my_story

Friday, March 31, 2006

grades ngayong 2nd sem



current song: wala
current mood: happy
currently reading: ym msgs



galing ako skul knina, kumuha ng grades. ok naman yung grades ko, so-so. mas mataas ng 0.1 nung 1st sem hehe, asteg. magaaral na ko ng mabuti next sem. sana

nagkita kita kami knina nila don, iana, ted, xtina, jerico, dawna, stella, lawrence at athena sa skul. sabay sabay kumuha ng grades. bonding konti tas uwi na. yun lang, msaya naman. may rainbow knina

hindi naman pala nawala ung lighter kong green (2nd lighter). tinatago nya lang pala. 2nd lighter ko un. ung una kase blue, hehe. pero may spare pa ko d2, black. yun lang naman..


july wrote this piece of crap on Friday, March 31, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, March 29, 2006

hacienda gwapito pepito pito



current song: wag mo nang itanong- mymp
current mood: kwento lang
currently reading: wala



wag nyo na tanungin kung bat ganyan ung title hehe

nakakapagod din ang 3days at 3nights na getaway namin ng 1bes1 hehe. wala talaga akong pahinga mula nung saturday. sunday morning gumising ako ng 6am dahil magsisimba kami ng maaga pra magsimba sa ermita. mga 10am nasa tutuban mall na kami, pero wala akong makitang magandang slippers dun kaya nag sm manila kami hanggang 2pm. nagmamadali na ko dahil 5pm ang usapan namin sa cubao. hindi pa ko nakakapagimpake. mga 415 na ko umalis d2 at luckily, dumating ako ng 515 sa gateway cubao. andun na sila don, dom, david, dicky at jen. hehe. kinatagpo namin si dawna sa mrt at naligaw pa kami hehe. basta. shortcut, nakila iana na kami, quezon city, north ave.

dun kami kila iana m22log para sbay sabay umalis kinabukasan. ayos ung place nila iana, english-speaking ung lolo nya hehe. yun. kinain namin for dinner ung nilutong baked mac ni dicky. bday kasi nya hehe. masarap naman. hmm, kinailangan namin magsm
dahil bibili sila dawna ng stuff at kami naman nila don ay bibili ng regalo ko pra kay athena. dnrive ni don ung van nila iana hehe, nakakapanibago daw. pero nabigo kami dahil wala kaming makitang eksaktong kelangan at 9pm na, nagsasara na ang sm
north. buti na lang nakabili kami ng alternate. basta hehe, pero disappointed pdin ako na sira ung plano ko.

as expected hindi na kami natulog kila iana dahil syempre, bonding muna ang mahalaga hehe. nakapagkwentuhan kami nila don dicky at jerico ng madami pti nadin sila dom at ung iba pa, bsta masaya. nag midnight snak kami courtesy of mcdo. un. tpos nung umaga, alisan na hehe.

nakipagkita kami sa ikalawang van sa stopover dun sa north luzon expressway. andun na yung iba naming kklase. hindi ko bilang kung ilan kami at ayoko na isipin, basta 20 o 21 kami hehe. kumain kami dun at kumain ulit. yung iba nagstarbuko kape.

treats

asa van

july at dick

july at echo

july at dom


nagano na kami, bumiyahe papuntang tarlac. hehe, mga 11 ata kami dumating dun, ewan hehe, malapit lang naman pala. kinuha muna namin yung food mula sa shop nila athena tas dumating na kami sa place. Malaki at maganda ung place, ayos.

nagayos na kami ng gamit. yung boys sa kubo natulog at yung girls naman, sa isang bahay. kumain kami ng lunch, nagpalamig muna, tapos ung girls nagswimming na, pero kami n2log muna. wala pa 2log e, tgnan nyo ung pictures o. iniinvade ng girls ung
lugar namin kaya napagusapang lagyan ng barikada ung pinto. dalawang kutson at isang upuang kahoy. solb na, hindi na sila nakapasok at medyo nakatulog na kami hehe. pero yung iba dumaan padin sa bintana grr. mga 4pm naligo na kami hehe, ayos. malamig ung tubig. bsta puro swimming kami habang nag vvideoke na ung mga babae.

shorts ko

hmm, mga bandang gabi, habang nagsswiming ang mga babae, kumanta kami ng para sa masa (eheads) joint forces un kaya naka 63 (o 68) kami sa unang try hehe, inulit nmin ng mas maayos kaya naka 100 kme, well. swimming na ulit. biglang umulan. walangya, ang ginaw. pero swimming pdin hehe. masaya tong part na to.

nligo sa ulan

tpos dinner na. yun, tas ng dinner, bumili kami ni athena ng inumin para sa lahat hehe. mawawala ba naman ung inumin :D pero hindi naman lahat uminom. madaming nangyri nung inuman (hi dicky), at tapos natulog na ang lahat.

dahil sa coding ung isang van, kinailangan umalis agad nung iba samin ng maaga, so ung mga kelangan umuwi ng maaga, sumabay na sa 1st trip. 10 na lang ata ung naiwan. waw. videoke ng madami ang nangyri at kwentuhan. may masarap na lunch pa. hmm,
tpos kwentuhan sa kubo, naglaro kami ng game na nauwi sa madamdaming kwentuhan (hi dom)

kubo

tpos swimming na ulit. mga 5pm umahon na kmi para maligo at magbihis. mga 7pm tapos na ang lahat kaya uwian na. nagstopover kami sa nlex ule, nagdinner tas uwian na. masaya talaga yung outing.

mga pinakagusto kong nangyri nung outing:

1.) usapan sa likod ng van nila iana kasama si dicky at jerico
2.) swimming nung umuulan
3.) kwentuhang makabagbag damdamin sa kubo
4.) last swimming, mcdo game hehe
5.) kwentuhang may kiskisan kasama si don, dom at dennis
6.) kwentuhan ksama si cristina
7.) yung barikada hehehe
8.) yung buong outing, langya

nawala nga pala yung isang lighter ko na green. sayang naman.


july wrote this piece of crap on Wednesday, March 29, 2006
i'm the mobilemaniac
|

kaHAYUPan



current song: panunumpa- ab chorale
current mood: nagiisip pa din
currently reading: blogs



nabasa ko lang sa blog ni mikey

napanood daw niya ung kontrobersyal kagabi at ang pinakita dun e ung ano. teka. pangtotorture sa hayop. pinapa-ano daw ng tubig ung mga hayup. pinapasukan ng hose ng tubig sa bibig para mag-bloat at bumigat ung timbang. (hindi ko lam kung pano describe e, bshn nyo na lang sa blog nya). pero ang nakakabad3p dun, ineencourage daw un ng Dep of Agriculture (para daw sa kabuhayan).

walangya, kabuhayan nga ba, o para lang magkapera sila? naisip ko lang, kung yung mga gagong politician na lang ang pinapakain ng hose at pinapa-bloat, di sana mas maayos ang buhay ng mga pinoy, at lalong hindi na kakailanganin pang torturin ang mga hayup para mapabuti ang kalagayan (daw) ng ating bansa. wtf


july wrote this piece of crap on Wednesday, March 29, 2006
i'm the mobilemaniac
|

muni-muni



current song: paalam na- ab chorale
current mood: mapanglait, mapanghusga pero nagiisip
currently reading: iba't ibang blog



kakagising ko lang. kakauwi ko lang din mula sa tarlac. ansaya ng outing namin dun hehe. kwento ko na lang mmaya pag nadownload ko na ung pictures mula sa telepono ko. hmm, nagbloghopping muna ako at sa dami ng blogs na nabasa ko, eto lang ang masasabi ko.

1.) kung hindi kayang magenglish ng tama e wag na lang magenglish.

kaya nga tayo nasa pilipinas eh hehe (astig ang pinoy). hindi naman ako magaling magexpress ng sarili ko sa english, pero kung nageenglish man ako, sinisigurado kong tama ang grammar ko (kahit pano). nasan na ba ang mga punctuation marks? at ang spelling, gawd. i hate trying hard english-speakers (o kahit writers). well anyway, buhay nila yan, hindi naman ako perpektong grammarian para i-critique ang lahat ng sinusulat ng mga tao sa blog nila. grammar ko nga hindi ko maayos eh, at least alam ko na kung ano ang parallelism hehe.

(I am talking about people who assume they are more intellectual than others) siyeett naman

2.) poetry is the language of the heart.

para sakin lang, walang rules at syntax (o grammar) na dpat mong sundin para makagawa ng isang magandang tula. ewan, hindi naman ako ab literature a hehe.

3.) madami talagang tao na nagiisip na mature na sila pagdating sa pagmamahal.

pero kung titignan mo, isip-bata padin. tsk. napaka babaw

4.) mula sa blog ni averill (na dapat pala ay may kim sa pangalan nya hehe)

-------------------------------
MGA MUKHA NG MAG-AARAL

ONE: syete, kailangan ko pang maghabol ng limang subjects, kulang pa ang requirements ko. tsk. 85 pa ang kailangan ko para maka-75 sa final sa english. pag nagsummer pa ako ngayon, patay. tanggal na ko next year. baka sa munic na ako pag-aralin ni mama. nakakahiya.

TWO: syete, kailangan ko pa ng 83 para maka-80 sa final sa science, ang hirap naman kasi eh! patay ako kay mama pag nakita niyang may line of seven akong final rating sa card. nakakahiya naman yun. haaaay.

THREE: syete, sana naman okay na yung average na 83, ayokong matanggal sa best section. mapapagalitan ako ng husto ni mama pag natanggal ako sa best! kailangan ko pang magpataas ng grades para sure na sa best section pa rin ako next year. ang hirap talaga.

FOUR: syete, 20 lang ang periodical ko sa filipino! panu na yan eh 36 lang ang quizzes ko... ipagpalagay mo nang 14 ang CS... naku! aabot pa kaya ako sa 87 sa final? sayang naman, medal din yun! madidisappoint talaga si mama pag bumaba ang ranking ko, lalo na pag hindi ako nasabitan. lagot.

FIVE: syete, anlaki ng ibinaba ko this grading ah! ampanget naman kung from 95 magiging 88 ako sa card! nyay! patay ako kay mama nun! baka sabihin niya nagpapabaya ako! seven points! pag hindi ako nag-number one, mahabang sermon ang aabutin ko! patay!

I THINK IT'S SAFE TO SAY THAT DISCONTENT IS HUMAN NATURE.
-------------------------------

astig ung last statement, hehe, lahat naman ata tayo may ganyang naiisip o nararamdaman sa loob natin ehh, pero ampanget tignan kung sobrang sakim mo sa grade haha, ako kse kuntento na ko sa mababang grades ko ngayon, well, i deserve it. hindi naman ako nagaaral ng maigi e.

