my_story

Monday, November 27, 2006

nakakabad3p



current song: wala
current mood: ewan, bad3p?



panget talaga ang mondays. ewan ko kung bakit. basta panget ang mondays. blah. dahil sa dami ng ginawa nung weekend (sat- rehearsal at laro wd chorale, sun- CWTS nagtayo ng bahay sa mandaluyong), ay nakatulog agad ako kagabi at hindi ko nagawa ung mga homework na dapat ay tapos ko na. sayang ang pagpasok ko ng maaga dahil wala kaming class mula 11-2pm, wala ung mga prof, kaya last class lang ang pasok namin knina, tas nagquiz lang kme. ok lang naman. boring. basta. wala na ko time tuloy masyado magpost dito tungkol sa mga nangyari mula nung thursday. ttry ko iupdate to mamaya, wd pictures pa. goodluck na lang.

ui ikaw, magpagaling ka ah, kilala mo naman kung sino ka.. :)
wag msyado magpapagod..

concert namin mmyang 6pm sa educ audi. recital ng conductor namin, gs2 nyo manood? hehehe

babay na :)


july wrote this piece of crap on Monday, November 27, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Friday, November 24, 2006

doraemon



current song: wala
current mood: weird



buti pa si doraemon, may time machine. pde na nyang silipin yung mangyayari sa kanya bukas, o sa kung kelan pa man nya gs2 hehe. sana may ganun din ako. pero hindi naman ako si doraemon. hayy. ang gulo na kasi. pero sabi ko nga, yan ang excitement sa buhay, walang nakakaalam what will happen next. naniniwala ako sa idea ng purpose at destiny (hindi predestination ah). may reason naman kung bakit nangyayari/mangyayari ang mga bagay bagay eh. wish me luck. goodluck sa lahat!


july wrote this piece of crap on Friday, November 24, 2006
i'm the mobilemaniac
|

masakit ang ulo



current song: wala
current mood: ewan ko



parang ang lungkot ng pasok sakin ng araw na to. totoo talaga na pag sobrang saya mo sa isang araw, malungkot na yung susunod. tulad khapon, saka ngayon. ewan ko ba. ang weird ng feeling ko ngayon, prang loner-loser mode nanaman hehe. mamaya may inuman pa naman kami, naeexcite ako na hindi na ewan. ah basta, goodluck for today. hehe. kakain ako ng brunch mamaya magisa, sa isang masarap na kainan. kung san yun, ewan ko na lang hehe. pagiisipan ko pa.


july wrote this piece of crap on Friday, November 24, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Tuesday, November 21, 2006

tired



current song: wala
current mood: pagod



nakakapagod na ang aking daily routine. 5am ggcng, aalis sa bahay ng 7am, ddating sa skul ng 8am. tambay muna, hintay ng class. 11am class na, hanggang 3pm, tas 3 to 7pm hintay ng rehearsal. 7pm to 930pm, kakanta. 11pm makakauwi na sa bahay. tas uulitin nanaman mula sa 5am. nakakapagod nu? kahit saturday at sunday occupied na. last sunday, nagconcert kami, 12mn na ko nakauwi nun hehe. tapos last saturday team building. ansaya nu. kaya eto ako ngayon, supposedly may PE ako ng 9am, pero hindi na lang ako pumasok kasi gs2 ko naman ma2log, pede ba yun? hehehe


july wrote this piece of crap on Tuesday, November 21, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, November 19, 2006

salamat naman



current song: more to life- stacie orrico
current mood: ok lang



ayun. nagising ako ng 530am. salamat sa aking bagong sleeping habit at kahit 10pm pa lang ay nakakatulog na ko. at 530am gising na ko. panget panget. tsk.

nakachat ko si hazel sa ym. nakakatuwa. madaming bago. salamat sa time hazel. goodluck sayo.


july wrote this piece of crap on Sunday, November 19, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, November 18, 2006

cheesy team bldg



current song: naghihintay- jacob
current mood: senti, unti unting nahuhulog..



team bldg ng BES kanina. nanalo yung team namin. di man lang pala ako nakakuha ng prize candy namin, bigla ko lang naisip.

