my_story
Sunday, April 30, 2006
utak biya
current song: i- 6cyclemind
current mood: wala sa sarili
currently reading: emails
ang araw na ito ay isa sa mga araw na sobrang tanga ko. wow.
nagsimba muna kami at kumain ng lunch sa sm.
dahil may 3-day sale ngayon sa sm bacoor, kami ay nakigulo at naki-bargain hunting sa mga taong hayuk na hayuk sa mga panindang binawasan lang ng 10-20pesos ang price tag. medyo hindi maganda ang simula ng araw na to dahil kinancel ni ms sermise ang overnyt namin sa bahay nila. hindi kami ngtrabaho ngayon para sa yrbook. wala naman dw kaming gagawin, sbi nya. kamsta naman ang 'wala naman kayong gagawin' eh ang dami dami dami dami pang nakatambak na ggwin, at sa tuesday na ang pasahan ng yrbook. wow. so sira lahat ng plano, at nagenjoy na lang ako sa sm bacoor. andami kong tinxt na tao para sabihan na cancelled na ang mtg. medyo sabog na ang utak ko ng mga panahong iyon.
katangahan part 1
habang kami nila mama ay nagsstroll sa mall, napagdesisyunan naming maghiwa hiwalay para makapili ng mas madali. nalibot ko na halos lahat ng botique sa mall pero wala akong nagustuhan. gs2 ko ksi bumili ng shorts. actually, meron akong nagustuhan sa giordano kaso 2.8k yung presyo, ang mahal ampf. kaya pinili ko na lang ung nakita ko sa bench. sinukat ko muna. ok naman, so lumabas na ko ng bench para puntahan si mama at sabihing bibilin ko na yung shorts. habang papunta na ko kay mama, napansin kong nawawala ang wallet ko. ampf, naiwan ko sa fitting room. takbo ako pabalik ng bench, at deretso sa fitting room. buti na lang wala na dun yung wallet ko. wow. tnignan ko yung shorts na sinukat ko, baka nasama dun, at wala din dun! wow. may lumapit saking bench guy, at tinanong nya ko kung may hinahanap ako. sabi ko, oo, yung oxygen na wallet. tas tinanong nya yung name ko. ayun, buti na lang nakita nila, at naitago. thank God. kinwento ko pa yun kay mama ng natatawa.
katxt ko nun si ate angel at sbe nya sken, ganun dw talaga ang matatalinong tao, makakalimutin. yun dw ung sbe ni einstein. (weh? pampalubag loob?? bd3p haha)
katangahan part 2
bumalik na kami sa bench para bilhin yung shorts ko. at dumeretso na kami sa american blvd para naman bilin yung shirt na nagustuhan nung utol ko. may nagustuhan din akong shirt dun, pero ampf, fit na fit eh, so wag na lang. bumaba kami sa shoes section dahil gs2 ni mama na tumingin ng shoes. kaya sumama kami dun. hawak ko ung mga plastic na pinamili namin. naghiwalay na ulit kami. tumingin ako ng chinelas, medyo trip ko kaya sinukat ko. eh nagkataong hindi bagay sa paa ko, kaya nainis ako at napagdesisyunang katagpuin na lang si mama. napansin kong wala na pala akong hawak na plastic, ampf, inisip ko na lang na bitbit yun ng utol ko, pero saktong pagkita namin sa kapatid ko, alaws syang hawak na plastic bags, so panic na ko! wahh, alam kong naiwan ko yun dun sa mga chinelas, hanap kami ng hanap. di namin makita kaya tinanong na namin sa sales lady dun. ininterview pa kami at kinonfirm kung kami yung may-ari nun (like kung ano yung laman, magkano etc), naibalik naman samin ng maayos. at katakutakot na sermon ang inabot ko kay mama. tanga.
kumain kami ng pizza at mojo potatoes para sa meryenda. tahimik na ko nun dahil nabbd3p na ko sa katangahan ko. tumawag sa kin si karen joy totanes ng IV-Bartholomew and friends at hinahanap nila ako dahil may usapan daw sila ni roxanne. eh hindi naman dw sumipot si roxanne, yun pala nakapatay ang cellphone kaya hindi sumisipot. umalis ako dun sa sm at dali-daling pumunta sa casimiro para katagpuin sila at kunin ang pictures na dala nila. ok naman, nagkita naman kami.
katangahan part 3
dahil nga nasa sm pa sila mama, walang tao sa bahay namin at sarado pa ang gate. wala din akong dalang susi, kaya umakyat na lang ako sa bakod (mababa lang naman). buti na lang may spare key kami at nakapasok ako.
after 1 hr, and2 na sila at may bago na kaming bike, haha, d ko pa nakikita kasi tintype ko pa 2ng bwiset na post na 'to. kapalit yun nung luma naming bike na iniwan ng kapatid ko sa kung saan at nanakaw ng masasamang loob. kitams. hindi lang naman ako ang tanga sa mundo. haha
hay nakaw
july wrote this piece of crap on Sunday, April 30, 2006
i'm the mobilemaniac
|
bgo m2log
current song: wala
current mood: tired
currently reading: wala
nakakapagod pala gumawa ng yrbook. sunod sunod na araw na kong nagttrabaho para dun. hindi na ko nakakapagstay sa bahay ng buong araw. sa tuesday na pala ang pasahan ng yrbook nmin. magoovernyt kami bukas nila chinky, janrei, jeff at roxanne kila ms sermise para makagawa ng madami. kelangan na kasi talaga tapusin hehe.
namove na yung "minor surgical operation" ng aking wisdom tooth sa may 12 (friday). yes! yun lang haha
july wrote this piece of crap on Sunday, April 30, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Thursday, April 27, 2006
sobrang happy
current song: wala
current mood: sobrang tired and happy
currently reading: wala
kakaiba tong araw na to, maganda ang gising ko, at sa tingin ko naman maganda ang lahat nng nangyri, parang ang gaan ng pakiramdam ko. masaya talaga ako, siguro dahil sa beer na ininom namin knina kasama si janrei, elaine, jeff at chinky. masaya talaga silang kasamang gmwa ng yrbook, mdami akong natututunan.