5.) galing din sa blog ni averill, "in your anger, do not sin"

isa yan sa mga bagay na hinding hindi ko kayang gawin. masama, oo, pero ganun talaga ako ehh.

yun lang naman hehe, astig


july wrote this piece of crap on Wednesday, March 29, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, March 26, 2006

asawa ni marie...



current song: rollover the ocean- dawna
current mood: sleepy, disappointed
currently reading: dawna's friendster



hi, adik ako mgblog kase nakikiblog lang ako kila iana.. si dawna na mgttype nung next

1,2,3 asawa ni marie araw gabi walng panty

ngayon ko lng napansin na... (ang tagal..) na may mali pala sa kantang yan dahil kung iisipin mo (kung lng nman), ano, uhmm.. yung asawa ni marie ang walang panty. pero nung bata pa tyo (mtanda n sya ngayon) kala natin si marie yung walang panty. bading pla ang asawa ni marie dahil ndi sya nkpgsuot ng panty sa araw at gabi.

bata plang pla tyo, binbgyan n tyo ng idea ng homosexuality ng mga gumawa ng kantang yan. dpat ibahin n ang lyrics nyan. (anu dpat?)

1,2,3 asawa ni marie. si marie pla yng araw gabi ay walng panty

ang corny ni july!=)


july wrote this piece of crap on Sunday, March 26, 2006
i'm the mobilemaniac
|

tarlac



current everything: wala



aalis na ko, babay. langya, late na ko. kktpos ko lang magimpake


july wrote this piece of crap on Sunday, March 26, 2006
i'm the mobilemaniac
|

bday number 1



current song: wala
current mood: recovering
currently reading: wala



galing ako debut ni caren. astig naman, may inumin, kahit walang katagay hehe. as usual, lasing nnman. naka 2 light ako at 4 na pale, saka isang shot ng black label. nakatagay ko si jeff songco at si nico na bf ni marj. masaya naman kahit pano. may nakita pa kong ab chorale sa las pinas. astig (chi at mau). medyo nahihilo onti pero kelangan ma2log dahil dami lakad bukas. goodluck hehe


july wrote this piece of crap on Sunday, March 26, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Friday, March 24, 2006

good friday



current song and currently reading: wala
current mood nagiisip pa din pero gs2 magpost ng magpost



galing sa Good Friday
kwento ni Ronald Allan Benusa, hango sa Dapitan hehe

natuwa lang ako

"I went to the sari-sari store first to buy some cigarettes before calling Carlo. I'm hopelessly hooked. That soothing feeling you get every time you take in smoke is just awesome, hold it for a while inside you and then release it like a long anticipated orgasm. God, I won't be able to live without cigarettes I tell you. I would surely be the first guy to leap on a motorcycle packed with C4 and drive it off straight to the heart of Malacanang Palace if ever the government decided to ban smoking. Of course, it never was healthy for the lungs but I guess I'd rather die doing what I want to do"


july wrote this piece of crap on Friday, March 24, 2006
i'm the mobilemaniac
|

bakasyon pero hindi pa din



current song: wala
current mood: nagiisip padin
currently reading: wala



bakasyon na pala. parang hindi pa bakasyon ehh, magkikita pa naman kami sa linggo hanggang sa tuesday at sa april 10 (clearance day). masaya din naman kahapon dahil 1) nabigyan ako ng award (i love logic award) sa "1st ever BES awards morning" at 2) dahil sa kauna-unahang pagkakataon, medyo tinamaan ako sa nainom namin, at sa uste pa. boys lang ang uminom kahapon, ung mga babae kasi, nanood ng little black book sa sala. masaya talaga sa inuman haha (andun si pareng don dom dick david devil dennis at ako), pinanood ko nga ung video na kinuha ni dennis conner gamit ang celpon ko, at natatawa talaga ako sa mga nangyri dun kahapon. sabi nga ni dom, "pag nalalasing to (ako), nananapak pala to eh, nasapak na nga ako kanina, natuhod pa ko". pagbalik namin sa uste, para kaming gago, at hindi lang ako ung mukang gago. sila din hehe, masaya talaga pag lasing. un lang naman. swimming na sa lunes, sa tarlac. yehey, excited na ko, 80%.


july wrote this piece of crap on Friday, March 24, 2006
i'm the mobilemaniac
|

dapitan



current song: wala
current mood: nagiisip
currently reading: wala



sinubukan kong basahin ang dapitan (lit folio ng ab) kanina kahit na isa sa mga pinakaayaw kong gawin ngayong bakasyon ang magbasa. sa totoo lang, nainggit ako sa mga magagaling na manunulat na nabigyan ng pagkakataon na ibahagi ang kanilang mga katha sa libro (o folio) na iyon. itinuturi ko ang aking sarili bilang isang manunulat, pero sa nabasa at nadama ko sa mga obra ng mga manunulat na iyon kanina, parang naisip ko tuloy na hindi pa pala ako ganap na manunulat. kulang na kulang pa. para kasi sa'kin, ang pagsusulat ay malikhaing paglalaro lang ng mga salitang tumatakbo sa isipan. kapag magkatunog ang dalawang salita, ayos na. pero hindi rin pala. hindi pa ganun kalalim ang pagmamahal ko sa sining na iyon kaya siguro, kahit isulat ko pa lahat ng salitang alam ko ay hindi pa rin iyon sapat upang tumbasan ang mga likha ng mga manunulat sa dapitan. kailangan ko pa sigurong pigain ang utak ko hanggang sa lumabas lahat ng dugo mula doon, at kung sakali man, yun ang gagamitin kong tinta upang isulat ang mga bagay na nararamdaman ko. wala lang talaga.


july wrote this piece of crap on Friday, March 24, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Thursday, March 23, 2006

alcohol



current song: wala
current mood: nagiisip
currently reading: ym msgs



alcohol a depressant, but on the one hand, it makes you blabber much stuff that you don't usually do, and makes you, well, some sort of a happy politician on another.

