my_story

Monday, January 30, 2006

si mama at ako



current mood: nagccram pero relaxed
current song: supertzar - black sabbath (katakot lolx)
currently reading: Government and Constitution (sucks bigtym)
*toot* count: 2



nagpasama ako kay mama kanina sa rob malate para magpagupit. ayaw nya kasi malayo dw, dun na lang dw sya sa sm bacoor, pero syempre napilit ko sya kaya sumama sya sa salon getaway ko hehe. hindi kami hinatid ni papa kasi kelangan nyang bantayan si lolo sa ospital kaya commute nnman kami. nagpagupit na kami. ayos naman preho yung gupit namin, yun nga lang, parang di nanaman ako nagupitan hehe, mahaba paden. tapos bumili ako ng wallet saka styling stick. wow.. im so broke again

habang pauwi kami, ang trapik, salamat sa mga sumasayaw na dragon at kay sto. nino na hindi ko malaman kung kelan talaga ang totoong feast day. blah. sa sobrang tagal naming nakaupo kung san sang public transpo (bus, fx etc), andami na naming napagtalunan at napagusapan ni mama. i love talking with my mom (pag kalmado sya) kasi ang dami nyang nakkwento. na share nya skin ung mga hinanakit nya sya buhay (haha), frustrations and all, sa pag-aasawa, buhay pamilya, college life etc. nakakatuwa lang isipin na nakakasabay na ko sa usapan namin ngayon. dati kasi puro sya lang ang nagsesermon sakin pero ngayon nabibigyan ko na sya ng advice (lessons ni mam ellar). wala lang, siguro tumatanda na din kasi ako, 3 yrs na lang hindi na ko kasali sa winner's circle ng mga "teens" kaya siguro may say na din ako sa mga bagay bagay tungkol sa buhay. isa sa mga fear ko ang mawala si mama agad, nasabi ko yun sa kanya, kaya nga ayokong ayoko pag nagsesermon sya tas sinasabi nya na "pano na kayo pag namatay na ko?", wala lang, hindi pa din siguro ako ready magisa. basta, love na love ko si mama hehe, hindi ko man yun nasasabi sa kanya, alam ko namang alam nya yun.

syempre nakukuha ko pang magblog, at 1:50am na d2 sa pc ko. 7am ang class ko bukas at wala pa kong nagagawang homework. kelangan ko pang maghanap ng tabs para sa banda namin (wow, meron?) at magaral ng piyesa para sa chorale. kelangan ko pa din magoutline ng notes sa pgc at magaral sa logic. tapos kelangan ko nang ayusin yung stuff para sa chapter 1 sa thesis ko. magaayos pa ko ng bag at mag gugupit ng nails. magagawa ko kaya lahat yan in 38 mins? haha bwiset

(kanina ko pa tinype yan, 3:43am na)
natapos ko naman ung pgc, nakahanap ako ng tabs, nakapagaral ng 2 songs para sa chorale, at naayos ko na ang bag ko, nagupit ko na din nails ko, pero hindi 38 mins, 2 hrs + haha

tulugan na


july wrote this piece of crap on Monday, January 30, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, January 29, 2006

behavioral science



current mood: bagong gising, bangag
current song: isang silly 70's song galing sa radyo
currently reading: my emails
*toot* count: yesterday, 4, ngayon, 0



nanood kami ng game ng BES vs Legal Management and Economics kanina, (vball and basketball, respectively). panalo vball (sila dick) at talo basket (tedders and jerico) haha

nawalan ng wallet kahapon si joyce. takbo kami nila doms sa mcdo, yahoo, buti na lang nakita nung staff na si kuya jayson. mabuhay ka kuya jayson

joyce and i had a good talk yesterday. thanks sa kanya for opening up some things na hindi napaguusapan usually, naapreciate ko yun.

dom and i were talking about BES yesterday, parang nasabi ko sa kanya i've never felt happier in my entire school life than now (tama ba?) basta, yun. iba daw kasi talaga pag college. iba yung orig na BES1. it's not that we're saying na mas ayos kami sa orig BES2 pero there's something about BES people that makes us more special than any other people from any other major in AB.

