my_story
Thursday, June 29, 2006
mixed birthday to me hehe
current song: trring (ym)
current mood: nangangawit
currently reading: ym msgs
medyo mixed ang feeling ko kahapon (bday ko) hehehehe, medyo depressed at sobrang lungkot dahil sa dahilang sikreto, (lalo tuloy naging singkit yung mata ko, pra pa kong kinalmot), at saka masaya dahil sa mga classmates ko :)
salamat nga pala sa lahat ng bumati sakin sa txt at sa ym, sa tagboard ng blog ko at sa friendster, o sa kahit san pa man hehe, naappreciate ko yun :)
ntouch talaga ako kahapon sa mga classmates ko kahapon ksi pagpasok ko pa lang sa classroom, (late ako nung english, buti walang prof) eh kinantahan na nila ako ng happy bday hehe, ok lang kahit napilitan lang yung iba hehe
tapos, binigyan pa ko ni dicky ng bday card na sinulat daw nya sa lrt haha, si mokong talaga o, madrama yung nakasulat sa card, bibigwasan ko yun eh haha
tapos medyo bad3p si doms, kaya binigay ko sa kanya yung napulot kong bakal sa sahig hehehe, tapos hinagis nya sa kung saan, tas sabi nya tignan ko yung bag ko, aba biglang naging sarado pala yung bag ko (akalain mo yun??) tas pagbukas ko, may boxers sa loob bwahahaha, tas naka sign dun sa package yung buong tropa ko, ksama si dom at ted hehe, that really made my day :) i felt special lolx
tas nung medyo bd3p nanaman ako dahil sa sikretong dahilan, nilapitan ako ni joyce, stella at denden tapos sinayawan ako nung tenet tet tet tetttt tet tet teeet (hahaha, basta yung malaswang sayaw), natouch din ako dun awww
tpos dismissal na, naghintay pa kami sa classroom ng sndali dahil dun din yung venue ng auditions, tapos si stella at joyce sinasyawan pdin ako at kinakantahan haha, bsta audience lang daw ako, tuwang tuwa ako dun haha, ah basta
tapos auditions na, nakakatawa kasi parang american idol yung dting, yung ibang nagaudition comedy talaga eh hahaha (ah bsta, masama lang ako)
nag dinner kami ni mama sa sm, at naghanap ng leather jacket, pero wala kaming nakita kaya black jacket na lang yung binili ko hehe, ok naman
masayang malungkot yung bday ko, my classmates made me feel special on my birthday, hehe, thanks talaga sa mga txt msgs kahapon, natouch ako
-------------------------------
pictorial knina, hahaha, nakakatawa
july wrote this piece of crap on Thursday, June 29, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Wednesday, June 28, 2006
to me
current everything: wala
________________ to me
hehe, ako nga pala si july. meron akong nanay, saka kapatid minsan pero wala akong tatay.. aww, silly!