depressed people ordinarily don't talk their hearts out, but when they become depressed under the influence of an alcoholic drink or something, that's another story.

i see talking as a form of psychological therapy- an emotional release.

so just a thought, if talking or blabbering has this therapeutical potential, and alcohol makes you babble out thoughts that you can't usually blurt out, then alcohol, else than being a depressant drug, is a very good medicine for the mind and for the heart. hmm


july wrote this piece of crap on Thursday, March 23, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Tuesday, March 21, 2006

tribute to "rachelle?"



current song: cool with you
current mood: bagong gising
currently reading: my blog



hi rachelle, kung sino ka man. hehe
salamat sa pagtawag mo sa cellphone ko knina at walang tigil na pagttxt haha
salamat din sayo dahil nasabihan akong babaero haha, buti na lang mabait ang irog ko haha, kinausap ka pa.
pero sana magpakilala ka naman ng ayos :)


july wrote this piece of crap on Tuesday, March 21, 2006
i'm the mobilemaniac
|

june



current song:
current mood: bagong gsing
currently reading: my blog



got this from email

JUNE

Thinks far with vision. Easily influenced by kindness. Polite. Has lots of ideas. Sensitive. Active mind. Hesitates, tends to put things off. Choosy and always wants the best. Temperamental. Funny and humorous.. Loves to joke. Good debating skills. Talkative. Daydreamer. Friendly. Makes friends easily. Shows character. Easily hurt. Prone to getting colds. Easily bored. Fussy and stubborn. Seldom shows emotions. Takes time to recover when hurt. Brand conscious.

totoo lahat


july wrote this piece of crap on Tuesday, March 21, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Monday, March 20, 2006

attack of the anonymous



current song: wala
current mood: bangag, inaantok
currently reading: wala



may ngttxt nnmang kung cnu cno sken. pag tinanong mo kung san nakuha number ko, ssbhn sa friendster or blog. ayaw naman magpakilala. wala sa friendster ang number ko. at lalong hindi ako naniniwala pag sinabing hinulaan. wow.


july wrote this piece of crap on Monday, March 20, 2006
i'm the mobilemaniac
|

iba-babae din



current song: for you- kenny lattimore
current mood: blank
currently reading: nothing



mula 1st yr hs ako, hindi na ko nagaral sa kahit anong major exam. periodic exams nung hs at prelim/final exams ngayong college. ewan ko kung bakit, tamad na tamad akong magaral. logic pa naman ang test bukas. kinatatakutan ng halos lahat ng BES peeps, pero ako, nakatunganga padin. bahala na, ayoko magaral. ipapasa ko yun, para sa prof ko. para sakin nadin siguro.

andaming mangyayari mula thurs ngayon hanggang tuesday next week. magiging magastos nanaman ako. sigurado. hindi ko alam ang magiging reaction ko sa sabado, debut ng isang babaeng naging malapit sa puso ko mula 1styr hs. sa sunday, bday ng babaeng nagpapasaya sakin ngayon. bahala na.


july wrote this piece of crap on Monday, March 20, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, March 19, 2006

on blog-hopping



current song: wala
current mood: contemplative
currently reading: mga blog na nasa sidebar ko



oo nga pala, may nabili akong malaking baso kanina saka bag. masaya nanaman ako. pero pgkagising ko ngayon lang hapon, syempre nagonline ako, at nagbasa ako ng blog ng mga tao dyan sa sidebar ko. wala lang. nakakaiba ng mood. reading all those different stories made me feel, well, confused. andaming tumatakbong thoughts sa utak ko ngayon. kelangan ko na nga palang palitan lahat ng passwords ko sa email at kung saan pa, pero bakit kaya apektado padin ako?


july wrote this piece of crap on Sunday, March 19, 2006
i'm the mobilemaniac
|

highschool reunion



current song: wala
current mood: bangag, kakauwi lang e
currently reading: emails



kakauwi ko lang mula sa "highschool reunion" (kuno). debut ni roxanne. invited ang buong st simon, pero tulad ni inaasahan, wala pa sa kalahati ang dumalo. nakakatuwang makitang muli ang ilang kklaseng nung graduation ko pa huling nakita. masaya din makipagkwentuhan kila maui, arianne at ilang close friends ko pa dun. pero astig talaga kasi biglang may inuman haha, red wine at san mig light. kumuha ng konti ang lahat ng mga tao, pero langya, hindi ko namamalayan, halos naubos na ata namin ni aldrin ung kalahati nung bote haha daya ng iba. medyo nahilo kami ng konti at nakapagusap ng seryoso, ayos naman. mga alas-dose, onti na lang kaming natira. sarap tumambay at magkwentuhan kasama sila van, roxanne, marvin, arafol, jeff, van at janrei. basta senyo, salamat sa masayang kwentuhan. ilan lang kayo sa mga taong nagpapaalala sakin na kahit pano, masaya din pala ang highschool ko.