ok na kami, i feel so good about it.
wala lang, msaya lang talaga ako :)
july wrote this piece of crap on Thursday, April 27, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Tuesday, April 25, 2006
superman
current song: could it be any harder- the calling
current mood: masakit ulo, nalolongkot
currently reading: emails
hindi naman ako isang superhero, na nawawala't lumilipad, ang kaya ko lang ay ibigin ka ng tapat
isa yan sa mga linya mula sa isang kantang nagustuhan ko nung grade 4 pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang title. kahit yung kumanta, hindi ko din alam.
i'm no superman. and i'm not even trying.
i try to hide behind my big words, behind my fearless statements and my profound ideologies. that's where i'm good at anyway.. playing with my words.
but i'm really just a weak guy, a weak boy so helpless.. and i can't do anything but cry..
july wrote this piece of crap on Tuesday, April 25, 2006
i'm the mobilemaniac
|
the dentist
current song: wala
current mood: bouncy
currently reading: ym msgs
kakagaling ko lang sa dentist at medyo natuwa ako dun sa service nila. kahit na lalake ung dentist eh medyo ok talaga ang facilities at service nila, ngayon lang ako nakapunta sa dental clinic na may monitor na pang endoscopy haha, at xray na maliit. kewl. pinachek ko yung lintek kong wisdom tooth, nagpa OP at filling. apat na dw ung wisdom tooth ko, pero yung isa dw ay may problem na, kelangan na dw bunutin dahil binabangga nya na ung 2nd molar ko at naiipit sya sa pagitan ng gums. surgical procedure dw ang ggwin ampf, 3 hrs ung operation, next week na ko gaganunin at tinatakot pa nya ko na 40% dw nung skit eh mararamdaman ko. tatangalin dw ung konting gums at konting buto! waaa. bwiset 1 week dw bago makarecover, nagjoke pa nga sya eh, baka dw mabawasan ung wisdom ko pag binunot yun, syempre ako naman, "ah ok, hahaha", pero deep inside, "anak ka ng tooot may araw ka ding ungas ka grrr".
magaling sya mag linis ng ipin at chinek nya na din kung may cavities ako. sabi nya sken "julius, bad news and good news! bad news, may sira ang ipin mo, pero ang good news, isa lang!" (anak ng tupa naman o, lolx, watta joke)
so inayos nya ung ipin ko, at ok na ko, nagpunta na ko sa sm kasama si mama pra bumili ng mc cormick na minced garlic, tapos umuwi na kami.
pag uwi ko, nanood ako ng PBB TEENS hahaha, corni mang aminin, pero palagay ko mahohook ako din. natutuwa ako dun sa isang girl dun, ung chinese, si kim haha, wala lang, may naaalala akong tao sa knya
pag nanonood ako ng PBB TEENS, naaalala ko yung outing namin sa tarlac, wala kasing magulang na nandun para magbantay samin, tapos sa bonding nila sa rooms nila, naaalala ko yung mga 1st day crushes na usapan sa Uste haha, 1bes1 nga naman o haha :)
--------------------
eto yung mga natutunan ko ngayong araw na to
slick_0406: there's no such thing as an objective journalist
lesson: almost all writers are biased because they present truth in their own perspectives.
sapakan_na: pano magiging strong yung faith mo kung hindi ka magiging critical dun sa pinaniniwalaan mo
sapakan_na: i mean, do you just believe in something without even knowing what you're really believing in
slick_0406: pwde din nmng pag nging critical ka, you end up with stronger faith
kewl
july wrote this piece of crap on Tuesday, April 25, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Monday, April 24, 2006
lessons of the day
current song: wala
current mood: sleepy
currently reading: wala
may isa akong n22nan ngayong araw na to
chinky: hindi lahat ng femenista ay man-hater
july: hindi nga lahat, pero karamihan, oo
yan hehe
---------------------------
eto pa pala:
nagwithdraw knina si mama ng pera sa atm, at nasabi nya sakin na kapag mauubos na daw ang lamang pera ng atm machine, halos puro 100peso bills na lang dw ang nilalabas n2. example, pag nagwithdraw ka ng 1 000 000, tas puro 100 peso bills ung dinispense, ibig sbhn dw, mauubos na ung pera nung atm machine. e nagtanong ako, bakit may mga atm machines na pag nagwithdraw ka ng 300 pesos lang, hindi ka makakakuha dahil 500 pesos na ung smallest bill na available dun, ediba dapat nga mas mauna ung maubos kesa sa 100 peso bills? hindi nya nagets ung tanong ko, kaya tinanong ko ult sya, pero nung huli, nakulitan na sken at sinabing itanong ko na lang dw un sa banko, haha, d naman dw sya banko lolx, ang gara talaga minsan nun, mageexplain tas pag nagtanong ka, iba na ung usapan lolx
---------------------------
nanood ako ng pbb teen edition knina. knina ksi inintroduce ung mga housemates na teens (16-18yo). ngayon lang ako nanood ng pbb, and i didn't watch it just for the sake of entertainment (o dahil sa isang chinita girl dun). partly siguro, oo, pero manonood ako n2 dahil medyo makakarelate ako (dahil kaedad ko yung mga nandun) at gs2 ko din obserbahan kung pano kikilos o mamumuhay ang mga teens sa loob ng isang bahay for 6 weeks. hehe
pngarap ko din un hehe, gs2 ko makasama ang 1bes1 sa isang bahay na kami kami lang ang mamumuhay, kahit 1 week lang. aww. dpat mangyyri na un dti eh, nung victory party ni eddrex hehe, nagkakagulo na kasi sa labas at nagkakadeclare-an na ng state of national emergency, pero kami, andun sa victory party ni eddy, umiinom at nagbobonding haha. mga lokong estudyante! tsk
meron isang housemate dun knina at isa syang cadet officer, ewan ko kung anong pangalan nya, pero medyo nagdisagree ako dun sa sinabi nya. sabi nya kasi, hindi dw sya tulad ng ibang 17 year old teens na puro bisyo lang ang alam (yosi at alak). may disiplina dw sya sa sarili at hindi sya tulad nung mga batang yon.
