kanyang passion yan, kung pulitika ang trip nila, ako, sa chorale na lang magbubuhos ng oras hehe. kahit na minsan, pumapalya hehe. minsan lang naman. kelangan din ng social life. :)
tuesday, nag PE kame ule after 3 yrs. sa wakas, binigay na ung uniform namen. ayos lang naman. masaya maglaro kaso ang hassle pag madameng dalang gamit. grr. eh medyo ang moody ko nung araw na to. nagkatampuhan pa 2loy kami ni bogs. pero naayos din naman. mas masarap maglambing pag kaka-bati lang hehe. ung wholesome na bati ang tinutukoy ko ah hehehe.
Mr. and Ms. AB (MMAB) last thursday. syempre ang representative ng BES sa babae ay ang partner ko dati sa Mr. and Ms. BES, si bogs hehe. wala lang.
si bogs ung nasa pinakaleft.
buti excused kami mula 4pm onwards dahil kakanta kami (chorale). nakakapagod ung araw na un, sobra. nakakabad3p lang kasi ung computer teacher naming mukhang kabayo ay hindi inexcuse ang mga kklase ko, kaya 2loy hindi nila nasimulan ung program. nakaw. may araw kadin mam lintag. grrrr. nakapasok si helena hanggang top 5. wow. syempre proud ako. maganda na nga yan, mabait pa hahaha. matalino pa. whoo. naks. hindi bola un ah haha. woeh. masaya naman tong araw na to para saken. eh kilala na pala ako ng ermats nya. wow. hehehe. exciting :D
tas friday. nanlibre ako sa tropa ko dahil nga dun sa silver sh*t award ko hehe. kahit sa march 2 pa ung recognition day. first and last na kase ata un, kaya dapat cherish the moment hehe. sa moses kame uminom. at humiga sa main field pagkatapos. kahit medyo gloomy ung araw, naging masaya din naman. nakakatuwa lang isipin kasi ang tropa namin, mula 1st yr, solid na. kahit ung isa nasa ibang skul na, at kahit kami ay magkahiwalay na ng section, lage padin kaming nagsasama. wow. sana kahit mga tatay na kme magkakaibigan pden kame. yehey!!
ngayong sabado, nag SM kame ng pamilya para mag grocery. bumili ako ng longsleeves pra sa speech presentation ko, saka bagong USB flash drive. kase ung flash drive namen dati ay hiniram ng kaibigan ng kuya ko at hindi na sinoli. bute na lang nakabili na ko. hehe. at bumili din ako ng pilot gtec 0.4pt na ballpen. nakakaadik pala gamitin talaga un. kahit mahal. nakaubos na nga ako ng isa eh. wow.
o un lang naman for now hehe.
dati nga pala, habang nasa labas ako ng bahay, may nakita akong bulaklak, tas pinicturan ko gmet ang cellphone ko. nagandahan naman ako dun sa kuha. kaya isshare ko lang senyo hehe. pdeng iclick yang picture para mas malaki :)
flower (320x240)
july wrote this piece of crap on Saturday, January 27, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, January 21, 2007
click
current song: wala
current mood: antokss
kahapon ko lang napanuod ung Click ni adam sandler. nakakaiyak nga, tama si marvin. parang gs2 ko na tuloy maging tatay hehe. kaso wala pang nanay. andami kong narealize. siguro pag dumating ung time na magkapamilya na ko, maaalala ko ung movie na un. anu kayang feeling ng may anak na? hehehe
july wrote this piece of crap on Sunday, January 21, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Saturday, January 20, 2007
windows vista
current song: wala
current mood: bagong gising
kaninang umaga ko lang nabasa sa wikipedia, ang windows vista OS pala ay sa january 30, 2007 na irerelease worldwide. wow. after 5 yrs mula nung nirelease ang unang version ng windows XP, ngayon lang ulit magkakaron ng bagong operating system ang windows. kaso mukhang malupit sila sa system requirements. 512mb ang minimum system memory, tas 800mhz ang minimum na processor. eh 256mb lang ung ram ko dito hehe. mukhang kelangan ko na maglevel up ng mga bagay bagay sa aking CPU. pero may nabasa ako na ito daw ang unang OS na nagaadapt kung anong hardware meron ung isang PC, kaya mukhang ok naman. siguro by feb or march, kung may pirata na neto, bibili na ko hehe. wag kayong magalit sken, wala akong pambili ng orig na OS dahil for sure, nasa 10k un. goodluck microsoft! nyehehe.
