my_story

Thursday, April 26, 2007

highblood



current song: wala
current mood: bagong ligo



kahapon, 1st time kong lumabas ule ngayong bakasyon kasama ang mga kaibigan ko. surprise bday party para sa isa naming kklaseng nakatira sa cainta, rizal province. malayo yun sa cavite. mga 2 hrs mula samin via train. haha. ang init kahapon, 12nn ako umalis dito. kasing init din ata ng panahon ung ulo ng mga tao sa paligid. nagsimula lahat sa lrt2, cubao station. ung vendo ksi dun ng train tickets, hindi ngwwork. (yung bills and coins, pero ung coins only, ok naman). eh since wala akong coins, isa ako dun sa naperwisyo nung kasiraan na yun hehe. ung mamang bading na nakapila sa harap ko, galit na galit na. nagaamok, inaaway na ung repairman dun. edi nagalit na din ung repairman, nagaway na sila. pero buti naayos din ung machine. mga 10 mins siguro. nakabili na ko ng ticket.

nung nakasakay naman ako sa escalator papunta dun sa train, may isang lalakeng tumatakbo sa likod ko. eh ako, nakatayo lang. hindi naman kasi ako nagmamadali. mga siguro nasa 50s to 70s na ung matanda. sa pagmamadali nyang abutan ung train, natulak na nya ko, pero hindi naman ako napano. hehe. hindi naabutan nung matanda ung train. nabad3p sya. lumingon sakin, sabi ba naman, "ang bagal bagal kasi eh". edi ako tumingin lang sakanya, tinitigan ko ng masama haha. pero naka shades ako nun kaya di rin halata haha. gusto ko sanang bangasin, kaso naisip ko, matanda na un, malapit nang mamatay yun (sana). kung yun ba ang ikaliligaya nya sa nalalabing oras nya, susuportahan ko na lang sya hahaha. sana mapayapa na ang damdamin nya.

nakarating ako sa robinson's metro east ng mga 2pm. ang layooo kasi haha. dun ksi kami magkikita ni helena. bago ang buhok ni helena. nagpasalon eh. wow. haha. kumain kami sa mcdo. bumili ako ng coke float at burger meal para makakuha nung card. may raffle ksi sila. ipod nano ung price, eh gusto ko nun haha. yung green. kaso nung binuksan na namen ung card, hindi kami nanalo. sayang. grr. naglibot libot kame, at nagarcade. nung nagtimezone kame, nanalo ako sa hoops, daytona at sa trivia. hahaha. piz tayo helena haha. naglaro din kami ng elvis presly pinball at ice balls haha. habang naghahanap kami ng lalaruin, nakakita kami ng lolo at lola na naglalaro ng air hockey. wow. ang kewl. inisip naming magasawa sila. or baka crush ni lolo si lola, at nagdadate sila. nakakatuwa lang makakita nung ganun hehe. ang cute eh. kahit na halatang dismayado na si lola dahil tinatambakan sya ni lolo. may stolen shot sila. kso hindi malinaw. stolen eh hehe.

lolo love lola

nung mga bandang 4pm na, lumipat na kami ng mall. dun sa bagong edition ng sta.lucia east grand mall. ung old version nun mukhang papasabugin na. eto nanaman. nung naglalakad kame ni helena, may magasawang naglalakad, holding hands. tas parang ambilis nila maglakad. nasa likod namin sila. eh sa bilis nila, medyo nabunggo ko ung babae. pero hindi naman sadya, edi nagsorry ako. tapos nun, inovertake-an kami nung magasawa, tas nagparinig ung babae, "para kasing naglalakad sa buwan eh!" edi highblood na ko, sinagot ko, "bakit, bawal ba maglakad ng mabagal sa mall. tatanga-tanga to" (hahaha, walang paggalang eh). hindi naman kagandahan ung babae. parang lumba-lumbang gurang na pinagkaitan ng diyos ng ganda. hahaha. sana mabunggo pa sila ng madaming tao. yehey.

nagkita kita kame dun ng mga kklase kong kasabwat din sa surprise party. sila ay sina don, stella at den. ayos, lima na kame hehe. bumili kami ng balloons sa national bookstore, tas pinablow namin dun sa blow-an. haha. bastus hahaha. nung nablow na kme, (hahaha), kumain muna kme sa foodcourt kse gutom na kme. tas nun, pmunta na kame dun sa target house.

patago kaming dumating dun kase surprise nga. kinonchaba namin ung ermats ni jen. actually si dom ung mastermind neto (bf ni jen). ayun, ayos naman. nasurprise naman sya. kumain kame ng madame. pti ung pagkain tinago ng ermats nya sa garden para di makahalata haha. galeng. tas nag videoke kame sa magic sing. di ako makakanta ng ayos kasi ansama na ng pakiramdam ng ilong ko haha. para akong sisipunin. pero nung lumabas na ung mga babae, at kami na lang ni don at ted ung natira, nadamay na ko. ampf, puro matataas ung kinakanta namen haha. emo e hahaha. typecast daw eh haha. syempre dahil medyo uminom na ko nun, wala na kong pake kahit pumiyok piyok pa ko hehe. pero narealize ko, ambaba na ng boses ko. di ako emo. hahaha. dahil sa patayang kantahan kahapon, eto ako ngayon at may sore throat. basag eh haha.

umuwi kami mga 1am na. dumating ako dito 2am, salamat dun sa driver ng bus na barumbado magmaneho. oh yeah. first time ko ulet gumala after a long time. kahapon lang ulet ako nakatawa na talagang tawa. yung namumula na ko sa tawa hehe. namiss ko din yun.