hindi ko maexplain e. syempre kung magtatake ka ng psychology, may malalim na reason behind that (kadalasan). at usually, mas open minded at malawak ang pagiisip ng mga tao na magttake up ng psych. siguro kaya din ibang klase ung bonding namin kasi kahit iba iba ung ugali namin, mas sinubukan namin intindihin ung differences ng isa't isa kaya nakapagadjust lahat kami. natanggap namin yung pagkukulang ng bawat isa kaya ok sa alright kami. walang laitan, walang gaguhan, walang personalan. ni hindi na nga namin kelangan ng open forum para mareconcile ung mga pagkakamali namin sa isa't isa e kasi wala naman talaga. wala lang, astig kasi eh.

yun lang, saya ba?


july wrote this piece of crap on Sunday, January 29, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Friday, January 27, 2006

tired



currently reading: mamaya babasahin ko na ung men are from mars..
current music: wala, sound of the pattering rain
current mood: tired, medyo bad3p, weird
*toot* count: 0 haha, umuulan kasi e



i love and hate rainy days. una, malamig, sarap matulog, katamad pumasok, sarap magkape. pero ang hassle mag commute, magbitbit ng payong at walang tambayang komportable.

medyo nocturnal ako kagabi kaya 230 am na ko n2log at kelangan ko pang gumising ng 5am. kaya ang resulta: 1) bangag, 2) late sa 1st class, 3) mainit ulo, moody, mainit sa pakiramdam at 4) haggard x10

badtrip. i dont feel this day, parang ang daming kulang saka daming mali.

-----------------------------

benedict posted a survey sa friendster at kasali ako

27. who do you hate most among your friends?
c julius.. jke lang.. bati kame nun e... khit lagi
kame nagbabarahan nde kme nagaaway...
mabuhay ka pareng july....

nadawit nanaman ako sa isang survey amf

pero seriously, medyo bad3p talaga ako kay benedict mula dati pa. siguro last sem pa. kahit na lagi kaming magkakasama ng ibang tropa sa lunch, nakakabad3p parin. anyabang kasi (pero may pagyayabang naman)

nung inuman day after prelims, dun lang kme medyo nag open up. para kasing nakakatuwang isipin na kahit bad3p sya sken at bad3p ako sa knya, nagkakasundo pa din kami sa madaming bagay. sa totoo lang kasi, sa tropa namin, silang 2 lang ni don yung medyo nakakasama ko ng matino sa galaan at problema (read: inuman)

wala lang, thankful lang ako na nagkaron ako ng mga totoong kaibigan ngayong taon. siguro dahil dun sa open up nung inuman, mas lalo pang naging malalim ung pagkakaibigan namin ni dicky, don, dom at iba pa hehe.

tama na muna, kakain pa ko dinnah, yahoo


july wrote this piece of crap on Friday, January 27, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, January 25, 2006

walang title



current song: wala
current mood: busog, kakatapos lang ng lunch
currently reading: wala, email siguro
*toot* count: 5 yata since yesterday, not bad



nasa library ako ngayon and im enjoying the free benefits of what i am paying for.
naalala ko lang, 7 yrs old pa pala ako nung huli akong makapunta sa sm megamall. last sunday, nakapunta na ulet ako. wala lang, ang saya no?

bigtime pala ang cr sa gateway. nagulat din ako kasi siningil ako nung babae dun ng 10 pesos. bayad naman ako kaagad, pero sa loob ko "to na yata ang pinakamahal na public cr na nabayaran ko sa buong buhay ko a." pero alangya, pag pasok ko sa loob, talo pa ata ang cr sa hyatt hotel ampf. may malalaking bote kasi ng green cross alcohol, jergens lotion, listerine saka johnsons powder na pdeng gamitin ng kahit sino. may maliliit na cups pa. wow..

