my_story

Monday, January 01, 2007

2 Years na ang Blog Ko :)



current song: wala
current mood: g2m pero tinatamad kumain



warning: medyo mahaba. kung tamad, wag basahin hehe

o yan. january 1, 2007 nanaman. 2nd yr anniv ng blog ko ngayon hehe. 2 yrs na ko pala nagbblog. ang galing naman. happy anniversary blog! nye

kahapon, december 31. hehe. nagsimba kami sa imus cathedral ng 9:30am. at naggrocery sa sm saka kumain din. tapos n2log ako buong hapon ata. tapos nung medyo after dinner, tinulungan ko si mama maghanda ng medya noche. eto ang mga niluto ko.

warning: bwal ang epal sidecomments. pls.

salad
salad

corn and jelly
corn and jelly

baked spageti
baked spageti


mukang masarap naman. mukha lang. kasi nung tinikman ko na, ung spageti lasang jolibee spageti, tapos ung salad lasang literal na dahon. ung corn and jelly, ayos lang hehe

tapos nagpaputok na kame ng mga boring na paputok. at 2007 na. wow. bagong taon nanaman. hindi ko na matupad tupad ung anniversary wish ko para sa blog ko (bagong layout). saka na lang haha.

naiinggit ako dun sa mga taong gmgwa ng year ender nila kaya gagawa din ako ng sken. pero medyo boring nga lang.

kung may tiyaga ka, pde mo ding basahin :)

january

late ako nung 1st day of classes sa taong 2006. what's new. haha. nawalan pala ako ng wallet nung january, at may laman ung id, cellphone load at atm card. mahirap magpagawa ng id. ang hassle, daming pinapapirmahan. tas magbabayad pa. bwiset. nagsmoke ulit si doms after ilang yrs. nanigas sya tapos nun haha. kami ung mga witness eh. nagninong din ako sa isang pamangkin for the 2nd time. nagsavory kame, at nagkasagutan si ted at si cristina. wow haha. napagkamalan kami ni mam ellar na nag P-PDA ni sherrlene uy sa back row, grabe, skandalo un. concert ni ianee sa st paul. magaling ung choir nila. tapos may nagsimula dun. basta hehe. first time ko din nagbayad ng 10 pesos para sa isang paid cr sa gateway. namatay ung lolo ko at the end of the month. family reunion with pictorial pa ang nangyrri nun. wow.

february

umarte kame sa isang play para sa literature subject. binigyan ako ng isang lead role. tatay ng bida. haha. grabe un, 1st acting ko ule after ilang yrs. pero ang saya. namimiss ko na ding umarte. haha. tapos umatend din ako sa livre concert. benefit concert un ng uste, madaming banda. naginuman kame ng mga katropa ko sa savory tapos nun. muntik na kaming mapaaway sa mga taong nagaabang samen sa baba eh haha. tiklop kme eh, lugar nila un. hehe. stampede issue dahil sa wowowee. paalala lang: hindi diyos si willie revillame, ok? valengtimes day haha. medyo nanunuyo na ata ako neto. at nagkaaminan kme nung BES nyt. nung BES nyt, umalis ako ng bahay ng 3:30 pm at nakauwi ako, 7:30am na kinabukasan. adeek. victory party din ng kumpare naming si eddrex. eh nung time na un, nagdeclare ng state of national emergency si gloria, kaya habang naglalasing kami sa kanila, ung mga tangke ay naglalabsan na sa quezon city haha. kulet. may gera na nga sa pilipinas, nagiinuman pden kame haha.

march

10th yr anniversary concert ng ab chorale sa UST museum. wow. at least masasabi ko na nakapagconcert na ko sa UST museum hehe. madaming issue netong buwan na to. kay kumpareng don2, unang una, at sa niligawan nyang babae na may crush kuno daw sken. syempre foul un, pero nagkaayos nanaman kme. magkakaibigan kmeng lahat dba? tapos sinagot ako dito haha. literal eh. ok lang. gumawa kame ng MTV para sa literature. nakakatawa haha. debut ni roxanne. naginuman kme ni nun nila aldrin at ibang mga hs frends. 1st tym ko sila nakainuman. masaya naman eh, lalo na nung umuwi na si fucking chris john hehe. debut ni caren. ok lang. uminom din kme dun ksama ang tropa ko nung HS. (sila jep songco hehe, namimiss na kitang kumag ka haha. mayaman kna ata eh. libre mo naman kme!!). binigyan ako ng I LOVE DR. CO award nung 1st ever BES AWARDS morning. masaya naman eh hehe. nagswimming kame sa TARLAC. ang pinakamalayo naming narating na mga BES1 friends. ansaya neto talaga. halos 3 days akong wala sa bahay dahil dun. basta masaya.