medyo kumati yung tenga ko dun sa sinabi nya dahil parang sinabi nya na din na walang disiplina ang mga teens na may bisyo. sakin lang naman, hindi nasusukat ang disiplina sa kung may bisyo ba o wala ang isang tao. merong mga taong kahit may bisyo ay may disiplina padin. inaamin ko naman na isa ako dun sa mga batang sinasabi nyang may bisyo (malamang, kaya nga nagrereak ako eh), pero i still have hold of my priorities and responsibilities and i do know when to stop.
at least nabawi nung guy na yun ung sinabi nya dun sa mga huling sinabi nya din. iba-iba daw kasi ang mga tao at nirerespeto nya ang choice ng iba. beri gud. hehe
---------------------------
nanood din ako ng heart songs, concert ni kyla at jay-r sa tv. magaling silang 2 kumanta. pero natatawa ako minsan kay jay-r dahil para syang unggoy hehe. si kyla naman, magaling kumanta hehe. andun din si jonalyn at brenan at ang kanilang pag-awit ay talagang nakakabilib. ang ganda nung part ni kyla dun sa kantang 'i'd rather', tapos nakakabd3p dahil bigla ba namang sinundan nung unggoy ng STAY ng CUESHE ampf, ganda ganda nung lab song eh, tas biglang ganun yung kasunod. saws hehe
july wrote this piece of crap on Monday, April 24, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Friday, April 21, 2006
Howard Gardner's Theory of Multiple Intelligences
current song: wala
current mood: nagiisip
currently reading: text ni ate angel
sabi sken ni ate angel,
mlakas ata intrapersonal talents mo, not everyone understands the self, galing ah, pero selfish ang motivation.. (mo sa pagtake-up ng BES)
wow, talent pala yun. sbagay naalala ko, sabi ni pareng howard, isa sa mga multiple intelligences ng tao ay ang intrapersonal skills. pang anim ata un, wow, may ganung skill pala ako. pero ngayon ko lang narealize, tama pala si ate angel na selfish ang motivation ko (o dahilan) kung bat ko tinake up ang BES. basically kse, tinake-up ko ung major na yun sa AB dahil gs2 ko maintindihan ang sarili ko. napaka egotistical. hindi ko tinake up yun dahil gs2 kong tumulong sa iba. bad me. aww
july wrote this piece of crap on Friday, April 21, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Thursday, April 20, 2006
school wars
current song: wala
current mood: pissed off? maybe
currently reading: wala
one guy from DLSU posted this in a forum somewhere
LOL @ UST is better than DLSU.
talk about comparing kia to a bmw.
then another guy from UST posted this in reply
hmmm...correction...the comparison should be "A VINTAGE CAR in good condition TO AN SUV"
.... UST being THAT old... 400 years with somewhat diminishing prestige...and DLSU being just another big university... prestigious?..well..yes...but not as great as UP or ADMU...
DLSU a BMW? Don't flatter yourself too much...
then, the guy from lasalle posted his reply in block letters
YOU TRY TOO HARD. TAKE A GOOD LOOK AT YOUR UNIVERSITY AND ITS STUDENT.
AND VINTAGE? HAHA, YOU CRACK ME UP.
---------
argh, i hate school wars but more than that, I loathe/detest/dislike/refute stupid people who jump into hasty, false and irrational conclusions.
july wrote this piece of crap on Thursday, April 20, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Wednesday, April 19, 2006
yearbook everyday
current song: the castle- nobuo uematsu
current mood: tired
currently reading: email
2nd day namin knina sa bahay nila ms sermise para ipagpatuloy ang hindi natpos na yearbook ng batch namin last yr. nakakasakit ng ulo dahil ilang oras akong nakatutok sa computer habang nageencode at nageedit ng desciptions ng aking mga kabatchmates. napagisip isip ko lang na napaka feminist talaga ni ms sermise. 4 lang ksi kaming gmagawa dun at lahat sila babae. tpos laging ako dapat ung kawawa hehe, kelangan ako magbuhat nung pc, magtype, at pgdting sa pagkain, akin lagi ung pinakamaliit na cut nung pakwan. nakakakuha sya ng kakaibang satisfaction kapag ganun ang nangyyri haha. napagisip-isip ko lang naman, feminist nga sya hehe. nakakapgod gumawa ng yrbook, buong araw ako nagttrabaho dun. namimiss ko na din tumunganga d2 sa bahay at magchat buong araw. :( ngyon nga lang ulit ako nakapagblog at chek ng mails eh hehe
kaninang umaga ko lang napagtanto na meron pala talagang mga taong guilty haha, d ka na nga nagsasalita, apektado pa hehehe bsta ako, i always tend to be critical about almost anything. (tingin ka dun sa left side ng blog ko hehe) pag alam kong mali, sinasabi ko. yun lang hehe :)
july wrote this piece of crap on Wednesday, April 19, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Monday, April 17, 2006
1 month
current song: wala
current mood: light pero nagiisip
currently reading: ym msgs
1 month na kme haha, akalain mo un? haha
nakakapagod tong araw na to dahil nakatulog ako ng 3am pero gumising ako ng 7am dahil kelangan ko pumunta sa skul ng 8am na kasawiang-palad ay hindi natuloy dahil nagtxt si ms sermise na 10am na lang daw kaya sayang lang ung ginising ko ng maaga. wow. gagawa dapat kme ng yrbuk sa sja, at sa dami ng staffers dati, 4 lang kaming pumunta kanina. wow. at hindi rin naman kami nakagawa dahil walang available na computer pra samin, as usual. pinakain kami ni ms sermise dun ng spageti at nagkwentuhan na lang kme. muka daw durian ung buhok ko sabi ni ms quintos haha, gs2 ko sana tblahin kaso principal un, pagbigyan na lolx
pumunta ako sa sm para bumili ng muffins na dinala ko naman sa uste. 1am ako nakauwi at natulog muna ako hanggang 230. 330pm na ko nakaalis d2 papuntang uste, at late nanaman ako hehe. hindi na surprise kse na wrong send ako sa knya, pero masaya dahil nagkita kami at nakasama namin si ted at melvi. aw
nung pauwi na kami, hinatid ko na sya sa sakayan ng biglang may nagbunguang car (toyota altis ata) at isang bus na hindi airconditioned. lipad ung side mirror ng altis e, tas biglang bumaba ung babae, hysterical, at nagdrama, "hindi maaari to, huhuhuhu", kakaiba sya haha nagcecellphone sya sa gitna ng kalsada habang sinasabing "this can't be, huhuhu" lolx hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa eh
nagusap kami ni mama ng seryoso tungkol sa kung paano kami mabubuhay ni joel kapag sya ay namatay na. (wag naman sana agad) hinabilinan nya ko ng madaming bagay at masaya naman. lagi nyang sinasabing wag akong magpapakawawa sa iba, at alam nyang hindi ako yung type na kinakawawa dahil palaban ako haha
nagkausap din kami ni ate angel (pres. ng ab chorale) sa txt at nagsorry ako at nagexplain sa knya ng mga sama ng loob sa chorale. naintindihan nya ko. at inaadmire ko talaga sya hehe.
