my_story

Friday, September 29, 2006

ngayon



current everything: wala



ngayon lang ako nakakilala ng taong mas baliw pa sken pero mas mabait pa sakin. pero anong laban ko sa kanya? hindi naman ako pari. natatakot tuloy ako hahahaha.

gusto ko na magtext. please Lord sana may kuryente na paguwi ko mamaya..


july wrote this piece of crap on Friday, September 29, 2006
i'm the mobilemaniac
|

adeek



current song: wala
current mood: nababad3p, kelan magkakakuryente sa cavite??
currently reading: wala



dapat kahapon pa ko magbblog eh, sakto pagka-connect ko sa net, BROWNOUT! grrr. almost 20 hrs nng brownout sa cavite, at hindi din ako nakapagcharge ng cellphone kaya kahapon, baliw na ko sa bahay. walang kahit anong entertainment. buti na lang may battery ung cellphone ni mama at kahit pano may radio pa ko hehe. pero nalowbatt din kagabi, kaya wala na talaga.. hayy. and2 ako ngayon sa sm bacoor (netopia), at least dito may kuryente haha. ang balak ko sana ay magpacharge dun sa CHARGE na booth, kaso naglaho iyon bigla. grr, ngayon pa kung kelan kailangang kailangan ko ng battery sa cellphone grrr.

hehe. magkkwento na nga lang ako.

nung wednesday, may nagawa akong napaka-stupid na bagay. kasi gnito yun. rehearsal namin sa chorale, eh nauuhaw na ko, so nagpaalam akong bumili ng c2 sa labas. edi bibili na ko, nagdala ako ng payong. (note: bukas ung payong ko nung kinuha ko yun, kasi pinapatuyo ko) edi yun, dala dala ko yung payong ko (nakabukas) habang naglalakad sa lobby ng educ bldg. tapos may nakasalubong ako, ansama ng tingin nya sken. dun ko lang napansin na naglalakad ako nng nakapayong sa loob ng education bldg. kmsta naman ako?? grr. natatawa 2loy ako hahahahaha. (<--- sira)

ayun, so brownout kahapon at hanggang ngayon, hindi na2loy ung balak kong magcharge dito sa sm. pero may nakita akong mama knina sa foodcourt, nakatayo lang sya sa tabi nung poste habang nagccharge. hahaha, simpleng mandurugas lang eh.

san kaya ako magpapacharge? sana kasi bumalik na ung kuryente asap. kmsta na kaya ang mga friends ko sa norte? lolx


july wrote this piece of crap on Friday, September 29, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, September 27, 2006

fill in the blanks



current song: library blues
current mood: nahihilo sa screen
currently reading: blogs



nagbbloghopping ako. pero tinamad na ko. letter c palang prang ayako na magbasa. next week na lang ule.

fill in the blanks na lang

ewan ko kung bakit nahuhumaling ako sa mga _________ nagaral sa _______. kanina kasi, ________, tapos _______ si ano dahil hindi sya nakapag _______ sa ______.

(ok madami ng blank)

kaya tumakbo ako sa ___________ para _______ ng _______ at ibinigay ko yun sa kanya. wow.

nakokornihan na ko dito sa fill in the blanks ko. basta may bago akong _______. yata.


july wrote this piece of crap on Wednesday, September 27, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Tuesday, September 26, 2006

update naman dyan o



current song: wala
current mood: wala din
currently reading: emails



matagal na din kasing walang update, kaya and2 nnman ako sa library (930am) kahit na 1pm pa ang class ko, nagpapaka-diligent kasi ako kuno. hehe. hinde, may outlet kasi dito sa social science section, makakapagcharge ako haha, d kasi ako nakapagcharge sa bahay eh hehe.

updates, anu ba? saturday, bum all day sa bahay. sunday, final exams sa CWTS na hindi ko naman inaral. umuwi agad ako dahil magpapakain ng lunch ung pinsan ko. anniv nila nung bf nya hehe. boring dun. sana pla nagstay na lang ako sa uste hehe. talo ang uste laban sa ateneo. hahaha. no comment.

rehearsal kahapon sa chorale, nilipat na ko sa bass 2 hahaha. wala lang, mas gs2 ko sa bass 1 kasi hindi masyadong mabababa ung kinakanta. effort kse pag sobrang baba, pero challenge to hehe. isipin mo, dati tenor 1 ako, kinakanta ko ung pinaka matataas na male parts, tas ngayon bass 2 na, ung pinakamabababa naman. anu ba talaga? hehe

exams namin sa math mmya. prang ayoko pa magtest kasi nalilito ako sa lesson. nadidistract ata ako sa prof namin haha. jk. hi mam anonas.