april

sinimulan namin gawin ung yearbook ng batch namen. ung mga original kong staffers ay hindi na nagpakita kaya kung sinu sino na lang kaming gmgwa. memorable din to. may nabuong bonding smeng pito. :) hello yearbookers hehe. at eto na. ang pinakagrabeng inuman of the year. ang bday ni don kung saan ako ay nanapak ng kung sinu sino at nahulog sa kubo. ang marka na iniwang ng sugat ko ay nandito pden. basta iba ang bday ni don2. totoong "walang hindi nalalasing" haha. first time ko din kumain ng papaitan nun. pero grabe talaga ung nangyre sken nun. tinubuan ako ng 2 wisdom tooth netong buwan na to. 1 week ata akong hindi makakain ng normal. grabe. andami ko palang natutunan sa philippine literature under kay sir lopez. holy week. nagsorry ako kay angel baron. simula ito ng friendship. hehe. 1st month namin. ok lang naman hehe.

may

bday month ito ni bogs haha (naks, pero di pa kme close/naguusap nun). naging certified OC ako dahil sa paggwa ng yearbook. wala na kong oras at panahon para sa mga college friends ko. nakakalungkot. para akong pinapapili between friends and responsibility. eh ayako pa naman ng naiipit sa ganung sitwasyon. nagcmula kameng magkalabuan neto. ewan ko. napanood ko ang davinci code na movie kahit 17 pa lang ako nun. haha. lusooot :D. tapos bumili ako ng bagong green na toothbrush. yun na ung binibili ko lagi. ang cute kase. after 2 months, tpos na. dahil sobrang boring ng month na ito, nagpamember ako sa video city para manghiram ng mga vcds. at nanuod ako ng madaming movies.

june

eto ang bday month ko. wow. june is the best. pero hindi da best pag pasukan na kasi andami nanamang assignment. pero i lab my college friends hehe. yeah. naalala ko, nung nagenroll kme, na tow ung sasakyan ni don2. at hinanap pa namin un sa quirino. buti na lang at nasuhulan namin ung mga tao dun, at binalik na smen ung auto ni don2 hehe. bumili ako ng bagong school stuff, shoes, bag, saka rubber shoes. eto pala ang masaya pag start ng classes, bago ang gamit hehe. nakakagana mag aral. first time ko kumain ng california maki. naduduwal ako haha. ayako talaga ng japanese food. first time ko magreformat ng PC. ang tagal ko din nagback up ng files ah. nung night bago ako mag birthday, nagaway kami ng sobrang tindi ng tatay ko. up to now, hndi ko padin sya kinakausap. at wala akong balak kausapin sya. ok tama na hehe. bday ko. hindi masyadong masaya ung day itself. ang nagpasaya lang sakin nun ay ung boxers na bigay ng tropa ko at ung pagsayaw nila joyce, stella at den sa harap ko haha. nakakatuwa eh. june 30 ako nag celebrate ng bday sa savory. masaya ako nun. ang saya ng feeling pag kasama mo ung tropa mo sa inuman. 1st time ko ata nagcelebrate ng bday ngayong college.

july

first time kong nagcommute kasama si angel baron papuntang makati. bagong route nanaman un para sken pauwi hehe. naging close ko ung mga ab chorale simula nun. basta. masaya hehe. na publish na ung yearbook namen. at ako ang unang unang nakakuha hehe. syempre privilege ko un, tas ampanget. hindi ako natuwa, kahit na pinaghirap namin un buong summer. hay. ang pinakamemorable na nangyari this month ay ang Mr. and Ms. BES kung saan ako ang representative ng klase namen, at si bogs naman ang Ms. BES. merong pictorial na naganap, at idinisplay ung pics namin sa lobby ng AB. wala lang. experience un, lalo na ung modelling workshop. dito kami naging magkaibigan ni bogs eh :). nakabili ako ng bagong scientific calculator, pero nawala din sa locker ko. kaya bumili na lang ako sa recto. ok naman. eto ang nakapag pa-uno sken sa finance ah :)