july wrote this piece of crap on Saturday, January 20, 2007
i'm the mobilemaniac
|
sa wakas
current song: wala
current mood: bangag
matagal-tagal din akong hindi nakapag blog kaya magbblog na ko ngayon. kung last last week, sakto lang at relaxing ang weekend/week ko, ngayon hinde. hehe. pati ung mga araw na sumunod after monday. wasaaak eh. grr.
tuesday: walang pasok. madaming assignment. wala akong ginawa buong araw kundi matulog. literal. tapos may tumawag sken na inglisero recruiting me sa kung saang business sh*t. si johnrey daw ang nagrefer sken. sinabi kong hindi ako interesado kahit na 15-20k ung offer. takot ako sa mga ganito eh. namodus na kasi ako dati hehe.
friday: may exam "daw" kami sa tatlong "major" subjects kuno. filipino, english at biology. syempre hndi ako nakapagaral dahil nakatulog ako agad kinagabihan. nakapagbasa naman ako sa filipino nung umaga sa lib kaya ok lang naman. binigay ng math prof namin ung buong 1hr nya para makapagreview sa BIO (next subject) dahil pamatay talaga ung prof na yun. pero hindi pumasok si BIO prof. at hindi rin kami nagtest sa ENGLISH dahil nanuod lang kami ng video sh*t. bute na lang hindi ako nagaral msyado hehehe. naginuman ang tropa sa moses pero hindi ako nakasama kasi may chorale. ok lang naman. pero nalungkot din ako ng konte hehe. umaatend na pala ulit ung mga bitch sa chorale. nakaka walang gana pag sila ay nakikita ko.
saturday: debut ni hazel. (blog nya: click here). hindi ko inaasahang magiging children's party ang 18th bday ni hazel hahaha. joke. inde. masaya talaga. hindi ko inaasahan. una kase wala naman akong katropa dun, pero bute nakakasama ko sila van, janrei atbp. sayang hindi nakasunod si Marvin at Xtian. asan ba kayo nun? hehe. may 'paint me a clown game'. at may videoke. may 18 shots den. tequila. wow. tinago namen yun ni van tapos nung 18 shots dahil iinumin pa namin yun pag umalis na ang mga bisita hehe. madami din beer.
syempre dahil epal si chrisjohn, hindi sya nagparticipate dun sa paint me a clown, nagpapafacial daw kase sya, at di rin sya uminom sa 18 shots kase mabait dw sya. oo na. sige.
tapos mga bandang 1am, umuwi na yung iba at eto na lang ung grupong natira.
matitibay
videoke lang ang ginawa namen mula 1am hanggang 4am. walangya. napakanta nila ako ule ng "just once" at "careless whisper" hahaha. pati "unwell" saka ewan. pero ang galing, may boses ako kagabe. nakakabirit pa ko hehe. nakakatawa kasi pate si van kumakanta. "my way" hahaha. panalo. pero si bluewinn paden ang da best dahil sya padin ang top singer. 96 eh hehe. si johnrey nafrustrate na kase hindi nya matalo ung 96 ni bluewinn kahit nakailang try na. hehehe.
nung umalis na ung mga taga parish (kuya ely, pj at kuya ano, nakalimutan ko e hehe), nanuod na lang kme ng "the lake house" kase wala na kame boses lahat. naglatag na si hazel sa sala at dun kme humiga lahat. after 20 mins, tulog na kame, at si elaine at van na lang ang tumapos nung pelikula hehehe. ano kaya nangyare? nyehehe.
nagising kame ng 730. kumain ng breakfast at ngkwentuhan hanggang 9am. tapos umuwi na kame. hehe.
masaya yung debut ni hazel. sobrang unexpected ng mga nangyari. at first time kong nakasama ang mga 4-simon friends sa isang hindi planadong overnyt. masaya hehe.
paguwi ko, naligo ako kagad tas humigop ng sopas na luto ni ate at saka sumibat patungong sm bacoor. dun kase kame magkikita nila mama dahil pupunta kme sa mall of asia. for the 2nd time. wow. hehehe. dumating kame dun ng mga 11. tas kumain muna dun sa super bowl of china. hindi kasarapan pero ayos lang. tas naglibot mula 11 hanggang 6pm. nakabili ako ng ballpen, regalo at poloshirt nanaman hehe. ayos lang. buti pa kapatid ko madaming nabili. tas umuwi na kame. ansaket ng paa ko.
