my_story
Saturday, July 08, 2006
sabi nga ni korina sanchez, "who knows?"
current song: wala
current mood: e
currently reading: emails
warning: mahaba, kung tamad ka, wak basahin hehe
waw, 4am na! Kamusta na kayo??? wala na ko lagnat!! yehey!! pero may sipon at ubo pa din ako, pero ok lang haha! ngayon lang ako nakapagblog!!!! ansaya!!!! umaga na pala, 4am na!! hindi pa ko natutulog!!! whoo!! (kmsta naman ang energy level)
(energy level, anu bang pinagsasasabi ko, siraulo!!)
hehe, anyway
kahapon nga pala, hindi ako nakapasok ng 1st subject ko dahil late na ko umalis dito. sayang, wala sana traffic, pano, wala din namang masakyan. so dumating ako sa skul ng 11:20am, kaya nag pineapple juice na lang ako sa 7-11. sumakay akong fx papuntang skul, dun ako sa likod umupo. pagdating sa "niog", may sumakay na 2 babae at isang bata sa opposite side ng inuupuan ko sa likod ng fx. hindi sila magkakilala, pero ung isang bata, anak nung isang babae, gets? hehe
tapos medyo tahimik lang yung bata. nung umakyat na yung fx sa flyover papuntang coastal roads, biglang nagwawala yung bata! hehe, sabi nya "mami mami swimming o! swimming tayo!" (nakita nya kasi yung manila bay). wala lang, naisip ko lang, siraulo tong batang to ah haha, sige magswimming ka dyan pra kapitan ka ng talaba at tahong hahaha. tapos maya mya pa, nagiging maharot na sya, tinatanong nya, "mami malalim ba yun?", syempre sabi nung mami nya oo daw. tas mga 105 times nyang inulit yung tanong na yun hanggang umabot kami sa tollgate. edi yun nga, medyo malikot na sya, medyo naiistorbo na yung babaeng katabi nila (nakaupo yung bata sa gitna nung mama nya saka nung babae, gets? haha). tas tinatakot na sya nung mama nya, sabi, "wag ka malikot, sige ka, magagalit sayo yung ale", tas sabi nung bata, ilulubog nya daw yung babae dun sa "swimming" hahaha, wala lang, natawa ako dun. tas edi malikot padin sya, pinipigilan sya nung mama nya, sabi nya, "mami wag ka ding magulo! ilulubog din kita dun!"
haha, wala lang, anlabo, actually madami pang sinabing kakaiba yung bata, pero nakakatuwa sya pagmasdan.
isa siguro yun sa mga dahilan kung bat mahilig ako magcommute. araw-araw kasi, nakakasabay ko ang iba't ibang uri ng tao, tas nakiki-epal na din ako sa mga kwento nila sa buhay. haha, hindi naman ako tsismoso, pero masarap ding makinig minsan.
hindi msydong masaya tong araw na to para sakin, una kasi hindi ako nakaattend nung English, tas puro pasakit pa yung next subjects. hindi ako nakapagbasa sa philo, so nagbasa ako nung NatSci time, since 45 mins late yung prof namin, kamsta naman ang bulshit na prof na yun? tas nag written recitation pa kami sa philo, buti na lang open handouts hehe, tas nung Asian Civ, ok lang naman hehe, gusto ko yung prof ko dun e.
hindi ako nakaattend ng GA ng abchorale kasi may PE ako nng 3-5, at gustuhin ko mang magabsent, eh hindi na pde dahil absent na ko last mtg dun (ab chorale din yung reason haha). hindi ako masyadong nagenjoy sa PE, gustuhin ko mang maglaro, asan ang kalaro haha (loser). ayako din naman tumambay kase hindi ko msyadong close yung mga tao dun, kaya naisipan ko na lang umuwi. pero may half-thoughts pa kong pumunta sa GA ng chorale since andun pa sila. gusto ko din kasing makita si angel baron (hi angel baron)na nagpaparinig na sa txt ("u didn't even bother going out the pav huh" - kmsta naman?) e dahil sa akng "natural shyness" eh hindi na lang ako pumunta dun at lumakad na lang papuntang sakayan. nung nandun na ko, nagtxt si angel, nasa nitro hub daw sya sa dapitan, waw. eh since sya lang magisa dun, naisip kong perfect timing na haha, bonding kuno, first time :)
lumakad ako papuntang ab at library pra iwan ung mabigat kong bag, at nagpunta ako sa nitro hub. nadatnan ko dun si angel baron na nangangarag sa kanyang take-home work dahil 6pm na ang deadline nun. ilang minutes lang, dumating na si benj, medyo feeling ko ma-oOP na ko dun since prang magkarelasyon na yung 2ng yun dte eh haha, tas ako, kamsta?
edi tapos na work ni angel, niyaya nila ata akong kumain, sige, sama lang ako haha. nagpunta kami sa "Cely's" at nandun si ate lora, nikki, song, fred, at yung 2 trainees na sila ate mitch at bituin. tas kung san san pa kami napadpad (chowking) at finally, nakaupo na din kami sa mansion sa antonio. first time kong makibonding sa chorale nng kasama si angel, actually last yr ko pa gusto pero may mga kung sino na nagbibigay skin ng 2nd thoughts. yun nga, masaya naman eh. edi bumalik na kami sa AB, andun sila mikey, jen, ate girl, at si van. puro kami chorale, kamsta ulet? tas eto na hehe, uwian time na daw.
nagkakaalaman na kami kung san san sasakay, at basta, sumama ako kay angel sa PVP Liner na bus. di ko alam kung san papunta yun, pero sumama ako haha, sabi ko nga, "bahala na kung san ako mapadpad". wala lang, it felt special ksi first time kong makausap nng masinsinan sa personal si angel baron haha, yung dating president ng ab chorale na idol ko pagdating sa maraming bagay. actually, matagal ko na syang gustong maging kaibigan, ewan ko ba kung bat sa ganitong paraan at pagkakataon pa kami naging "close" kahit pano. of all the places, and of all the times, dun pa eh haha.
napadpad kami sa makati haha, at nakauwi naman ako kahit pano. wala lang, yung hindi msyadong ok na classroom day para sken, naging masaya at the end of the day dahil sa mga taong chorale hehe, wala lang :)
11-1:30am lang ang tulog ko, ginising ako ng kung anung bullshit na elemento dito sa bahay. nagayos na lang ako ng cabinet, ng bag, ng skul stuff at kwarto. tas ngayon, nagiinternet na ko hehe. happy day sa lahat :)
july wrote this piece of crap on Saturday, July 08, 2006
i'm the mobilemaniac
|