di ko na mapigilan ata yung nararamdaman ko. kanina sa bus, ah basta.. para akong sira, nanginginig habang nagttext. buti na lang hindi napansin ng mga tao dun. tinakpan ko kasi ng panyo yung mga mata ko.

bandaid made my day. i hope it made hers too.

ngayon ko lang ulit naramdaman to. seryoso..


july wrote this piece of crap on Saturday, November 18, 2006
i'm the mobilemaniac
|

master class



current song: wala
current mood: moody



knina, sumabak ang ab chorale sa isang chorale master class na pinagbidahan ng isang koreanong conductor. nakakatense kumanta sa hrap ng ust singers. ok lang naman. bahala na. hahaha.

bagong quote: actions must speak louder than words.

yun lang muna, tulugan tymss na e hehehe. babay


july wrote this piece of crap on Saturday, November 18, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Friday, November 17, 2006

may test pala kami



current song: wala
current mood: kinakabahan



naku, may test pala kami kay sir olivar mamaya. sya yung natsci prof namin ngayon. biology ang course nya. eh ang test namin mamaya ay tungkol sa chemistry hahaha. goooodluck! di pa ko nagaaral as of nov 17, 5:38am.


july wrote this piece of crap on Friday, November 17, 2006
i'm the mobilemaniac
|

nakakahiya (konti)



current song: wala
current mood: bagong gising (5:24am)



kahapon, medyo embarassing ang araw ko. ganito kasi yun.

nasa lib ako. nagpunta ako sa social science para magcharge ng cellphone, hehe, ako lang magisa. edi mga 30 mins na ko dun. kaso, nagtext na yung iba kong groupmates sa filipino play para makipagmeet up, kaya kelangan ko na umalis dun. habang naglalakad ako, may isang babae dun sa bookshelves. parang pamilyar ang itsura nya, kaso nakatalikod at nakayuko kasi naghahanap ng book. pero magisa lang sya, at talagang kamuka nya ang isa kong kklase (si ashley). edi yun na, lumampas na ko dun sa shelf na yun, tas bigla na lang akong bumalik, tas kinalabit ko yung babae. pagharap sken, boom! hindi sya yung kklase ko at hindi ko sya kilala! syempre jackpot na ko. sabi ko "ay sori" sabay takbo palabas dahil sa kahihihiyan.

wala lang hehe.

nakakatulog ako sa 1st 2 subjects namin dahil ang boring nila talaga. ang panget ata ng sked namin ngayon. hayy.

3rd period, wala nanaman si major prof namin, kaya kumain na lang ang mga tao.

last period, computer time. eto nanaman. nahuli akong nagttext sa kanya ng prof namin na mukang kabayo. edi boom! commotion nanaman. kinonfiscate yung cellphone ko at binasa yung msg ko sa harap ng klase (yehey palang naman ung natatype ko). buti na lang hindi binasa yung pangalan nung katext ko, kundi, durog ako. boom! tas after nya kunin, sabi nya, may kamuka daw akong artista hahaha. eto nanaman tayo. starstruck batch 3 daw. tapos eto namang si dicky, sabi, ako daw talaga yun. boom! commotion nanaman. gs2 ko nang ipasok yung ulo ko sa monitor dahil namumula na ko sa kakatawa e hahaha. wala lang.

ayun, edi uwian na. binitbit ko yung bag nya sa sakayan. wala lang share lang. ansaya eh :)

tas nagpunta na ko sa ab chorale rehearsal. may test daw kami. octet singing. hinati kami into 2 groups, tas parang contest. kakantahin namin yung mga songs namin, tas ggrade-an kami. kung sino yung group na mas mataas, bibigyan ng tig 100 pesos each ang mga kasali. hahahaha. shortcut: nanalo kame hahaha. 100 bucks for me baby! aw!! sa mga panahong tulad nito, masasabi kong professional singer na ko, haha. binabayaran na ang pagkanta ko hahaha. de, joke lang hahaha.

peace everyone :)


july wrote this piece of crap on Friday, November 17, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Thursday, November 16, 2006

masaya x 1000



current song: wala
current mood: masaya x 1000



ansaya. dapat kahapon ko pa to ipopost eh. kaso nakatulog nyehehe. ansaya ng buhay nu?