nakapunta na ko sa quezon ave station ng mrt. bago dn yun

may sakit ako, alangya, nagpachek up na ko yesterday at nalaman ko na may asthma pala ako saka allergic rinitis (mali spelling) basta, ang gara. im taking antibiotics again. bawal ako sa dust, pollen at smoke kundi yari nanaman ang lalamunan ko tsk

yun lang muna, masaya naman eh


july wrote this piece of crap on Wednesday, January 25, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, January 22, 2006

ianee's concert and friends



current mood: wala, pagod, gs2 na matulog, kelangan pa magaral
current song: wala, tv
currently reading: saka ko na babasahin ung men are from mars...
*toot* count: 2 haha, gud



hindi maganda ang start ng araw na to para sakin. parang nagmamadali ako. my mom, my bro and i went to mass at sm bacoor. tapos nag brunch ako at sumaglit sa grocery to get the things i need. tas kelangan ko na agad umalis dahil imemeet ko pa si athena sa gateway cubao, sbay kasi kami pupunta kila dom. tas, we met up with dawna sa katipunan station. sinundo kami ni dom sa guard haus ng lavista. marunong pala magdrive si gago. haha (hi dom, piz). dinala nya kami sa maliit na bahay ni besa tas bumalik na kami sa place nila. konting gawa ng banner for iana tas hinatid na kami ng utol nya sa st paul. dun kasi gaganapin ung concert ni iana. kasama namin si benedict at stella. tas ngmegamall pa kami para imeet naman si jen. basta puro meet ng meet. (sori bangag na ko, pagod na e)

tas un na, st paul na! yahoo, lakad konti, tas nakita namin si mayonnaise!! yahoo!! kumakanta sya ng bakit part 2, asteeg talaga. hinihintay namin si cla (joyfriend ni iana) kasi nasa kanya ung tickets namin. tas deretso na kami sa auditorium! yahoo, tapos na pala sila iana! nakakainis pero ayos lang, kakanta pa dw sila sa finale e. natatawa lang ako kasi may kumanta ng circle of life dun. all girl na choir. ayos lang, iba pala ang pakiramdam pag kinakanta ng ibang choir ung song na kinanta nyo na kahit iba pa ung arrangement. hmm. ang galing nung choir nila iana, galing nung conductress nila, tulo uhog ko huhu. ayun, tas picture picture, saya ni iana kasi nakita nya ung banner na gawa namin. basta, tas konting kain, tambay, actually wala akong kinain dun e, isang siomai lang, tas puro fruit juices/shakes na. masama kasi pakiramdam ko. nakakainis. sinisipon ako! nakakabad3p, runny nose pa grrr, i hate having colds kasi ang dungis ng pakiramdam grr.

tas nagkayayaan ng umuwi, sumakay si jen ng fx from mega and the rest, nag mrt. i went with athena to the quezon ave station. wala kasi sya kasama kaya sinakay ko sya sa taxi. then i went all the way back to edsa, and rode a bus to my place. yahoo. im home.

yari na, may PE pala bukas, tas kelangan ko pang dalin ung costume ko nung competition kasi kakanta kami sa ortigas bukas. may assignment pa pala sa theology at kelangan pa mag aral sa pgc. ayoko na magaral. mag cocomute pa ko bukas, bad3p.

nanalo pala si pacquiao. asteeg.

nakita ko yung pictures ni aj sa makati. wow

masaya talaga ang buhay pag kasama ang friends. sana sipagin na kong magaral..

hi kung may nagbabasa n2 (benedict, dom at dawna :D)


july wrote this piece of crap on Sunday, January 22, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, January 21, 2006

late



current mood: wala (senti siguro)
current song: wala din
currently reading: men are from mars, women are from venus



*bago yan, lagi na kong maglalagay ng ganyan para kunwari LJ na din tong account ko.

lagi na lang akong late sa maraming bagay. late sa pagpasok sa skul, late sa pagkakaalam sa maraming bagay, late maging open at marami pang late.

siguro late na din talaga ako. nalulungkot ba ko? oo. nagseselos ba ko? oo siguro, late ko na lang din kasing nalaman ung totoo. pero wala akong grudge sa kahit kanino, kaibigan ko kayo pareho e.