yun lang naman ang nangyri ngayong araw na to. gs2 ko lang magkwento :)
july wrote this piece of crap on Monday, April 17, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, April 16, 2006
ang araw na ito ay..
current song: bilanggo
current mood: sad
currently reading: ym msgs
ayos lang. masaya na hinde hehe. napilitan akong gumising ng maaga dahil magsisimba kami at kakain sa labas. sa harrison plaza kami ngsimba, 10:30am mass ksi late na ko gumising. sa rob manila naman kami kumain dahil gs2 ni mama sa chicken bacolod. eto yung nakita ko sa menu..
bakit kaya naging malaswa si lola? hmm, moving on
nagpagupit ako. oo, sabi ko hindi masyadong maiksi yung gusto kong gupit. pero iniksian nya ng sobrang-sobra. wow. isa lang ang masasabi ko sa knya. SANA SABUGAN KA NA NG LPG !!! HAYUP KA!! GRAAAARR! MAY ARAW KADEN!! GRRR!
yun lang, :) good day
july wrote this piece of crap on Sunday, April 16, 2006
i'm the mobilemaniac
|
seductively, temptingly
current song: nice n slow- usher
current mood: bouncy but heavy
currently reading: wordweb
sa wakas, nahuli ko na din ang kiliti mo. pakipot ka pa kasi dati, ayaw mong lumapit sakin. pero ngayon, nahahaplos na kita at nahahawakan. alam ko na kung pano ka bibihagin, kung pano ko masasamyo ang bango ng mabalahibo mong kaselanan. masaya ako dahil nakakapiling na kita sa magdamag, habang dahan-dahan kong pinapagapang ang kamay ko sa katawan mo.
isda lang pala ang katapat mo, lintek kang pusa ka.
july wrote this piece of crap on Sunday, April 16, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Friday, April 14, 2006
true
current song: runaway- the corrs
current mood: nagiisip pden
currently reading: cornucopia-copia
nakuha ko sa blog ni dan
Fashion is merely a form of ugliness so unbearable that we are compelled to alter it every six months. - Oscar Wilde
totoo, malas lang ng mga fashion victim (medyo isa na ko dun, medyo lang naman talaga)
july wrote this piece of crap on Friday, April 14, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Thursday, April 13, 2006
holy week special
current song: wala
current mood: nagiisip
currently reading: audrey @ lj.com
dahil maundy thursday ngayon, natulog ako mula 4pm hanggang 9pm hehe. at nagdinner ng 9pm. uminom ako ng coke at lumabas, pumunta ako sa fave spot ko after dinner. dun yun sa tapat ng basketball court sa phase namin, at dun sa bato. umuupo lang ako dun para magisip at magpahangin. syempre ksama ang mga paraphernalia ko.
iba lang ngayon dahil nakakalahating kaha ako, at sa dami nun, madami dami nadin akong naitxt at naisip na mga bagay bagay. kasama ko kasi ung cellphone ko at ang headset. nakikinig ako ng music habang nakaupo dun. 9:30-11:00pm. astig. masarap umupo dun dahil mahangin. hindi lang mahangin, maginaw pa. masaya magisip ng mga bagay-bagay pag malamig. hmm
pag-uwi ko. nasa tapat ng bahay namin yung pusang laging meow ng meow. natutuwa ako kasi may bago nanaman akong kaibigan. mga 2 minutes akong nakipag meow-an sa kanya. at nung nagsawa na ko, pumasok na ko sa bahay.
naalala ko yung paguusap namin nila tennis at doms. sbe nila, wala daw emosyon ang mga hayup, instinct lang. at kaya lang nakikipagmeow-an skin ang pusang yun e dhil gs2 nya ng isda ngayong holyweek, at hindi dahil mahal nya ko. haha. totoo yun, hindi naman ako tanga eh, but i prefer to think otherwise. iniisip ko na may emosyon din ang mga hayup. kahit ang cellphone ko meron, or ang puno. dun mo makikita ang isang soft spot sa pagkatao ko. i'm very sentimental. hehe, tipong kahit dahon may pakielam ako. un lang hehe
july wrote this piece of crap on Thursday, April 13, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Sony Ericsson K800
current song: wala
current mood: thinking
currently reading: my posts
gusto ko n2, i am currently drooling over (o for) this phone haha
san ka pa, 3.2 megapixels with xenon flash, at cybershot pa. wow. pde ka pang magblog. argh, gs2 ko n2 hahaha, kelan kaya to iaanounce sa pilipinas? form and function makes the k800i oh so sexy hehe, yeah
(july: asa ka pa, hindi ka makakabili nya. pag may trabaho ka na, saka ka bumili nyan)
july wrote this piece of crap on Thursday, April 13, 2006
i'm the mobilemaniac
|
beautiful lines and wise words
current song: wala
current mood: bouncy
currently reading: reader ko sa literature 102
ang mga salitang ito ang nagmula sa iba't-ibang kwnto na aming nabasa sa lit102 (Philippine Literature). eto yung mga hindi ko makakalimutang stuff na natutunan ko mula kay prof. ferdinand lopez hehe. epekto 'to ng walang magawa pag bakasyon, nagaaral na lang ulit haha
from Las Ruinas del Corazon
But before she did, she asked the poets to record these moments
in song, and the architects to carve the song in marble,
and the marble to be selected from the most secret veins
of the earth and placed where no man could see it,
because that is the nature of love, because one walks alone
through the ruins of the heart, because the young must sleep
with their eyes open, because the angels tremble
from so much beauty, because memory moves in orbits
of absence, because she holds her hands out in the rain,
and rain remembers nothing, not even how it became itself.