kahapon, nagkausap na kami ni athena. after 6 months. ok na kami. we've both moved on with our lives, pero we're still good friends. buti na lang happy ending pa din after all. i've learned that some people are really just not meant for each other. pero hindi naman reason un para sirain ang pagkakaibigan diba? i'm happy because i know that this will be the start of better things for us both. :)

at kahapon. hahaha. mga 6pm or so, sa tambayan pav namin hahaha. hindi ko na kkwento haha. sa mga katropa ko, hahaha, tsitsinelasin ko kayo isa isa e hahaha, pero salamat senyo haha. kinikilig ako hahahahaha. jk.

at ngayon, umaga nanaman, ansarap gumising. masaya pala tumawid sa tawiran pag may kasama ka. hahaha.

tama na. we should all enjoy life hahahaha.


july wrote this piece of crap on Thursday, November 16, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, November 15, 2006

context



current song: wala
current mood: nasstress



tuesdays ang pinaka pangit na araw sa sked ko for this sem. PE day kasi. ggising ako ng 5 or 6am tapos aalis ng 7am para dumating ng skul ng 8am kahit na 9am pa ang PE ko. sumasabay na kasi ako kila mama, at nakakatamad naman magcommute pag may dala kang malaking bag. 0_o. hassle talaga maligo sa napakainit na paliguan ng USTe. at kalahati lang ung sabon ko kahapon kasi naghati kami ni dicky haha, dinurog namin ung sabon ko para hati. naks. basta.

tapos papasok ka ng 1pm dun sa lintek na boring na prof namin sa social teachings of the church. jusko, makakatulog ka talaga.. tapos ang next subject naman eh ung teacher namin na crush ng mga kababaihan pero muka namang nakahithit ng katol haha. joke lang. piz. hahaha. siguro yung 3rd subject ko na ang pinaka excting. major kasi. pero hindi ako nakapasok kahapon kasi.. (basta hehe). magaling daw eh, excted na ko next time. tas ung last subject, computer. my ever favorite computer subject. at mukang kabayo ung prof namin. pinagalitan pa si ano. tsk, yari sken un.

tapos, after 730pm (dismissal namin), magrerehearse pa ko sa chorale hanggang 930pm. walangya, nakakapagod din kumanta ah. hindi ganung kadali yun. pero masaya naman magrehers. gumagaling na kaming lahat :)

nakakauwi ako sa bahay namin, 11pm na. tas kakain ng dinner, dahil g2m ako. tas 2log na. nasan na ang panahon pra sa paggwa ng homework at pagiinternet. hahaha. gudlak.

hayy, nakakapagod. pero there's one person that keeps me goin despite all these school sh*t. ah basta. may tama na ata ako. sorry kahapon ah? di na mauulit yun..


july wrote this piece of crap on Wednesday, November 15, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Monday, November 13, 2006

bad start



current song: wala
current mood: sakto lang



bad start for the 2nd week. late ako, eto nanaman ang hobby ko tuloy. hindi ppsok sa 1st class at mgbblog sa lib. nakaw. nakakadisappoint na nakakarelax. haha. papasok na ko. eto ata ang kabayaran sa 3 days na masaya. goodluck. paalam na.


july wrote this piece of crap on Monday, November 13, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, November 12, 2006

everyday



current song: steep- lauren christy
current mood: masaya



masaya ako pag gumigising ako sa umaga. nakangiti, parang ewan. hahaha. meron kasing reason para maging masaya ako. pero kabado pdin. aaaaaaaaaaa


july wrote this piece of crap on Sunday, November 12, 2006
i'm the mobilemaniac
|

3rd str8



current song: wala
current mood: kakauwi lang, happy :)



oh happy days naman talaga o. cwts orientation kanina. pinili ko yun kesa dun sa outreach ng COMACH, wala kasi akong kasamang kakilala ko dun kung sakali. bottom line: mahirap kumilos magisa hehe. kklase ko pden si chinky sa cwts. magkagroup kame. wala lang hehe. josephian na kagroupmate sa ust. galeng nu?