----------------------------------
exam week
hindi maganda ang exam week ko in general. wala akong napagaralan na yung "aral" talaga. nagscan lang ako ng notes ni bogs at nagcram sa library bawat umaga. ang resulta- frustration. nawawalan na ko ng pagasa maretain ung naaccomplish ko last sem. pero di naman na ako umaasa ngayong sem. i'll just do my best. bahala na lang kung ano ang mangyare.
theology (monday): nanghula ako sa true or false, blanko sa enumeration.
BA (tuesday): sakto lang. may mga blanko, nakalimutan ko ung madaming sagot
biology (wednesday): no comment. bobo ako sa science. kahit ano pang science yan. asa pa ko na makaksolve ako ng problem sa genetics.
history at computer (thursday): ayos lang. madami akong mali sa history, pero ok lang ung computer eh. pero hindi ako makakakuha ng masayang score dun. sakto lang den.
statistics (friday): bobo ko. mali ung buong last page ko. kung kelan last minute, dun pa ko natanga.
ayun hehe. nakakainspire naman ung mga kinalabasan ng exam ko hehe. pero ok lang ang friday. medyo bd3p lang dahil sa ano. secret hehe. tapos nung gabi na, nakapost na pala sa AB ung mga dean's lister last sem. nakasabit pa ko sa silver hahaha. nakakalungkot lang isipin na once in a lifetime na lang un hahaha. nakachamba lang eh. nakakafrustrate tuloy hahaha. goodluck na lang sken hehe.
sabi malambing daw ako. wow haha. ansarap kaya pag sinasabihan kang malambing. yiheee hahaha. goodluck sa lahat! be happy! like me! yehey!! hahaha
PS sorry ngayon lang ung update. bwiset kse ung lumang isp. grr. naupload ko na nga din ung mga pics sa baba hehe.
july wrote this piece of crap on Saturday, January 20, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Monday, January 08, 2007
saktong weekend
current song: wala
current mood: sakto lang
eto yung isa sa mga weekends na masasabi kong "sakto lang". hehehe. sobrang relaxed saka walang masyadong iniisip. gumising ako ng late nung sabado, tas kumain ng lunch, tas naginternet buong araw, nanuod ng tv, saka nanuod ng movie na may kurot sa puso hehe. tas natulog ng maaga. maaga naman akong gumising kahapon (linggo) dahil magsisimba kami ni mama sa sm kasama si joel. tas kumain kami ng masarap na lunch, bumili ng mga kelangang stuff. tas umuwi na ko para manood ng tv at gumawa ng homework. tapos nagluto ako ng dinner pra sa pamilya, tapos naligo ng 1 hr, naggupit ng nails, at nagchat hanggang umaga. nagayos na din ako ng bag at nagshine ng sapatos. maya mya lang matutulog na ko :)
sana palaging ganito ang mga weekend, nakakarelax lang :)
july wrote this piece of crap on Monday, January 08, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, January 07, 2007
ang daya
current song: wala
current mood: wala
naisip ko lang. ang unfair. bakit kelangang husgahan ako ng mga tao based dun sa mga pagkakamaling nagawa ko noon. inaamin ko naman ung mga pagkakamali ko, pero bakit sa bawat isang opportunity na pede akong maging masaya, laging pinapamukha sakin ung mga pagkakamali ko noon? ni hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong iexplain ung side ko. kawawa naman ako.
sa tingin ko yan ang isa sa mga problema ng society nten ngayon. we always tend to focus on what's wrong.
joke lang lahat to hehe. pramis.
july wrote this piece of crap on Sunday, January 07, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Saturday, January 06, 2007
little manhattan
current song: wala
current mood: senti
kakatapos ko lang panoorin ung little manhattan na movie. nakakataba ng puso. tungkol kasi un sa isang 10yo boy na nainlab sa isang 11yo girl. wala lang. ang cheesy e hehehe. sana mapanood nyo din. dun pala nanggaling ung isang quote na natanggap ko dati sa cellphone. eto un. sinabi nung bidang lalake na 10yo plang hehe
Love isn't about ridiculous little words. Love is about grand gestures. Love is about airplanes pulling banners over stadiums, proposals on jumbo-trons, giant words in sky writing. Love is about going that extra mile even if it hurts, letting it all hang out there. Love is about finding courage inside of you that you didn't even know was there.
meron ding ibang mushy na lines.
sabi nung erpats sa bidang lalake. kasi magdidivorce na sila nung asawa nya.
