my_story

Saturday, December 31, 2005

the year-ender


naging isang mahabang taon nanaman ang 2005 para sa akin, at tulad nga ng sabi skin dun sa chinese prediction (read my 2nd post sa pinakababa) naging masaya, makabuluhan at umaatikabo sa aksyon ang taon na ito. haha

sobrang dami kong dapat ipagpasalamat sa taong 2005. sa lahat ng nangyari, masaya pa rin ako dahil nakakilala ako ng mga bagong kaibigan, at hindi pa rin ako iniwan ng mga dati. higit sa lahat, sa kabila ng lahat ng problema, sa lahat ng gimik at sa lahat ng inuman, buo pa din naman ako, only better :)

konting flashback lang naman, ano bang nangyring mga bagay bagay sa taon na 2?

january

---january 1, sinumulan ko tong blog na to, out of my extreme boredom dito sa bahay, at dahil malungkot din ako nung new yr nun, ewan ko kung bakit. kasabay nung mga putukan sa labas, nandito lang ako sa loob at nagmumukmok, ewan ko ba haha.

---nasundan pa yun nung maholdup ako at manakaw sakin ang p800 ko nun. jan 4 yun, pumunta ako nun sa mall ng magisa pra bumili ng cd tpos pag labas ko, kung san san na ko napadpad dahil sa holdaper na yun, tsk tagal ko pa namang pinangarap yung phone na yun, tapos after ilang months lang, nanakaw agad hayy

---jan 7 pa nalaman ni mama na naholdup ako dahil nahihiya at natatakot akong sabihin, syempre kakabili ko lang nung phone tapos naholdup na agad? kasabay dun, nagpaalam na din ako kasi aalis ako ng 3 days and 2 nights papuntang vigan, ok naman, kaso hindi dw muna ako bibili ng phone, saka na daw pag may cash na ulit hehe

---jan 8-10, pumunta kami ng vigan, masaya ako nun kasi kasama ko ung mga st simon friends ko, ansaya sa bus, pero may masaklap din na nangyri nun, dun na nagkaalaman haha, bye bye na daw e buhay nga naman

---intrams din namin nun, walangya, mas lalong sumasakit ang mga pangyayari, sa pagkakaalala ko


february

---ang naturingang buwan ng mga magsing-ibig. wala. blanko ako nito, ano nga ba naman ggwin ko e loveless na ko haha, parang dumaan lang ung valentines day, e wala naman akong pagbibigyan kahit sino e haha, tambay na lang with friends

---js prom, walang kwenta, hindi masaya, konti lang nasayaw ko, bwisit kc ung dj, puro club music ung pinapatugtog, wala man lang sweet music hayy

march

---early march, nakabili nanaman ako ng bago kong cellphone, tnx to mama agen hehe

---first eyeball ng josephian chatters na napuntahan ko, ok lang naman, but it turned out to be a picturan eyeball, lahat ba naman kc may dalang camera

---puro graduation practice lang naman ang nangyari dito eh, saka masaya na din ako kc nakagraduate na ko. sa wakas, nakatapos din ng high school, kahit wala na kong ibang inatupag mula august kundi yung school paper namin, saka kung ano anong singing engagement lolx

---hindi rin masyadong masaya ung graduation, ewan ko ba, parang ordinary day lang, nabigyan pa ko ng instant speech dito, bigla kasi akong tinawag tas magsasalita na daw ako sa mic bago ung candle lighting song, walangya haha

april

---simula pa lang ng april may dalawang party na agad, kay jonna (valedictorian) saka kay janrei (outstanding), ok naman, masaya pa din e, kahit medyo konti lang ung pumunta, tapos after that lagi din akong nasa school kasi working committee ako dun sa yearbook ng batch namin. medyo nakakatamad na, imbis na nagpapahinga ako sa bahay, every mwf nsa school ako, ang alikabok pa dun kasi nagtatayo ng bagong buildings, what the heck?

---nagouting kami ng st simon sa rest house nila marklouie sa tagaytay, kala ko may swimming. hmm, puro games lang naman at bonding ang nangyari, ayos lang.

may

---debut ni mooshi! isa sa pinakamasayang nangyari sa taong ito, dpat hindi ako iinom dito ksi hindi naman kaming ganun ka close ni mooshi pero nung nagyaya na sila wap0l at renz, simula na ng happy nights lolx, may kantahan, kwentuhan, dun na nga din kami natulog ng di oras e, tas nag breakfast din kami sa mcdo, saya dami kong bagong friends

--- first time kong naka pag picture sa taas ng building ng school namin, dun sa bubong ng building sa boy's quad. asteeg ung view, pra kang nasa taas ng bundok haha

---napaka alien ng sleeping patterns ko dito, usually, natutulog ako ng 3am at nggcng ng 12noon, now that's what i call healthy

---dito puro asikaso na sa skul yung ginagawa- enrollment, bili ng uniform, school stuff, sapatos, etc etc.

---binenta ko na ung k700i ko at bumili ulit ako ng p800, out of my love for that phone.. im happy again

---na interview kami ng rochy sa greenbelt at ggwan daw kami ng article ng isang writer ng PCIJ. kewl, makikita na kami sa isang magazine, at sisikat na kami haha

june

---i've finished reading 3 harry potter books nung month na to, kewl, kala ko ksi hindi ako magbabasa nun kahit kailan, it's worth the read naman pla kahit pano

---june 13 ba? start ng classes, it felt weird, prang hindi ko makakasundo yung mga bago kong classmates, mga conyotics kasi yung dating sakin haha, eh allergic pa naman ako sa conyo lolx

---at the end of the month, 28th, wala pang nakakaalam sa mga classmates ko na bday ko. sa txt lang ako nabati ng mga tao, it was really nice. tapos celebrate din with the family

---bagong lablyp?

---dito nagsimula yung tawag na "jet li" sakin, c/o dr. co

---hmm, 29th, audition sa ab chorale, i was really amazed nung kumanta sila sa freshman orientation, kaya sumali ako. mabait si God, nakapasa ako as a trainee with three of my classmates

july

---unang reunion ng st simon since graduation. ok naman

---nagstart na yung training sa chorale

---nabili ko yung piggy bank ko na sinikap kong punuin, pero kahit hangang ngayon, hindi parin puno? kinakain ba ng pig ung coins ko dun?

---i was getting along with my new classmates at nagkaron na din ako ng bagong tropa, haha, laging nasa cr ang tropa ko, mga hayuk mag cr, ayos lang, sumasaya na ko sa bago kong skul at tumatambay na din ako sa "tambayan" ng section namin. kewl.