from Dead Stars (Paz Marquez-Benitez)
--Why would men so mismanage their lives? Greed, he thought, was what ruined so many. Greed-- the desire to crowd into a moment all the enjoyment it will hold, to squeeze from the hour all the emotion it will yield. Men commit themselves when but half meaning to do so, sacrificing possible future fullness of ecstasy to the craving for immediate excitement.
--"I supposed long-engaged people are like that; warm now, cool tomorrow"
--"If a man were married, why, of course, he loved his wife; if he were engaged, he could not possibly love another woman."
--"Julita," he said in his slow, thoughtful manner, "did you ever have to choose between something you wanted to do and something you had to do?"
bakit ba kasi kelangan mag-act ang tao na iniisip kung ano ang ssbihin ng iba, khit taliwas pa yun sa gusto talaga nila. ang lungkot tuloy. talking about social conventions. wtf. naalala ko, tinanong pa ko nung prof ko kung nagaagree dw ba ko kung ang mga lalake ay greedy, ang sgot ko- depende hahaha
dead stars is one of the saddest story i've ever read so far. disapponting, so, if I may say. subukan nyong basahin, hanapin nyo na lang kay kaibigang google.
from Gabu (Carlos Angeles)
The vital splendor misses. For here, here
At Gabu where the ageless tide recurs
All things forfeited are most loved and dear.
It is the sea pursues a habit of shores.
--wow to, sbi ni prof. lopez, bihira daw ang lit prof na nagtuturo ng poem na to dahil hindi nila naiintindihan haha, isipin mo, 4 stanzas halos 1 hr naming diniscuss. pero it's all worth it. sabi nya, according to the theory of existentialism, man, by his very nature, is self-destructive and he sees this as the reason why we tend to hurt the people whom we love the most. sbi nga, "All things forfeited are most loved and dear", "all thing most loved and dear are forfeited.."
nakakalungkot hehe
yun lang. summer na
july wrote this piece of crap on Thursday, April 13, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Wednesday, April 12, 2006
stupidest answer
current song: wala
current mood: bagong gising
currently reading: my emails
kakagising ko pa lang. bumili ako ng isang malaking baso ng taho at binuksan ko ang tv. habang ako ay naglilipat ng channel, nakuha ng isang cheap pageant (mutya ng quezon city) ang aking attention. question and answer portion na kaya hindi ko muna nilipat. maganda naman ung babae e. ang tanong sa knya nung host. "for you, what is diversity?" at ang sagot nya: "for me.. uhm.. diversity is the thing that you need to do... uhm.. when you want to do something.. uhm... that's all thank you."
bwahahahaha (oo mayabang ako, pero natawa ako sa sagot nya)
july wrote this piece of crap on Wednesday, April 12, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Tuesday, April 11, 2006
last day
current mood: bad3p
current song: wala
currently reading: ym msgs
dahil sa pagod at sa lintek na wisdom tooth (3rd molar) na to eh 12nn na ko nagising. ang plano kong surprise ay hindi naisakatuparan. medyo may sinat ako, at dpat ay magkikita kami ni mama para humanap ng dentist at magpagupit. pero nagpunta ako sa ceu at sanbeda para isurprise sya, last day na kasi na posible kaming magkita. natwa ako sa reaksyon nya nung makita ako, gulat na gulat haha at kahit masakit ang ngipin ko, masaya naman dahil nakasama ko sya at si ted at cristina, pati si melvi haha. nung tumambay kami saglit, medyo madilim na yun, naka indian sit ako dun sa bench tapos naka lean ung head nya sa lap ko. may lumapit saking isang mama, naka blue polo barong, at sinabing "ms pakiayos yang upo mo". at putangina, nabad3p ako. wala kasi akong makitang magandang rason kung bakit nya kami pinapakielaman. act of indecency? tangina, ano bang idea nila ng tama at mali? fuck, the hell with them. pero hindi na ko nabad3p tapos. umuwi na kami, at pagdating ko sa bahay, voila, bad3p nanaman. hayy, pero masaya padin ako.
july wrote this piece of crap on Tuesday, April 11, 2006
i'm the mobilemaniac
|
kamustahan
current song: ordinary people- john legend
current mood: tired and sick, pero laban lang
currently reading: my blog
kuhaan ng clearance yesterday. wala nng excitement ksi alam ko na grades ko hehe, pero ang excting part dun ehh makikita ko na ang mga mahal kong kaibigan. pinagalitan kami nung bading na prof dahil late na dw kami, at syempre, mainit, masama ang reaction ko, sbi ko, hindi kami nagbbyad dito pra sigawan. un, warfreak talaga tsktsk, after nun hinintay ko sya ng pagkatagal-tagal dahil nagpunta pa sya sa gym pra sa orientation dun sa mga magssummer. after nun, ginawa ko na ung surprise ko. masaya naman, perfectly done hehe. :)
nagkayayaan pumunta kila doms pero kelangan namin maiwan dahil mageenroll pa kami ng 1pm. naiwan kami nila dennis, cristina, ted and athena sa tambayan. nagkaron kami ng masayang asaran at gaguhan dahil kinikilig si dennis hahaha, oo. nagkaron pa ng mabibigat na salita e, bsta masaya
pinauna na namin si ted at dennis kila dom dahil sasamahan ko pa si athena magenroll, pero hindi rin kami nakapagenroll dahil walang philo at history na inoofer sa ab. kaya nagcommute na kami papunta kila doms. at ok naman, nakahabol kami. :)
pagdating namin dun, may alak. bumili si dennis ng beer. inaasar nila ako na blacklisted na dw ako dahil sa nangyri nung debut ni don hehe, pero uminom padin ako. 2 baso ng beer at ilang shots sa empe. ung isang glass ng beer, klangan straight dahil nagtoast kmi nila doms hehe. hindi na ko nagpakaligalig dahil baka maulit nanaman yung LASING hehe, pero suprisingly, walang amats kahit konti.