Let me tell you something about me and your mom. Once upon a time, we really loved each other, but as time went by, there just got to be all these things, little things, stupid things, that were left unsaid. And all these things that were left unsaid piled up, like the clutter in our storage room. And after awhile, there was so much that was left unsaid, that we barely said anything at all.
mahalaga talagang napaguusapan ang lahat ng bagay sa isang relationship. :|
wala lang. ang senti ng post ko hehe. ang juanget e hahaha. panoorin nyo na lang ung movie. nakakaiyak huhu. weh.
july wrote this piece of crap on Saturday, January 06, 2007
i'm the mobilemaniac
|
new yr na new yr
current song: wala
current mood: sakto lang
updates lang. jan 3. ang first day ng classes. syempre 3am na ko nakauwi mula dun sa celebration ni den2 ng debut nya. ansaya nun. isa ako sa 18 rhythms. 1st time kong kumanta ng isang kantang hindi ko alam. kaya palpak hehe. pero ok naman, kahit na nakakalimutan ko ung lyrics. dahil nga 3am na ko nakauwi, hindi ako pumasok sa 1st 3 subjects ko para sa jan 3. ang tamad ko talaga.
ok naman ang jan 4. PE day ni bogs kaya maaga ako pumasok. ok lang naman ung araw ko. nothing special. except dun sa chocolate na masarap na bigay ni bogs.
jan 5. nakakasira ng utak tong araw na to kasi may 2 test. filipino at math pa. may recitation pa sa biology. tapos may film showing sa english. ang aaktibo ng mga prof namen pag MWF. ansarap 2loy uminom tas ang araw na to. at un nga ang nangyari kasi nagcelebrate si richard ng 18th bday nya sa savory. masaya naman. nakumpleto ang tropa namin. kasama din si ted at justin. sayang wala si doms. post ko na lang dito ung picture balang araw. narealize ko na mahina pala talaga ako sa beer. mas malakas ako pag hard ang inumin. wala lang.
so un nga. new yr, new life? hindi rin siguro para saken. late pden ako. saka lasenggo. what's new dba?
july wrote this piece of crap on Saturday, January 06, 2007
i'm the mobilemaniac
|
girl-boy
current song: sige- 6cyclemind
current mood: cramming
Qualities of the Mind and Heart
Men
- tend to be more logical arguing things out step by step before reaching a conclusion
- tend to be less emotional and dont cry too easily
- are often insensitive and may hurt others without realizing it.
- are more egoistic. they want success, money and power. they want to be looked up to.
- tend to have a poorer sense of warmth and sensitivity.
- are more realistic.
- are clearer and direct to the point in expressing themselves
- feel the desire for strength and personal courage.
- are not likely to show their feelings and express love in words and actions; are little attentive to things which a woman attaches great importance to.
Women
- tend to be more intuitive, depending often on the 'sixth sense. they often notice little things that men overlook.
- get easily upset and also show it more easily.
- are more sympathetic and caring.
- want affection. they want to be told often that they are beautiful and are loved.
- it is usually she who turns the house into a home, adding warmth by her efforts.
- are more idealistic
- tend to beat around the bush.
- feel the desire for self-surrender.
- wants to know that they are needed and loved. little attentions mean much to them. they are not vocal about their feelings and rather reserved in expressing their affection to the man they love.
Social Qualities:
Men
- are more independent
- are interested in things/objects
Women
- tend to be dependent
- are interested in people
nakuha ko sa blog ni coco hehe.
totoo ba to?
nakuha ko naman to sa blog ni elle
------------------
I believe that a man is lucky if...
he wins the FIRST LOVE of a woman
But the truth is,
a woman is luckier if...
she wins the LAST LOVE of a man...
------------------
wala lang. pedeng pagisipan hehe.
july wrote this piece of crap on Saturday, January 06, 2007
i'm the mobilemaniac
|
Monday, January 01, 2007
2 Years na ang Blog Ko :)
current song: wala
current mood: g2m pero tinatamad kumain
warning: medyo mahaba. kung tamad, wag basahin hehe
o yan. january 1, 2007 nanaman. 2nd yr anniv ng blog ko ngayon hehe. 2 yrs na ko pala nagbblog. ang galing naman. happy anniversary blog! nye
kahapon, december 31. hehe. nagsimba kami sa imus cathedral ng 9:30am. at naggrocery sa sm saka kumain din. tapos n2log ako buong hapon ata. tapos nung medyo after dinner, tinulungan ko si mama maghanda ng medya noche. eto ang mga niluto ko.
