my_story
Monday, April 09, 2007
suddenly
current song: wala
current mood: biglaang nagbago ang mood
at dahil nga puro kasawian at kalungkutan ang mga nakaraang post ko, asahan nyong masusundan pa yan ng kung anu anong kabad3pan ngayong bakasyon. haha. sa tingin ko kasi, isa to sa mga pinakapangit na time ng taon. parang mas gusto ko pang pumasok sa skul, kahit puro pagpapagod at stress lang ang napapala ko, kesa naman ung nakakapahinga nga ako dito sa bahay, kaso wala naman akong magawa o makausap. mas bad3p yung ganun.
------------------------
actually, ayoko talagang maging "ideal" masyado yung mga salitang lumalabas sa bibig ko, o kaya naman ay sinusulat o tinatype ko. tulad kunware, pag tinanong kang "pano mo maayos ang tumutulong gripo sa kusina?" tas ang isasagot mo, "maayos natin ang tumutulong gripo sa kusina kung sama sama tayong magtutulungan upang maayos ito. magagawa natin ito kung tayo mismo sa sarili natin ang magsisimula nito! salamat po!!" ampf. ang laging pumapasok sa utak ko, "pano nga e?" minsan kasi, msyadong madaling sabihin yung isang bagay tulad nung nabanggit ko, pero pag tinanong mo na kung "pano natin gagawin yun?" wala na. blanko na. bilib ako dun sa mga tao na kapag tinanong mo, o kaya nama'y hiningan ng opinyon, praktikal o realistic ung isasagot. yung walang palabok o ka-showbizan na halo. wala lang. di ba mas ok naman pag ganun? walang kumplikasyon o wateber. yung tipong "edi isasara". period. edi hindi na tumutulo ung gripo. ampf
------------------------
isa pa sa mga napapansin ko, kunwari nakatanggap ka ng award para sa isang achievement, let's say "best dancer", pag ipinagmalaki niya yon sa ibang tao, kadalasan, mamimisinterpret nila ito as pagmamayabang. kung palagi kang magsasasayaw dyan, maari nilang isipin na isa kang pasikat. hindi man lagi, pero may mga taong makikitid ang utak, o inggitero na ganun ang naiisip. kapag hindi mo naman ipinagmalaki ung achievement mo, o kaya ayaw mong sumayaw given nga na ikaw ay isang "best dancer", tatawagin naman nila iyong false pride. or pwede ding madamot sa talent. ganun. nakakaasar lang minsan, kasi kung ikaw yung nasa sitwasyon nung taong yun, hindi mo alam kung san ka lulugar. ipagpapatuloy mo na lang ba ang iyong pagiging "falsely proud", o hahayaan mong isipin ng iba na mayabang ka dahil sa iyong "pagmamalaki"?
------------------------
isa sa mga katangiang na iniiwasan kong maging ay ang pagiging "preachy", kahit na minsan, alam kong "preachy" ako sa mga posts ko hehe. minsan kasi ang hinahanap natin, taong makakausap, or makikinig. siguro tama lang ung konting payo, pero yung tipong nangangaral na? that's an entirely different story. ewan ko. alam ko naman ung capacity ko as an individual. siguro matigas lang talaga ang ulo ko, or siguro masyado na kong naririndi sa pangaral sakin ng nanay ko na paulit ulit every week kaya talagang repulsive na ko sa pangaral at sermon. hindi naman sa minamasama ko ung payo or tulong ng iba, pero syempre, naniniwala ako na there's always a subtler way of telling things without sounding preachy. minsan kasi, prang feeling nung mga taong kinakausap mo na authority sila when it comes to certain things, eh parang nagiging offensive na yung dating nila. hindi naman ako bobito hehe. kaya ganun. sana marealize natin na hindi palaging yung opinyon natin ang tama. kung magiimpose ka man ng pinaniniwalaan mo sa iba, always say them in nicer, subtler ways :)
------------------------
walang personal na dahilan kung bakit ko sinasabi tong mga bagay na to. in general perspective lang talaga. siguro yung iba makakarelate, or yung iba tataliwas hehe. naiisip ko lang naman yang mga yan hehe. hindi naman palaging tama ang naiisip ko diba? :)
july wrote this piece of crap on Monday, April 09, 2007
i'm the mobilemaniac
|