july wrote this piece of crap on Wednesday, June 28, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Tuesday, June 27, 2006
may natunog na kung ano
current song: kung anu man un, scary hehe
current mood: inaantok as usual
currently reading: ym msgs
ayoko talagang gawin yung mga bagay na hindi ko kaya dahil alam kong mapapahiya lang ako. pero this time, wala na kong choice, goodluck na lang sakin. ang iniisip ko na lang, experience din to, ah basta grr, andami dami ko talagang iniisip na bagay ngayon, nakakabad3p minsan, pero sige lang
kagabi, pumunta ako sa kusina namin para uminom ng malamig na tubig mula sa ref. tas biglang pumasok sa isip ko na baka may paparating na ipis sa paa ko, pag tingin ko sa likod, may ipis nga grrr, wow. baka pwde kong pagkakitaan to haha
july wrote this piece of crap on Tuesday, June 27, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Friday, June 23, 2006
masaya kanina
current song: wala
current mood: inaantok
currently reading: wala
umalis ako ng 9am dito pra hindi ako malate sa 11am class ko, pero salamat talaga sa napakadakilang Manileno na si Lito Atienza at nagkandabuhol buhol ang trapik sa taft knina, may blessing kasi ng SALAMANCA at RUEDA plaza dun knina, ah basta, sasalamancahin ko muka nun eh grrr
nalate ako ng 5 mins, hindi msydong maganda. pero ang bait nung prof namin sa english. natutuwa ako. sa natsci naman at rat psych, ok lang, typical na araw. sa natsci, boring pden at walang sense, tas sa rat psych, pra kaming nagreretreat. sa last subject ko, Asian Civilization, 1 hr kaming sinermunan nung kulot kong teacher na si mam yanga dahil sa plagiarism haha, (natugtog: bagay ba sakin ang kulot.. bagay ba sakin ang kulot?? lolx ung commercial ba ng biogesic lolx)
tas after class, PE, kasama ko ang mga frends ko lolx kaya masaya dahil 2 hrs kaming nanggulo dun sa GO USTE!! GO USTE!!! shit sa gym hehe, pero masaya naman hehe
tas uwian na, masaya naman, ewan ko ba, parang napakagago ko ngayong araw na to, hindi tulad dati na lagi akong wala sa mood makihalubilo sa iba at tinitiis kong magbasa ng mga handouts ko sa isang sulok kahit ayoko nun. ah basta
july wrote this piece of crap on Friday, June 23, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Thursday, June 22, 2006
hehehe
current song: wala
current mood: pagod at stressed
currently reading: wala
kaninang psych tym, napagtripan naming kopyahin ng mga seatmate ko yung mga slides sa powerpoint presentation ni mam ellar. medyo naka 8-12 pages din kami hehe, ansakit sa kamay, pero masaya, kahit na wala na sa linya yung sinusulat namin, ok pa din naman hehe.
nanonood ako ng concert namin sa ust museum nung march. ngayon lang ako nagkacopy ng video nun hehe, ang galing lolx, nakakatuwa
andaming binabayaran sa skul ngayon, at ang gastos hehe, wala lang. sana magmura na ang mga bilihin at ang gasolina lolx
july wrote this piece of crap on Thursday, June 22, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Tuesday, June 20, 2006
galit
current song: wala
current mood: tamad
currently reading: ym msgs
20 mins early ako knina, hindi ako nagmamadali o anu pa man. pagdating ko, tinanong ako ni dicky kung gusto ko na daw ba sumali sa COMACH, (community of achievers), UST-wide org yun na umaakyat sa bundok para magturo sa mga bata at marami pang iba. kahapon ko pa pinagiisipan kung sasali ako dun (pero hindi naman ako talaga nagisip), at pagtapos ako sabihan ni dicky knina, nagisip ako for 5 seconds tas pumunta na kami sa booth pra magsign up hehe. bahala na lang, gs2 ko din kasi magturo sa mga bata sa bundok eh. community service ba, hehe.
ang topic namin sa rizal course knina ay "bakla ba si rizal?"
syempre, dahil si tobias ang prof ko dun, tawanan muna at ultimo toooot ni rizal dinidiscuss nya samen, hindi muna ako nakinig kasi nagbabasa ako kunwari ng readings pra sa next subject (psych). pero kahit pano, nakikinig naman ako, at medyo kumakati yung tenga ko dun sa mga sinasabi nya.
according daw kasi dun sa article ni isagani r. cruz, na kinkwestyon ang gender ni rizal, bakit daw si rizal, sa dami ng mga babaeng nakasama nya at na-issue sa kanya, eh wala man lang daw syang "pinatos" o "kinana"? at bakit daw dun sa mga naiwan nyang sinulat (diary ata) wala syang ibang kinwento kundi yung hindi nya paliligo ng dalawang buwan? hindi man lang daw sya ngkwento tungkol sa mga toooot experiences nya. may nakita din daw na love letter si rizal para kay "ferdinand blumentrit" o kung sino man yun. ah basta, marami pa syang sinabi eh, pero he's pointing out that rizal is a homosexual dahil sa mga rason na yun (pero ang basehan nya eh ung artik ni cruz). yung iba dun, katanggap-tanggap pa eh, pero hindi lang talaga ako umaagree na sabihing "bading" si rizal dahil sa hindi nya pakikipag tooot sa mga babae, o sa hindi nya pagtatable sa mga babae sa espanya o kahit sa hindi nya pagsulat ng mga toooot experiences nya nung nsa spain pa sya.