warning: bwal ang epal sidecomments. pls.
salad
corn and jelly
baked spageti
mukang masarap naman. mukha lang. kasi nung tinikman ko na, ung spageti lasang jolibee spageti, tapos ung salad lasang literal na dahon. ung corn and jelly, ayos lang hehe
tapos nagpaputok na kame ng mga boring na paputok. at 2007 na. wow. bagong taon nanaman. hindi ko na matupad tupad ung anniversary wish ko para sa blog ko (bagong layout). saka na lang haha.
naiinggit ako dun sa mga taong gmgwa ng year ender nila kaya gagawa din ako ng sken. pero medyo boring nga lang.
kung may tiyaga ka, pde mo ding basahin :)
january
late ako nung 1st day of classes sa taong 2006. what's new. haha. nawalan pala ako ng wallet nung january, at may laman ung id, cellphone load at atm card. mahirap magpagawa ng id. ang hassle, daming pinapapirmahan. tas magbabayad pa. bwiset. nagsmoke ulit si doms after ilang yrs. nanigas sya tapos nun haha. kami ung mga witness eh. nagninong din ako sa isang pamangkin for the 2nd time. nagsavory kame, at nagkasagutan si ted at si cristina. wow haha. napagkamalan kami ni mam ellar na nag P-PDA ni sherrlene uy sa back row, grabe, skandalo un. concert ni ianee sa st paul. magaling ung choir nila. tapos may nagsimula dun. basta hehe. first time ko din nagbayad ng 10 pesos para sa isang paid cr sa gateway. namatay ung lolo ko at the end of the month. family reunion with pictorial pa ang nangyrri nun. wow.
february
umarte kame sa isang play para sa literature subject. binigyan ako ng isang lead role. tatay ng bida. haha. grabe un, 1st acting ko ule after ilang yrs. pero ang saya. namimiss ko na ding umarte. haha. tapos umatend din ako sa livre concert. benefit concert un ng uste, madaming banda. naginuman kame ng mga katropa ko sa savory tapos nun. muntik na kaming mapaaway sa mga taong nagaabang samen sa baba eh haha. tiklop kme eh, lugar nila un. hehe. stampede issue dahil sa wowowee. paalala lang: hindi diyos si willie revillame, ok? valengtimes day haha. medyo nanunuyo na ata ako neto. at nagkaaminan kme nung BES nyt. nung BES nyt, umalis ako ng bahay ng 3:30 pm at nakauwi ako, 7:30am na kinabukasan. adeek. victory party din ng kumpare naming si eddrex. eh nung time na un, nagdeclare ng state of national emergency si gloria, kaya habang naglalasing kami sa kanila, ung mga tangke ay naglalabsan na sa quezon city haha. kulet. may gera na nga sa pilipinas, nagiinuman pden kame haha.
march
10th yr anniversary concert ng ab chorale sa UST museum. wow. at least masasabi ko na nakapagconcert na ko sa UST museum hehe. madaming issue netong buwan na to. kay kumpareng don2, unang una, at sa niligawan nyang babae na may crush kuno daw sken. syempre foul un, pero nagkaayos nanaman kme. magkakaibigan kmeng lahat dba? tapos sinagot ako dito haha. literal eh. ok lang. gumawa kame ng MTV para sa literature. nakakatawa haha. debut ni roxanne. naginuman kme ni nun nila aldrin at ibang mga hs frends. 1st tym ko sila nakainuman. masaya naman eh, lalo na nung umuwi na si fucking chris john hehe. debut ni caren. ok lang. uminom din kme dun ksama ang tropa ko nung HS. (sila jep songco hehe, namimiss na kitang kumag ka haha. mayaman kna ata eh. libre mo naman kme!!). binigyan ako ng I LOVE DR. CO award nung 1st ever BES AWARDS morning. masaya naman eh hehe. nagswimming kame sa TARLAC. ang pinakamalayo naming narating na mga BES1 friends. ansaya neto talaga. halos 3 days akong wala sa bahay dahil dun. basta masaya.
april
sinimulan namin gawin ung yearbook ng batch namen. ung mga original kong staffers ay hindi na nagpakita kaya kung sinu sino na lang kaming gmgwa. memorable din to. may nabuong bonding smeng pito. :) hello yearbookers hehe. at eto na. ang pinakagrabeng inuman of the year. ang bday ni don kung saan ako ay nanapak ng kung sinu sino at nahulog sa kubo. ang marka na iniwang ng sugat ko ay nandito pden. basta iba ang bday ni don2. totoong "walang hindi nalalasing" haha. first time ko din kumain ng papaitan nun. pero grabe talaga ung nangyre sken nun. tinubuan ako ng 2 wisdom tooth netong buwan na to. 1 week ata akong hindi makakain ng normal. grabe. andami ko palang natutunan sa philippine literature under kay sir lopez. holy week. nagsorry ako kay angel baron. simula ito ng friendship. hehe. 1st month namin. ok lang naman hehe.
