my_story
Wednesday, November 07, 2007
utos ni coco
current song: wala
current mood: lumulutang sa ere. wala sa sarili
utos ni coco smen nila franiel at nicobang, magpost daw kami ng 20 statements na nakaaddress sa ibang tao. ang catch, hindi ssbhn kung kanino nakaaddress ung statement. bahala na lang magassume ung mga makakabasa neto kung sila yung sinasabihan ko sa mga statements na nasa baba. hehe.
1. wag ka mainsecure sakin. mas magaling ka sakin pagdating sa ________. sobrang bilib ako sayo. saka magkakaibigan tayo dba? haha. walang ganun dapat hehe. lahat tayo magaling :) (blank nlng para hindi obvious masyado haha)
2. hanggang ngayon hindi padin ako ganung kakomportable kasama ka kasi hinahanap ko padin ung kiliti mo. haha. pero nageenjoy ako pag kasama o kausap kita kahit minsan lang kasi madami akong natututunan sayo.
3. irespeto mo naman ung opinyon ng iba. kanya kanyang choice/taste/preference lang talaga yan.
4. sana ako na lang ikaw kasi masaya ka sa family mo. parang napakasaya ng skul life mo mula elementary hanggang highskul pati ngayong college syempre. saka parang nasayo na lahat kasi- convenience sa buhay, lovelife etc. napakaastig mong kaibigan at gusto ka ng lahat. sana ako na lang ikaw.
5. wag mo kong itulad sayo na walang passion for work. kung gusto mong tipirin lahat ng pwede mong tipirin lalo na pagdating sa group work, pwes ako hindi ganun, kasi i only want the best for the class and for our classmates. naaasar ako hanggang ngayon sayo kasi parang sa sobrang pagiging practical mo, nasasacrifice na ung maaaring ikasaya ng ibang tao. although hindi kita masisisi kung ganun ang mindset o paniniwala mo kasi sabi ko nga, kanya kanya lang yan. pero at least naman, wag ka palaging kumontra kasi hindi plagi yung gusto mo ang pagbibigyan. ikaw plang ang nakakapagpataob ng sikmura ko sa sobrang kabad3pan.
6. wag mo kong yabangan, wala ka pang napapatunayan sakin. kahit kaibigan kita, isa yun sa mga bagay na kinaiinisan ko sayo.
7. salamat kasi bumalik ka. ayoko na ielaborate kasi mahahalata haha
8. salamat sa lahat. saka sa pagintindi.
9. lahat ng sinasabi ko sa blog na to ay opinyon lang. eternal motto ko: if not guilty, why bother? obvious naman na guilty ka. at hindi porke mas mataas ang estado mo sakin bilang isang "respetadong?" tao, hindi na ko lalaban sayo. i will always say what i deem is right and necessary.
10. gago ka talaga. hindi mo alam ang pinapasok mong gulo. matakot ka sa karma. sabi nga ni justin timberlake, what goes around comes around. yari ka.
11. hindi mo lang alam pero lahat ng ginagawa ko ngayong paghihirap sa skul ay para sayo (syempre skin din). ikaw nalang ang natitirang motivation/drive/inspiration ko kaya sana wag na tayo magaway madalas kasi nahihirapan ako. nawawalan ako ng purpose kapag pinapasama mo ang loob ko.
12. hindi ako bagay na pwedeng gawing pagaari ng kahit sino. naaasar ako kapag nirerestrict ung choice ko. kapag nalilimitahan ung pwede at kaya kong gawin o sabihin. may utak naman ako e.
13. hindi ko alam kung bat ako natutuwa sayo hahaha.
14. don't think that you're better than anyone else. hindi pa ko nabibilib sayo. at kahit madami nang nabibilib sayo, you're still not good enough for me. hahaha. (ampf, napaka-mean haha)
15. sige na magaling ka na. masaya ka na? haha
16. im so not ready for this.
17. tang*na nyo. kayo ang dahilan kung bakit bumaba ang tingin ko sa sarili ko. but this time, hindi na pwedeng maulit un.
18. bakit hindi pwede? kung pwede lang sana..
19. you're so childish. naaasar ako sayo. college kna "boy". it's time to grow up.
20. nagtatampo ako pag may lakad kayo na kayo kayo lang. sayang yung pinagsamahan natin ng isang sem long ago. ewan ko. nagtatampo talaga ako. feeling ko hindi na tulad ng dati ung samahan natin. pero kung masaya naman kayo dyan, ayos lang hehe. namimiss ko lang siguro yung mga panahon na wala pa tayong ibang iniisip kundi magpakasaya sa kung saan man.
--------------
ayan. pwede gayahin. kung wala din kayong mablog na matino tulad ko. lol
july wrote this piece of crap on Wednesday, November 07, 2007
i'm the mobilemaniac
|