dun ba nababase ang pagkalalake ni rizal? or ng kahit na sino pang lalake? ibig sabihin ba, obligasyon ng lahat ng lalake na isulat lahat ng knilang mga tooot experiences para lang mapatunayan na lalake sila? o ibig sbihin ba, lahat ng "virgin" na lalake sa mundo ay bading? syempre, yan yung mga sinabi ko knina sa klase nya. medyo nagaraan lang ako talaga dun sa mga arguments na yun ni cruz, hindi kasi talaga tama, napaka opinionated nung article nya. dahil ata dun, nsabi ni tobias na "he can feel the fire when i answered, lahat daw lumalaki, eyes, nose, everything!" syempre joke yun. pero nainsulto ako ng konti, konti lang naman :|
time na ni mam ellar. industrial psychology. meron na ko nung pinapahanap nyang book, 2002 edition nung book ni schaultz na industrial psychology. sabi nya knina pagpasok nya, nagpunta daw sya sa library only to find out na wala dun yung book na yun at ang nakita nya lang daw dun eh yung 1985-1997 versions nung book, so sabi ko, meron ako. sabi nya, wala nga daw sa library. edi pinakita ko yung book ko (photocopied lang), tapos sabi nya, ibig nya daw sabihin, wala dun yung book, baka may humiram, or else at wag daw ako magalit. eh sa mali naman kasi yung choice of words nya eh, :|
hindi ko talaga alam kung anung meron sa araw na to, prang nawiwirduhan lang ako. lahat ata sila iniisip galit ako, pero sinasabi ko lang naman yung naiisip ko. at hindi naman talaga ako galit. kahit nga mga kaibigan ko, sinasabi galit daw ako, pero hindi naman talaga. naguguilty tuloy ako. prang nadidiscourage na kong magsalita. hayy
tama siguro si cristina, "less talk, less mistake", parang ayoko muna magsalita msyado.
july wrote this piece of crap on Tuesday, June 20, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Saturday, June 17, 2006
ganito kasi yun
current song: asong tumatahol mula sa kabilang bahay
current mood: ayoko na sabihin dahil hindi maganda
currently reading: messages ng kausap ko sa YM
akalain mong may model na pala ang pei pa koa candy, at akalain mong si kyla pa yun. wow
Pei Pa Koa- n. (pey-pa-kwa)- iniinom ng AB Chorale bago sumabak sa Himig Tomasino at sa iba pang mga kalokohan. Ito ay maaring candy o kaya naman ay syrup. Wag lang iinom ng madami dahil ito ay matamis at baka madiabetes ka, o magkasipon (tulad nng nangyre sken)
kahapon, nung nakasakay ako sa fx papuntang skul, narinig ko sa radyo na inaresto na daw ung studyante na bumatikos kay PGMA sa PGH. wow. kinasuhan na dw sa manila ____ court hehe. syempre hindi ko alam ung buong balita dahil hindi naman ako nanonood ng news o nagbabasa ng dyaryo, pero sabi dun sa radyo, 74% daw ung itinaas ng tuition fee ds academic year sa UP college of medicine. from 12k date, 20k na daw ngayon. nagrereklamo ngayon etong si studyante- iskolar ng bayan pa nga daw ba silang maituturi ngayong prang tuition fee nadin ng private skul ang binabayaran nila? at dahil sa kanyang pagsusumigaw dun, arestado sya. kung anu man ang nangyari sa kanya, hindi ko na alam hehe.