may
bday month ito ni bogs haha (naks, pero di pa kme close/naguusap nun). naging certified OC ako dahil sa paggwa ng yearbook. wala na kong oras at panahon para sa mga college friends ko. nakakalungkot. para akong pinapapili between friends and responsibility. eh ayako pa naman ng naiipit sa ganung sitwasyon. nagcmula kameng magkalabuan neto. ewan ko. napanood ko ang davinci code na movie kahit 17 pa lang ako nun. haha. lusooot :D. tapos bumili ako ng bagong green na toothbrush. yun na ung binibili ko lagi. ang cute kase. after 2 months, tpos na. dahil sobrang boring ng month na ito, nagpamember ako sa video city para manghiram ng mga vcds. at nanuod ako ng madaming movies.
june
eto ang bday month ko. wow. june is the best. pero hindi da best pag pasukan na kasi andami nanamang assignment. pero i lab my college friends hehe. yeah. naalala ko, nung nagenroll kme, na tow ung sasakyan ni don2. at hinanap pa namin un sa quirino. buti na lang at nasuhulan namin ung mga tao dun, at binalik na smen ung auto ni don2 hehe. bumili ako ng bagong school stuff, shoes, bag, saka rubber shoes. eto pala ang masaya pag start ng classes, bago ang gamit hehe. nakakagana mag aral. first time ko kumain ng california maki. naduduwal ako haha. ayako talaga ng japanese food. first time ko magreformat ng PC. ang tagal ko din nagback up ng files ah. nung night bago ako mag birthday, nagaway kami ng sobrang tindi ng tatay ko. up to now, hndi ko padin sya kinakausap. at wala akong balak kausapin sya. ok tama na hehe. bday ko. hindi masyadong masaya ung day itself. ang nagpasaya lang sakin nun ay ung boxers na bigay ng tropa ko at ung pagsayaw nila joyce, stella at den sa harap ko haha. nakakatuwa eh. june 30 ako nag celebrate ng bday sa savory. masaya ako nun. ang saya ng feeling pag kasama mo ung tropa mo sa inuman. 1st time ko ata nagcelebrate ng bday ngayong college.
july
first time kong nagcommute kasama si angel baron papuntang makati. bagong route nanaman un para sken pauwi hehe. naging close ko ung mga ab chorale simula nun. basta. masaya hehe. na publish na ung yearbook namen. at ako ang unang unang nakakuha hehe. syempre privilege ko un, tas ampanget. hindi ako natuwa, kahit na pinaghirap namin un buong summer. hay. ang pinakamemorable na nangyari this month ay ang Mr. and Ms. BES kung saan ako ang representative ng klase namen, at si bogs naman ang Ms. BES. merong pictorial na naganap, at idinisplay ung pics namin sa lobby ng AB. wala lang. experience un, lalo na ung modelling workshop. dito kami naging magkaibigan ni bogs eh :). nakabili ako ng bagong scientific calculator, pero nawala din sa locker ko. kaya bumili na lang ako sa recto. ok naman. eto ang nakapag pa-uno sken sa finance ah :)
august
ang pinakaaabangan kong pageant ng Mr. and Ms. BES ay naganap na haha. memorable din un. nakaabot pa nga ako sa final four haha. pero hanggang dun lang. naks hehe. parang starstruck lang eh. rizal dokyu. waw. dito nabuo ang "wei friends" hahaha. nakabonding ko sila justin, aj, jen, tin, ian, bogs at dicky. grabe, hindi un inaasahan. buong weekend kame tumambay sa netster central para magpaedit ng video hanggang 12mn. grabe. bonding un talaga hehe. the best ang core team ng dokyu na un. hehehe. dawna's debut. wow. lasing kmeng tatlo nila don at jerico. 4am na ko nakauwi nun haha. adik. training day ng chorale, hindi successful. pero dito nabuo ang ligalig friends hehe. tapos first time ko din magpagupit sa starmall laspinas branch ng fix. subic advanced party. wow. grabe, bonding time na naman un para smen nila ian, chuckie at bogs. kami ung representatives ng section namin para tignan ung mga places na pupuntahan namin para sa subic field trip. ayos lang. first time kong kumain ng karekare, at sa dencios pa. ayos lang naman. hehe. first time din ni bogs nun kumain ng sisig. pustahan kme e hahaha :D