july wrote this piece of crap on Sunday, March 19, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, March 18, 2006

cristina (maximo) oliveros



current song: ill never love this way agen (ampf na winamp to)
current mood: bagong gising, chat agad
currently reading: cristina's blog



nagbabasa ako ng blog ni cristina, at eto ang sbi nya

"one week from now,.tapos na ang first year in college ko..dami kong natutunan sobra..and also, mraming nabago sa kin..though der still a part of me na ngiimagine pa rin ng hyskul life ko before pero ds tym mas dinadamdam ko an every day of my college life..sobrang tinitreasure ko every day na im on dat 111 room sa ab bldg..hayyyy...sana lng di lng lumipas lahat..sana,. everyone on that room share the same sentiments like mine..ung sentiment na ang college life nmin naging sobrang meaningful and fruitful dhil sa lahat ng hardships na nalagpasan nmin ng sabay-sabay..sana lang..well..umpisa pa lng to,.as in..pero wid a great smile and hope..kayang kaya yan..ahem..kami pa! ;-p"

i deeply share the same sentiments with her. i have never expected such a bunch of little AB brats to change my life. para kailan nga lang, i was just thinking kung pano ang feeling pag college na. puno pa ko ng takot.. pano kung di ako tanggapin ng mga mokong na to? pero im so glad to say that i've met the best people in my life this year, and im so happy that we have shared all the laughs, all the tears, and all the triumphs together. sa inuman, sa gaguhan, well, till debarment do us part. langya, God gave me a gang of true people, people na hindi ka huhusgahan on any criterion (di tulad ng hayskul people? SJA?? haha < bitter?), i've learned so much from my BES peeps, and i'm absolutely looking forward to more years with all of them.

maybe i've changed. well, it has always been a fact that people change, kahit for the better pa yan or for the worse. nagbago ako in both ways, pero all the more, it made me a better person.

cristina has been one of my good friends ngayong college, we rarely hangout together pag lunch time, pero everytime na may problema sya, or may problema ako, lagi kaming naguusap. wala lang, konting tribute lang, sa kanya galing ung paragraph sa taas e hehe


july wrote this piece of crap on Saturday, March 18, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Friday, March 17, 2006

oo



current song: wala
current mood: haha
currently reading: wala



im gonna remember this day for the rest of my life. march 17. place- mayrics espana, time, around 7pm cguro, hindi ko to inaasahan haha. life-changing. kakaiba lang, mainit sa pakiramdam. hanggang ngayon iniisip ko pa din haha. kaya ko kaya? magffriendster muna cguro ako..


july wrote this piece of crap on Friday, March 17, 2006
i'm the mobilemaniac
|

graduate na



current song: wala
current mood: wala
currently reading: wala pa din



graduate na kami! tpos na pgc final exams! hehe inuman na mmya hehe
asa lib kami ngayon, nagaantay ng 11 hehe, walang kasing last period eh
cge, ciao muna for now


july wrote this piece of crap on Friday, March 17, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Thursday, March 16, 2006

exorcism of lizardo rose



current song: sa kanya - mymp
current mood: easy lang
currently reading: my emails



wow, natapos na din ang finals sa literature at ang submission ng lahat ng requirements for english, ayos. nanood kami kami ng exorcism of emily rose sa sala chill out station kasama ang 9 (ata) ko pang kamagaral), ayos yung movie, sobrang mapapaisip ka, it's a must-see.

nabad3p ata si dicky knina sken, medyo nasupladuhan ko ata hehe, pero nagsori na naman ako, nagsori din sya, kulit nya kasi e hehe, bangag, wala sa sarili.. pero ayos lang, binigyan nya naman kami ni jerico ng kapeng barako galing batangas e, kaya masaya na ule hehe. natutuwa lang ako, madaling maayos ang hindi pagkakaunawaan sa aming magkakaibigan. wala, drama konti, huhu

masaya ako ngayong araw na to, ewan ko kung bakit. parang gs2 kong humirit ng kung ano ano, pero inuubo pa din ako. ayos lang naman.


july wrote this piece of crap on Thursday, March 16, 2006
i'm the mobilemaniac
|

epekto ng cramming



current song: incomplete- backstreet boys haha
current mood: yari ako mmya
currently reading: owie's blog



eto na ang epekto ng cramming. pagtype ko kagabi ng entry ko sa baba, nahiga lang ako sandali, tas un, tulog na. ampf. nagising ako ng 5:30am, at syempre, nagcram talaga ako dahil 3 cd pa buburn ko. andaming mali sa english paper ni jerico, kaya nirevise ko pa ng konti. tas gnwa ko na ung skin, langya. hindi ako nahatid sa skul, pinauna ko na sila mama kasi 6:30 na hindi pa ko tapos. bali natapos ko lahat ng paper work at cd burning by 7:00am, naligo ako, kumain at nagbihis hanggang 7:30. langya, ang hirap sumakay ng bus/fx, naisip kong magtaxi pero naisip ko, sayang ang 300 bucks kung sakali, buti nakasakay ako ng bus at around 7:45.

ang original plan kasi, magpapalate ako sa 1st period, tas maghahanap ako sa library ng reference ng 8:15am. 8:30 ung 2nd class ko, gs2 ko sana talaga pumasok kasi last meeting na yun kay dr co, at interesado ako sa mga knkwento nya. magaaral dpat ako on the way to skul sa literature. ayos na sana e, kso nasira ang lahat haha, u cant blame me kung nakatulog ako, 6hrs ba naman kaming naglakad at tumunganga kahapon eh. langya

at ngayon, 9:30am na dito, nasa library ako, kumpleto na references ko sa english at naburn ko na lahat ng kailangan iburn. hindi pa ko nagaaral sa literature, at finals na namin mmyang 10am. by pairs pa naman un, nahihiya na tuloy ako sa ka-pair ko. hindi ako nakaattend ng last class ni dr.co. imbis na 7am ang 1st class ko, naging 10am na 2loy, yan ang epekto ng kasipagan hehe. good luck na lang sakin mmya kay lopez, sana maalala ko lahat ng kwento mula prelims.