---first time kong mag jam sa mayrics espana, rak ung genre na tnry namen

---first time ko din nakasakay sa lrt 2 dahil pumunta kami sa diliman qc para sa aming group thesis, ayos pala dun, parang airport, first time ko ding nakapunta sa gateway cubao

august

---prelims week, hindi ako nakapagaral. sa halos lahat ng subjects, luckily i still got good grades haha, naka 93 pa nga ako sa sociology at 91 sa literature haha

---after ng defense namin sa thesis at ng prelim exam sa philosophy and sociology, gumala ang 1bes1 people sa gateway, 1st tym kong gumala nun with 1bes1 sa gateway, at sobrang saya ko nun. kahit na baha na nun dahil sa sobrang lakas ng ulan, sugod pa din haha, kewl

---nakabili ako ng bagong printer and im happy

---first time ko din manood ng movie sa "sala chill out station" along dapitan with my 1bes1 friends

---training camp ng ab chorale sa silang, cavite. may swimming, kantahan, kalaswaan at bonding na nangyari

september

---debut ni roch, as usual, overnight na naman, pero nalasing nanaman ako at syempre may kantahan din

---inanounce na na ang himig tomasino daw ay sa december na, ngarag na tuloy kami sa rehearsals

---may nagpaparamdam bigla, ewan ko ba

---i got my organizer, pero later hindi ko din nagamit kasi pang 2006 pa yun

---i got my first atm card from BPI

---nasira yung ram ng pc, bad3p

---unang inuman ng 1bes1 kila dondon dulce, asteeg, hindi ko to makakalimutan, 1st time kong makapunta sa antipolo w/o my parents at 1am na ata ako nakauwi haha

---nagtry na din ako magbilliards d2 (kelan ba ko gagaling?)

october

---last weeks na din to ng 1st sem ko sa ust, medyo may havoc kasi may rumors na irereshuffle daw kami with the other BES sections, syempre ayaw ng lahat, later on, it was confirmed by our history prof and everything that followed was bullsh*t

---finals week, i had really prepared for that week kasi i need to catch up on some of my subjects especially history. well, not to my dismay, i did very well in philosophy and literature and i got good grades sa mga subjects na yun hehe

---i had recorded my first single at jerico's place, it sounded awesome haha (walang papalag)

---last day of classes, cancelled yung activity ng BES, pumunta kami kila dom pascual at nagtagal kami dun hangang 1130, bonding din, ayos lang :D

---first session ko sa gym, ansaket

---i saw my grades online and i learned that i'm reshuffled with some of my classmates sa kabilang BES section. ayos lang, half half naman ung ratio ng nireshuffle e

november

---after 2 yrs of being style by david salon in sm bacoor, i finally had my first try sa bench fix salon, rob ermita, and man it was really good! di na ko nag ggel, i now use my styling stick bwahaha

---i met new people from 1bes2

---despedida ni owie sa gateway cubao, 1st reunion ng orig 1bes1 sa gateway cubao after sembreak, kewl

---first time ko tnry mag lrt route pauwi ng cavite

---first time ko din sa sm san lazaro

---first time ko din mag dotA

december

---ano pa nga ba? himig tomasino 2005 sa medicine auditorium. 3 months of intensive rehearsals all summed up to 12 mins of performance sa harap ng madaming friends and classmates. we placed 3rd, not bad, but i believe we could have done better. this day was very special for me because i truly felt the love and support of my blockmates.

---first time ko mag road trip dala ang auto ni don, asteeg din

---first paskuhan ko sa uste, first christmas party ko din with 1bes1, asteeg, dami gifts, very memorable

---first time ko din kumanta sa isang debut (nang's debut)

---nabenta ko na yung p800 ko sa alabang town center

---i finally got my new phone last dec 26, yahoo!! swing it baby!

---nakita ko na yung tropa ko nung highschool after ilang months of not seeing each other, asteeg


yun lang naman ang mga nangyaring mahalaga sa taon na to eh. andaming firsts saka new stuff na natry, those experiences all the more made me a better person. again, i want to thank all the people who had become a part of my life for this year. hindi ko makakalimutan tong taon na to hehe, happy new year everyone!


july wrote this piece of crap on Saturday, December 31, 2005
i'm the mobilemaniac
|

Monday, December 26, 2005

yehey


finally, i got me self a new phone. yehey
thank you lord for the blessing
thank you din kay mama


july wrote this piece of crap on Monday, December 26, 2005
i'm the mobilemaniac
|

Sunday, December 25, 2005

merry christmas


tis the most wonderful time of the year, when love and care are overflowing, and when everyone shares his blessings. happy holidays everyone!


july wrote this piece of crap on Sunday, December 25, 2005
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, December 24, 2005

song


Listen
Stonefree

Close the door. I feel a breeze.
Hold me please. I hate to be alone.
It's a cold night. Turn off the light.
Take my hand and..

Listen to these things I have to say.
Please understand, she left me all alone again.

Clear the room of every memory.
Don't want that song back on.
It's an endless maze. Take away this haze.
Mend my heart and..

Listen to these things I have to say.
Please understand, she left me all alone again.

Listen to these things I have to say.
Please understand, she left me all alone again.

Turn away. Don't want you to see me cry.
Just want things the way they were.
It's so hard to say goodbye.
Wipe my tears and..

Listen to these things I have to say.
Please understand, she left me all alone again.

This I ask of you
To stay with me Until she comes back.
Until she comes, Until she comes, Until she comes
Oh, 'til she comes, Until she comes back, Until she comes back


july wrote this piece of crap on Saturday, December 24, 2005
i'm the mobilemaniac
|

masamang balita (from email)


Ganito magbigay ng masamang balita
SAPOL Ni Jarius Bondoc
Ang Pilipino STAR Ngayon 11/26/2005

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw....

"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala niyo
sa bahay-bakasyunan niyo."

"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May
problema ba?

"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay
ang alaga niyong parrot."

"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa bird
show?

"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."

"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa
ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang
nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na
kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po
kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng
tubbbiiiiggggg?"

"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi mo?"

"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po
'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis
na kumalat ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-
bakasyunan, a. Parasaan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano? Kaninong burol?"

"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nu'ng
isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po
magnanakaw. Binaril ko."


july wrote this piece of crap on Saturday, December 24, 2005
i'm the mobilemaniac
|

Friday, December 23, 2005

handwriting


Handwriting Analysis

What does your handwriting say about YOU?