oh yun lang muna, hanggang sa susunod nating pagkikita (nye?)
paalam! (dragonball?)


july wrote this piece of crap on Tuesday, September 26, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Friday, September 22, 2006

nagmamadali



current everything: nagmamadali



oh yeah, kaht late na ko sa next class ko (1 min to go), blog pdin haha
asa lib ako ngayon. may nagsend sken ng quote. share lang

we don't look for love because it sucks to be alone watching movies, because it's sad to eat meals alone, because it's nice to cuddle up with someone on rainy days;

we look for love because we want to be forgiven; for the sloppy way we dress, for the clumsy way we eat our meals, for bad hair days and for the plainness of ourselves.

love is an act of forgiveness that for all our imperfections, we are accepted.


waa late na ko


july wrote this piece of crap on Friday, September 22, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Tuesday, September 19, 2006

tagged



current song: wala
current mood: tamad
currently reading: email



na-tag dw ako ni ate van. so kelangan ko atang magbigay ng 6 random facts tungkol sa sarili ko. tama ba ito?

1. pag bad3p ako, madami akong nasasabi. pero pag bad3p na bad3p na ko, hindi na ko nagsasalita. siguro kaya ganun kasi ayokong may masabi pa kong masama pag bad3p na bad3p na ko, kaya shut up na lang. hehe

2. mahiyain ako. oh yeah. madaming hindi naniniwala dito, pero pag hindi ko kilala yung mga kasama ko, o kaya pag hindi ako kumportable sa mga kasama ko, tahimik lang ako. hindi kasi ako friendly talaga, pero pag naging close tayo. boom! hehe

3. beer ata talaga ang kahinaan ko pagdating sa inuman. mas gusto ko uminom ng hard drinks kesa beer.

4. mahilig akong manuod ng romantic flicks o kaya e magbasa ng mga love stories. sabi nila malulungkutin dw ung mga taong mahilig sa mga ganung mushy stuff. pwdeng iniimagine na lang nila ung sarili nila sa characters pra macompensate naman ung absence nung "love" kuno. ewan ko lang kung nagaaply sken ung ganun. pero sentimental akong tao haha, ganun na lang.

5. daydreamer ako. andami kong gusto sa buhay, minsan dinadaan ko na lang lahat ng un sa pagiimagine. tulad kunware, anung ggwin ko sa 60 million pesos pag nanalo ako sa lotto. wow. eh hindi naman ako tumataya dun haha

6. mapride akong tao. ako ata ung tipo na pag may ginawa ka saking "foul" kahit once(yung talagang mababad3p ako at maaapakan ung pride ko), goodluck sayo. hehe

yun lang hehe. ewan ko kung sinong itatag ko. wala na lang siguro. goodluck


july wrote this piece of crap on Tuesday, September 19, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Monday, September 18, 2006

kung



current song: kwarto
current mood: bagong gising
currently reading: emails



kung alam mo lang, ikaw pa din ang nasa isip ko hanggang ngayon, kahit ilang taon na ang lumipas. hindi ka ba napapagod? ang tagal mo nang tumatakbo sa isip ko. sa bawat gawin at isipin ko, andun ka padin.


july wrote this piece of crap on Monday, September 18, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, September 17, 2006

fun = 1500



current song: because of you
current mood: pagod, oh yeah
currently reading: emails



long post

oh yeah, after 3 days, im finally back hehe. pero mukang magiging four days na ata ang bakasyon dahil walang pasok bukas. oh yeah nanaman. masaya ang subic. mula friday, less than 5 hrs pa lang ang tulog ko. nung friday, overnyt kila jerico. walang tulugan sa inuman. nanuod muna kami ng battle royale (astig to ampf, bitin) at nung nakatulog na ung ermats nya, akyat na kme sa rooftop pra inumin ang boracay na hinanda ni jerico. ang timpla ay masaklap dahil maliit na pitcher lang ung ginamit. 3/4 siguro nun ay napuno ng long neck tas ung 1/4 na natitira, dun sa mix. alangya eh, pero ok lang. masarap naman eh. la nga lang yelo. madami din ang sticks na naubos ko. mga 3AM (sat) na kme natapos. konting kwentuhan pa at naligo na kami ng bandang 4AM. manhid pa pero sige lang hehe. enjoy ang inuman, as always pag kasama ang best dudes.