september
nanuod kami ng minor production ng mediartrix kung saan si joyce ay kasali. ang saya nun haha, comedy. bigla pang lumabas si sam milby, at nagkagulo ang mga kababaihan. tumakas na kame sa baba haha. nagchampion ang uste sa cheerdance. galing talaga ng salingawi. aw. uminom kme nung bday ni ted. september 9 un. haha. nakakatawang kwentuhan with friends. ang pinakamemorable na nangyari ngayong taon ay ang subic field trip. kung saan kami ay nagovernyt swimming dun. pero un ay "nature trip" kuno. hehe. nagtanim din kame ng puno. basta ang saya neto. bago kame tumuloy dun, nagovernyt den kme sa kumpare kong si jerico, at uminom kame ng boracay at nanuod ng battle royale. ang astig. walang tulugan un, grabe. pumasok kaming apat, ksama si don2 at dicky ng basag eh haha. basta masaya ung inuman na un. sobra. mahal ko ang college tropa ko. tapos ayun, subic na. masaya talaga. ika nga ni bogs "parang panaginip lang". nung end halos ng september, nilipat na ko sa BASS2. wow. ambaba na ng boses ko hahaha. grabe. eto din pala ang time ng milenyo. 3 days kameng walang kuryente. jusko. pasakit. walang cellphone, walang net. halos mabaliw na ko sa boredom dito sa bahay. literal ah. tas nung 2nd day ng brownout, may field trip pa kme sa rizal park, kmsta naman hehe. ayun, tas september ko din pala tinype ung intriguing na "fill in the blanks" post ko. na madali naman nilang nahulaan. aw.
october
overall champion ang uste sa UAAP 69. wow. asteeg. kaso wala naman akong napanuod kahit isang game sa big dome. sayang hehe. next yr na lang hehe. muntik na kaming ma 5.0 ni don sa PE dahil sa incomplete uniform. bute na lang pumayag ung prof namin na mag special PE kame nung sabado hehe. crush ko si mam anonas hahaha. ung math prof ko. sabe nya kamuka ko daw si sam milby hahaha. natatawa ako dun sa sinabe nya. naligo kme nila jerico, don2 at dicky sa ulan dahil pre preho kaming walang payong, isang araw nung finals. grabe. hehehe. wet look eh. f4 na f4 haha. may binagsak akong exam nun (history). kala ko talaga magsusummer na ko dun. buti hindi hehe. finals nagsimula halos ang araw araw naming pagttxt ni bogs. basta, nagsimula akong maging masaya nung finals :) sabi ko nga sa isa kong post, "i think i've found my cause again :)" naks haha. debut ni talitha. ang academic rival ko nung elementary. first time ko nakasama ung mga kklase ko ule after 5 yrs. tas ayun, nakipaginuman ako kila joseph, jasper, brylle at nino. ayos naman pla silang kasama eh. hehe. anlaki na pala ng pinagbago ko mula nung elementary. bday ni dennis. haha. grabe. hahaha. umagang umaga na kame nakauwi neto hehe. naglakad pa si dennis sa kalsada ng naka boxers lang hahahaha. astig ka denis coner hahaha. start na ng sembreak rehearsals namin sa chorale. ok naman. gumanda na ulit ang tunog namin. mas maganda pa last yr. reunion ng st simon nung october. ok lang. hindi ako msyadong nagenjoy. umabot ung average ko nung 2nd yr 1st sem sa average na kelangan para maging dean's lister. wow. hindi inaasahan. thank you lord. ayun. tapos enrollment na. masaya tong araw na to kasi nagkita na kame nung katext ko araw araw. hi bogs hehe. nakita ko si mam ellar sa simbahan ng harisson plaza. jusko. horror.