The results of your analysis say:

You plan ahead, and are interested in beauty, design, outward appearance, and symmetry.
You are a shy, idealistic person who does not find it easy to have relationships, especially intimate ones.
You are affectionate, passionate, expressive, and future-oriented.
You are a talkative person, maybe even a busybody!
You enjoy life in your own way and do not depend on the opinions of others.


july wrote this piece of crap on Friday, December 23, 2005
i'm the mobilemaniac
|

Thursday, December 22, 2005

tv commercials at patalastas


nakakatuwang isipin kung panoong mula sa isang maliit na black and white tv (na di-pihit pa hanggang channel 13 lang) ay nag-evolve na ang entertainment box of media sa flat screen, plasma at lcd tv's. halos lahat ng tao ay nahuhumaling sa panonood ng iba't ibang palabas dito. merong news, telenovelas (yes, including chinovelas, spanish novelas, f4 novelas, judy ann santos novelas etc.), game shows, reality tv, pinoy big brother, cartoons at marami pang iba. kaya hindi malayo na gamitin ito ng mga bigating companies sa pag-adadvertise ng iba't ibang produkto at pati na rin ng mga politiko sa pangangampanya. commercials o patalastas ang tawag sa mga advertisements na ito.

wala ba kayong napapansin sa mga commercials na 'to? kumbaga, dati, simple lang ang mga commercials. sasayaw lang si aga mulach kasama si serena dalyrymple ng "isa pa, isa pa, isa pang chicken joy!" at presto! may commercial na ang jolibee. pero ngayon, may halo nng violence, kalaswaan at kakaibang kawirdohan ang mga commercials sa tv. sinubukan kong magmasid sa tv at punahin ang bawat commercial na pumapagitan sa mga tv shows.

---------------------------------------

POP COLA

si robin padilla, isang violenteng action star ang endorser ng produktong ito. ang eksena, nagkakagulo ang mga tao at naguunhan sa pagbili ng SAIS pesos na pop cola. sumingit si robin padilla sa harap ng tindahan para sabihin ng malaswa, "Aling Linda, isa nga pong pop cola". tapos mmya, nanghihingi na sya ng autograph. san ka nga naman makakakita ng ganun? pinagbilhan lang sya ng pop cola tapos idol na nya si aling linda at nanghihingi pa sya ng autograph? ang corni.

meron pang isang version nito, ung bata tinatanong ng titser nya ng 5+1, tpos ang sagot nung bata SYETE, paulit ulit pa nyang sinasabi ito. ayon sa kwento ng lola nya, kaya daw nagkaganun ung bata ay dahil SYETE ang benta nya ng pop cola at hindi SAIS. pero kung titignan mong maigi, wala namang kuneksyon ung 5+1 sa pop cola diba? bobo lang siguro talaga ung bata haha

CHIPPY

natutuwa talaga ako sa lahat ng commercial ng chippy ngayon. ang bwat kwento ay nagrerevolve sa adventures ng isang tropa na kung saan ang bida ay ung kalbo.

ung isang version, gumagawa sila ng term paper, tapos ung isang version, binasted sya nung nililigawan nya. meron ding horror version nito at yung pinakalatest, ung nagauaudition sya at natulungan sya ng chippy na makapasok. inuubos na kasi ng tropa nya ung chippy kaya nagemote sya ng sobra sobra. hehe, kewl talaga

PAMPERS, EQ, HUGGIES DIAPERS

pre preho lang naman ang tema ng mga diaper commercials na to- ipakita na mas absorbent ang isa over the other. pero nakakaramdam ako ng konting awa sa mga batang nagmomodel sa commercial na to. pano kaya pag tanda nila? anong feeling na nakita na ng buong mundo ang mga makikinis nilang pwet? haha in some way, pornography din to haha, porn for the kids lolx

REJOICE- Rebond

eto na yata ang isa sa pinaka walang sense na commercial na nakita ko. hindi ba sila nagsasawa sa "nagparebond/nagparelax" taglines nila? parang simula kasi nung sumikat ung rebond/relax na un, puro un na ang ginagamit nila. Nasan na ang creativity?

meron isang version nito na may magkapatid. tapos magdedebut na ung isa. naiingit sya sa buhok ng ate nya at tinanong kung pde syang magparelax for her debut. tpos hindi pumayag ung ate nya kasi magiging parang buhok na buhaghag na parang sirang doll ung buhok nya kung magpapatreat sya. stupid.

tpos meron din namang isa, yung model employee version. napapaisip lang ako, bat biglang humangin ng sobrang lakas dun sa isang lugar tapos biglang naging sobrang gulo nung buhok ng babae. ang oa. tapos inistalk na sya nung dalawang babae para lang malaman kung model sya. cheap.

meron din isang version na nasa isang roofless car ung mag girlfriend tapos habang dinadrive nung lalaki ung kotse, hinahangin ung buhok ng babae. tapos mamaya, biglang naging witch ung babae. ang oa nanaman

dito din sumikat ang ilang version ng mga babaeng nagsasayaw habang winawagayway ang buhok nilang shinampoo sa rejoice. comment ko lang, mukha silang tanga. buti nauuto sila ng rejoice.

basta, regardless of what version, ang corni ng rejoice, sana magsara na yang company nyo.

PALMOLIVE

WOW! GANDA!! PRANG NAGPASALON!!, ang srap sanang kalbuhin ni Ricky Reyes e. Ewan ko ba kung anong pinasak nun sa ilong nya at naging ganun ka ngongo ung boses nya

VASELINE

yung latest version ng commercial nito ay tungkol sa isang batang babae na sobrang kapal daw dahil habang dumadaan sya e sinasabihan sya ng mga tao ng KAPAL, KAPAL!! KAPAL!!! tapos mmya sinabunutan siya nung lalaki nyang joyfriend at siya naman ung nagsabi ng KAPAL! na parang nangaakit haha. ang moral ng commercial: "pag makapal ang buhok mo, makapal din ang mukha mo dahil sali ka ng sali sa kung ano anong contest at sasabunutan ka din ng joyfriend mo." tsk

SURF

honestly, i think that this is one of the well-made commercials dahil maganda ang concept nila. may story ung commercial, kaya pag may aabangan ung tao. tulad nung dati, magasawa lang sila na nagaakitan, tapos may anak na, tapos lumaki na ung anak. yun ang ayos na commercial, may logic. ung christmas version ng commercial nila, maganda. maganda kasi ung kanta, usually naririnig ko yun sa am radio. good strategy.

COKE

ang ilan sa pinaka bigtym na commercials ay mula sa company na ito. dito din sumikat si nikki gil na kumanta nung magandang coke jingle. nakabasa na din ako ng artik tungkol sa kanya sa manila bulletin. tpos sino ba namang hindi pinagaralan ung coke game na "ito ang beat sbay sbay, ito ang beat bawal sablay", asteeg un. pag natalo mo ung kalaban mo, sayo na ung coke nya. e pano kung laging talo ung kalaban mo na laging bumibili ng coke. hehe, malas nya. ung latest addition nila sa kanilang bottle sizes ay ung coke sakto (200ml), ang stupid lang kasi iniinom nila ung 5peso coin, baka gayahin sila ng mga bata.