paglabas ko ng ab after nung orientation, nasa av pub na ang mga boys. habang hinihintay naming matapos yung mga girls, puro kwentuhang family computer at iba pang game consoles ang napagusapan namen. ansaya eh hahaha.

tapos yun, lunch time na. sa dapitan square kami napadpad. kasama ko si don, dom at si dicky. lowbat na ko nung mga time na to kaya nanghiram ako kay don ng celpon para lang makatext. yehey. nagkayayaang maginuman. ok lang. pero di muna kami uminom.

tumambay kami sa tambayan kasi andun yung ibang mga lalake at babae ng BES. pero by 3pm, umuwi na sila. ang mga astigas na naiwan ay si dom, don at ako na lang. mula dun, naghanap na kami ng inuman spot. sa kasawiang palad, sarado ang 1611, moses, mayrics, at ang iba pang mga inumang spot na kadalsan naming pinupuntahan kaya kami ay nauwi sa savory (the place to be). parusa ata samin yung mahirap na paghahanap ng inuman spot. ang linya kanina, "linggong linggo kasi, inuman?? iba na talaga pag lasinggero!" hahaha. (di naman...)

ayun na nga. isa lang ang ininom ko. tas kwentuhang masaya at pagibig nanaman hahaha. iba talaga pag inuman. masaya lalo na pag kaibigan mo ang kasama :)

tas lumabas na kami dun para kumain ng isaw. pero dahil sarado ang kariton ni manong isaw-an, chicken skin na lang at fried squid ang kinain namin. masarap naman..

tas, tumambay pa kame sa legarda station, dun sa baba at kumain ng love shawarma. wow. tas kwentuhan padin, walangya. ang sunday ay naging bonding day na.

ayun, tas uwian na. ansaya nu? ansaya nga, ubos naman ang pera haha. sana bukas paggising ko madami na ulit laman ung wallet ko.

summary: mula friday, hanggang sunday, puro happy happy gudtimes ako. wow. first weekend pa lang ngayong second sem, anu pa kaya ang mga mangyayari sa mga susunod na weekend? nyehehehe. excting.

sa mga nakabonding ko mula friday, salamat sa inyo. ansarap maging college! whoo!!

ps. sori na, di na ko masyado iinom..


july wrote this piece of crap on Sunday, November 12, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, November 11, 2006

chorale day



current song: wala
current mood: happy



happy naman. pumunta ako sa skul knina para kunin yung napaka kapal na book ko sa history. tas yun. nakipagmeet na ko sa mga ka-chorale ko dahil ang araw na ito ay tinaguriang bonding day daw. kasama si nikki, audrey, dan, benj, song at si angel baron. tumambay muna kami sa ice monster tas kwentuhan lang. tas pumunta sa grandstand para magkwentuhan pa ule. umalis na sila nikki at audrey matapos nun. sayang hehe.

nagkayayaang uminom sa 1611 dahil nakakatamad na. konti lang ang ininom ko. at ang dami ng aming pulutan. merong masarap na siomai, sisig, yangchao (?) rice at ang tokwa't baboy na first time ko lang nakain. ok naman ang aming inuman. sabi nga, yun daw ang pambawi ng mga hindi nakasama sa 'loser outing' ng chorale nung sembreak hehe. first time ko ata sila makasama sa ganun at andami talaga naming napagusapan. andami ring revelations. nakakagulat/nakakatuwa. masarap sila kausap dahil madami akong natututunan sa kanila.

tpos naming uminom (9pm), naglakad lakad kami sa uste at napadpad kami sa majestic fountain ng alumni park. wow. yun yung fountain na bigla na lang naglalabas ng tubig mula kung san san. hehe. dahil medyo malakas ang aming trip ay nagkayayaang maligo sa fountain na yun. actually, dapat sa graduation pa namen ggwin yun ng tropa ko kaso nauna na ko dahil sa nangyari knina. wow. ansaya, prang mga sira lang eh. sayang lowbat na ang cellphone ko at wala man lang akong ibidensya. nakaw. next time, next time.

tas uwian na. wala lang. masaya kahapon, masaya din ngayon. salamat talaga kila benj, song, angel at dan (ang dakilang bloghopper) para sa masayang pagsasama natin kanina. seryoso. sana maulit pa. yehey

bow.