november
debut ni angelica. simula nun, tinamad na kong makipag reunion sa mga hs friends ko. parang nagkakabad3pan lang kase, may epal na sumusulpot. ginupitan ako ng buhok, tas napaikli ng sobra. wah. ayoko pa naman ng maikling buhok. tas binilan ako ni mama ng bagong bag bilang regalo sken. wow. 1st bag ko un na hindi mailman's bag hehe. nagdrawing ako ng buttercup (ppg) tas ginawa kong parang puppet hehe. binigay ko un kay bogs nung 1st day of classes nung 2nd sem. wow. natuwa sya dun hehe. first time ko din nakasama sa inuman ang mga kaibigan ko sa ab chorale. unexpected un. tas 1st time ko din maligo sa ust fountain. adeek. ansaya nun. nagenjoy ako kasama ang ab chorale nun talaga. sana kasi mamatay na ung mga epal sa alto pra mas masaya dba? hehe. isa pang memorable na nangyari nun ay ang inuman namin nila don at dom after CWTS hehe. kumain kami nun ng isaw sa may legarda, 1st time nanaman para sken. ansaya ng november para sa akin. prang love is in the air hehe. kahit na araw araw ay 11pm na ko nakakauwi dahil sa chorale. nakakapagod un. etong month na to din kami nagkaayos ni athena. buti naman. may kanya kanya na kaming buhay. at masaya naman sya sa bago nyang bf. that's good hehe. nabigyan kami ng 100 pesos ni kuya pao sa rehearsal dahil nanalo kami dun sa octet singing contest ng salmo 150 haha. game lang naman un, pero nakakatuwa na binabayaran ka para sa pagkanta haha. sumabak din ang ab chorale nuon sa isang chorale masterclass at concert na pinagbidahan ni jae jun lee ng korea. ang galing daw namin nun. ung mga tao sa conservatory proud na proud smen. wow. masaya din nung november ang BES team building kung san binida ko ang ligalig cheer hahaha. binigyan ko si bogs nun ng bandaid, kasi nasugatan sya. kinkilig ako hahahaha. 1st time namin umattend ng house building para sa CWTS namin. hindi naman masaya, nakakapagod lang. pero masaya din haha. labo.
december, at last
sabi ko nga, christmas is a season of love. haha. nagrecital concert si kuya pao, ayos naman. masaya ang computer subject ko kasi HTML, e medyo may alam ako dun hehe. first time kong naki bonding sa mga santolan peeps, at kami ay natuloy nila den2, don2, stella, dicky at bogs sa sta. lucia east grand mall, kung saan binunggo ko ang isang coin machine, at nagalarm ito hahaha. bsta. kahit malayo ang rizal samen, ansaya saya ko nun :) muntik na kaming malate ni stella sa isang singing engagement ng ab chorale sa senate. buti na lang nakaabot kame hehe. maliit lang pala ang senate, di 2lad sa tv. pero ansaya kasi nakakanta kami dun. dumating din ang araw ng himig tomasino. we won 3rd, pero masayang masaya kami dun dahil ang gagaling talaga ng mga kalaban namin. we're proud na isa kame sa mga pinakamagagaling na choir sa uste, next to engg and pharmacy hehe. nag gateway kame bago magchristmas tas nakasama ko sa arcade sila dom, stella, dicky at bogs haha. ngayon lang ulit ako nakalaro ule nung disco mania. wow. ang paskuhan dis yr ay boring talaga. pero masaya para sa akin. pareho kaming nakapink ni bogs nun. preho kasing may nagregalo smin ng pink na shirt. haha. kahit may tampuhan, masaya pa din :) uminom kame sa savory after, tas mga 3am na ko nakauwi sa cavite. sakto lang hehehe. ang mga family reunion noong christmas ay boring, pero nakakatuwa kasi madami akong nakuhang cash hahaha (mukang pera). nakabili ako ng cellphone after xmas at napalitan ko na ung luma ko. yehey. masaya din un. tapos nagpnta din kami sa medical city para dalawin ang mama ni bogs. kasama ko nun si jerico at dicky. masaya din naman talaga :) at ang rochy at nagpnta din sa marikina riverbanks. ok lang naman. tapos kahapon, new years's eve na. nakwento ko na sa taas eh hahaha.
--------------------------------
grabe. andami pala talagang nangyari sken noong 2006. sobrang laki ng pinagbago ko sa madaming bagay. tumatanda na ko. haha. ansaya. naiiyak ako haha. halos 2 hrs ko din to tinype ah hahaha. basta masaya ako sa mga kaibigan ko ngayong college, sa tropa ko, sa mga kaibigan ko sa chorale, kay mama, minsan din sa kapatid ko, at syempre kay bogs :)
happy new year sa lahat! happy anniversary sa blog ko!! madami pa kayong mababasa ditong makukulay na kwento :) yehey
july wrote this piece of crap on Monday, January 01, 2007
i'm the mobilemaniac
|