august

ang pinakaaabangan kong pageant ng Mr. and Ms. BES ay naganap na haha. memorable din un. nakaabot pa nga ako sa final four haha. pero hanggang dun lang. naks hehe. parang starstruck lang eh. rizal dokyu. waw. dito nabuo ang "wei friends" hahaha. nakabonding ko sila justin, aj, jen, tin, ian, bogs at dicky. grabe, hindi un inaasahan. buong weekend kame tumambay sa netster central para magpaedit ng video hanggang 12mn. grabe. bonding un talaga hehe. the best ang core team ng dokyu na un. hehehe. dawna's debut. wow. lasing kmeng tatlo nila don at jerico. 4am na ko nakauwi nun haha. adik. training day ng chorale, hindi successful. pero dito nabuo ang ligalig friends hehe. tapos first time ko din magpagupit sa starmall laspinas branch ng fix. subic advanced party. wow. grabe, bonding time na naman un para smen nila ian, chuckie at bogs. kami ung representatives ng section namin para tignan ung mga places na pupuntahan namin para sa subic field trip. ayos lang. first time kong kumain ng karekare, at sa dencios pa. ayos lang naman. hehe. first time din ni bogs nun kumain ng sisig. pustahan kme e hahaha :D

september

nanuod kami ng minor production ng mediartrix kung saan si joyce ay kasali. ang saya nun haha, comedy. bigla pang lumabas si sam milby, at nagkagulo ang mga kababaihan. tumakas na kame sa baba haha. nagchampion ang uste sa cheerdance. galing talaga ng salingawi. aw. uminom kme nung bday ni ted. september 9 un. haha. nakakatawang kwentuhan with friends. ang pinakamemorable na nangyari ngayong taon ay ang subic field trip. kung saan kami ay nagovernyt swimming dun. pero un ay "nature trip" kuno. hehe. nagtanim din kame ng puno. basta ang saya neto. bago kame tumuloy dun, nagovernyt den kme sa kumpare kong si jerico, at uminom kame ng boracay at nanuod ng battle royale. ang astig. walang tulugan un, grabe. pumasok kaming apat, ksama si don2 at dicky ng basag eh haha. basta masaya ung inuman na un. sobra. mahal ko ang college tropa ko. tapos ayun, subic na. masaya talaga. ika nga ni bogs "parang panaginip lang". nung end halos ng september, nilipat na ko sa BASS2. wow. ambaba na ng boses ko hahaha. grabe. eto din pala ang time ng milenyo. 3 days kameng walang kuryente. jusko. pasakit. walang cellphone, walang net. halos mabaliw na ko sa boredom dito sa bahay. literal ah. tas nung 2nd day ng brownout, may field trip pa kme sa rizal park, kmsta naman hehe. ayun, tas september ko din pala tinype ung intriguing na "fill in the blanks" post ko. na madali naman nilang nahulaan. aw.

october

overall champion ang uste sa UAAP 69. wow. asteeg. kaso wala naman akong napanuod kahit isang game sa big dome. sayang hehe. next yr na lang hehe. muntik na kaming ma 5.0 ni don sa PE dahil sa incomplete uniform. bute na lang pumayag ung prof namin na mag special PE kame nung sabado hehe. crush ko si mam anonas hahaha. ung math prof ko. sabe nya kamuka ko daw si sam milby hahaha. natatawa ako dun sa sinabe nya. naligo kme nila jerico, don2 at dicky sa ulan dahil pre preho kaming walang payong, isang araw nung finals. grabe. hehehe. wet look eh. f4 na f4 haha. may binagsak akong exam nun (history). kala ko talaga magsusummer na ko dun. buti hindi hehe. finals nagsimula halos ang araw araw naming pagttxt ni bogs. basta, nagsimula akong maging masaya nung finals :) sabi ko nga sa isa kong post, "i think i've found my cause again :)" naks haha. debut ni talitha. ang academic rival ko nung elementary. first time ko nakasama ung mga kklase ko ule after 5 yrs. tas ayun, nakipaginuman ako kila joseph, jasper, brylle at nino. ayos naman pla silang kasama eh. hehe. anlaki na pala ng pinagbago ko mula nung elementary. bday ni dennis. haha. grabe. hahaha. umagang umaga na kame nakauwi neto hehe. naglakad pa si dennis sa kalsada ng naka boxers lang hahahaha. astig ka denis coner hahaha. start na ng sembreak rehearsals namin sa chorale. ok naman. gumanda na ulit ang tunog namin. mas maganda pa last yr. reunion ng st simon nung october. ok lang. hindi ako msyadong nagenjoy. umabot ung average ko nung 2nd yr 1st sem sa average na kelangan para maging dean's lister. wow. hindi inaasahan. thank you lord. ayun. tapos enrollment na. masaya tong araw na to kasi nagkita na kame nung katext ko araw araw. hi bogs hehe. nakita ko si mam ellar sa simbahan ng harisson plaza. jusko. horror.