july wrote this piece of crap on Saturday, November 11, 2006
i'm the mobilemaniac
|

mooshi-han



current song: listen- stonefree
current mood: gutom na



pra sa mga senting tao. nakuha ko nga pala to sa blog ni wilbert.

you don't marry someone you can live with someday
you marry the person who you cannot live without

love is blind, but friendship closes its eyes

some love lasts a lifetime while true love lasts forever

we come to love not by finding a perfect person
but by learning to see an imperfect person perfectly

absence diminishes small loves and increases great ones
as the wind blows out the candle and blows up the bonfire

the heart has reasons that reason cannot know

better never to have met you in my dream
than to wake and reach for hands that are not there

LOVE WITHOUT REASON LASTS LONGEST


july wrote this piece of crap on Saturday, November 11, 2006
i'm the mobilemaniac
|

drink again



current song: what do i do- nyoy volante
current mood: bagong gising



kahapon, after classes, bday ni boleng kaya nilibre nya kami sa yellow cab. yehey. at syempre, present dun ang aming tropa. sayang nga lang dahil hindi na kame kumpleto, anim na lang kme. richard kase, grr. nakakatuwa, laglagan talaga eh. tapos kumain dun, dumeretso na kami sa inuman spot namin, ang moses billiards sa p.noval. ayos naman. hotseat nanaman ako. kaso dumating bigla ang mga babaeng sila stella atbp para sunduin ako dahil may rehearsal kame sa chorale. sayang naman. bitin. nakakamiss. sana next time may panahon pa kami para maginuman ule ng magkakasama :(

pupunta ako skul mamaya para tignan ang sked ko sa CWTS at para kunin yung history book ko. tas kung andun si angel baron at ang iba pang mga chorale, bonding daw. bahala na. bukas, may outreach ata kami sa bundok haha, magtuturo daw ng math at english sa mga bata. saka orientation sa CWTS. dami namang ggwin. 1st week palang prang finals na.

sana paskuhan na. fave time of the year. i miss christmas. saka ung mga christmas songs na din hehe.


july wrote this piece of crap on Saturday, November 11, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, November 08, 2006

from someone's blog



current song: wala
current mood: ok lang



nakuha ko sa blog ni arol. josephian un dati.

Question of the Day:

Bakit kapag inlove or heartbroken ka, feeling mo halos lahat ng songs para sa'yo?

bakit nga kaya? hehe

*italics mine


july wrote this piece of crap on Wednesday, November 08, 2006
i'm the mobilemaniac
|

2nd sem again



current song: blue sky- hale
current mood: full
currently reading: ym msgs



2nd sem na. siguro out of 7 professors na nagpakita na samin (8 kasi dapat eh), 4 lang ang mukang okey. hehe. subjects, ayos lang den naman. prang nananakot yung iba na mahirap ang subjects nila pero di kame papatinag syempre hehe. sobrang moody ko na recently. mas moody pa kesa dati hehe. basta. ewan ko, prang may mali eh..

buttercup made her happy. yehey. im happy. everybody should be happy. yehey!!


july wrote this piece of crap on Wednesday, November 08, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Monday, November 06, 2006

last day



current song: wala
current mood: happy
currently reading: ym msgs



last day na ng napaka unproductive kong sembreak. ayoko pa pumasok bukas. ang aga kasi, salamat talaga sa PE orientation na yan at imbis na 1pm (o yan na ah), magiging 9am ang pasok ko. grarr.

may dnrawing ako. basta. exctited na ko bukas hahaha.

i miss my long hair. ang tagal pa bago ulit to humaba ng ganun kahaba. pero ayos lang. bahala na. hehehe

til next sembreak friends! :)


july wrote this piece of crap on Monday, November 06, 2006
i'm the mobilemaniac
|

not the usual sunday



current song: awit para sa kanya- true faith
current mood: antok
currently reading: tula



hindi kami maaga umalis or gumising ngayong sunday. kakaiba. nagmass kasi kami kahapon sa g4 kaya hindi na kami nagsimba. umalis kami s bahay after lunch at pumunta sa sm bacoor para mag grocery. naglibot libot muna kami pag dating dun. tumingin ako ng bag, at presto! andun ung bag na hindi ko nabili kahapon sa g4. whoo. im happy. hindi naman pala ganun kaganda ung bag, pero binili ko pdin hehe. im happy. tas nagrent ako ng movies, tas kain, tas grocery time na. tas uwian na. ako ng cook ng dinner for us. masarap daw naman.