PLDT BUDGET CARD

ang napansin ko lang, bakit kelangan pang tignan nung bata habang sinasabi sa tatay na kausap nya sa telepono na tuli na sya e hindi naman makikita un ng tatay nya. laswa

NESCAFE 3 in 1

kakaiba gumawa ng commercial to. kahit medyo walang logic ung commercial, natutuwa pa din ako, lalo na dun sa PONTIUS PILOT VERSUS SUMMOOOON! saka sa THE VERRRRY STICCKY WALLLLL, ang gara kasi nung pagkakasabi nila nyan. asteeg, LUPIT EVAH!!

TIDE ERASER BAR

sino ba naman ang hindi nakakakilala kay tolits, na napabalita na nga sa text na namatay na daw sa kakabura ng kalawang. pili lang din ang mga nakakatuwang commercial na to, pero ito ang naglaunch sa career ni tolits. comment ko lang, sumbungera yung babae na nakahuli sa mga lalaking nagbubura ng kalawang, kung ako kila tolits, kikidnapin ko yun at ibabalot sa tela at itatapon sa bangin

ARIEL?

hindi ko lang sigurado kung ariel tong commercial na to. darating daw ung boss ni mister kaya nagluto si misis. pero nangangamba si mister na baka mangamoy ulam si misis kakaluto ng ulam ni boss. pero no worry, dahil pag gumamit ka ng ariel, hindi ka mangangamoy ulam. hangang ngayon, im bothered ksi ang laswa talaga nung pagkakasabi nung mister sa misis na "ANG BANGO MO ANG MAS GUSTO KO", ang laswa kasi talaga. mabagal na parang nang aakit. habng kumakain si boss, nag seseduce-an na ung magasawa. tsk

DOWNY NATURALS

tungkol ito sa lalaki na umiiwas sa amoy ng yosi dahil natatakot sya na baka pag nagmano sya sa biyenan nya, magamoy ashtray sya. pero nung gumamit sya ng downy, pinaghinalaan naman sya ng biyenan nya na nambababae, moral lesson : pag nagdodowny ang nanay mo sa iyong mga damit, babaero ka (o lalakero pag babae)

HEAD AND SHOULDERS

napaka thoughtful naman nila dahil nagbibigay pa sila ng PASIMPLE TIPS kung pano magkamot ng ulo. meron kinakaskas ung ulo sa hawakan ng train at meron din namang kinakamot ng pencil. comment ko lang, ang oa naman nila magkamot, parang kinakaskas na nila ung ulo nila kung san san, ano bang meron sa ulo nila. garapata, ahas o sawa?

SUNSILK TOUCH FLICKS at CLOSE UP TO FILM

wala na sigurong maisip kaya ginawa nng contest na movie ang commercial. pero ok lang naman

PEPSI

ang pinaka violence-oriented na commercial. ung latest commercial nila ay ang sugar free na PEPSI. may 2 versions nito. una, ung unggoy na nagddrive ng kotse. tapos ung isa ung lalaki na iniwan sa side ng isang mataas na building at may kung anong orange na bagay na nakalagay sa kamay nya at paa to keep him hanging on the wall. tapos mmya iniwan na sya ng mga kaibigan nya. prehong sinabi na "DONT WORRY, THERE's NO SUGAR" tpos mmya, pahulog hulog na ung guy sa building at nagkakabunguan na ung ibang kotse sa pagddrive nang unggoy. actually, natuwa din ako dito at ang moral lesson: pag uminom ka ng pepsi sugar, lahat hahamakin mo, kahit si kamatayan

---------------------------------------

kakaiba na talaga ang mga commercials ngayon, pero patuloy at patuloy pa ring gumagawa ang mga multinational companies ng commercial para mapansin sila ng tao at bilin ang kanilang produkto. kung ano man ang sense ng ganitong commercials, hindi ko alam. pero hindi pa rin nawawala ang pagasa ko na balang araw, magiginng model ako ng close-up. yeah


july wrote this piece of crap on Thursday, December 22, 2005
i'm the mobilemaniac
|

true meaning of love daw


someone sent me this nice quote:

if it's because of her eyes or his lips or
his great body, it's not love
it's LUST

if it's because of her intelligence or
insight bout life, it's not love
it's ADMIRATION

if it's because she cries everytime you try
to leave, it's not love
it's PITY

if it's because she makes you forget to
study and sleep, it's not love
it's INFATUATION

Love is when you do not know why you seem to
be attracted to a person, love has it's
reason


and that reason is UNKNOWN


july wrote this piece of crap on Thursday, December 22, 2005
i'm the mobilemaniac
|

langaw


just a thought (again)

scene: nasa jeep ka at naka-stop yung jeep dahil sa traffic, tapos may langaw na lumilipad-lipad sa harap mo.

act 1: umandar na ung jeep, pero kasama mo pa rin ung langaw sa loob.

tanong: diba dapat pag umandar na ung jeep, maiiwan ung langaw dun sa nililiparan nyang place? bakit kaya nakasama pa rin sya sa jeep kung wala naman syang dinadapuan? hmm


july wrote this piece of crap on Thursday, December 22, 2005
i'm the mobilemaniac
|

rozanne's debut


6pm ung calltime sa debut ni rozanne (nang) pero 6pm na ay nasa coastal road pa lang ako from uste, thanks to the heavy traffic. 6:50 yata ako nakarating sa bahay at naligo pa ko at nagbihis. ok lang naman daw dahil late din sila roch etc. 7:30 na ko dumating dun. nagbago na si roch dahil kulot na ang buhok nya at may kulay pa hahaha. not to mention na ang gara ng boses nya sa cellphone lolx. (pis roch) nandun si jerico at ang joyfriend nya na si cielo. to my surprise, nandun din ang mga batchmate ko na sila padilla, lester at chester pati si denise. daming tao from st joseph's, andun ung mga mas matatanda sken. at medyo kinabahan na ko dahil naalala kong kakanta nga pala ako ng acoustic songs with roch hehe. d muna ako kumain at inudyok si roch na magpraktis sa labas. naghanda kami ng 3 songs, (biglaan, crazy for you saka huwag na lang kaya) basta, medyo nahihiya ako dahil tumugtog din ang marck says band. tapos, nung kumanta na ko, ayos naman, nakalimutan ko lang ung isang lyrics lolx at nagkamali din naman si roch hehe. tas 18 roses and chocolates din pala ako, e wala pa kong dalang chocolates ksi d naman ako sinabihan, gara. ayos lang. nang looked really good in her blue dress. tapos kumain na kami, konting pichur pichur tas uwi na. hehe. happy 18bday nang! :D


july wrote this piece of crap on Thursday, December 22, 2005
i'm the mobilemaniac
|

christmas season


christmas

xmas gifts

this christmas is way lot different than last year's christmas for some reasons. it had been raining on and off since last week and the weather had been oddly strange. but anyway, christmas is not totally about the weather so would bother about all the rain and stuff?