hmm, kanina sa bus, naisip ko lang, tama nga si dom. kaya siguro dumadami na din ang nahuhumaling, o nagreresort sa mga vices e dahil sa sobrang stress. andami kasing pinapagawa samin e. excited na ko sa inuman bukas. sana m2loy un. haha


july wrote this piece of crap on Thursday, March 16, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, March 15, 2006

cramming, again



current song: pusong wasak- conching rosal
current mood: nagccram, pagod, wasted
currently reading: my blog



ang inakala kong 1-2 hrs na paghahanap ng tao para sa pagpapaedit ng mtv namin ay hindi nagkatotoo. kasama si karen, mj at jerico, nilakad namin ang kahabaan ng morayta at recto para maghanap ng magttransfer ng video namin from v8 to cd. nagsimula kami ng 2:45 at nakahanap kami ng bandang 4:30pm na, mantakin mo yun, ilang oras na paglalakad. nilibre kami ni mj sa kfc, ansarap talaga ng libre haha, chicken salad ang nilibre nya sakin. bumalik kami sa computer shop ng 5 para magpaedit, at naghintay pa kami hanggang 6:00 dahil may nauna pa samin, nung turn na namin, masaya pa sana dahil pinagttwanan namin ang sarili namin sa video haha, pero ang editing na supposedly 1hr lang ay tumagal ng hanggang 9pm dahil hndi maburn ung vcd, wow.

buti na lang may test kami bukas sa literature, final exams un. objective type tungkol sa LAHAT ng selections mula PRELIMS, tapos magpapasa din kami ng final papers sa english, kasali dun ang LAHAT ng papers na pinasa namin sa knya, walangya. hindi pa ko nakapunta sa lib pra ipaphotocopy ung references ko. so kelangan kong magcut ng atleast one subject. ang saya

at salamat din dahil nakatira ako sa malayong bundok ng himalayas kaya 11pm na ko nakadating. at sa dami ng ggwin, hindi ko alam kung aabot pa ko bukas. wow


july wrote this piece of crap on Wednesday, March 15, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Tuesday, March 14, 2006

sick2



current song:
current mood: heavy
currently reading: wala



masama pakiramdam ko. pag nagsslita ako parang nagvvibrate ung ilong ko, nakakabad3p lang. pagtapos naming mapagtripan ni jerico sa gnwa naming mtv, umuwi na ko. nakakatamad hehe, un lang.


july wrote this piece of crap on Tuesday, March 14, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Monday, March 13, 2006

oh well



current song: love of my life- keith martin
current mood: still sick, pero busog na
currently reading: msgs sa chatroom



things are now getting more and more complicated. and i hate it.
halo halo na, kung sino sino na nakikisali, mas lalo tuloy gumugulo ang mga bagay bagay


july wrote this piece of crap on Monday, March 13, 2006
i'm the mobilemaniac
|

carpenters



current song: wala
current mood: sick
currently reading: ym msgs



"..nothing to do but frown, rainy days and mondays always get me down.."
pdeng pde yang kantang yan para sa araw na to. pano ba naman, rainy day na nga, monday pa. down na talaga ang immune system ko, langya.

well anyway, my point is, hindi ganito kaganda ang araw na to dahil una, may sakit ako, at pangalawa, naulanan pa ko. para bang pinagtripan pa ko ng panahon. pumasok ako ng maaraw, pero bumabaha sa kalsada. tapos paglabas ko nung lunch time, umuulan na. nung nsa tambayan naman ako, biglang uminit tapos humangin. mya maya, pag uwi ko, umulan nanaman. ang resulta, natuloy na yung sipon ko. walangya, hindi man lang ako makapag ____. bd3p

kala ko pa naman magiging masaya na ko ngayong week dahil rehersals-free na ko pero d pa pala, may sakit naman ako. grr.

nagkausap na kami ni don knina, naayos na ang hidwaang hindi napaguusapan. alam ko me epekto yun sa knya deep inside, pero sbi nya wala dw un sa knya. nakahanap ako ng tunay na kaibigan sa katauhan nya- pagkakaibigang hindi rin siguro matitinag ng maliit na di pagkakaunawaan, tulad ng problema sa babae, haha.

i need vitamin c, magooverdose na ko ng vitamin c para gumaling agad.


july wrote this piece of crap on Monday, March 13, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, March 11, 2006

laughtrip (kuno)



current song: so sick- ne-yo?
current mood: weird
currently reading: blogs and txt messages



i got this one (again) from roch's blog. medyo natawa ako sa iba hehe

mga sinasabi daw to ni keanna sa PBB celeb edition. hindi naman ako nanonood nun, pero natawa pa din ako hehe. parang si sir albina eh, bano

Keanna (in fury): Sinabi ko bang ipagtanggol mo'ko? Lahat na lang ng
mga housemates kailangang mag-adjust para intindihin ka. Ang hirap
kasi sa'yo napaka-KFC mo........ KSP pala."

Keanna: "Di ko alam na pinag-uusapan ako kasi ba't naman ako nila
paguusapan?di ko naman bertdey"

Keanna: "Andami kong pimples wala kasing moisturizer eh"
Rico: "Ano ?"
Keanna: " Bakukang..andami kong bakukang(pertaining to her
pimples)"
Rico: " Anong bakukang?"
Keanna: "Insekto..(tapos sabay hipo sa mukha niya)"

Keanna" "Buti na lang pinaligo na tayo, akala ko kasi sa Sabado pa
puwedeng maligo. Paano kaya sila matutulog non?"
( now, i dont get this. tayo tapos sila?)

Keanna to Koya: (About not taking bath) Pakiramdam ko po kasi hindi
na ako FRESH.

Keanna: "Rustrum!!"
Roxie: "Rustom hindi Rustrum!"
Keanna: *deadma mode" pakealam mo? mayaman ako sa letter R!