naglakad ako sa labas. tumingin ako sa langit. full moon ata eh, o bilog lang talaga ung buwan. ewan. di ako expert dyan. siguro swerte at light tong araw na to para sakin. ewan ko lang. hehe

chat chat ngayong gabi. salamat sa YM at madali magchat dba. nagseselos ata ako, or may hint ng ganun haha. ewan ko. di kasi ako ganung ka sweet eh.

wala lang tong post na to hehe. happy day naman ang sunday eh. madami akong dapat ipagpasalamat :)


july wrote this piece of crap on Monday, November 06, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, November 04, 2006

bad3p days



current everything: wala, bad3p siguro



bad3p na nga ako kahapon, bad3p pa din ngayon. ang gara naman.

bad3p number 1. nagpagupit kasi ako kaninang umaga. ang iksi ng gupit sakin. wala lang, di ko lang trip na masyadong maiksi yung buhok ko hehe. ngayon pa at nalalapit na ang pasukan. very timely.

bad3p number 2. kasi pumunta kaming makati kanina pra humanap ng school bag para saken. edi naglibot kami mula 3pm hanggang 5pm. sa loob ata ng 2 hrs, isa lang yung tlagang nagustuhan ko. edi dapat bibilin na namin. eh aattend pa pala kami ng mass. edi nag mass muna kami. pagbalik namin dun, nabili na yung bag. eh nagiisang stock na lang yun. swerte dba?

bad3p number 3. antraffic paguwi.

yun lang. sa nakabili ng bag na gusto ko, gudlak sa'yo. may araw kadin hahaha. joke lang. sa naggupit sakin, may araw kadin hahaha. joke den syempre.

sana bukas ok na ang araw ko.


july wrote this piece of crap on Saturday, November 04, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Friday, November 03, 2006

walang kwenta



current song: wala
current mood: kakauwi lang
currently reading: blogs



walang kwenta tong araw na to masyado. siguro kung nagpagupit na lang ako ng buhok, edi mas ok pa ang buhay dba?

ang init kanina. ang taas ng araw tas biglang umulan?? walangya. ngayon ko lang narealize na naiwan ko pala ung shades ko kay marj. aw. bday party ni gel knina. nagsimula ng ok pero ending, mainit at nakakabanas lang. i therefore conclude na si chrisjohn ang pinakabulshit na taong nakilala ko sa SJA. walangya. hindi ako uminom kanina, prang hindi sila yung tipong kainuman ko. mga 7pm umalis na ko dun, ngmcdo na lang kame. dumating dun si hershey, tas nakita namin si marklouie at si melay. ok naman. masaya na sana eh, kaso dumating nanaman ung mga "sikat". uwian na. hay, nakakapagod lang. pahinga na lang muna. ayoko lang mabad3p. hehehe

happy night. sana.


july wrote this piece of crap on Friday, November 03, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, November 01, 2006

aba ewan?



current song: dahil ikaw- true faith
current mood: ok naman
currently reading: emails



kanina, pagkauwi ko. nagopen ako ng friendster account dahil ayon sa aking gmail, meron daw akong testimonial mula kay MJ at messages mula kay kim at sa isang taong hindi kilala.

nakakatouch ung testi ni MJ hehe, tas nakakatuwa na nagmessage si kim. tas yung isang message, edi binasa ko na..

ganito yung nakalagay:

[mura mura mura] tantanan mo gf ko!! [muraaaaa]

exciting no? hahahaha. nakakatwa ka, kung sino ka man. ganyan ka ba kainsecure? ampf. magkaron ka naman ng self-confidence o