last tuesday, masaya ako dahil last day na ng skul at wala na kaming ibang ginawa kundi ang tumambay whole day, mag road trip at mag christmas party and xchange gifts. kewl. i was early sa tambayan dahil kahit 3pm pa ung party, nasa skul na ko nng 8am pa lang. dapat sasama ako kila jerico at dom sa recto dahil bibilan ni jerico ng gift na spongebob ung "joyfriend" nya sa recto. kaso, tinamad ako kaya tambay na lang. dala ni don ung auto nya last friday. naka uniform sya nun ksi kala nya may class pa sila kay ellar, pero binoycott sila ni ellar kaya medyo nabadtrip sya, pero nagbihis naman agad hehe. inudyok nila stella at joyce si don na mag roadtrip. kahit san daw, makaalis lang dun sa tambayan ksi boring na. nung una, ayaw pa ni don pero mya mya pumayag (napilitan) na sya.

first time kong sumakay sa auto na si don ang ngddrive kaya nagdasal muna ko dahil alam kong pde na 'kong mamatay. destination: intramuros. nakaw, wala lang mapuntahan. ayos naman pala magdrive si don e, medyo nawawala lang sa sarili minsan hehe, pero ayos lang. naglakad kami sa mga walls ng intramuros at kumain ng lunch sa jolibee. may bayad pala ung parking dun 30 pesos for 3hrs. tsk, mukang pera talaga mga tao ngayon. tpos, naalala ni joyce na kelangan na pala nyang bumalik sa skul dahil may pe sila ng 1. e medyo 12:30 na nun, kaya bumalik na kami. kung san san kami napadpad dahil msydong madaming "no left turn" signs sa espana, nagkaligaw ligaw kame hehe at malalate na si joyce. finally, naka tsamba kami sa lacson at binaba namin sila joyce sa lacson gate ng uste. nagpark si don sa p.noval at naunahan pa namin sila joyce hehe. wala palang pe si joyce kaya sayang effort. tsk hehe. pero ayos lang, masaya pla magroadtrip.

madami nang tao dun sa tambayan, kaya medyo ayos na. pero 1pm pa lang nun kaya 2 hrs pa kami magaantay. nag gala gala muna kami at napagisipang pumunta sa museum pero bwal dw pumasok sa main bldg ng naka shorts, e naka shorts ung isa naming kasama, kaya bawal. dumaan kami sa likod ng main bldg kaya nakapasok kami bwahaha, pero sarado pala ung museum, bad3p. dumaan kami dun sa harap ng main bldg para asarin ung guard na hindi nagpapasok samin bwahaha, at gudtyms, asar talo sya bwahahaha.

paglabas namin, nagsisimula na ung parade ng bwat college kaya sinamahan ko si don na hanapin si madz dahil kelangan nya yung picturan. taga cfad si madz at naka-encantadia costume sya. nahirapan kaming hanapin sya dahil andaming taong nagpaparada, may xmen, mario bros., kampanerang kuba, spongebob etc. finally, nakita namin si madz sa espana gate at pinicturan na sya hehe. madz look really great in her encantadia costume.

pagbalik namin sa tambayan, nagsisimula nang dumami ang tao at nagsimula na ang xmas party. nagkakabigayan na ng regalo. i gave ai,kim,she,athena and melvi cd's with songs of their choice. binigyan ko si den ng soccer squeeze ball, si joyce ng pagong na stuff toy/cd holder, si dawna ng dora pouch, si mia ng nata de coco haha, si mj ng pig figurine, si iana ng baso na may shell, si pia ng friendship band at si cristina ng chocolate. sana msaya sila dun sa mga binigay ko hehe dahil nahirapan akong maghanap nun. natuwa naman si joyce at binigyan nya ko ng much hugs and squeezes lolx. i felt really touched sa mga taong binigyan ako ng gifts dahil binigay nila ung stuff na gusto ko talaga, in as much as i gave my friends stuff which they've always wanted. joyce and mj gave me chocolates, mia gave me towels from bench and a perfume from afficionado, coco (chorale) gave me a jumbo ballpen, athena gave me pins and leather strap, cai gave me chocolate walnut cookies, iana gave me a friendship band, pia gave me a shirt from oxygen at bingyan ako ni aktibong doms ng pabango from afficionado at isang aktibong letter. (nabasag kasi nya ung ganun ko dati hehe). konting picturan tas kelangan ko nang sumibat ksi may debut pa kong pupuntahan hehe.

sayang talaga hindi ako nakapag paskuhan sa uste dis year at hindi ko na claim ung free food ko hehe. next yr na lang
happy xmas na lang


july wrote this piece of crap on Thursday, December 22, 2005
i'm the mobilemaniac
|

just recently


i've been wanting to post stuff here since last week but i'm so lazy to do so. many things had already happened and i guess i have to bombard this blog with a lot of new entries for it to be updated. well, so much for that.

------------------------------------

christmas vacation has already started yesterday and i believe this is again the start of the lazy sleep and eat days. i need to resist all the temptations around me but they are way much powerful than I am. brownies, chocolates, cakes and junk food are everywhere, waa please help me!

------------------------------------

i take much pride in sleep because i think it is one of the most valuable thing i didn't have the chance to enjoy for the past few months. so this christmas vacation, i sleep, well, at least 3 times a day and i spend almost half of the day in my ever dependable bed. sweet.

------------------------------------

i had posted an ad of my cellphone last week at Bidshot and a prospective buyer negotiated with me last tuesday. i just hope i could get me self a new fone by monday.

