my_story

Monday, February 27, 2006

yahoooo



current mood: sa wakas, natapos din
current song: wala
currently reading: wala



sa wakas, natapos ko na din ibrowse ung 2344 themes sa zedge.net, basta, sakit sa ulo, out of 2344, mga less than 30 lang ung themes na nagustuhan ko pra sa cellphone ko, langya

wala nanaman pasok bukas (ngayon) yahoooo
wala talaga ako pake sa nangyayari sa pilipinas, bahala kayo magaway away dyan
basta ang mahalaga, walang pasok, at matatapos na ko sa mga homework ko, yahooo :)


july wrote this piece of crap on Monday, February 27, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, February 25, 2006

what the?


i'm so in love again. hindi ko to inaasahan.


july wrote this piece of crap on Saturday, February 25, 2006
i'm the mobilemaniac
|

one to two-liners



current mood: happy
current song: electric fan
currently reading: blogs



here are a few one-liners which i got mula sa iba ibang blog, txt msgs at sa utak ko.


dreams will only be achieved if you believe in it

same with destiny. there are some people who don't believe in destiny. pero ewan ko ba, i have my reasons to believe in destiny, pero i cant sound them out. siguro, im partly idealistic, and i believe in the happy endings of fairy tales hehe. kaya siguro hindi naniniwala ung iba na may nangyayaring destiny in reality is because they don't believe in destiny in the first place. we all have different views about this thing.


there will always be people better than you, wiser than you, smarter than you, but still, that does not make you less a person.

hindi tayo perpekto eh, iba iba tayo ng strengths and weaknesses, maybe we are better than others in some things, pero we will never be better than any other person sa lahat ng bagay. that's what makes us special kasi iba iba tayong lahat. sana lang walang nagcocompare ng sarili nila sa iba.


worrying about things is just like a rocking chair, it gives you something to do but it leads to nowhere.

go on, move over and look ahead. madami pang mangyayari hehe

respect for the opinions of other people about certain things is really important

imbento ko lang yan. hehe, lahat kasi tayo may iba ibang say tungkol sa mga bagay bagay e, pero sana, hindi natin iniimpose ung paniniwala natin sa iba. un bang tipong "eto ang paniniwala ko, dpat eto rin ang paniwalaan mo dahil tama ako at mali ka", ang gara kasi eh, meron mga taong ganun. basta ako, kung ano ung alam ko, un ang susundin ko hehe and i respect other people's opinions.

the heart is in the center of the chest, but it beats at the left side. i guess that's the reason why the heart isn't always right

it should always be a good balance of the heart and the mind. hypothalamus ang nagreregulate ng emotions natin e hehe

never apologize for saying what you feel because that's like saying sorry for being real

magpakatotoo ka, ika nga

yun lang naman


july wrote this piece of crap on Saturday, February 25, 2006
i'm the mobilemaniac
|

wait



current mood: blank padin
current song: electric fan, as usual
currently reading: The history of AB Chorale



nagbike ako kanina papuntang sari sari store para bumili ng 1.5 na coke. dumaan ako sa basketball court namin, and i saw an old acquaintance. this guy was my batchmate nung elementary at kklase ko sya sa EEP. he was with his WIFE and his BABY playing basketball at the court. wow.

seeing this scenario made me feel the importance of waiting. imagine, at 17 or 18 yrs old, he's already a father and i am still a freshman sa college. wow. i assume na hindi pa tapos magaral ung magasawang yun and maybe their baby was a product of raging hormones and uncontrolled emotions. bata pa sila, and i think it's ironic. imbis na nageenjoy ung guy na maglaro ng basketball kasama ang tropa eh tied up na sya sa bahay because he has already a resposibility towards the child. everything would have been more beautiful if they waited for the right time and the right moment. life's really not that short to rush things. hindi ko naman sinasabi na masama na nagkaanak na sila agad at this time, pero khit anong sbihin mo, 17 years old is just 17 years. well, at the least they were already wise enough not to abort the child.