------------------------

ok na, hehe, kakatapos ko lang magdinner. online ule. tas ngopen ako ng music player, nakarandom. kahit isa na ata to sa mga pinaka corning kantang narinig ko (dahil theme song ng isang teleserye haha), natuwa padin ako sa lyrics. basahin nyo na lang yung lyrics hehehe. nakakarelate ba? ewan..

dahil ikaw
true faith

Sa piling ba niya ikaw ay
May lungkot na nararamdaman
Damdamin mo ba'y hindi maintindihan
At sa tuwing ako ang
Nasa iyong isipan
May nakita ka ba na ibang kasiyahan

Nandito lang ako
Naghihintay sa iyo
Na mapansin ang aking damdamin
Na para lang sa iyo

Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko
Ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay
Pag-ibig ko sa iyo ibibigay
Nais ko ay malaman mo
Na mahal kita

Sa piling ba niya ikaw ay
May sakit na nararamdaman
Damdamin mo ba ay sinasaktan
At sa tuwing ako ang
Nasa iyong panaginip
Na tayong dalawa masayang magkapiling

Sana'y pagbigyan ang nadaramang ito
Sana masabi mo na mahal mo rin ako

Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko
Ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay
Pag-ibig ko sa iyo ibibigay
Nais ko ay malaman mo

Na mahal kita

----------------

nakakatuwa no? :D


july wrote this piece of crap on Wednesday, November 01, 2006
i'm the mobilemaniac
|

undas



current song: wala
current mood: ok lang
currently reading: my emails



undas kanina. ang init at ang daming tao kanina sa manila memorial park. wow.
tapos meron daw kotse na muntik nng masunog malapit sa puntod ng lolo ko. exciting nu?


july wrote this piece of crap on Wednesday, November 01, 2006
i'm the mobilemaniac
|

the_maniac

July

19 : also known as julius, jollers, hulyo or whatever you wish to call him : fake chinese : budding psychologist : thomasian : tends to be critical about anything : musically endowed : so damn moody : singer since birth : practical but unavoidably spendthrift : art and cat lover : occasionally alcoholic : broke on wednesdays : easy-going : sensitive animal : certified latecomer : former josephian : mobilephone addict : cyberstuff enthusiast : part-time writer : loud but silent : taken but available : comic but serious : hates school : moderately athletic : intellectually capable : no tv, no movies, no news : frustrated philosopher : food junkie : hopeless romantic : believes in destiny

new_stories

moved
rants
hahahahahahaha
hahahahahahaha
weird friday
happy 3 years
dahil tamad ako
himig tomasino 2007
selfish?
test

my_past

01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 09/01/2005 - 10/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 06/01/2006 - 07/01/2006 07/01/2006 - 08/01/2006 08/01/2006 - 09/01/2006 09/01/2006 - 10/01/2006 10/01/2006 - 11/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2007 - 03/01/2007 03/01/2007 - 04/01/2007 04/01/2007 - 05/01/2007 05/01/2007 - 06/01/2007 06/01/2007 - 07/01/2007 07/01/2007 - 08/01/2007 08/01/2007 - 09/01/2007 09/01/2007 - 10/01/2007 10/01/2007 - 11/01/2007 11/01/2007 - 12/01/2007 12/01/2007 - 01/01/2008 01/01/2008 - 02/01/2008 10/01/2008 - 11/01/2008 04/01/2009 - 05/01/2009

supah_friends

Arafol
Hazel
Helena
Jerico
Johnrey
Josemargo
Marvin
Stellar

blog_mates

Aja
Angel
Anne
Arvin
Arvin2
Audrey
Averill
Bluewinn
Chanhassen
Chinky
Coco
Dan
Daryl
Dennis
Eka
Elle
Francia
Jane
Jane2
Jeff
Jen
Jonna
Jose
Kaori
Leilani
Liza
Lora
Louise
Luisa
Martha
Missmath
Nads
Nikki
Poli
Raymond
Sherrlene
Tessa
Trinefusion
Vanessa
Weng
Wilbert
Zheloh

the_other


Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
My Photobucket
cbox

about the layout: "from the mind of a troubled teen", designed by Clone, only at BlogSkins

blog_listings









blog_code

B5 d+ t k+ s+ u- f i o++ x- e+ l+ c

the_tagboard


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com