-----------------------------------

last tuesday was a happy day for me because of the paskuhan at UST and the 1bes1 xmas party slash exchange gift. also, it was nang's 18th bday and I attended her
celebration at a chinese restaurant near sm bacoor. kewl

i'll post detailed stuff here later


july wrote this piece of crap on Thursday, December 22, 2005
i'm the mobilemaniac
|

Monday, December 12, 2005

complaints


in more than 3 weeks time ngayon lang ako nakauwi ulit ng maaga. ang saya ng feeling hehe kewl
--------------------------------
naka triple combo ako kanina sa PE haha, umabot pa ko sa required. kewl den haha
kahit na dinurog nnman ako nila dom kninang pe (hi doms hehe [gaya?])
sarap talaga mag PE, nakakatangal ng stress
--------------------------------
pesteng mam ellar yan. totoo pala yung sinasabi nila na sya na ang kapalit ni dalangin. i hate the fact that she is the one who handles our major subject. well, i can't do anything about it and even if i complain and fill this boring space here, sya pa rin ang prof namin sa general psychology.

some of the reasons why i hate that bullsh*t prof are these:

hindi nya kami binigyan ng course syllabus.

san kaya kami kukuha ng reference materials para sa course nya? pano kami makakasunod sa lesson e iba ibang books ang ginagamit namin and we have the slightest idea kung san kami magrereview pag may test sya, bad3p
and, pano namin malalaman kung anong flow ng tinuturo nya, bad3p talaga

mental gymnastics

eto ang tawag nya sa quiz, long quizzes or whatever exams na binibigay nya. she gives it anytime she wants, and when i say anytime she wants, i mean it. yung tipong pag may nakita syang 2-3 vacant seats, quiz agad. bad3p and she's also not giving us pointers to review, basta sabak na lang sa test. tuwang tuwa pa sya pag bagsak kami. wtf

inconsistency as a teacher

wala syang pinprovide na handouts. wala syang pinoprovide na notes. hindi mo na alam kung ano ang pinagsasasabi nya. tapos mmya ngkwkwento na sya ng stuff out of nowhere which are very much insignificant to the discussion. i dont care if she's a graduate of Ateneo or whatever first class university. basta, she's not effective as a professor.

boring

ganun ba talaga pag matanda na? saws. corny jokes.

i was expecting that general psychology, as one of my major subjects in BES, is fun and interesting. but with a fucking professor like mam ellar, even a BES major like me would be inclined to drop the subject in the soonest possible time. ugh


july wrote this piece of crap on Monday, December 12, 2005
i'm the mobilemaniac
|

Saturday, December 10, 2005

feeling bad


may sakit na ko. pag gising ko pa lang kanina, sobrang inuubo na ko at sinisipon. sa sobrang ubo ko, sobrang gasgas na din lalamunan ko. hindi na muna ako pwedeng kumanta for the mean time. bad3p


july wrote this piece of crap on Saturday, December 10, 2005
i'm the mobilemaniac
|

ust himig tomasino 2005


warning: long post

sa wakas natapos na din ang himig tomasino 2005 last nyt. magkahalong saya saka disappointment ung feeling pagkatapos nung event na yun. basta gusto ko talagang magpasalamat sa lahat ng taong sumuporta samin at sakin hehe. hinding hindi ko kayo
makakalimutan. go ab!!

hindi na ok ang pakiramdam ko, umaga pa lang, dahil umaambang magkakasipon nanaman ako. wala talaga ako sa kundisyon. tapos umulan pa, bad3p. excused kami sa lahat ng klase namin sa araw na yun pero pumasok pa din ako kasi wala naman akong ggwin from 7-11am. after nung 1st subject namin, binigyan kami ni iana ng isang bote ng hayuk sa srap na pei pa koa upang may magamit kaming mga participant ng 1bes bago magcompetition. 1st tym ko lang makainum nun hehe. lasang magic potion. prang elixir of life hehehe pero in all fairness, sobrang sarap saka talagang bumalik ung boses ko dahil dun. bwahaha. tapos binigyan kami ni sherrlene ng goodluck card para mmya. sweet talaga hehe. binigyan ako ni denise ng goodluck hug. aww

mga bigay

may call time kami ng 11:30 sa recital hall ng conservatory of music para mag last rehearsals. dahil dun, hindi ako nakaattend ng bday party ni mj> sa tambayan ng 1bes. pero bago ako umalis, dumaan muna ko dun at binigyan ako ng pwersahang good luck kiss ni mj. sweet talaga hehe. nagvocalize muna kami tapos kumanta na kami ng 2 rounds nung mga ipanglalaban naming songs. knritic kami ng professors sa music na prof ng conductor namin at binigyan ng tips pra magimprove. 1pm, tapos na kami. maghihintay pa kami ng 3:45 pra mag last technical dry run sa medicine auditorium kaya libre pa kami mula 1pm hangang 3:45. naisipan namin ni stella ang 1bes2 na chorale (alto) na pumunta muna sa tambayan upang i check ang kalagayan ng mga 1bes people na manonood mmya. nandun pala ang iba sa mga gago kong friends at ginawan nila ako ng banner bwahahaha. na touch ako dun lolx

banner ko

nasa likod ng banner na yan ung picture ni lucy torres. model ng bench lolx
at ang may hawak ng banner ko na yan, si kalbo lolx
sa banner na yan may 12 pictures na nagrerepresent ng 11 boys + 1 prof sa orig na 1bes1. pero may kulang ata hmm

picture ng demonyo = richard tan
kalbo = armando dulce
espada ni panday = dennis conner
mata na may lashes = eddrex valenzuela
taong malaki tenga = benedict dapat pero ayaw nya kaya naging dr. co
gitara = ted ramirez
anti-christ na emblem? = dom pascual
libro = michael silva
bola ng volleyball = benedict
posporo pang yosi = jerico david
pusa = lawrence ibale
letters HULYO = sino pa ba?

tatago ko na yang banner na yan hanggang mamatay ako. salamat sa creative director na gumawa nyan, si kalbo at denise. lolx ginawan din ng ibang 1bes peeps sila stella at tin ng banner, pero wala akong picture nun. sayang hehe

nag assemble na ang chorale sa tapat ng ab building mga 2:30 pa lang at naghintay ng 3:45 pra mag technical rehersals. nag practice kami sa loob ng medicine auditorium at kakaiba na ang feeling dahil ilang oras na lang kakanta na kami. dumating na ang mga kaibigan ko from highschool na sila chinky at hershey upang pumila. waw. sweet talaga hehe. tapos dumaan dun si elaine at nakasalubong ko sya at eksaktong gs2 nya din manood kaya bumili agad sya ng ticket at sumama kila chinky, waw. nagbihis na kami at nagayos ng sarili dahil malapit na magsimula ang palabas. dumadami na din ang ngtxt sakin ng goodluck tulad nila grace, chinky, michael silva, mia, at chinky nnman(hayuk sa goodluck e lolx) dumating na din ang mga kklase ko from 1bes habang nagbibihis kami at inasar ako na pang js prom daw ang get up ko. lolx. pero ayos lang, ganda naman ng costume namin hehe. dumating na din si mama at pumila na sya para makapasok.

bumunot ang conductor namin na si kuya pao ng number pra malaman kung pang ilan kaming kakanta. at syempre ang swerte talaga namin dahil una kaming kakanta. grrr medyo kinabahan na kami nun kasi mahirap maging una dahil kayo ang ggwing basis. kung mas magaling senyo, mas mataas ung score, pag mas walang kwenta senyo, mas pangit ung score. grr (pero hindi ganun yun, pinagpapalagay lang namin un syempre)

nung nakabihis na kaming lahat, masaya naman dahil nagkakapicturan na pero kabado na dahil malapit na talaga kami kumanta. grr. andaming nawawalan ng boses samin dahil sa kaba. kaya nakailang kutsara din kami ng pei pa koa. bumabalik ulit yung boses pero pag uminom ka ng tubig, nawawala. basta kakaiba. binibigyan ako ni kuya arjay (super tenor ng ab chorale pero d sumali sa competition) ng mga tips kung pano ko maaabot ang matataas na nota mamaya. nakatulong talaga un sken.

ntapos na ang solo division at isa lang ang ibig sabihin nun! waaa, kami na?? kabado na lahat.nung nsa backstage kami, naririnig na namin ung mga pangyayari sa labas.