i can very much relate to their experience kasi my brother was also a product of premarital sex. nagpakasal ata ang magulang ko dahil nabuo yung kapatid ko, and now, medyo lumalabas na yung differences ng nanay at tatay ko. siguro it's good for the 17 year old teens if their relationship would have a happy ending, pero hindi lahat ng bagay na minamadali, nagttapos ng maganda.

wala lang, opinyon lang. and i made my point. everything in this world falls to its proper place and there's a right time for everything. hindi lang sa relasyon or pagkakaron ng anak, pati na din siguro sa ibang bagay. yeah.


july wrote this piece of crap on Saturday, February 25, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Friday, February 24, 2006

inuman nanaman bago mag martial law



current song: di ko lam title
current mood: blank
currently reading: averill's blog



wow, nakuha pa namin mag inuman bago mag declare ng martial law si gloria haha. medyo worried ako nung simula ng araw na 2 kasi malalate nanaman ako sa 7am class ko na hindi ko na pinapasukan for two weeks, langya. pero buti na lang ala pasok. originally, may plano na maginuman after class kila eddrex dahil nanalo sya hehe, victory party. all boys lang dpat, pero sira plano kasi walang pasok, so lahat ng naiwan sa tambayan, sinama na hehe. ayos naman. masaya hehe. nandito nga ako ngayon eh, nakikiblog. umuwi na kasi ung ibang tao. ngayon ang problema, pano ako uuwi? haha quezon city to. hmm. bahala na

naguguluhan lang ako, bat ba parang kabado lahat ng tao haha, di kasi ako nanonood ng news e, basta lam ko nasa state of emergency na ang bansa natin hehe, langya. naexxcite ako pag may ganitong kaguluhan e, syempre baka walng pasok sa mga susunod na araw. that only shows na hindi talaga ako maka bansa haha. basta goodtimes lang lagi lolx, i enjoyed our time here knina kasi kahit pano nakapagrelax ako mula sa sunod sunod na demand from monday to thursday. aalis na pala ako haha, babay.

** sana pag may oras ako makapagpost naman ako dito ng madramang post tungkol sa tropa ko hehe, sana lang.


july wrote this piece of crap on Friday, February 24, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, February 19, 2006

ab week to bes night, wow



current song:wala
current mood:bangag, ala pa 2log
currently reading: wala



ab week
wala naman masyadong nangyari sa ab week. nagparade lang kami sa buong skul habang suot namin ang ab shirt tapos nag stop ulit sa hrap ng ab building para kumanta ng happy bday song, wow. tpos ala na klase, uwian agad. the week was quite normal for me, kahit na may mass at mas madaming lokohang nangyayari. masaya tumambay at nakakatamad pa din mag rehers as usual. buong week na to, late ako sa first period.

valengtimes week
valengtimes day, araw ng mga magsing ibig. wow, masaya tong day na to para sakin at nakakapagod din at the same time. nakakatuwa kasi nabigyan ng BES1 boys ng flowers ang BES1 girls, dpat surprise yun e, kaso sira ang plano dahil nalaman na din pala nila. wow, may surprise nga din pala sila samin, binigyan kami ng bulaklak at isang notebook card na may letter at dedication nilang lahat. ayos naman. (feb13 yun) tpos ng bigayan, deretso kami sa pe class khit late. tournament na ng sepak takraw, nanalo kami ng 3 or 4 games ata, masaya din pala mag sepak lolx

nung feb 14, mas lalong nakakapagod kasi valentimes na talaga. lahat ata ng tao may kanya kanyang plano. 2nd period pa lang, hinatak na ko ni don sa labas upang balutin ang magical gift nya. syempre na late ako sa class ni dr co at saktong may test pa kami, wow. nung uwian, may plano din ako. secret. tas si benedict din meron. basta, nung araw ko lang naranasan lumakad sa apat na sulok ng uste, mula sa pnoval, to dapitan, lacson, to espana, then back to pnoval. tas, tambay na kami, naiwan ang mga gagong boys ng bes1 at medyo may open up with laglagan. masaya naman.

feb 17, tulad ng naipangako ni conner, kami ay naginuman after class. pero bago yun, kumain muna kami sa ice monster, wow. mga 4-5pm yun. tas nung umuwi na ung iba at apat na lang kaming natira (dicky, don, dennis at duly) inuman na. yahoo, ang plano namin e lasingin si dennis lolx, 1st time kasi makasama sa inuman. ayos naman, sumasayaw pa si gago after ng isang bote hahaha. excted na kong mag monday, tiyak na may asaran nnaman :D