ang isyu na to ay kanila ngayong ikinukumpara dun sa dating issue sa graduation rite dun sa cavite state university kung saan sa kalagitnaan ng seremonya ay sumigaw din ang isang graduating student (at may hawak pdw na banner hehe) habang nagbibigay ng speech si PGMA. napagtalunan pa nga ito sa show na Debate at tinanong kung nasa lugar nga daw ba ang ginawa nung estudyanteng yun. ang point nung kaaway na side, mali dw, dahil nakasaad sa ating penal code na ang graduation day ay isang rite na dapat pinapanatiling solemn, so kung may magaklas man at magwala sa seremonyang yun, hindi tama. kung yun ang susundin mo, mali ung bata. pero kung iisipin mo naman na tayo ay may "freedom of expression" nga tulad ng nakasaad sa article 3 section 4? ng ating konstitusyon, hindi mali yung bata. debateable siguro yung issue na yun, dahil may argument ang prehong side. (as far as i'm concerned, dahil wala naman akong alam sa law, simpleng mamayan lang ako hehe)
pero kung titignan mo naman yung nangyri dun sa bata ngayon, anung grounds nila pra kasuhan yung bata? rebellion? pambabastos sa pangulo? wala naman sigurong graduation nun sa PGH diba. opinyon ko lang to. nadidisolve na ang karapatan natin sa malayang pamamahayag. tignan mo na lang ang takot na kinakaharap ng mga media men ngayon, waw. pag nagkamali sila ng sulat (yun bang taliwas sa pamahalaan), tigok sila. waw.
sabi samin ng prof namin sa RIZAL COURSE, si cory aquino daw, nung time na iniimpeach si ERAP, ay naglibot sa kung saan saang simbahan at hiniram yung homily ng pari para humingi ng suporta ng sa gayun, mapatalsik na si ERAP from malacanang. pero hindi naman sya naaresto, or nabaril hehe.
pero ngayon, pag ang isang simpleng mamamayan, gumawa o nagsabi ng isang maliit na bagay na totoo namang nararamdaman nya at talagang nangyyri sa paligid, arestado sya, o kaya tigok..
wala lang, napapaisip lang ako, at naiisip ko na talagang madumi ang pulitika sa pilipinas, kaya nga ayoko ng politics eh. hehe
nakakapagod kahapon, andaming nngyri. naayos na yung problema sa yrbook, at least nabawasan na ko ng isang problema. hehe. tapos gumawa ako ng permission letter, 1st tym hehe, ok naman. nalate ako sa rehearsal kahapon dahil dun. at pagpasok ko, sabi ni song na im looking better daw at crush na nya ko, at saka pumuputi daw ako. hindi ako natuwa masyado dahil alam kong hindi naman totoo yun. medyo hindi ako sanay na kinocompliment ako. ang awkward ng feeling, tas nung pauwi na, sabi naman ni kuya pao, pumuputi daw ipin ko. tinanong nya naman kung nagpableach daw ba ko, syempre hindi, bat naman ako magpapaganun, masaya naman ako sa ipin ko :)
alam ko na kung sino/ano ang dapat sisihin sa lahat ng mga "pagbabago" na napansin sakin kahapon, ang bago kong toothbrush hehehe, ur da best!