november

debut ni angelica. simula nun, tinamad na kong makipag reunion sa mga hs friends ko. parang nagkakabad3pan lang kase, may epal na sumusulpot. ginupitan ako ng buhok, tas napaikli ng sobra. wah. ayoko pa naman ng maikling buhok. tas binilan ako ni mama ng bagong bag bilang regalo sken. wow. 1st bag ko un na hindi mailman's bag hehe. nagdrawing ako ng buttercup (ppg) tas ginawa kong parang puppet hehe. binigay ko un kay bogs nung 1st day of classes nung 2nd sem. wow. natuwa sya dun hehe. first time ko din nakasama sa inuman ang mga kaibigan ko sa ab chorale. unexpected un. tas 1st time ko din maligo sa ust fountain. adeek. ansaya nun. nagenjoy ako kasama ang ab chorale nun talaga. sana kasi mamatay na ung mga epal sa alto pra mas masaya dba? hehe. isa pang memorable na nangyari nun ay ang inuman namin nila don at dom after CWTS hehe. kumain kami nun ng isaw sa may legarda, 1st time nanaman para sken. ansaya ng november para sa akin. prang love is in the air hehe. kahit na araw araw ay 11pm na ko nakakauwi dahil sa chorale. nakakapagod un. etong month na to din kami nagkaayos ni athena. buti naman. may kanya kanya na kaming buhay. at masaya naman sya sa bago nyang bf. that's good hehe. nabigyan kami ng 100 pesos ni kuya pao sa rehearsal dahil nanalo kami dun sa octet singing contest ng salmo 150 haha. game lang naman un, pero nakakatuwa na binabayaran ka para sa pagkanta haha. sumabak din ang ab chorale nuon sa isang chorale masterclass at concert na pinagbidahan ni jae jun lee ng korea. ang galing daw namin nun. ung mga tao sa conservatory proud na proud smen. wow. masaya din nung november ang BES team building kung san binida ko ang ligalig cheer hahaha. binigyan ko si bogs nun ng bandaid, kasi nasugatan sya. kinkilig ako hahahaha. 1st time namin umattend ng house building para sa CWTS namin. hindi naman masaya, nakakapagod lang. pero masaya din haha. labo.