BES nyt na (feb18-19)
5pm kami dapat magkikita kita nila jerico at dicky sa katipunan station pero syempre 6 na ko dumating hehe, ayos. nahirapan kaming makakuha ng taxi at naligaw pa kasi. hirap naman kasi hanapin ng tapika bar sa dami ng bar sa katipunan. ulangya. pag dating namin dun, ala pang BES people, konting 1st yr pa lang at 4th yr, nagsign up na kami at nagbayad ng gintong entrance fee. tapos dinner, dumami na din yung mga tao, tas abang ng battle of the bands, wow. nanalo sila ted. ang prize nila ay isang box ng chippy. dpat nanalo din ako sa raffle kaso nung tinawag yung number ko, nawala yung ticket. sayang.

after nun (mga 11pm) naghanap na kami ng ibang gimmick. syempre, fave bonding moment. inuman. balik kami sa katipunan tpos hinatid ni don ang mga girls sa DREWS? basta, i forgot the name hehe, tapos ang mga lalake, syempre, lakad. skit sa paa, pero ayos lang, inuman na agad, pero konti lang. madaming kwntuhan, madami ding nangyari, secret na un. may drama at kasiyahan. kasama namin yung ibang peeps mula sa orig BES2 na sila christian, arden, choy, rayne at justin. ayos naman, masaya sila kasama. di naman pala maangas ung iba sa kanila dun e, kahit pano hehe.

mga 4am ata kami nakatapos dun kaya nagkayayayaan na umuwi, as planned, magpapaumaga kami kila doms, pero yung iba, uuwi pa. hinatid ni don ung iba sa mga lugar nila at yung iba, tambay lang dun para mghintay sa kanila. natira kami nila jerico, dawna, don, dicky, domatian, justin, ted at cristina para mag paumaga kila dom. saya, kain ng breakfast tapos konting tulugan sa garden. kelangan na namin umalis ng 5am kasi kelangan ibalik ni don ung auto nya by 6am. hinatid nya muna kami sa santolan station ng lrt 2, tas uwian na kami. syempre 7:45am na ko nakauwi sa cavite, at kasalukuyan, tntype ko tong storyang to. wala pa kong 2log, magsisimba ako sa sm at magggrocery kami. wow. saya.

yun lang naman, walang kwenta pero masaya lahat yan in between, alisin mo na lang yung mga bad3p na tao twing rehersals e ok na ok na.


july wrote this piece of crap on Sunday, February 19, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Tuesday, February 07, 2006

i wanna sana



current song: wala
current mood: gusto na matulog
currently reading: emails and txt messages
*toot* count: madami na



magpopost ako d2 ng mga nangyari nung nakaraang araw pag may tym na ko, sobrang busy e, ewan ko ba kung bakit. sandali lang


july wrote this piece of crap on Tuesday, February 07, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, February 04, 2006

stampede



current song: colors of love - boyzIImen
current mood: bagong gising
currently reading: text messages (bago?)
*toot* count: 1



dahil nga late na ko natulog (5am), 12:30pm na ko nagising. pag gising ko, deretso dining para mag lunch sana kaso i was distracted by a news report from tv na madami daw namatay sa ultra stadium dahil sa isang stampede. nagkagulo ang mga tao dun dahil sa wowowee. wow.

i find it rather stupid na nagpapakamatay ang madaming tao para lang mapanood yang lintek na noon time show na yan. at lalong hindi ako fan ng manyak at walang pinagaralang host nun na si willie revillame? tama ba spelling. whatever, hindi naman sya diyos para sambahin ng ganung kadaming tao. hindi naman sya ang sinugo ng nasa itaas para bayaran ang lahat ng utang ng mga mahihirap na tao. pero bakit kaya ang dami nyang nauuto. basta, nakakairita.

comment lang


july wrote this piece of crap on Saturday, February 04, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wake + Livre + Savory + Gangsta = gulo?