---------------------------------

alam nyo ba ung commercial nung arthro. yung health supplement sh*t. wala lang, natatawa/nawiwirduhan/naiinis ako dun. yun yung nagtetestimony yung gurang na lagi na lang daw syang binubuhat nung mga kasama nya sa bahay. at hirap na hirap na daw sya. pero nung nakainom sya ng arthro, nakalakad na daw sya. at take note, paatras. kahapon ko lang napansin un. adik ung lolong yun. lakas tama hahaha.

meron akong isang gustong commercial, ung bacchus energy drink. merong isang lalake na nagttrabaho sa isang call center ata. tas nung kinakausap sya ng boss nya tungkol ata sa work, kung anu ano ung nasasabi nung boss nyang mga technical terms (hardware, software, memory, files, etc). eh prang hindi maabsorb nung lalake ung sinasabi ng boss nya. umiinom naman sya ng energy drink. tas bigla syang tumayo, tas nagsusuntok sa harap nung computer. tagline nga nung commercial, physical energy is not enough, kelangan din ng mental energy hehe. ang galing nung nakaisip nun ah.

si noynoy aquino, ang gara. mama's boy. parang kulang na lang sabihin nya sa ads nya, "iboto nyo po ako kasi sabi ng mama ko". ampf, walang sariling salita eh. muka pang bonjing hahaha. naalala ko tuloy, may bumentang Pichay green joke sken date. sabe dun. "Pangarap mo bang magka-anak? Pangarap kong tuparin ang pangarap mo. Ako po si Prospero Pichay, halina sa kwarto, itanim natin ang Pichay ko" hahahaha. (weh, sige na ambabaw ko na)

wala lang, napansin ko lang sa mga napapanood ko ngayon sa TV. ang gara nila.


july wrote this piece of crap on Thursday, April 26, 2007
i'm the mobilemaniac
|

Comments: Post a Comment

the_maniac

July

19 : also known as julius, jollers, hulyo or whatever you wish to call him : fake chinese : budding psychologist : thomasian : tends to be critical about anything : musically endowed : so damn moody : singer since birth : practical but unavoidably spendthrift : art and cat lover : occasionally alcoholic : broke on wednesdays : easy-going : sensitive animal : certified latecomer : former josephian : mobilephone addict : cyberstuff enthusiast : part-time writer : loud but silent : taken but available : comic but serious : hates school : moderately athletic : intellectually capable : no tv, no movies, no news : frustrated philosopher : food junkie : hopeless romantic : believes in destiny

new_stories

love tots daw
music
i miss school
happy vacation?
friendster
bago
suddenly
banal-banalan
holy beach madness
clearance day

my_past

01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 09/01/2005 - 10/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 06/01/2006 - 07/01/2006 07/01/2006 - 08/01/2006 08/01/2006 - 09/01/2006 09/01/2006 - 10/01/2006 10/01/2006 - 11/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2007 - 03/01/2007 03/01/2007 - 04/01/2007 04/01/2007 - 05/01/2007 05/01/2007 - 06/01/2007 06/01/2007 - 07/01/2007 07/01/2007 - 08/01/2007 08/01/2007 - 09/01/2007 09/01/2007 - 10/01/2007 10/01/2007 - 11/01/2007 11/01/2007 - 12/01/2007 12/01/2007 - 01/01/2008 01/01/2008 - 02/01/2008 10/01/2008 - 11/01/2008 04/01/2009 - 05/01/2009

supah_friends

Arafol
Hazel
Helena
Jerico
Johnrey
Josemargo
Marvin
Stellar

blog_mates

Aja
Angel
Anne
Arvin
Arvin2
Audrey
Averill
Bluewinn
Chanhassen
Chinky
Coco
Dan
Daryl
Dennis
Eka
Elle
Francia
Jane
Jane2
Jeff
Jen
Jonna
Jose
Kaori
Leilani
Liza
Lora
Louise
Luisa
Martha
Missmath
Nads
Nikki
Poli
Raymond
Sherrlene
Tessa
Trinefusion
Vanessa
Weng
Wilbert
Zheloh

the_other


Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
My Photobucket
cbox

about the layout: "from the mind of a troubled teen", designed by Clone, only at BlogSkins

blog_listings









blog_code

B5 d+ t k+ s+ u- f i o++ x- e+ l+ c

the_tagboard


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com