saturday morning. 540AM at nasa skul na kme. usapan kse, 6AM aalis na. pero 8AM pa kme umalis. wtf. basag basag kaming mga nagovernyt dahil walang tulog, pero ang gago pdin. hehe. usapan sa bus na lang m22log. so nung dumating ung bus, sa likod kame pumwesto nila benedict at jerico, pero mali ang idea na yun dahil maalog sa likod. grr. wala akong tulog hanggang subic.

saturday pm. subic na. first stop. tree planting shit. ok na sana eh, kso umuulan. ang init init tapos umulan??? anak ng tupa naman, naka flips pa naman ako, durog durog ako e, lumulubog ako sa putik haha. pero d ako magisa. madami kami, tangna pababa at paakyat un. ang hrap ng buhay grr. nagbaon pa 2loy ako ng 20 tons ng putik sa bus. pero lahat kami may ganun. medyo extra bd3p lang ung sken.

tpos pamulaklakin forest. dito kami naghugas sa ilog. nature trekking kuno. pero shit, nagpapagod lang kame nito. hehe. si kuya tinuruan kme gmwa ng apoy mula sa kahoy, old skul na. pero may bago, basong may shot glass, kutsara, kawali mula sa kahoy. haha, natatawa ako dahil nagaacting pa sya na may manok at atay na niluluto, eh wala naman. moral lesson: kung wala kang balisong na pantabas sa kahoy pra gmwa ng mga yun at naiwan ka sa bundok magisa, magpakamatay ka na lang

next stop, subic safari. enjoy to. ung tiger nakakatwa e, dinadakma ako. sisilaban ko un ng buhay e haha. may bago akong kaibigan dito. si meh, ung kambing na sinusundan ako. muntik na syang makatakas eh, nahuli nga lang. malas mo animal! next time maybe hehe

tpos all hands beach resort na! yeah! swimming til 2AM (sunday), pero syempre, wala nanaman ako tulog. bwal uminom at magyosi. kelangan patago. hello jerico at don. videoke time. pumipiyok ako sa lunes ng spongecola at rivermaya songs. pano ba naman, basahin mo simula sa taas ule hehe.

nakatulog ako sa kwarto by 230AM. nagising ako ng 430AM dahil sa sobrang gnaw ng aircon. nagchocolate kme ni chester, ksama na ang pangttrip kay arlo salvador hehe.

swimming ule! beach volleyball by sunday morning. yun e pagkatapos magpaexercise ni arlo sa beach. walangya, sya ung leader ng exercise, at nasa dagat pa sya. langya. pedeng model ng carter briefs e, loser!

ampf, laro, swimming hangang 1030AM tapos ligo hanggang 11. lunch hanggang 130AM.

nagpunta din kami sa mangrove at apaliin trail kung san wala kaming gnwa kundi mag trekking. ampf. tas uwian na. oh yeah

ansakit ng paa ko. langya. pero enjoy to. next year sana meron pa hehe

------------------------------

number 1: ansakit ng kamay ko, pde bang pakimasahe mo naman?
number 2: lika dito.
*masahe masahe with lean on shoulders*
number 3: wag kang ganyan, may naaalala ako etc.

you flirt! quit foolin around haha


july wrote this piece of crap on Sunday, September 17, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Friday, September 15, 2006

aalis



current song: wala
current mood: stressed out
currently reading: emails



oh yeah, aalis na 'ko mamaya. overnyt kila jerico. kami ay maglalasing at magluluto. oh yeah, im so damn excited. bukas na kasi ang subic trip. 3-day vacation ito. 3 days din akong hindi magiisip ng kalokohan sa skul etc. enjoy sana. kaso ang pinakabad3p na part eh ang pagaayos at paghahanda ng gamit. hindi kasi kasya sa bag ko ung mga gamit ko. grrr. annoying. pero excited padin ako hehe.

i love mama. sana maging ok hehe


july wrote this piece of crap on Friday, September 15, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Tuesday, September 12, 2006

na



current everything: wala



nakakalungkot isiping hindi ka na naaalala nung taong pinagbigyan mo ng lahat. haha. loser.


july wrote this piece of crap on Tuesday, September 12, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, September 10, 2006

sa wakas



current song: each day with you- nyoy volante
current mood: sinisipon grr
currently reading: wala



sa wakas, antagal magload ng new post page grrr
ayun nga. sa text, eto ang mga natatanggap kong msgs.