currently reading: as usual
current song: as usual din
current mood: wow
*toot* count: madami, d ko na mabilang, bad, hindi na usual



nagsimula ang araw na to na ayaw kong pumunta sa Livre concert sa uste. tinamad ako dahil alaws na ata pupunta sa mga BES peeps ko. pero di ko rin sila natiis at napagdesisyunan kong tumuloy na. sumaglit ako sa wake ng lolo ko bago tumuloy sa livre. tas pagdating ko dun, madami naman palang pumunta. medyo enjoy yung mga kasama ko, bangag lahat. tas nakita ko din si jk na common friend na namin ni athena. (hi jk)

sa kalagitnaan ng livre concert, sumibat na kami para sa aming break at nagkatamaran nang bumalik dun. alangya, tas dumating na si ate joyce ni don. sumama sya samin sa savory, (the place to be) at kami ay nag good times dun hanggang 3am. wow, e2 na yata ang pinakalate kong uwi. hehe. nung pauwi na kami, may nagaabang sa labas, wow. away. ayako na ikwento, basta medyo kabado kami nun, konti lang naman, hindi kami handang sumabak sa enkwentro (mga batang kanto ba kami?) we got a cab and drove our way to espana, pedro gil and baclaran where i got my jeepney ride to the province lolx. at ngayon nagbblog na ko, hehe, i can't sleep. pero inaantok na ko.

bukas, nasa wake ata ako ng lolo ko for the whole day. wow.
dito muna, i need to sleep


july wrote this piece of crap on Saturday, February 04, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Friday, February 03, 2006

the play



current song: electric fan
current mood: steady lang
currently reading: emails again, i dont have time to read anything else
*toot* count: 5 + 0 today



yesterday, masaya naman.
late nanaman ako as usual, pero steady pa rin.

pag pasok ko sa world geography, test kagad, umubra naman yung panghuhula ko sa objective. at nadrawing ko ng tama ang solar system kaya pasok pa din naman ako sa winner's circle hehe

pag pasok ni dr co, binalik nya ung mga test papers ng kklase ko. nakita nyang absent ako nung day of exam kaya sinabihan ako na kumuha ng yellow pad. nagulat ako dahil alam kong hindi nagbibigay ng special exam si dr. co at inaasahan ko nang itlog ako sa test na yun, pero nabigyan pa din ako. wow. nagtest ako sa faculty ng ab ng isang oras. naka 90/100 pa ko, steady lang. pero may -6 kaya 84/100 na lang. ambait naman ni dr co

nagplay kami sa literature. sadness collector. isa ako sa mga umarte, ako yung tatay nung bida. ngayon lang ulit ako nakaarte after quite some time. ayos lang naman. i did my best. although natawa ako dun sa isang nangyari, hehe. yung last part, lasing pa ko, wow.

sa english, ayos lang. palaban ako dun kaya 12 pts lang ang nakuha sakin sa peer criticism. ako naman nakakuha ng 17 kaya 5pts lang ang score ko hehe, ayos lang. hindi ako sabik sa grade.

tambay, umuulan kaya di sinasadyang nagsama ang orig bes1 at bes2 sa isang pav. medyo bonding at jamming kaya masaya, kaso i have to leave at 4pm para sa chorale rehearsals. nagpalate ako hehe, saya tumambay e

chorale rehearsals, masaya, ang ganda na ng elijah rock at great day. malapit na magconcert, excted na ko. at hindi yun foul hehe


july wrote this piece of crap on Friday, February 03, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, February 01, 2006

fireworks, jogging and cherries



current song: lately- dominic and burton
current mood: kakaiba, mixed-up
currently reading: my emails again
*toot* count: 6
warning? long post siguro



fireworks
monday-tuesday happenings

walang papansin ng grammar at tense pls

hindi ko inasahan na magiging ganung kaikli ang pila sa park n ride kagabi ng alas-siyete. usually kasi, hindi na mahulugang karayom ang mga tao dun pag ganung oras. matapos kong aliwin ang aking sarili kasama ang isang bagay na kaibigan ay sumakay na ko sa bus.