december, at last

sabi ko nga, christmas is a season of love. haha. nagrecital concert si kuya pao, ayos naman. masaya ang computer subject ko kasi HTML, e medyo may alam ako dun hehe. first time kong naki bonding sa mga santolan peeps, at kami ay natuloy nila den2, don2, stella, dicky at bogs sa sta. lucia east grand mall, kung saan binunggo ko ang isang coin machine, at nagalarm ito hahaha. bsta. kahit malayo ang rizal samen, ansaya saya ko nun :) muntik na kaming malate ni stella sa isang singing engagement ng ab chorale sa senate. buti na lang nakaabot kame hehe. maliit lang pala ang senate, di 2lad sa tv. pero ansaya kasi nakakanta kami dun. dumating din ang araw ng himig tomasino. we won 3rd, pero masayang masaya kami dun dahil ang gagaling talaga ng mga kalaban namin. we're proud na isa kame sa mga pinakamagagaling na choir sa uste, next to engg and pharmacy hehe. nag gateway kame bago magchristmas tas nakasama ko sa arcade sila dom, stella, dicky at bogs haha. ngayon lang ulit ako nakalaro ule nung disco mania. wow. ang paskuhan dis yr ay boring talaga. pero masaya para sa akin. pareho kaming nakapink ni bogs nun. preho kasing may nagregalo smin ng pink na shirt. haha. kahit may tampuhan, masaya pa din :) uminom kame sa savory after, tas mga 3am na ko nakauwi sa cavite. sakto lang hehehe. ang mga family reunion noong christmas ay boring, pero nakakatuwa kasi madami akong nakuhang cash hahaha (mukang pera). nakabili ako ng cellphone after xmas at napalitan ko na ung luma ko. yehey. masaya din un. tapos nagpnta din kami sa medical city para dalawin ang mama ni bogs. kasama ko nun si jerico at dicky. masaya din naman talaga :) at ang rochy at nagpnta din sa marikina riverbanks. ok lang naman. tapos kahapon, new years's eve na. nakwento ko na sa taas eh hahaha.

--------------------------------

grabe. andami pala talagang nangyari sken noong 2006. sobrang laki ng pinagbago ko sa madaming bagay. tumatanda na ko. haha. ansaya. naiiyak ako haha. halos 2 hrs ko din to tinype ah hahaha. basta masaya ako sa mga kaibigan ko ngayong college, sa tropa ko, sa mga kaibigan ko sa chorale, kay mama, minsan din sa kapatid ko, at syempre kay bogs :)

happy new year sa lahat! happy anniversary sa blog ko!! madami pa kayong mababasa ditong makukulay na kwento :) yehey


july wrote this piece of crap on Monday, January 01, 2007
i'm the mobilemaniac
|

Comments: Post a Comment

the_maniac

July

19 : also known as julius, jollers, hulyo or whatever you wish to call him : fake chinese : budding psychologist : thomasian : tends to be critical about anything : musically endowed : so damn moody : singer since birth : practical but unavoidably spendthrift : art and cat lover : occasionally alcoholic : broke on wednesdays : easy-going : sensitive animal : certified latecomer : former josephian : mobilephone addict : cyberstuff enthusiast : part-time writer : loud but silent : taken but available : comic but serious : hates school : moderately athletic : intellectually capable : no tv, no movies, no news : frustrated philosopher : food junkie : hopeless romantic : believes in destiny

new_stories

pagod
haircut
walkman and medical city
happy christmas msgs
frustration
christmas blues
paskuhan sa uste
gateway adventure
himig tomasino 2006
nagkakagulo na

my_past

01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 09/01/2005 - 10/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 06/01/2006 - 07/01/2006 07/01/2006 - 08/01/2006 08/01/2006 - 09/01/2006 09/01/2006 - 10/01/2006 10/01/2006 - 11/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2007 - 03/01/2007 03/01/2007 - 04/01/2007 04/01/2007 - 05/01/2007 05/01/2007 - 06/01/2007 06/01/2007 - 07/01/2007 07/01/2007 - 08/01/2007 08/01/2007 - 09/01/2007 09/01/2007 - 10/01/2007 10/01/2007 - 11/01/2007 11/01/2007 - 12/01/2007 12/01/2007 - 01/01/2008 01/01/2008 - 02/01/2008 10/01/2008 - 11/01/2008 04/01/2009 - 05/01/2009

supah_friends

Arafol
Hazel
Helena
Jerico
Johnrey
Josemargo
Marvin
Stellar

blog_mates

Aja
Angel
Anne
Arvin
Arvin2
Audrey
Averill
Bluewinn
Chanhassen
Chinky
Coco
Dan
Daryl
Dennis
Eka
Elle
Francia
Jane
Jane2
Jeff
Jen
Jonna
Jose
Kaori
Leilani
Liza
Lora
Louise
Luisa
Martha
Missmath
Nads
Nikki
Poli
Raymond
Sherrlene
Tessa
Trinefusion
Vanessa
Weng
Wilbert
Zheloh

the_other


Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
My Photobucket
cbox

about the layout: "from the mind of a troubled teen", designed by Clone, only at BlogSkins

blog_listings









blog_code

B5 d+ t k+ s+ u- f i o++ x- e+ l+ c

the_tagboard


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com