nakita kong nagusap si ___ at si tedders nung isang araw. tas kahapon, nung medyo lango na ko sa ispiritu ng magic potion, tinanong ko si ted, "ano bang pinagusapan nyo kahapon"

sabi ni tedders, "mahal na mahal ka pa din nya"

napakawalang kwenta ko talaga


july wrote this piece of crap on Saturday, January 21, 2006
i'm the mobilemaniac
|

i just remembered


kahapon, general psychology time, andun ako sa pinakalikod dahil alphabetically arranged kami. katabi ko si sherrlene uy. (sa alphabet kasi, kasunod ng T ay U, makes sense?) absent si alexis valenciano kaya kami lang ung nasa left side sa likod.. tas maya maya, ayaw na namin makinig, tumitingin n lang kami ng pictures sa cellphone. all of a sudden, sabi ni mam ellar, "Mr Tan and Ms Uy, will you please move away from each other! I'm distracted by ur PDA!" walangya

i had 7, nasobrahan ata ako haha, promise mamaya konti lang


july wrote this piece of crap on Saturday, January 21, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Friday, January 20, 2006

savory


savory is the place to be especially after the mind boggling prelims week. i was looking forword for this "bonding session" with my 1BES friends dahil matagal na rin kaming hindi nag "bobonding" haha. sadly, medyo konti lang kami ds time, pero sobrang daming nangyari, ang bilis. sobrang dami kong bagong nalaman at sobrang daming natutunan. ngayon ko lang talaga napatunayan na iba ang bonding pag mag "magic potion" na kasama haha, i love my friends. sabi ko nga, drink and blow a bit, that's what school life is all about. ang sarap ng feeling na you make other people feel loved as much as they make you feel loved as well. aww, i love my friends.

salamat lang talaga sa lahat ng nakasama ko kanina, si don2 at ung ate nya, si grace at si angela (1st tym), si ted at cristina (congrats), si dom at si dawna, si benedict at si den (ayos na tayo a ampf), si melvi at si athena. waw


july wrote this piece of crap on Friday, January 20, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Thursday, January 19, 2006

i have


i have more things to learn.

saya ng tambay kanina. tapos na kasi prelims. wala nng iisipin pang iba kundi ang good tyms. im very excted para bukas dahil alam ko na ang mangyayari (na sana lang naman ay matuloy)

dpat magcacanvass ako kanina ng price ng radio headset for my phone. wala sa sm manila so i went to rob place and luckily, may nagbebenta ng original untampered headset sa black market dun for only 350 pesos. originally kasi sa sony ericsson shops, 1000+ ung price nun, so i thought it was a good buy. masaya na ko hehe.

i had 5 this day. hmm


july wrote this piece of crap on Thursday, January 19, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Tuesday, January 17, 2006

prelims day 2


nagiging daily na ata ang paguupdate ko ng blog ko a

2nd day ng exams namin kanina
nakakatuwa ang test sa logic at literature
san kaya ako magsusummer for those subjects? sino kaya kasama ko haha

magaaral na ko mamaya for world geography ang constitution. goodluck

nagwa ko na nga pala yung dapat kong gawin. ok lang hehe :)

nabasa ko nga pala yung blog ni averill pizarro, yung idol ko na writer na mas bata pa sakin. tas dun sa isa nyang post, sbi nya idol dw nya ko haha
natatawa pa din ako

galing nu?


july wrote this piece of crap on Tuesday, January 17, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Monday, January 16, 2006

malas


wala talaga ako sa sarili ko, babagsak ako sa prelim exam ng general psychology 4 sure, walangya! ang labo kasi!

naformat ko na yung memory card ko, salamat kay zpy saka nakakuha pa ko ng usb cord extension and copy ng the josephian for this year. maganda naman yung gawa nila kahit pano.

ayoko na


july wrote this piece of crap on Monday, January 16, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, January 15, 2006

sunday


nagninong ako kanina sa 2nd kong inaanak. anak yun ng 1st cousin ko sa mother's side. walangya, tumatanda na ko.

nung nagsimba kami sa sm kanina, nagstay ako sa ground floor. biglang may nalaglag na cellphone mula sa 2nd floor. tas may bumaba na bata, inayos nya yung cellphone. tnry nya buksan pero ayaw na. malas naman. nokia 6260 na black yung nahulog, sayang. pero matibay pala yun, mula sa 2nd floor kasi hindi nakalas yung screen from the keypad, and knowing that it's a flip phone, i was expecting na maghihiwahiwalay yun into 2.

i slept from 4pm to 8pm, kaya gising na gising pa ko ngayon. 8-9am ang first test ko bukas. major pa, general psychology. wala pa kong alam kahit ano, except yung child psychology (developmental psychology) kaya magaaral na ko. (sana)

galing ng join the club, im starting to like their music. tomasino pa sila kaya mas ok hehe


july wrote this piece of crap on Sunday, January 15, 2006
i'm the mobilemaniac
|

saturday


-i ate pasta ang fries for lunch. i cooked the pasta me self, and it was good. (well, for me at least)

-i went to UST to rehearse with the AB Chorale, it feels good to sing with friends :)

-we had the continuation of the Open Forum, buti had to leave early because i need to go to glorietta to buy something.