1. go uste!! go uste!! go uste!! go go go!!!
2. champion tayo! bwahahaha

well, champion nanaman ang uste, ang galing bwahahaha. magaling din ang FEU. maganda ang laban hehe. galing akong sm. bumili ako ng tshrt, sando, sando ulet, saka flipflops na orange. yahoo. bumili din ako ng baon ko. excited na ko magsubic. kahit paglilinisin lang kami dun ni fucking arlo, excited pdin ako haha.

yung cellphone ko, nagloloko na. ayaw na magcharge ng normal. tapos ayaw na mag megapixel mode sa camera. grr. araw araw kasi tong nababagsak eh. ampf, gs2 ko na palitan. kaso wala pa naman akong pera. hayy, depressing.

ayoko ng sipon. hectic week ang aasahan ko simula bukas. goodluck sken.

ay galing nga pala ako sa bday ni ted kagabe. yeah. happy bday jun2 hehe, inuman as usual. natatawa ako dun sa sinabi ni dennis. totoo kasi. pag tipsy na daw ako, ang mga linya ko ay

"at dahil dyan, sasapakin kita!"
"at dahil dyan, babasagin ko ang bungo mo!"
"umayos ka a, sisilaban kita ng buhay!"

wala lang. nakakatawa haha


july wrote this piece of crap on Sunday, September 10, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, September 06, 2006

annoyed



current song: wag na, lagi namang electric fan
current mood: wala lang
currently reading: ym msgs



ayun nga. worse. hindi na ko nakapasok sa english dahil sa lintik na traffic na yan. umambon lang sa dapitan eh, lumubog na agad yung buong street sa tubig. pra 2loy akong dumaan sa obstacle cors (literal). so ganun nga, sakto lang ako for my 2nd class. ang init walangya. 1 1/2 hrs kaming nagdaldalan ng wala naming kwentang prof sa natsci para sa subic trip na yan. at syempre ung natitirang 30 minutes ay nakalaan para sa panonood ng "the raging planet". idol ko talaga yung prof na yun grar. last subject na agad. film showing lang with comments from mam garcia. tas uwian na. kumain muna kami ng tropa sa RJB. tas pumunta na ko sa rehearsal. kinuha ko ung susi for the rehearsal room sa conservatory. yung bwisit na babae sa elevator, prang sinusumbatan pa kami. dapat dw naghagdanan na lang kami. eh 5th floor yung conservatory of music. kamusta? 0_o

(note: bawal ang AB students sumakay sa elevator ng education building, kung nsan ang conservatory, pero dati nakakasakay ako dun lagi, bwisit lang kasi ng iba yung elavator girl, at ang sungit grrr, sana mapatid yung kable ng elevator isang araw pag sya yung nagooperate para mabawasan na ng mga asungot sa mundo ampf)

so yun nga, ngstairs na lang ako pababa. pero umakyat ulit ako at bumaba mula 5th floor pra isauli ung susi. (p.s. para dun sa nagpapatakbo ng elavator, utak bisugo ka you bitch! grrr haha)

rehearsal time. kung 11 lang kami nung monday, ngayon madami na kami. 12 na kami, wow, achievement ito. syempre tambak na naman kami sa sermon. nung nagvovocalize, sabi ni kuya pao, bat dw tabingi ako umupo. at bakit tabingi dw ung ulo ko. na conscious 2loy ako. nagbrowse ako ng pics ko sa celpon, at napagalaman kong nasanay na pala ako ng nakatabingi haha. hindi naman masamang tignan. para lang maangas na dude na laging may sasapakin. grr.

nung umaga pala, sa bus, pinatugtog yung songs na "yakap sa dilim" ng orange and lemons saka ung "just as i am" ng air supply. narinig ko din yun kahapon eh, saka nung isa pang kahapon. tas kanina naman pauwi, narinig ko din yun. anak ng puts, nakakabad3p eh. lalo na ung "just as i am". walangya kasi, yung bokalista ng air supply, parang gurang na sumisigaw! bat ba sumikat yung mga unggoy na un grrr, kung sigawan lang din naman ang usapan e kaya naman yun kahit ng prof ko sa Rizal course. grar. naaasar na 2loy ako sa mga kantang un ampf

tapos nung nakasakay na ko sa harap ng fx, nakita ko ung "quote" na nakasulat sa likod ng isang dyip. eto yung nakalagay.