Keanna: (habang nagwawalis) "Hindi ako makatulog na madumi ang bahay
kasi. tapos mahilig pa kayong magkape. gusto ko tuloy kayong paluin"

Keanna: Ang hirap kaya mag-dishwasher

(Keanna ay nagpa-fashion show sa harap ng mga housemates habang nagpo-
pose)
Keanna - "Dapat pala ay mag-pouch ako"
Housemates - "Pout hindi pouch( tapos halakhakan)"
Keanna - "Eh ano yung pouch past tense"

(RULE: Bawal galawin ang furnitures ng wala akong pahintulot)
Keanna: edi bawal pala gamitin yung rocking chair? kasi gagalaw yun

Keanna: "John Prats! John Prats! Kunin mo nga yung chicken."
(hahhahahahh! Full name talaga? )

Keanna: (reading the rule book) si big bra.. brother ang magbibigay
sa inyo ng mga kakailanganing gamit...(thinks)... e bat di natin
makita
ung kamay ni big bradir eh sya pla magbibigay...

ZANJOE: Yung kapatid ko ZANDRO...
KEANNA: Lahat kayo start sa 'S'??

Keanna: "Ay naku wala na pag-asa tayo mag-modern times. Ito pa din
ang toothbrush...Talagang back to BISIKS tayo

Keanna - "Streppers ako" (stripper)


july wrote this piece of crap on Saturday, March 11, 2006
i'm the mobilemaniac
|

yes



current song: narda- kamikazee
current mood: weird
currently reading: mga blog



i got this one from dan's blog

telling the truth and making someone cry is better than telling a lie and making someone smile..

galing..


july wrote this piece of crap on Saturday, March 11, 2006
i'm the mobilemaniac
|

tapos na



current song: wala
current mood: wala
currently reading: wala



tpos na ang last concert ng ab chorale for this year. masaya ako para kay kuya pao. isa syang magaling na conductor talaga. wow.

tpos na din ang inuman sa bday ni jerico khpon na hindi ko napuntahan dahil kelangan kong pumunta sa concert. ayos lang. babawi na lang ako next time

tapos na din ang tampuhan namin kahapon. alam kong may pagkukulang ako, pero sana maintindihan nya.

pero may problema pa pala, basta, naguguluhan na din ung mga tao tao dahil sa sikretong nabubungyag kung saan saan. pero hindi naman talaga problema yun, sana magkaayos na kaming lahat..


july wrote this piece of crap on Saturday, March 11, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Friday, March 10, 2006

bad3p



current song: sound ng printer
current mood: bad3p, disappointed, malalate na
currently reading: my homework



nakatulog ako kagabi. hindi man lang ako nakapagtype ng homework ko sa Theology, e final reaction paper na namin yun. hindi na ko makagawa ng bago dahil malalate na ko. (pero nagblog pdin ako, ayus nu)

pagod ako kahapon, sobrang pagod. tinanong na nga ako nung isa kong kaibigan (hi eddrex), "pagod ka na ba?"

sabi ko "oo eh" tas sabi nya, "halata na kasi sa mata mo eh"

namumula na yung mata ko kagabi sa sobrang pagod siguro. kulang na sa tulog, andami pang pressure.

tpos na yung bday ni jerico kahapon, mukang masaya naman sya kahit pano. pero hindi ako nakatambay ng matagal dahil as usual, may epal na naman sa sked. kelangang pumunta ng maaga sa med audi para sa TDR ng variety show. kakanta nanaman kami. walangya. hindi na ko masaya.

may sugarfree at join the club ulit after nung variety show. 2nd to the last performer ata kami pero tapos namin kumanta, pinadiretso na agad kami sa museum para naman sa TDR ng concert (ngayon? friday) nabad3p nnaman ako, kala ko makakapanood na ko ng join the club at sugarfree

kumanta kami sa museum, nakakadismaya kasi ang gagaling nung ibang choir, tas kami, konti na nga, sabog pa yung tunog, nakakahiya. tas nun e tumakbo na ko agad pabalik sa med audi dahil nandun pa ata ang mga kklase ko. nung nakita ko sila, medyo nawala na ung pagkabad3p ko. iba talaga mga classmates ko hehe. naabutan ko pa ung join the club, asteeg talaga silang magdala ng crowd. tapos nun e kumain kami sa mcdo, mga 1030 na kami umalis dun, so 1130 na ko nakauwi sa bahay, at natulog agad ako.

balak ko pa naman sanang gumawa ng magandang reaction paper sa theology, tapos ung grp mate ko, d pa sinend ung project namin sa email ko, nakakabad3p lang.


july wrote this piece of crap on Friday, March 10, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, March 08, 2006

up and down



current song: wala
current mood: hyper, coffee
currently reading: text messages



inaatake nanaman ako ng pagiging moody ko kahapon at knina. nangyayari kasi sken yun, minsan sinusumpong na lang ako hehe, bigla na lang ako nagiging mainit ang ulo or suplado. basta, ang gara, siguro bunga na din ng cramming saka hindi tamang oras ng pagtulog. pero ayos lang. sana lang wala akong naooffend or nababad3p sa ganitong ugali ko.

medyo nagkausap kami ng masinsinan nila don at dennis kanina, ayos naman hehe, lumalaki na kami haha

i met new friends from BES1, ayos naman. hindi naman pla sila suplada or tahimik eh. kewl. madami akong nagiging bagong kaibigan ngayon ah, ayos to.

sabi nila maangas daw ako, ung ibang tao. hindi naman ah

bday na ni boss jerico bukas, ano kayang mangyyari, m22wa kaya sya sa mga pinaghandaan namin hehe

bd3p kasi ang daming activities sa chorale, d ko tuloy maenjoy masyado ung last weeks ko wd tropa ang classmates. sana next week wag nang umepal sa sked ko ung chorale, sana lang naman.