-i rode the LRT from lawton and MRT from edsa to makati. i love riding trains.

-i got me self a card reader from the cellphone black market there. yeah

-i formatted my memory card this morning using windows FAT32 formatting system (tama ba?) and my phone won't read my memory card because it uses a different format from that of windows'. bad3p, i need to find somebody who owns a sony ericsson phone which has the capability of formatting my memory stick duo so that i could use it again asap. :(


july wrote this piece of crap on Sunday, January 15, 2006
i'm the mobilemaniac
|

friday the 13th


sabi nila malas daw ang friday the 13th, pero di naman ako minalas. napagod lang ako. it had been a long day for me. puro lakad kung saan saan.

pumasok ako ng maaga dahil baka ma FA na ko sa theology, saka para tapusin ko na din yung scrapbook ko sa Psychology. 2am na ko natulog bago pumasok ksi late na din ako nagstart sa scrapbook kaya medyo masakit pa yung ulo ko. buti na lang hindi pumasok si mam ellar smin kaya nagkachance ako pra tapusin yung scrapbook ko. as usual, hindi nanaman ako nakinig sa PGC at Maths.

kumain kami sa ibang kainan ngayon, (hindi na sa java rice), ok naman, masikip lang saka maanghang. hmm, tumambay kami ni dennis dahil ayaw namin mag dutA at nakakabad3p dahil masama ang weather. ang init tapos umuulan, grr.

mga 1:30, pinagisipan ko muna kung aattend ako nung Open forum ng AB chorale dahil naisip ko na baka walang patunguhang iba yun kundi bidahan, pero in adversary to what i had expected, it turned out really well at nawala na talaga ng tuluyan sa isip ko yung pag qquit. medyo ginanahan na ko magrehearsals uli saka mas lalo ko nang minahal yung AB chorale. ang sarap pala ng feeling pag narerelease mo yung mga sama ng loob mo.

after that, bumalik na ko sa tambayan para tumambay. syempre, kaya nga tambayan e, tas nandun si doms at dons pati si justin, melvi at mj. ayus naman, sinamahan ko muna si doms sa TARC at AB bldg para magpasa ng projects namin at nagkayayaan na mag coffee sa coffee indulgence. 1st tym ko sa coffee indulgence, ok lang naman ang coffee dun, medyo ok lang, pero starbucks is da bes parin. masarap yung brewed coffee (unlimited, parang sun), carbonara saka yung pizza. masarap mag chill out dun sa place na yun at lalong masarap magkwentuhan. madami kaming napagusapan na hindi namin usually pinaguusapan. kaso later on, medyo hindi na makahinga si doms dahil sa _o__ kaya nagpunta kami sa lover's lane at dun tumambay. mga bandang 6 ata, dumating na sila ted, joyce, tin at stella from Sala at kami ay nagjamming ng masaya. tunog kalye jamming, ang saya, medyo nagtagal kami dun. sarap kasing mag jamming with friends. kahit na pumipiyok na ko ayos lang hehe

mga bandang 8:30 na kasi e, kaya medyo kelangan nang umuwi. hinatid namin ni ted si joyce sa lawton at sinamahang maghintay ng fx bound to sucat. ok lang naman, may nalaman nanaman ako. dumadami na pala sila, tsk. tapos umuwi na ko.

saya ba?

ps: i've been dying to do it since last semester, but i dont have the guts. i promise to myself that by this week, gagawin ko na. (anu? secret :D)


july wrote this piece of crap on Sunday, January 15, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Thursday, January 12, 2006

now


maganda ung ultraelectromagnetic jam
nahuhumaling na ko sa sugarfree at 6cyclemind, alapaap, ang galing hehe

prelims nnaman next week, di na naman ako nagaaral at nakikinig sa mga prof ng matino, kulang nanaman sa focus, di na ko magiging DL n2. kelan ba m22pad pangarap ko?