"aanhin pa ang sipag kung iisa lang naman ang asawa?"

very, very inspirational ika nga.

goodnyt everyone! yahoo!!


july wrote this piece of crap on Wednesday, September 06, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Tuesday, September 05, 2006

yes yes



current song: electric fan
current mood: sad
currently reading: wala



ayun. 1:10 na ko dumating kanina sa skul, 10 mins late for my 1PM class, pero hindi pdin ako late dahil 1:15PM dumating ung prof ko haha, swerte! after class, nanood ako ng mediartrix show kasama sila jerico, dicky at stella sa educ audi. ok naman yung production nila. ang galing ni joyce sumayaw. comedy for 3 hrs. tapos ang ganda nung kumantang babae. dream girl ko na un haha. biglang lumabas si sam milby ampf, at nagka-riot sa education auditorium. buti na lang at nakakita ako ng secret exit at nakatakas na kami nila jerico and the gang. uwian na kahit gutom pa kasi late na eh. may ipis na lumilipad dun sa bus. grar. naalala ko yung sabi ni coco, malibog daw ang ipis na nalipad haha. goodluck naman sa ipis. paguwi ko, ngcheck ako ng friendster account. ang lungkot. gagawa kaya ako ng assignment o matutulog na?


july wrote this piece of crap on Tuesday, September 05, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, September 03, 2006

out of 70+



current song: wala
current mood: masakit mata
currently reading: wala



nakuha ko to kay coco, pero nakita ko din to sa blog ni "ate" van

may 72 na bagay, maglagay ng x dun sa mga nagawa mo na sa buong buhay mo

kung gs2 nyong makita yung akin, click here

madami dami na din akong nagawa ah


july wrote this piece of crap on Sunday, September 03, 2006
i'm the mobilemaniac
|

the_maniac

July

19 : also known as julius, jollers, hulyo or whatever you wish to call him : fake chinese : budding psychologist : thomasian : tends to be critical about anything : musically endowed : so damn moody : singer since birth : practical but unavoidably spendthrift : art and cat lover : occasionally alcoholic : broke on wednesdays : easy-going : sensitive animal : certified latecomer : former josephian : mobilephone addict : cyberstuff enthusiast : part-time writer : loud but silent : taken but available : comic but serious : hates school : moderately athletic : intellectually capable : no tv, no movies, no news : frustrated philosopher : food junkie : hopeless romantic : believes in destiny

new_stories

moved
rants
hahahahahahaha
hahahahahahaha
weird friday
happy 3 years
dahil tamad ako
himig tomasino 2007
selfish?
test

my_past

01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 09/01/2005 - 10/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 06/01/2006 - 07/01/2006 07/01/2006 - 08/01/2006 08/01/2006 - 09/01/2006 09/01/2006 - 10/01/2006 10/01/2006 - 11/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2007 - 03/01/2007 03/01/2007 - 04/01/2007 04/01/2007 - 05/01/2007 05/01/2007 - 06/01/2007 06/01/2007 - 07/01/2007 07/01/2007 - 08/01/2007 08/01/2007 - 09/01/2007 09/01/2007 - 10/01/2007 10/01/2007 - 11/01/2007 11/01/2007 - 12/01/2007 12/01/2007 - 01/01/2008 01/01/2008 - 02/01/2008 10/01/2008 - 11/01/2008 04/01/2009 - 05/01/2009

supah_friends

Arafol
Hazel
Helena
Jerico
Johnrey
Josemargo
Marvin
Stellar

blog_mates

Aja
Angel
Anne
Arvin
Arvin2
Audrey
Averill
Bluewinn
Chanhassen
Chinky
Coco
Dan
Daryl
Dennis
Eka
Elle
Francia
Jane
Jane2
Jeff
Jen
Jonna
Jose
Kaori
Leilani
Liza
Lora
Louise
Luisa
Martha
Missmath
Nads
Nikki
Poli
Raymond
Sherrlene
Tessa
Trinefusion
Vanessa
Weng
Wilbert
Zheloh

the_other


Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
My Photobucket
cbox

about the layout: "from the mind of a troubled teen", designed by Clone, only at BlogSkins

blog_listings









blog_code

B5 d+ t k+ s+ u- f i o++ x- e+ l+ c

the_tagboard


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com