nagligpit kmi b4 5 dahil ddting na ang mga magulang ni doms. nagkaron kami ng seryosong usapan ni athena at ni ted tungkol sa pagibig at medyo may pagkakapreho pala kami ni cristina. bsta natuwa ako kay ted, ngayon lang naging open sakin yung gagong yun.
naguwi yung mom ni doms ng palabok at spageti at hamburger pra saming lahat. gutom na ko nung mga time na yun pero hirap na hirap na ko kumain dahil sa fucking wisdom tooth na to. totoo pala na masakit yun, nilalagnat na nga ako ngayon eh, punta ako manila doctors mmya para magpachekup.
maya-maya, dinala kami ni doms sa isang lugar malapit sa knila kung saan may magandang view ng city lights, basta maganda ung lugar. paakyat dun, dinala namin ung isang bike. hindi marunong magbike si athena, kaya sinakay ko sya dun, sya ung ngddrive pero nakaalalay ako. paakyat ung daanan, at ang bigat haha, pero masaya :)
after nun, uuwi na sana kami pero pinakain nanaman kami ng hotdog at bread. hindi ako kumain dahil masakit ung wisdom tooth ko. tas hinatid na kami sa katipunan station. dun na kami nagkahiwa hiwalay. iba iba ksi ng way ehh, pero ok lang
matagal din kaming hindi magkikita-kita. pero kahit nakakapagod yung araw kahapon, masaya naman, kasi kasama ko ang mga kaibigan ko :)
july wrote this piece of crap on Tuesday, April 11, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, April 09, 2006
he was cool
current song: wala
current mood: sobrang pagod
currently reading: my blog
sabi kanina ni pareng eun sung sa he's the man (korean flick), boys dont cry. pero natutunan ko mula kay pareng dondon (na isa sa mga paboritong kanta ay ang boys dont cry), boys don't cry, but real men do. wala lang hehe
july wrote this piece of crap on Sunday, April 09, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Saturday, April 08, 2006
respeto, mahalaga yun
current song: i promise- stacey orrico
current mood: galit, oo
currently reading: text messages
isa sa mga pinakamahalagang bagay na natutunan ko ngyong college ay nagmula kay dom. sabi nya kase, mahalaga na bigyan mo ng respeto ang opinyon ng ibang tao, kahit pa taliwas yun sa kung pano mo bigyan o binigyan ng opinyon ang isang bagay. at ang masabihang kang PATHETIC ang REASONING mo, foul talaga. sinabi ko lang naman talaga yung gs2 kong sabihin ehh, pero yung questionin ang pagdadahilan mo, ibang usapan na yun. so kung ganun nya nakita yung nangyari, so be it. I DONT REALLY GIVE A FUCKIN SHIT. i dont like it when people tell me to shut up, or MALI ang opinyon ko dahil kahit kailan, para sakin, hindi pdeng maging MALI ang opinyon ng isang tao. sabi nga ni dom, sa mundo natin, wala naman talagang tama at mali, tao lang ang nagbibigay ng notion of what is right and what is wrong. aware ako na medyo may tama ako nung nasabi ko yung mga bagay na yun, pero damn, i remember every single word and action na ginawa ko nung lasing ako. it's magical, unbelievable even.
hindi nyo man naiintindihan yung mga sinasabi ko ngayon, ayaan nyo na hehe. gs2 ko lang sabihin to. hindi ko inaasahang gagalitin ako ng isang text msg. hindi na lang ako magrereply, natutunan ko kasi kay averill na dapat, in your anger, do not sin. ttry ko yun. nasa tamang pagiisip pa din naman ako para hindi patulan ang mga taong makikitid ang pagiisip.
july wrote this piece of crap on Saturday, April 08, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Friday, April 07, 2006
evaluation muna
current everything: wala
naaaning akong isipin na habang ang ibang bloggers ay may nilalagay na "makabuluhan" o "may sense" sa mga blog nila, eto ako, at walang humpay na nagkkwento tungkol sa mga walang kwentang bagay na nangyayari sa buhay ko tulad ng inuman at pagaayos ng sariling kabinet. very disturbing, pero hindi naman ganung ka-disturbing.
kung ieevaluate ko man ang mga nangyari skin sa mga nagdaang araw, o kahit buwan pa, masasabi kong palagi na lang akong nagsasaya kasama ang mga kklase ko, o kaya ay gumagala sa gateway, o kaya naman ay umiinom, at para sakin, medyo nawawalan na ko ng lalim. tulad ng isa kong kklase ngayon sa uste, nagiging para na akong isang libro sa library na pwedeng hiramin at basahin na lang ng kung sinu-sino, kahit nga ng mga taong hindi nakakakilala sakin. open book ika nga.
hindi ko alam kung maganda pa yun para sakin o hindi na. maganda ba na parang pa easy-easy lang ako lagi, na laging madaldal at open sa kahit anong bagay, na happy-go-lucky at walang plano sa buhay (eksaherasyon yan a), na lagi na lang akong nakikipagsaya sa mga kklase ko? O dapat kahit pano, magreserve din ako ng konting space at time para sa sarili ko.