mas masaya maging bass sa chorale, ang gaganda ng kakantahin namin sa concert, sana maraming manood, para di sayang ang pagod

gagawa pa ko ng lintek na scrapbook para sa psychology dahil kelangan ko ng grade dun at kelangan ko pang tapusin ung conceptual framework ko para sa theology

asteeg talaga si kuya arjay ng chorale, dami akong natututunan sa kanya.
salamat sa kanya kanina hehe

nageenjoy na ko sa psychology at literature ngayon, ayoko parin ng constitution

knina lang ako nagopen ng friendster ulit after ilang weeks, nakakatamad na ksi

yun lang hehe


july wrote this piece of crap on Thursday, January 12, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, January 11, 2006

haha ang saya talaga pag january


yun, nung isang araw, dahil medyo wala ako sa sarili ko (jan 9- happy bday hazel, happy feast day nazareno, happy debut kat), hindi ko alam kung san ako dadaan pauwi dahil sarado ang quiapo. sumama ako kila dom sa lrt 2 para mag mmrt ako papuntang edsa. medyo masaya kasi kasama ko si joyce at may adventure. paguwi ko, sa kanto ng subdivision namin, kinapa ko ang aking wallet para ako ay makabili ng chicken dodo ngunit nagbago ang isip ko dahil madami palang fats un. kaya sumakay na ko ng sidecar papunta sa bahay. pag dating ko sa bahay, wala na kong wallet. wow. magic.

hindi ko ma blog yung thoughts ko nung monday kasi bad3p na bad3p na ko sa kakaisip kung pano ako papasok at san ako kukuha ng allowance, dahil andun lahat ng cash ko sa wallet. natatakot naman ako sabihin kay mama dahil baka yariin ako nun. nababad3p ako dahil kasalanan ko din naman yun. nandun ung allowance ko hanggang wednesday, ID ko sa skul (pinakaimportante), load sa cellphone, saka atm card. wow.

kinabukasan, sinabi ko na din kay mama, no choice na ko e, d ako makakapasok ng walang id at walang pera. buti na lang at di sya nagalit at binigyan na lang ulit ako ng pambili ng id at allowance. bait talaga ni mama.

swerte lang ako dahil bago ako umalis ng bahay nung monday, tinangal ko sa wallet ko yung regform ko, yung ibang mga pictures, mga papel na memorable at yung iba ko pang cards. d ko lam kung bat ko tinangal, sinwerte lang talaga ako siguro.

pahirapan ang pagpasok sa bawat building sa skul pag walang id, katakot takot na explanasyon sa bwat security point. buti na lang nung tuesday tatanga tanga ung guard dun sa AB at nakalusot ako. kumuha ako ng re-application form for id sa id room sa main building. lintek, d ko alam na ganun pala kahirap kumuha ng id, ang daming dadaanan. kelangan ko kumuha ng clearance sa SWDB, sa Office for Student Affairs, sa STEPS, tas sa Office of the Secretary General. tas pumila pa ko ng medyo mahaba sa cashier dun sa accounting department bago ako nakakuha ng id sa id room. 5 mins lang pnrint ung id. mas mabilis pa yung pagpprint ng id kesa sa proseso e, bad3p.

ayos na, may id na ko. masaya na ko kasi bukas, allowance day nnaman at wala na kong problema haha. yeah. kaso wala na kong BES Card, ATM Card pati Load. grrr. magaaply na lang ulit ako ng bago, buti na lang wala nang laman ung ATM ko dahil kinuha ko na lahat b4 christmas hehehe. yeah ^_^\m/


july wrote this piece of crap on Wednesday, January 11, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, January 04, 2006

first day ng skul sa 2006


first day of classes ngayong 2006

-syempre late nnman ako sa 1st subject ko, nagcchek pa naman ng attendance ung prof ko, tsk, d ko na mabilang late/abscence ko dun

-hindi ako nakinig sa 3 subject (theology, constitution saka algebra), psychology lang ako nakinig hehe, nakipagkwentuhan ako sa mga katabi ko bout new year and xmas vacation