"bla bla bla bla From the Faculty of Arts and Letter, the AB CHORALE!!"

waa, papasok na kami sa stage nakakasilaw ung ilaw na nakatapat saken haha. bwal kami tumingin kahit saan dahil yun ang pinakabilin samin. walang titignan na iba kundi ang conductor. di ko tuloy makita ung banner ko tsk. hehe
simula na, first song na namin. kasar mie la gaji.

habang kumakanta kami, may umiyak na bata haha. effective ung epek nung song namin hahaha. nagtataka lang ako, prang bumibilis ata ung pagconduct ng conductor namin, hindi naman ganun ung nireherse namin a. ung mga marcato na parts mas maiksi
tapos ung 3 + 4 na measures sobrang bilis din. kakaiba. siguro tense din ung conductor namin hehe. actually, ok lang naman

ung 1st song namin para sakin. pero eto na ung disaster. nung kakantahin na namin ung circle of life, ok naman ung simula. pero mmya pag dating dun sa isang part, prang may nasesense na kong mali. bakit ang hina ng pagkanta namin. saka bakit parang sharp tayo ng isang key. waaa, e2 na ung kinakatakutan namin, sobrang
taas na nung kinakanta namin, waa, na tense na yung lahat, pero wala kaming magagawa, the show must go on ika nga. pagdating dun sa pinakaclimax nung song, talagang kinabahan na ko dahil hindi na high Sol ang aabutin ko, kung hindi high La, waaa hindi ko abot un! grr, so pra hindi magkalat, finalsetto ko na lang.

natapos na ung kanta namin, medyo mababakas sa mga mukha namin na disappointed kami ng konti dahil alam namin na hindi kami ganun kumanta pag rehersals. honestly, mas maganda pa ung kanta namin sa recital hall ng music kanina. naunahan kami lahat ng kaba. waa, bakit pa kasi kami na place sa una e grrr

so un, tagal din naming naghintay na matapos ung ibang mga chorale. preho preho yata kami ng nasa isip. may pagasa pa ba tayong manalo? medyo wala na nga akong pagasa nung mga tym na un. basta kakaiba. hindi na din ako umasa. pero nagdasal pa din kami at kinanta namin ang ab hymn. edi un, hintay hintay. nasira pa ung cellphone ko, bad3p. tpos nung matapos na lahat ng chorale, pinaassemble kami sa labas pra pumila dahil ippresent daw ulit lahat ng participants sa himig tomasino 05. masaya na nun kasi nag bobonding na lahat ng mga chorale hehe.

(badtrip, hindi pala totoo na may bandang magpeperform dun, (sugarfree, orange and lemons), pero dumating ang The companY. waaa, sbi ko pa naman sa mga kaibigan ko may banda dun. tsktsk. paasa grr

nung umakyat kami sa stage, nagkakagulo na ang audience. kanya kanyang sigaw na ng colleges nila. sa left side, nandun ang isang truck na supporters ng pharmacy. sa gitna, may educ at may architecture. sa right, mga ab, whoo! nakita ko na ung
banner ko! haha, nakakatuwa. pero medyo nahihiya din ako kasi kahit na sobra ung support ng ab smen, baka hindi kami makaplace kahit isa. ang bet ko nun, pharma (1st), educ (2nd), 3rd (ewan, kahit sino) pero sure ako na magcchampion ang pharma dahil hindi sila nagkamali at sobrang superb ng tunog nila

"..and the 3rd place goes to, the faculty of arts and letter!!"
natahimik ung crowd. tas kami parang walang reaction.
"..once again, the 3rd place goes to the faculty of arts and letter!"
wala pa din kami reaction.

2nd place ang engrr at obviously, 1st place ang last year's himig tomasino champion, pharmacy chorale. sa kanila nanaman ang roving trophy.

hmm. kahit na may trophy kami, prang hindi masaya ang ibang mga members ng chorale namin. lalo na ung mga ggraduate na saka ang mga sophomores. sakin, ok lang kahit 3rd place lang kami dis year kasi deserving naman ung pharma. last yr kse, 2nd ang ab, 1st ang pharma. this year, goal sana naming manalo pero nagkasira sira kami sa stage kanina. for the last time, kinanta namin ang ab hymn at umuwi na ko kasama si mama.

tapos di ko natiis, binalikan ko din ang mga kklase ko sa med building at niyaya silang sumama samin ni mama sa chowking. nakita ko dun si kuya fonzy (tenor ng uste singers na hindi ako kilala, pero kilala ko sya, syempre ust singers e) at kinongratulate nya ko. waw, nakilala pa ko kahit pano hehe. tapos un, bonding ng knti sa chowking kasama si don, dom, stella, ted. masaya pa din ako kasi kahit d kami nanalo ng champion dis year, sinuportahan ako ng mga kaibigan ko.

