my_story
Tuesday, June 20, 2006
galit
current song: wala
current mood: tamad
currently reading: ym msgs
20 mins early ako knina, hindi ako nagmamadali o anu pa man. pagdating ko, tinanong ako ni dicky kung gusto ko na daw ba sumali sa COMACH, (community of achievers), UST-wide org yun na umaakyat sa bundok para magturo sa mga bata at marami pang iba. kahapon ko pa pinagiisipan kung sasali ako dun (pero hindi naman ako talaga nagisip), at pagtapos ako sabihan ni dicky knina, nagisip ako for 5 seconds tas pumunta na kami sa booth pra magsign up hehe. bahala na lang, gs2 ko din kasi magturo sa mga bata sa bundok eh. community service ba, hehe.
ang topic namin sa rizal course knina ay "bakla ba si rizal?"
syempre, dahil si tobias ang prof ko dun, tawanan muna at ultimo toooot ni rizal dinidiscuss nya samen, hindi muna ako nakinig kasi nagbabasa ako kunwari ng readings pra sa next subject (psych). pero kahit pano, nakikinig naman ako, at medyo kumakati yung tenga ko dun sa mga sinasabi nya.
according daw kasi dun sa article ni isagani r. cruz, na kinkwestyon ang gender ni rizal, bakit daw si rizal, sa dami ng mga babaeng nakasama nya at na-issue sa kanya, eh wala man lang daw syang "pinatos" o "kinana"? at bakit daw dun sa mga naiwan nyang sinulat (diary ata) wala syang ibang kinwento kundi yung hindi nya paliligo ng dalawang buwan? hindi man lang daw sya ngkwento tungkol sa mga toooot experiences nya. may nakita din daw na love letter si rizal para kay "ferdinand blumentrit" o kung sino man yun. ah basta, marami pa syang sinabi eh, pero he's pointing out that rizal is a homosexual dahil sa mga rason na yun (pero ang basehan nya eh ung artik ni cruz). yung iba dun, katanggap-tanggap pa eh, pero hindi lang talaga ako umaagree na sabihing "bading" si rizal dahil sa hindi nya pakikipag tooot sa mga babae, o sa hindi nya pagtatable sa mga babae sa espanya o kahit sa hindi nya pagsulat ng mga toooot experiences nya nung nsa spain pa sya.
dun ba nababase ang pagkalalake ni rizal? or ng kahit na sino pang lalake? ibig sabihin ba, obligasyon ng lahat ng lalake na isulat lahat ng knilang mga tooot experiences para lang mapatunayan na lalake sila? o ibig sbihin ba, lahat ng "virgin" na lalake sa mundo ay bading? syempre, yan yung mga sinabi ko knina sa klase nya. medyo nagaraan lang ako talaga dun sa mga arguments na yun ni cruz, hindi kasi talaga tama, napaka opinionated nung article nya. dahil ata dun, nsabi ni tobias na "he can feel the fire when i answered, lahat daw lumalaki, eyes, nose, everything!" syempre joke yun. pero nainsulto ako ng konti, konti lang naman :|
time na ni mam ellar. industrial psychology. meron na ko nung pinapahanap nyang book, 2002 edition nung book ni schaultz na industrial psychology. sabi nya knina pagpasok nya, nagpunta daw sya sa library only to find out na wala dun yung book na yun at ang nakita nya lang daw dun eh yung 1985-1997 versions nung book, so sabi ko, meron ako. sabi nya, wala nga daw sa library. edi pinakita ko yung book ko (photocopied lang), tapos sabi nya, ibig nya daw sabihin, wala dun yung book, baka may humiram, or else at wag daw ako magalit. eh sa mali naman kasi yung choice of words nya eh, :|
hindi ko talaga alam kung anung meron sa araw na to, prang nawiwirduhan lang ako. lahat ata sila iniisip galit ako, pero sinasabi ko lang naman yung naiisip ko. at hindi naman talaga ako galit. kahit nga mga kaibigan ko, sinasabi galit daw ako, pero hindi naman talaga. naguguilty tuloy ako. prang nadidiscourage na kong magsalita. hayy
tama siguro si cristina, "less talk, less mistake", parang ayoko muna magsalita msyado.
july wrote this piece of crap on Tuesday, June 20, 2006
i'm the mobilemaniac
|