july wrote this piece of crap on Saturday, June 17, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Friday, June 16, 2006
ayoko na
current everything: wala
ayoko na, grrr
sana pde muna umabsent kahit isang linggo lang, gusto ko muna magisa, naguguluhan na ko grr
july wrote this piece of crap on Friday, June 16, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Thursday, June 15, 2006
first day second year
current song: wala
current mood: pagod
currently reading: emails
first day na talaga sa uste knina. pinapunta ako ni benj nng 10am sa skul para sa aming "joke" room to room hehe. dumating ako ng 10am pero hindi naman n2loy. pero ok lang, next time sasama pa din ako. 11am ang class ko, sobrang init, sobrang daming tao pa kanina. nakakabad3p. walang wala talaga ako sa mood, sobrang depressed ako knina. si dicky pinapasaya ako lolx, ayos lang naman, pero hindi pden ako masaya talaga knina. dalawang prof lang ang pumunta smin knina (apat dapat) at ung isa dun, sub lang. sayang 4hrs eh. ung prof ko sa rational psychology ay prang kenkoy, mukang wirdo at nagjojoke pa. ok lang naman. tapos yung prof ko sa history 102 "nanay" daw ni mam yanga, eh "tatay" nya si dalangin, so mukang gurang yung history prof namen, gudlak na lang. 930pm na ko nakauwi ngayon, kung san san ako nakarating. sana maging ok na yung mga araw na darating hehe
july wrote this piece of crap on Thursday, June 15, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Tuesday, June 13, 2006
first day "hi"
current song: wala
current mood: depressed
currently reading: wala
wala lang, first day "hi" na pala bukas ule. ayoko pa pumasok, wala pa ko sa kundisyon. ayoko muna. depressed ako recently, simula ata nung friday. ah basta. tapos kanina, bumili ako ng tropicana dun sa drugstore, tinanong ko dun sa lalaki kung magkano yung tropicana, sabi nya sakin, hindi nya daw alam. aba.
july wrote this piece of crap on Tuesday, June 13, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, June 11, 2006
crying ladies
current song: wala
current mood: inaantok
currently reading: wala
kakatapos ko lang manood ng crying ladies. maganda naman, nakakatawa na nakakatuwa saka nakakalungkot. meron pdin palang mga local movies na maganda. 2log na ko
july wrote this piece of crap on Sunday, June 11, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Friday, June 09, 2006
ayoko ng california maki?
current song: wala
current mood: excited
currently reading: my emails
galing ako sja knina, nagsoli ng pictures. nagkita kami nila roch at jeric dun. tas tumambay sa smart room ksi malamig dun. andun knina sa skul si jonna, doris, fionna, roxanne, at si jep. tapos, madami din akong nakitang mga josephian hehe. pumunta kaming sm southmall pagkatapos, ksama ko si jep, roch at jeric. magpapalamig lang kami saka titingin ng case ng PDA saka bag. kumain muna kami sa tokyo tokyo. bumili ako nung fish katsu, pero mas masarap pa ung sidedish na coleslaw kaysa dun sa fish katsu mismo. si jeric, bumili ng california maki(?) pra sa aming apat. tig isa isa daw kami dun, at kelangan kumain. kumain si jeric. ok naman sya. kumain ako. nangingiyak na ko grr, ansagwa ng lasa, hindi na ko kakain nun kahit kelan, pinapatawa pa nila ako habang kumakain ako nun grr, bsta, ayoko talaga ng japanese food. kumain din si jep at roch at hindi maipaliwanag ang kanilang mga reaksyon haha, bsta. ok naman. gumala kami at naghanap ng bag, saka PDA case, at nang mapagod na, umuwi na hehe. ok naman, happy day kuno.
excited na ko, meron na kong copy ng winxp professional saka iba pang applications, tatapusin ko na ang pagbabackup ko, at mamaya, magrereformat na ko hehe, excted na ko. 1st tym. :D
july wrote this piece of crap on Friday, June 09, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Tuesday, June 06, 2006
laid back
current song: para sa akin- sitti
current mood: wala
currently reading: http://www.filehippo.com/download_ccleaner/
nahihilig ako ngayon sa mga music na sobrang laid back. ilan sa mga paborito ko ngayon ay ung mga tugtugin mula kay john legend saka kay sitti navarro. ang boses ni john legend ay talagang maganda. isa na sya sa mga paborito ko ngayon, bihira pa naman ako mabilib sa mga singer hehe. ang boses naman ni sitti ay napaka natural. maganda ang kanta nyang para sa akin. ang paborito ko naman kay john legend ay yung ordinary people. gusto ko na din pala ng itchyworms, wala lang. hehe
ps: salamat kay roch para sa title ng blog ko at sa 9th and 10th word ng paragraph sa taas haha, lolx
july wrote this piece of crap on Tuesday, June 06, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Monday, June 05, 2006
shopping kuno
current song: wala
current mood: blank
currently reading: emails
kahapon (at kanina, kahit ako na lang magisa sa sm bacoor) ay nagshopping kami sa sm megamall ng mga gamit sa skul at kung anu-ano pa. ok naman.