kakaiba din ang klase kanina kasi parang lahat ng tao ay masaya. kahit na late na ko dumating as usual at kahit namamaga pa ang mata ko bungad ng aking hindi pagtulog ay magaan pa din ang pakiramdam ko. hindi ako nag PE. nakakatamad kasi. ayokong makita si admiral. inaliw ko na lang ang sarili ko sa himig ng musika mula sa gitara. ayos, may boses ako kahapon. kahit puyat ako, naaabot ko naman ang high sol sa jamming haha, kewl.

kasabay ng mabilis na takbo ng bus ay ang mabilis na pagtakbo ng ibat ibang bagay sa utak ko. eto na siguro yung isa sa iilang mga araw na hindi ako nakakatulog sa bus dahil sa labis na pagiisip tungkol sa kung anu anong bagay.

naalala ko lang kasi kung gano kami kasaya nung 1st sem. halos abutin na kami ng takipsilim bago umuwi kahit na 7am pa ang pasok namin kinabukasan. ayos lang, masaya makasama at makausap ang mga kaibigan. kung babalikan ko isa isa, ang dami na din palang nangyari sa iilang buwan ko sa college- pagpasok ng late, gala sa gateway with picture picture, mga bagsak at pasadong tests, inuman kila don at melvi, nasirang pagibig, mga pagkakamali at maraming gaguhan at kalokohan.

binagtas ng bus na sinasakyan ko ang kahabaan ng san marcelino, papuntang quirino, hanggang sa umabot ako sa edsa. dun ko nasaksihan ang makukulay na fireworks sa langit na nagmula sa heritage hotel.

sa pansumandali ay gusto ko munang itigil ang pagtakbo ng bus dahil namamangha pa ko sa kulay at gilalas ng mga fireworks.

pero hindi ko alam kung bakit naitulad ko ang fireworks display na iyon sa pagibig. (haha) makukulay na pagibig. ang bawat tilapon sa langit ng ibat ibang kulay ay parang sumisimbolo sa nagsusumidhing damdamin ng mga magsingibig.

bigla ko tuloy naisip (nanaman), sa ilang buwan namin dito sa uste, ang dami na ring nabuong pagibig. merong pagibig na higit pa sa pagkakaibigan, pagibig na bunga ng isang masayang samahan, at pagibig ng isang pamilya. namimiss ko na din yung feeling kapag in-love. (haha?) yung feeling na secure ka dahil may nagpapahalagang tao sayo. kaya din siguro ako nagkakakaganito kasi malapit na ang valentayms haha. natatakot akong ibigay ang buo kong sarili at atensyon sa isang taong katext ko ngayon dahil ayoko nang magkamali. baka kasi makasakit nanaman ako ng ibang tao.

hanggang ngayon, hindi ko alam kung masama ako o kasalanan bang hindi ko siya minahal dati. natatakot na talaga akong magkamali ngayon. hindi isang experimental variable ang emosyon ng tao at lalong hindi birong daanin ang pagibig sa trial and error.

ang drama. whew. kamusta naman ang emosyon? gabi na din kasi ako umuwi mula sa rehearsals. nagmamadali akong umuwi dahil kailangan ko pang gawin ang assignment ko sa english epekto lang siguro ito ng gutom. haha, break muna.

i met a new friend. hindi ko inaasahang magiging ganun sya kaopen sakin kahit na 1st time lang namin magusap nung monday ata. hindi kaya sya natakot skin or nagisip na baka hudlum ako hehe, nakakatuwang may nagoopen sayo na ibang tao kahit hindi mo pa sya ganung katagal nakilala. i consider her as one of my new friends.

i missed my quiz sa philo dahil sa katamaran (bunga ng sobrang pagod)
late na ko dumating. 9am na, 8:30 ang class ko kay dr. co. i opted not to take the exam dahil nahihiya na ko pumasok ng late. i stayed at the reader's cafe sa library and tried a cup of hot cappuccino. it was really good. the scent of the cinnamon is very aromatic and somewhat therapeutical. i tried my best not to think about my missed quiz kasi the more i think about it, the more i feel bad.