kung babasahin mo ang mga posts ko recently, pwede mong sabihin na wala talagang makabuluhang nangyayari kay jollers. sabagay, choice ko din naman yun, gs2 ko lang talaga magpakasaya lagi ksama ang mga taong tinuturi kong kaibigan. pero gs2 ko lang talagang sabihin na kahit pano, may lalim pa din ako, na there's a side of me na hindi pa nakikita at hindi pa nalalaman ng iba.
hindi ako defensive, gs2 ko lang talaga yan sabihin (kahit na walang nagtatanong).
hindi lang nahahalata ng mga tao, may serious at quiet side din ako. na kahit dumadaldal at nagiingay ako lagi, o nanggugulo, nakikinig pa din ako at nagmamasid.
sabi ko naman senyo e, wirdo talaga ako. kahit nga ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko e haha, bsta, kakaiba. kewl at astigas. parang ice candy lang. at hanggang ngayon, naguguluhan padin ako kung ang mga pinagsssbi ko ngayon ay epekto ng paginom ko ng alcohol kahapon o ng pagiisip. hmm
july wrote this piece of crap on Friday, April 07, 2006
i'm the mobilemaniac
|
LASING, block letters o
current mood: hungry, happy and drunk, sleepy hehe
current song: wala
currently reading: my emails
alam kong sawa na kayo sa mga kwentong lasing ko, hehe, pero eto na siguro ung pinakalasing moment ko so far hehe. debut ni dondon, hehe, alam ko na itsura ko pag may tama, MALIGALIG hahaha, basta ayos. madaming 1sts na nangyre sken kahapon hanggang ngayon hehe, bsta. ang mga naaalala ko lang na nangyring nakakatuwa,
-may ibang tropa dun si dondon, alvin ung pangalan, sbi ni dondon maangas dw, e maangas din naman ako ampf, inaangasan ko hehe, tas mayamya kmi kmi pa yung magkakatagay e hehe, saya hehehe, masaya makipaginuman sa mga hindi mo kilala hehe, ang naaalala ko, sila alvin, kuya paeng (28yrs old hehe), si maynard, jean, eric, un lang hehe
-ako ung taga tagay sa unang long neck for 1bes1 peeps, walangya hindi ako tinamaan e, pag cr ko, pagbalik ko, me tama na ko hahaha
-totoong nambubugbog pala ako pag lasing haha, si doms ung nakarami sken e hahaha, tas si dondon, sinapak ko den ata, d ko maalala kung sa braso o sa mukha, tas sinapak nya ko sa mukha, natawa kme haha, pero ntulog na ko tapos nun hahaha
-kumain ako nung papaitan, hindi mapait, tas pinakain ako ni don ng laman-loob, bday naman daw nya e, 1st un hehe
-nagutap nanaman kami ni cristina tungkol sa mga bagay-bgay hehe, nasa ibabaw ata ako ng taxi nun
-nahulog ako sa kubo ampf, walangya talaga hahaha, may tatak na ko sa bday ni don eh, ang sama nung lagay ng sugat ko sa binti ehh, nakaw
-naghahanap ng yosi ung kaibigan ni don, dahil winston na lang ung available dun, ang nasabi ko (dahil lasing), "yonstin na lang ehh, ayos lang ba?" (yonstin instead of winston, bobo ampf)
-makulit daw ako sobra ampf, maharot at maligalig, hehehe, lasing :( naawa ako ng konti dun sa mga gagong nagalaga sken kahit pano haha
-colt 45 ung beer, anlamig, ansarap, tas 4 na long neck ang nauubos namin, alak hahaha
-kinaumagahan, dahil dun na kme na2log, nakarecover na ko, naghanap kami ni maximo ng maiinom, nakilala namin si aling girl at ang bait nya, kse ang binili lang namin, ovaltine, pero binigyan nya kme ng maiinit na tubig, baso at kutsarang panghalo hehe
-hindi pa dun nagttpos ang kabaitan ni aling girl dahil pagbalik namin, ksama ko si dom at dennis, bumili kami ng mami, tas niluto nya den hahaha, san ka nakakita ng sarisari store na nagluluto ng mami 4 u hehehe, binigyan pa nya kme ng tubig for free, na malamig, ang bait talaga hehehe
-pinagtripan namin ung mga duck na nandun hehe, hindi sila duck pero duck yung tawag namen hehe, kinain nung isang duck ung chicken mami ni doms hehe
-laughtrip sa kubo kasama si don ted dom dennis at cristina haha, lumalabas nanaman ung amats
-si cristina gs2 pang gwing payong ung dahon ng saging ampf
-nakita ko ung meralco bill ng lot nila don, walangya ang mahal! 5.60 pesos ampf, mas mahal pa pamasahe sa jeep e hahaha
-nawala nanaman ung lighter ko na black, kakabili ko lang nun e, sayang ang 14 bucks kahit pano
-ung shades ko, natangal ung lenses hehe, wala na kong shades ulit :(
-(dennis) nung umalis ako itim pa ung polo ko, pag uwi ko puti na hehehe, pero pagkita ko, nabutas ung polo kong black, sa may shoulder part, naipit ata dun sa kubo, a bsta, bd3p fave polo ko pa naman un hehe
wasted na wasted na talaga, ang init ksi, pero ayos lang, the best ung experience, alam ko na kung pano ako malasing hehe
pero hindi rin ganun kaganda pag lasing ka, next tym ttry kong umayos, ang saya kasi maging maligalig pag kasama ang tropa hehe, pero next tym talaga, magpapakatino ako, hehe
sbi kse ni boss jerico, "sayang naman ang ininum mo kung hindi ka lang din magpapakamakulit" hehe, sa tingin ko tama lang yun hehe
22log muna ko, wala pa kong tulog hehe
july wrote this piece of crap on Friday, April 07, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Wednesday, April 05, 2006
most anticipated inuman of the year
current everything: wala, nakakatamad magtype