masaya ako dahil sa wakas nakabili na ko ng bago sapatos na green and white hehe, matagal ko nang gusto na magkaron nun. masaya din ako dahil nakabili ako ng malaking all-white notebook sa human. parang ang sarap na ngang sulatan hehe. tapos nakabili na din ako ng clear file folder, sigurado kasing kakailanganin ko na un ngayong SY dahil (secret). bumili din ako ng mga papel, kung anu-anong papel at notebook, bond paper, yellow pad, envelopes, ballpens, paper clips, staple wires at madami pang iba. nakabili din ako ng thermos bottle na stainless, kailangan ko din yun para may potable water naman akong maiinom sa rehearsals, at para hindi ko na din kailanganing bumili pa sa ust carpark ng mineral water. tas bumili din ako ng madaming blank cds, cd bag, payong, card holder, mints, at dalawang ink cartridge na 100 pesos lang ang halaga, wow. salamat sa cdr-king. basta binili ko na lahat ng gusto ko kahapon, haha, minsan lang kasi maging galante si mama (pasko at bago magpasukan)
nakabili yung utol ko kahapon ng havaianas na kulay blue at white. inggit na inggit ako dahil gsto ko din nun, may nakita pa naman akong orange at white, nakakapanlaway pero hindi ako nakabili dahil bumili na ko ng sapatos. next time na lang ako bibili nun, sa sarili ko na lang na pera hehe
hindi nga lang ako nakabili ng bag, wala kasi talaga akong makitang magandang bag sa sm megamall kahapon, meron akong nagustuhan pero malaki, saka kulay green hehe, parang naaadik na nga ako sa kulay green eh. wala lang, baka sa weekend na lang ako bumili. bibili na din ako ng strap at battery para sa watch ko. yun na lang.
basta, masaya magshopping hehe, masakit nga lang sa paa. para akong bata. nakakainis lang kasi andaming bata kahapon at kanina sa mall. lalo na sa national book store, nakikipagaway pa sa mga magulang nila tungkol sa skul supplies, sabagay ganun din naman ako dati hehe.
july wrote this piece of crap on Monday, June 05, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Friday, June 02, 2006
ang mga naiisip ko
current song: crazy for you- mymp
current mood: nalipad-lipad
currently reading: wala
syempre dahil wala na kong maisip na title, yan na lang.
---
kagabi, habang naliligo ako, napagtanto ko na takot pala talaga ako sa mga bagay na hindi ko alam kung ano, kung pano gamitin, at kung pano gawin. pero syempre, bukod dun, takot din ako sa mga insektong hindi ko alam kung ano, lalo na pag hinahabol ka.
---
napanood ko sa news kagabi ng abc5 na si ryan cayabyab, pilita corales at francis m. ang judge ng philippine idol, at dahil dun, baka manood na ko nun. idol ko kasi si ryan cayabyab, at sa tingin ko, magiging patas ang judging sa talent search na un, hindi tulad sa iba na kung sino na lang mahatak lolx
---
paguwi ko kanina, sumakay ako ng sidecar at eto ang nakita ko sa loob nung side car. wala lang, natuwa lang ako kaya ginamit ko ang aking handy dandy celpon para picturan lolx
katakot eh, kawawa naman ung mga hindi sixe, baka duble ang kanilang babayaran at hindi sila ma-lebre lolx pero may logic ah hehe
---
kanina sa jeep, nung papunta ako sa paranaque city (sa printing press para isubmit yung yearbook), may lalaking nagbayad, "manong dalawang Niog nga po"
Vocabulary: Niog (n.) 'nyog (lolx) isang lugar sa Cavite
tas sabi nung driver, "Kakayurin?"
wala lang, natawa ako sa kakornihan nung driver lolx
july wrote this piece of crap on Friday, June 02, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Thursday, June 01, 2006
malas day
current song: wala
current mood: pagod
currently reading: ym msgs
nagenroll ako kanina. andun ang mga katropa at mga kaibigan ko. ok naman. 2nd yr na ko, hindi na ko 1BES2, 2BES2 na ko hehe
eto yung mga subjects ko ngayong sem, mukhang exciting naman.