-end-

ps. (memention ko talaga lahat, sana wala ako makalimutan)

mga girls:

aileen (na kinomplement ang look ko)
joan (na ginoodluck ako)
joyce (na ginawan si stella ng banner at tinapos ang show kahit 10pm na)
jennifer at aj (na ginawan ng banner si tin at ng goodluck din)
denise (na bumili ng sobrang daming ticket at gumawa ng banner ko at binigyan ako ng goodluck hug)
athena (na ginoodluck din ako)
cristina (na ginoodluck din ako)
cai (na pinicturan pa ko bago pumasok haha)
grace (na tinext pa ko ng goodluck kahit di sya nakapanood)
dawna (na sinuportahan kaming lahat til the end)
pia (na binigyan ako ng goodluck coin)
mj (na pinilit akong bigyan sya ng bday kiss haha)
iana (na bnigyan kami ng pei pa koa at talagang nanood at nagpagabi kahit malayo ang pad nya)
francess (na ginoodluck din ako)
melvi (na ginoodluck din ako kahit hindi nakapanood)
kim (na ginoodluck ako at nanood daw?)
sherrlene (na binigyan pa ko ng goodluck card at sobrang suporta)
mia (na nakakaflatter magbigay ng words of encouragement)
ate francia (na nagbigay ng cash for our costumes saka support)
chinky (na kahit nammroblema sa kasama at talagang bumili ng ticket at nanonood)
elaine (na kahit napadaan lang ay bumili pa din ng ticket at sinamahan si chinky)
hershey (na kahit umuwi ng maaga ay nanood pa din skin)
dindin (na ginoodluck din ako)
mama (na kahit may work ay pumunta pa din pra panoorin ako)
tintin (na sinasaktan ako pero nanood pa din)
renz at belle(na ginoodluck din ako)
angela fleta (na ginoodluck din ako at hindi kami napanood)

mga boys:

ted (na sinuportahan kami nila stella)
michael (na tinext ako ng goodluck kahit nanood sya ng ending ng encantadia kaya hindi sumama)
dom (da bes kang kumag ka, sobra kang sumuporta)
simon (na bf ni mia at sumuporta din)
armando (na hindi na nakapunta sa bday ng highskul frend at ginawan pa ko ng banner)
benedict (na nanood din pero d ko nakita hehe)
jerico (1st tym nagpagabi sa uste pra mapanood ang sugarfree at orange and lemons na hindi dumating tsktsk)
dennis conner (na sumubok manood hehe)
eddrex (na ginoodluck ako)
richard tan (na ginoodluck din ako pero hindi nanood dahil daw gabi na, baka holdapin sya)
chester (na ginoodluck din ako)
beljo? (na kaibigan ni dom from cfad? at bumili ng ticket para sumuporta smin)
lawrence (na sinuportahan din kami all the while)
dr.co (best prof)
justin (na ginoodluck din ako)
arden lim (na kahit hindi ko kakilala ay nanood kasama nila iana)
jumbo (long hair ka na a)
kuya arjay (bakit kasi indi ka sumali? grr)

(sana wala akong nakalimutan, pero kung meron man)
salamat talaga sa inyong lahat!

AB CHORALE BATCH '05
Angel Baron, Jen Chua, Van De Mesa, Thei Fernandez, Maemae Lao, Shiela Talana, Tin Bongar, Roxanne Domingo, Mau Ferrer, Kaori Ide, Coco Razon, Jane Tiongco, Stella Rusel, Dan Darang, Chi Liwanag, Marco Sindiong, Raymond Soriano, July Tan, Mikey Agulto, Nikki Lauron, Benj Magpantay, Paul Ng, Song Oandasan, Supah Fan, Achi Gatchalian, Mitch Arceo, Kuya Pao


july wrote this piece of crap on Saturday, December 10, 2005
i'm the mobilemaniac
|

Thursday, December 08, 2005

bukas na! waa


bukas na ang himig tomasino intercollegiate songfest sa uste. sobrang nararamdaman ko na ang kaba lalo na nung nagtechnical rehersals kami kanina sa medicine auditorium kasi kahit walang audience, naiimagine ko na bukas punong puno ung site na un. and honestly, even if think that the ab chorale is quite good, the pharmacy chorale is still way lot better than us. sana lang manalo kami, kahit isang place lang, sayang kasi ung 3 months na paguwi ko ng sobrang late (11pm) araw araw kung mapupunta lang sa wala. basta, laban lang hehe

ps salamat nga pala sa mga kklase ko at kaibigan from highskul na manonood samin bukas hehe, salamat ng sobrang dami sa suporta :D salamat din kay iana dhil bibili nya daw kami ng pei pah koah pra bukas hehe


july wrote this piece of crap on Thursday, December 08, 2005
i'm the mobilemaniac
|

quotable fact


did you know that people who laugh using "hehehe" loves sex and people who laugh using "hahaha" are intelligent people?

totoo kaya to? hahaha


july wrote this piece of crap on Thursday, December 08, 2005
i'm the mobilemaniac
|

Wednesday, December 07, 2005

bati lang


hi dawna hehe, wala lang :D


july wrote this piece of crap on Wednesday, December 07, 2005
i'm the mobilemaniac
|

the_maniac

July

19 : also known as julius, jollers, hulyo or whatever you wish to call him : fake chinese : budding psychologist : thomasian : tends to be critical about anything : musically endowed : so damn moody : singer since birth : practical but unavoidably spendthrift : art and cat lover : occasionally alcoholic : broke on wednesdays : easy-going : sensitive animal : certified latecomer : former josephian : mobilephone addict : cyberstuff enthusiast : part-time writer : loud but silent : taken but available : comic but serious : hates school : moderately athletic : intellectually capable : no tv, no movies, no news : frustrated philosopher : food junkie : hopeless romantic : believes in destiny

new_stories

moved
rants
hahahahahahaha
hahahahahahaha
weird friday
happy 3 years
dahil tamad ako
himig tomasino 2007
selfish?
test

my_past

01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 09/01/2005 - 10/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 06/01/2006 - 07/01/2006 07/01/2006 - 08/01/2006 08/01/2006 - 09/01/2006 09/01/2006 - 10/01/2006 10/01/2006 - 11/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2007 - 03/01/2007 03/01/2007 - 04/01/2007 04/01/2007 - 05/01/2007 05/01/2007 - 06/01/2007 06/01/2007 - 07/01/2007 07/01/2007 - 08/01/2007 08/01/2007 - 09/01/2007 09/01/2007 - 10/01/2007 10/01/2007 - 11/01/2007 11/01/2007 - 12/01/2007 12/01/2007 - 01/01/2008 01/01/2008 - 02/01/2008 10/01/2008 - 11/01/2008 04/01/2009 - 05/01/2009

supah_friends

Arafol
Hazel
Helena
Jerico
Johnrey
Josemargo
Marvin
Stellar

blog_mates

Aja
Angel
Anne
Arvin
Arvin2
Audrey
Averill
Bluewinn
Chanhassen
Chinky
Coco
Dan
Daryl
Dennis
Eka
Elle
Francia
Jane
Jane2
Jeff
Jen
Jonna
Jose
Kaori
Leilani
Liza
Lora
Louise
Luisa
Martha
Missmath
Nads
Nikki
Poli
Raymond
Sherrlene
Tessa
Trinefusion
Vanessa
Weng
Wilbert
Zheloh

the_other


Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
My Photobucket
cbox

about the layout: "from the mind of a troubled teen", designed by Clone, only at BlogSkins

blog_listings









blog_code

B5 d+ t k+ s+ u- f i o++ x- e+ l+ c

the_tagboard


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com