time management and cherries
wednesday happenings

so much to do, so little time.
so many expectations mula sa ibang tao
so many deadlines and frustrations
i'm a tad bit stressed. pero steady lang, kaya pa to

na ppresure na ko ng konti sa chorale kasi ang daming piyesang kelangan aralin. hindi naman ako ganung ka galing na sight reader kaya hirap din matuto ng mabilis.
ang masakit pa, pag nagkamali ka sa rehersals, para ka na ding nag commit ng murder haha

sa feb 18 na ang bes night at kami ay napasabak ng di oras sa battle of the acoustic bands. kulang na kami sa oras, di pa buo ang banda at wala pa kaming kanta. wala pa kaming praktis, at ibang instruments. sana lang naman matuloy kami. medyo pangarap ko din kasing kumanta sa isang banda. alam kong gs2 din nila dicky na makasali kami. sana makaya nmin.

hindi na ko focused sa study ko. kasalanan ko din. wala akong time management. i try my best to be as organized as possible. gumagawa pa ko ng checklist pero minsan nakakatulugan ko lang yun dahil sa sobrang pagod. 2 weeks na ata akong late/absent sa 1st period ko. sana lang makapagbago na ko.

kanina sa bus na sinasakyan ko pauwi, i sat beside an woman maybe in her late 40's. she looked nice in pink. dapat nga kakausapin ko pero nahihiya naman ako. she was smiling at me, so i smiled back at her everytime she smiles at me haha. tapos she gave me a cherry. lolx. ayoko sanang tanggapin kaso mapilit sya e. kinain ko 2loy yung cherry, wala namang lason or gayuma haha, ayos lang. may mga tao lang talaga siguro sa mundo na mabait. it felt weird on my part. konti lang naman..


july wrote this piece of crap on Wednesday, February 01, 2006
i'm the mobilemaniac
|

the_maniac

July

19 : also known as julius, jollers, hulyo or whatever you wish to call him : fake chinese : budding psychologist : thomasian : tends to be critical about anything : musically endowed : so damn moody : singer since birth : practical but unavoidably spendthrift : art and cat lover : occasionally alcoholic : broke on wednesdays : easy-going : sensitive animal : certified latecomer : former josephian : mobilephone addict : cyberstuff enthusiast : part-time writer : loud but silent : taken but available : comic but serious : hates school : moderately athletic : intellectually capable : no tv, no movies, no news : frustrated philosopher : food junkie : hopeless romantic : believes in destiny

new_stories

moved
rants
hahahahahahaha
hahahahahahaha
weird friday
happy 3 years
dahil tamad ako
himig tomasino 2007
selfish?
test

my_past

01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 09/01/2005 - 10/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 06/01/2006 - 07/01/2006 07/01/2006 - 08/01/2006 08/01/2006 - 09/01/2006 09/01/2006 - 10/01/2006 10/01/2006 - 11/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2007 - 03/01/2007 03/01/2007 - 04/01/2007 04/01/2007 - 05/01/2007 05/01/2007 - 06/01/2007 06/01/2007 - 07/01/2007 07/01/2007 - 08/01/2007 08/01/2007 - 09/01/2007 09/01/2007 - 10/01/2007 10/01/2007 - 11/01/2007 11/01/2007 - 12/01/2007 12/01/2007 - 01/01/2008 01/01/2008 - 02/01/2008 10/01/2008 - 11/01/2008 04/01/2009 - 05/01/2009

supah_friends

Arafol
Hazel
Helena
Jerico
Johnrey
Josemargo
Marvin
Stellar

blog_mates

Aja
Angel
Anne
Arvin
Arvin2
Audrey
Averill
Bluewinn
Chanhassen
Chinky
Coco
Dan
Daryl
Dennis
Eka
Elle
Francia
Jane
Jane2
Jeff
Jen
Jonna
Jose
Kaori
Leilani
Liza
Lora
Louise
Luisa
Martha
Missmath
Nads
Nikki
Poli
Raymond
Sherrlene
Tessa
Trinefusion
Vanessa
Weng
Wilbert
Zheloh

the_other


Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
My Photobucket
cbox

about the layout: "from the mind of a troubled teen", designed by Clone, only at BlogSkins

blog_listings









blog_code

B5 d+ t k+ s+ u- f i o++ x- e+ l+ c

the_tagboard


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com