ENG 102- Effective Expository Writing
NS 101- Physical Science
MATH 102B- Mathematics of Finance
PHL 3A- Rational Psychology
RC- Rizal Course
HST 102- History of Civilization 2
PHL 5- Christian Ethics
PSY 213- Industrial Psychology
PE- TTC20- Table Tennis
NSTP- CWTS
ang sked ko naman ay 11-3pm (MWF) at 1-7pm (T Th)
excited na ko. wala lang. excited na ko. magaaral na ko ngayong sem. grr, lagi ko na lang sinasabi yan. pero ngayon, may cause na ko para magaral talaga. goodluck na lang saken. magseseryoso na ko.
gusto ko sana mag LTS sa NSTP. yun ung aakyat dw ng bundok at magtuturo sa mga bata. pero nag CWTS ako dahil andun ang mga kklase ko hehe, ok lang. kaso maglilinis ata kami at magcocommunity service. wow. sa pe naman, gs2 ko sana magfootball o soccer yata un, pero nag table tennis ang aking mga kaibigan kaya dun na lang din ako. goodluck.
nawawalang auto
kanina, after ng enrollment, tumambay muna kami saglit. nakakapanghina ang init. at dahil g2m na ang ilan kong mga kasama, kumain muna kami. sa chowking kami napadpad dahil sarado sa tabi-tabi. ksama ko si don at dennis. pagbalik nmen, wala na sila lahat sa tambayan. kala pa naman namin may happenings, kaya umuwi na lang kami. dala ni don ung auto nya, at nagpark sya sa p.noval. kami ni dennis, sa cfad gate lumabas kse dun kme sasakay. nagulat kami dahil nakita namin si don na nanggaling sa cfad gate at mukhang bad3p. nawawala daw ung auto nya. wow. takbo kme sa p.noval. wala na talaga dun. 2 lang naman ang scenario na pde, nacarnap o na tow. sa kabutihang palad, na tow nga lang. may iniwan pang sulat dun sa tabi, at sketch kung pano pumunta sa pinagdadalhan ng mga na-tow na auto. un pala, nagpark sya sa tow-away zone, kaya nahuli. alam ko kung san ung lugar na pinagdalhan, medyo pamilyar ako kasi malapit sa harisson plaza kaya pumunta kami dun. sa kalagitnaan ng aming biyahe, napansin namin na 8am-5pm lang pde mag claim ng auto, eh 5:30 na nun, kaya nabad3p lalo si don. pero tumuloy pa din kami.
sa kabutihang palad, nakadating naman kami dun, isang sakay lang ng jeep. at kahit 6pm na, na claim pa din namin ung auto, salamat talaga sa mga corrupt na opisyales dun. at imbis na 1500php ang fine, binigyan pa kami ng discount, 1000php na lang daw, tutal ibubulsa lang naman nila yun. nagasgasan ung likod ng auto pero ayos lang, mas ok dw yun, at least nakuha, kundi yari sya paguwi nya.
yun lang. bad3p/adventure day. ok naman. naisip ko lang, sarap buhay ung mga kurakot na opisyales, kung maka 5 na sasakyan sila sa isang araw, 5kagad un. bali 25k/5 days, tapos 100k sa 20 days, kung ganun man yung average na huli nila sa isang araw. wala lang.
july wrote this piece of crap on Thursday, June 01, 2006
i'm the mobilemaniac
|