wow. muntik nang malaglag yung cellphone ko habang tinatype ko to


july wrote this piece of crap on Wednesday, March 08, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, March 04, 2006

X-sena, the AB Chorale 10th year anniversary concert



current mood: nagmamadali mag blog
current song: wala
currently reading: my emails, sana



waw, natapos na ung first show namin kagabi sa UST museum, medyo ngarag lahat kahapon dahil sa dami ng ggwin, pero nakapunta pa din sila, wow.

ok naman ung 1st show, kahit pano, although meron kaming mga sinirang kanta haha tulad ng now that i have you haha, pero ayos lang, sana medyo natuwa lang ung audience.

hindi kasing exciting nung competition ung concert, prang ordinaryong day lang smin lahat haha, pero ok lang, masaya naman eh, saka experience and exposure din. at least pag grumadweyt ako ng uste, maipagmamalaki ko na nakakanta na ko sa ust museum, lolx.

salamat talaga sa mga kklase ko at kaibigang nanood, pati si mama hehe, pati sa buong ab chorale at kay kuya pao. natutuwa lang talaga ako sa mga kklase ko, hehe, pti sa mga tropa ko, kumpleto, waw.

pictures o, konti lang yan.



ang apat na chorale ng 1BES kasama si coco (1AS) at ang mga 1BES fans



si july na malaki ngiti pati si stella at coco



si jerico at si dicky na naka pang class picture pose sa library, lunchtym bago magconcert


july wrote this piece of crap on Saturday, March 04, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Thursday, March 02, 2006

concert



current song: through the fire- nina wow
current mood: cramming
currently reading: friendster



wow, nasa cafe ako ngayon sa USTE at nagcut ako ng classes para lang tapusin ang mga assignments kong hindi ko natapos. hindi naman ako nagiisa, halos kahalati ng klase namin nagcut. pano ba naman kasi, may long test sa CWG, may paperwork sa logic, may babasahin sa lit at may sobrang bullshit na paperwork sa english. at kagabi, 11pm na ko nakauwi dahil sa rehersals. 2am na ko natulog pero wala akong nagawa, wow.

bukas na nga pala yung concert namin sa ust museum, at mamaya na ung technical dress rehersals. pero im not feeling any excitement. medyo palagay ko kasi magkakalat kami bukas. crammed na din kasi ung rehersals namin eh, hindi tumutunog ng maganda. and to think na binabayaran kami ng tao para sa concert na un, wow. emotions ang umiiral sa mga kklase ko mula pa kahapon, madami nang naiiyak dahil sa sobrang stress. pero ako, wala akong pake haha, relaxed lang haha. wow

nood pa din kayo ng concert, mostly love songs ang kakantahin namin at pinaghirapan din naman namin to kahit pano. sa ust museum, march 3 and 4, 2pm and 6pm, 50 pesos lang haha, 10th yr anniv namin to. wow. nakasali pa ko.

gudlak na lang samin, yeah


july wrote this piece of crap on Thursday, March 02, 2006
i'm the mobilemaniac
|

the_maniac

July

19 : also known as julius, jollers, hulyo or whatever you wish to call him : fake chinese : budding psychologist : thomasian : tends to be critical about anything : musically endowed : so damn moody : singer since birth : practical but unavoidably spendthrift : art and cat lover : occasionally alcoholic : broke on wednesdays : easy-going : sensitive animal : certified latecomer : former josephian : mobilephone addict : cyberstuff enthusiast : part-time writer : loud but silent : taken but available : comic but serious : hates school : moderately athletic : intellectually capable : no tv, no movies, no news : frustrated philosopher : food junkie : hopeless romantic : believes in destiny

new_stories

moved
rants
hahahahahahaha
hahahahahahaha
weird friday
happy 3 years
dahil tamad ako
himig tomasino 2007
selfish?
test

my_past

01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 09/01/2005 - 10/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 06/01/2006 - 07/01/2006 07/01/2006 - 08/01/2006 08/01/2006 - 09/01/2006 09/01/2006 - 10/01/2006 10/01/2006 - 11/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2007 - 03/01/2007 03/01/2007 - 04/01/2007 04/01/2007 - 05/01/2007 05/01/2007 - 06/01/2007 06/01/2007 - 07/01/2007 07/01/2007 - 08/01/2007 08/01/2007 - 09/01/2007 09/01/2007 - 10/01/2007 10/01/2007 - 11/01/2007 11/01/2007 - 12/01/2007 12/01/2007 - 01/01/2008 01/01/2008 - 02/01/2008 10/01/2008 - 11/01/2008 04/01/2009 - 05/01/2009

supah_friends

Arafol
Hazel
Helena
Jerico
Johnrey
Josemargo
Marvin
Stellar

blog_mates

Aja
Angel
Anne
Arvin
Arvin2
Audrey
Averill
Bluewinn
Chanhassen
Chinky
Coco
Dan
Daryl
Dennis
Eka
Elle
Francia
Jane
Jane2
Jeff
Jen
Jonna
Jose
Kaori
Leilani
Liza
Lora
Louise
Luisa
Martha
Missmath
Nads
Nikki
Poli
Raymond
Sherrlene
Tessa
Trinefusion
Vanessa
Weng
Wilbert
Zheloh

the_other


Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
My Photobucket
cbox

about the layout: "from the mind of a troubled teen", designed by Clone, only at BlogSkins

blog_listings









blog_code

B5 d+ t k+ s+ u- f i o++ x- e+ l+ c

the_tagboard


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com