bukas na ang pinakahihintay ng lahat, ang debut ni pareng don don hehe, yeah. syempre hindi mawawala ang inuman, natatandaan ko kase, sa bahay nila ako unang nalasing ngayong college. hmm, hindi na ko makapaghintay, ilang gabi akong hindi makatulog sa pagiintay d2 hehe (nye?). nttwa lang ako, nung nagpaalam ako kay mama, sabi ko, "ma, pupunta akong antipolo bukas, bday ng katropa ko, si dondon, ung maligalig, baka sa friday na ko makauwi" haha, tas tinanong nya, "ha? bakit friday pa? ano ba ggwin nyo dun?" tas sbi ko, "ganun talaga pag mga bday, inaabot ng umaga, haha". wala lang haha, hindi ko msbi na magiinuman kme e lolx, basta, excted na ko. yun lang yun :)
july wrote this piece of crap on Wednesday, April 05, 2006
i'm the mobilemaniac
|
galing sa sja
current song: wala
current mood: naguguluhan,, dami ngttxt
currently reading: wala
galing akong st jo knina. kuhaan ng card nila. kinausap ko lang si ms sermise tungkol sa yearbuk. may naaccomplish nnman ako hehe, we will meet dw prolly next tuesday. naoverwhelm ako knina, dami josephians na kakilala ko, ngayon lang ulit ako nakapasok dun after december. ganun padin ung muka ng mga teachers, ung iba tumaba lalo hehe
july wrote this piece of crap on Wednesday, April 05, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Tuesday, April 04, 2006
naglinis
current song: wala
current mood: yahoong yahoo
currently reading: wala
naglinis ako ng kwarto, cabinet, drawer atbp hehe. hindi lang basta ayos, linis talaga. binasa ko yung walls lolx, bsta. masarap ang pakiramdam kapag malinis na ang kwarto mo, parang gaganahan kang matulog at mas maging maayos hehe
july wrote this piece of crap on Tuesday, April 04, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Monday, April 03, 2006
mister donut
current song: through the years- kenny rogers (ampf parang manok)
current mood: bagong gising, weirdo
currently reading: ym msgs
natutuwa ako dun sa bagong commercial ng mister donut. yung ano, thumbles ba un o thumblers, ah basta, hehe. yung naiyak yung babae habang sinasabi nyang "sbi nya mahal nya ko! niloko nya ko! huhuhu", tas kinakain nya ung donut habang gngwa nya un hehe. tas nung kumuha yung tropa nya pinalo nya ung kamay haha, ang kyot. ang motto nila "laging nsa gitna ng samahan" (ata)
naisip ko lang, pedeng gumawa ng male version ng commercial na yun. pero hindi donut ang nsa gitna. dapat alak haha, fundador o kaya emperador haha, "laging nasa gitna ng samahan" :D
nagulat ako, kkuwi lang ni papa, pgtingin ko dun sa dining table, may fundador haha, 1.5liters ampf, ung gold ano, bsta, nakalagay sa malaking box hehe, wala lang. nakakagulat.
july wrote this piece of crap on Monday, April 03, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Sunday, April 02, 2006
ayun nga
current song: wala
current mood: nalolongkot
currently reading: wala
hindi kasi ako madaldal pag nasa bahay, usually, gs2 ko lang nakahiga o kaya nagbabasa, o kaya naman ngttype ng kung anu ano. yun din siguro yung dahilan kung bakit ayaw kong makipagusap sa telepono or cellphone pag nasa bahay. minsan kasi feeling ko nakikinig yung ibang tao sa usapan, o kaya naman e, bsta, hindi talaga ako sanay. kaya eto ako ngayon, nalolongkot. pinagsimulan pa 2loy ng pagtatalo. hindi rin naman ako perpekto hehe. :)
july wrote this piece of crap on Sunday, April 02, 2006
i'm the mobilemaniac
|
Saturday, April 01, 2006
hehe
current song: the man i was with you- jimmy bundok
current mood: arguing hehe, feeling philosopher
currently reading: ym msgs
kktpos ko lang namin magtalo ng mama ko tungkol sa religion at faith. saws. ambibigat ng mga statements e haha, napunta pa kme kay pareng martin luther haha, saws. manang mana talaga ako kay mama, ayaw patalo.
mga 4th yr hs nga naman o. kkgraduate lang hehe, dami nagttnong kung anong magandang celpon haha. nakakaingget sana ako den ggraduate hehe, pra may bagong celpon. naalala ko lang, bago ako grumadweyt, nanakawan pa ko ng celpon. hindi ko tuloy nabili nun ung inaasam kong p900 :(
pero ayos lang, hehe
july wrote this piece of crap on Saturday, April 01, 2006
i'm the mobilemaniac
|
summer
current song: do u believe in me - eric ?
current mood: tambay lang
currently reading: text message
summer na pala, ngayon ko lang naaabsorb.
eto yung mga gs2 kong gawin ngayong bakasyon:
-magaral mag-drive, pero nakakalungkot dahil wala pa naman ako iddrive na sriling akin
-magaral mag-piano, pero wala naman akong wall piano dito, keybord lang, e pnget yun
-magaral ng kahit anong language na iba, pero san ko naman ggmitin yun?
-magsummer job, wag lang sa fast food chain o kaya metro aid/e? hehe,
-ipagpatuloy ang session ko kay dr. ano, i forgot her name hehe
-magpadental, oral cleaning or kahit ano na gngwa sken usually pag bakasyon
-magpagupit ng maiksi, ang inet inet e
-baguhin ang layout ng blog ko, ngayon lang ako magiging free e
-tapusin ang yearbook ng skul namin, langya, ako pala in-charge dun
-hindi magpuyat, bawasan ang chat
-mag gym ulet
-magipon ng pera sa banko
eto naman yung mga bagay na gs2 kong magkaron ako
-kotse
-bagong cellphone, pero gs2 ko pa din yung cellphone ko at wala naman akong mapiling mas magandang bago ngayon
-wall piano
-mp3 or mp4 player na hindi mukang cheap or better yet, ipod nano/video
sana maging productive ang bakasyon ko ngayon, yun lang naman.
july wrote this piece of crap on Saturday, April 01, 2006
i'm the mobilemaniac
|