-namigay si dicky ng mga bands, suot naming lahat, para kaming kulto

-niregaluhan namin si richard hehe, may pinunit punit na papel pa, powder ng pulburon at spray ng pabango pa sa loob, pati recycled na gift wrapper pinatos na namen haha

-kumain kami, tas tambay, saya ng tambay, madaming kwentuhan, picture picture tas asaran haha, may apakan pa ng sapatos at saka gitarahan

-nilakad namin ang recto upang maghanap ng cd para sa exchange gift ko na hindi ko pa nabibigay, kasama ko si don at dom

-nilakad din namin hanggang raon para ibili si joyce ng string para sa sira nyang gitara

-pumunta ako sa rob manila magisa para mag canvass ng mga bagay bagay dun

-sakit sa paa, puro lakad ginawa ko buong araw

----------------------------------------------

yan, hehe tapos na post ko

may assignment pa kami bukas sa english, ggwa ng thesis title, at least 5, wala pa kong idea kung ano ggwin ko, saka kung pano ggwin, hirap magisip ng topic para sa thesis grr

may rehersals na pala ulit kami bukas, simula na naman ng pagod
sana totoo na madami mag aaudition bukas (kung may auditions man)
para makasama na ung ibang singer from BES2, para may kasama naman akong BES dun

PS: 1 year na pala mula nung naholdup yung cellphone ko, jan 4 den yun e, sana makunsensya na yung nangholdup sken tsk


july wrote this piece of crap on Wednesday, January 04, 2006
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, January 01, 2006

1 year old


ang galing, 1 year old na tong blog ko!
since the start of this blog, ako ay nakapag post na ng 135 entries at naging saksi na din tong online journal ko sa mga masasaya at masasaklap kong karanasan, kewl


july wrote this piece of crap on Sunday, January 01, 2006
i'm the mobilemaniac
|

the_maniac

July

19 : also known as julius, jollers, hulyo or whatever you wish to call him : fake chinese : budding psychologist : thomasian : tends to be critical about anything : musically endowed : so damn moody : singer since birth : practical but unavoidably spendthrift : art and cat lover : occasionally alcoholic : broke on wednesdays : easy-going : sensitive animal : certified latecomer : former josephian : mobilephone addict : cyberstuff enthusiast : part-time writer : loud but silent : taken but available : comic but serious : hates school : moderately athletic : intellectually capable : no tv, no movies, no news : frustrated philosopher : food junkie : hopeless romantic : believes in destiny

new_stories

moved
rants
hahahahahahaha
hahahahahahaha
weird friday
happy 3 years
dahil tamad ako
himig tomasino 2007
selfish?
test

my_past

01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 09/01/2005 - 10/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 06/01/2006 - 07/01/2006 07/01/2006 - 08/01/2006 08/01/2006 - 09/01/2006 09/01/2006 - 10/01/2006 10/01/2006 - 11/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2007 - 03/01/2007 03/01/2007 - 04/01/2007 04/01/2007 - 05/01/2007 05/01/2007 - 06/01/2007 06/01/2007 - 07/01/2007 07/01/2007 - 08/01/2007 08/01/2007 - 09/01/2007 09/01/2007 - 10/01/2007 10/01/2007 - 11/01/2007 11/01/2007 - 12/01/2007 12/01/2007 - 01/01/2008 01/01/2008 - 02/01/2008 10/01/2008 - 11/01/2008 04/01/2009 - 05/01/2009

supah_friends

Arafol
Hazel
Helena
Jerico
Johnrey
Josemargo
Marvin
Stellar

blog_mates

Aja
Angel
Anne
Arvin
Arvin2
Audrey
Averill
Bluewinn
Chanhassen
Chinky
Coco
Dan
Daryl
Dennis
Eka
Elle
Francia
Jane
Jane2
Jeff
Jen
Jonna
Jose
Kaori
Leilani
Liza
Lora
Louise
Luisa
Martha
Missmath
Nads
Nikki
Poli
Raymond
Sherrlene
Tessa
Trinefusion
Vanessa
Weng
Wilbert
Zheloh

the_other


Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
My Photobucket
cbox

about the layout: "from the mind of a troubled teen", designed by Clone, only at BlogSkins

blog_listings









blog_code

B5 d+ t k+ s+ u- f i o++ x- e+ l+ c

the_tagboard


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com