my_story

Sunday, March 13, 2005

chit chat


sa chat umiikot ang buhay ko.

hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nahahawakan ang itim kong computer. ang tunog at takatak ng keyboard ay musika na sa aking pandinig. makita ko lang na bukas ang aking monitor at masilayan ko lamang ang nick ng aking mga kaibigan ay masaya na ako. gabi-gabi kong tiniis, nilalabanan, at binubuno ang mahirap na pagconnect sa surfmaxx makamit ko lamang ang inaasam na katapusan sa mahabang oras ng aking pananabik na makipagtalastasan sa iba.

may ilang buwan na din akong nagcchat. mga labing isa, to be exact.. next month na ko magccelebrate ng aking anniversary bilang isang chaddik (chat addict). marahil maiksi lamang kung iyong titignan, ngunit sa loob ng maiksing panahon na yun ay nakabuo ako ng isang bagong pagkatao, isang pagkataong ako lamang ang nakakaalam.

nakilala ako bilang 'sapakans' o kaya'y 'da`kid' sa chat. ito'y naging maskara na nagbigay palaisipan sa maraming taong hindi nakakakilala sa malayo kong sarili. medyo wirdo kung titignan mo. kahit nga ako, hindi ko alam kung bakit yan ang aking naging ngalan. siguro nga, tadhana na din ang nagtitik at gumawa nito dahil ang bagong katauhan na ito ay nagbigay sa aking ng iba't-ibang nakakatuwa at nakaluluhang karanasan.

Nariyan ung bigla ka na lang yayayain makipagsapakan..

[12:30] [wEll_z] tara sapakan tay0!!
[12:30] [sapakans] ?

Meron namang..

[01:03] [da`kid] asl?
[01:03] [blitz_24] 15 f lp
[01:04] [da`kid] oic
[01:04] [da`kid] :D
[01:04] [blitz_24] how r u?
[01:04] [da`kid] ayos lang
[01:04] [da`kid] :D
[01:05] [blitz_24] nghahanap me kc ng bf e...
[01:05] [blitz_24] pwede k b?
[01:06] [da`kid] err
[01:06] [da`kid] ?
[01:06] [da`kid] :D

Spammers..

[23:39] [_gUrLuSh_] 4 guys and 3 girls are making sex in the school. Interesting photos. http://www.anycities.com/user/britneynude
[23:47] [_gUrLuSh_] I put my girl friend's naked pictures and home videos to my webpage.. http://www.anycities.com/user/britneynude

e2 pa..

[19:56] [LostQtB0i] oi
[19:56] [LostQtB0i] cno ka
[19:57] [sapakans] july
[19:57] [sapakans] cno ka
[19:59] [LostQtB0i] cno ka rin
[19:59] [sapakans] july nga
[20:00] [LostQtB0i] cno un
[20:00] [LostQtB0i] cno ba nanay mo??

lngya

[19:51] [sapakans] asL?
[19:51] [ofroauderis] taip
[20:07] [sapakans] balie
[20:07] [ofroauderis] suo tu/?
[20:08] [sapakans] gago
[20:09] [ofroauderis] :))
[20:09] [ofroauderis] pituch
[20:09] [ofroauderis] ja
[20:09] [sapakans] go to #marck_says agen
[20:10] [ofroauderis]
[20:10] [ofroauderis] auto kill you!

dahil sa chat na yan, nagbago halos lahat sa buhay ko. gabi gabi akong inaaway ng nanay ko dahil ayoko pang matulog, busy pa ko sa chat. papasok ako ng walang assignment, walang aral-aral, puyat at hihilik-hilik sa klase dahil
puyat ako sa kakachat. sa isang linggo, mga dalawang beses akong naghahalf-day dahil sa late na akong nagigising bunga ng sobrang pagpupuyat sa chat. pero hindi lahat ng bagay ay masama. sa chat ko nakilala ang mga tunay kong
kaibigan. dito ko natuklasan ang mga lihim ng buhay at sikreto ng iba. chat din ang nagpamukha sa akin ng mga bagay na mali sa akin, ng mga dapat kong baguhin at iwasto. ito ang nagbigay sa akin ng paniniwalang ako'y hindi ginawa para sa sarili ko lamang, kundi para din sa iba

oo, aaminin kong adik na ko. naging prang marijuanang hinihithit kong gabi gabi ang chat.. naging shabu sa malulungkot kong mga araw ang pakikipagusap sa mga taong hindi ko kilala. minsan tuloy naitatanong ko sa sarili ko, ano bang napapala sa chat at tila ayaw ko na 'tong pakawalan? siguro yun din ang tanong ng ibang mga taong hindi ako naiintindihan. kahit ako sa sarili ko, hindi ko din alam. subalit patuloy at patuloy ko lang itong ginagawa.. kahit siguro pumatay, magagawa ko, makapagchat lang.. isa nga akong adik, isang durugistang kinulong sa isang dimensyon na ayaw akong pakawalan.

umiikot ang buhay ko sa chat. ang chat ay buhay.

sa connect sumisibol ang isang bagong mundo.. bagong buhay..

bawat +v ay karapatang ipahayag ang damdamin

bawat +o ay pagpapakita ng kapangyarihan, ng isang awatoridad, ng lakas para mapanatili ang kapayapaan

bwat pm na matatanggap ay isang bagong kaluluwa, isang bagong puso na nagnanais ding makipagusap.

bwat bagong channel ay isang bagong tropa na nagpapaalam sayong hindi ka nagiisa.

bawat dcc send ay pagpapadala ng saloobin at sariling kuro-kuro sa iba.

bwat download sa phazenet ay isang bagong awit na humahaplos sa mga damdaming uhaw sa musika.

bawat disconnect ay isang kamatayang tanging bagong card lamang ang makabubuhay.

ito ang chat. at ito ang buhay para sa akin.


july wrote this piece of crap on Sunday, March 13, 2005
i'm the mobilemaniac
|

Comments:
ang galing talaga ng tatay kong adik. kahangahanga kang tunay. wika nga ni wapOL 'ang pag-aaral ay nakakasira sa pagchachat' :D
 
ROCHY!!!
 
Post a Comment

the_maniac

July

19 : also known as julius, jollers, hulyo or whatever you wish to call him : fake chinese : budding psychologist : thomasian : tends to be critical about anything : musically endowed : so damn moody : singer since birth : practical but unavoidably spendthrift : art and cat lover : occasionally alcoholic : broke on wednesdays : easy-going : sensitive animal : certified latecomer : former josephian : mobilephone addict : cyberstuff enthusiast : part-time writer : loud but silent : taken but available : comic but serious : hates school : moderately athletic : intellectually capable : no tv, no movies, no news : frustrated philosopher : food junkie : hopeless romantic : believes in destiny

new_stories

kowt
pukawin mo, lunurin mo, ang kislap ng nagsusumidhi...
a hold on to forever
wag ka nang umiyak, d mo lang alam, everytime n gn...
first poem
July Post
Twenty Questions
na kaboom ka na ba?
ang pangarap
ang totoo

my_past

01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 09/01/2005 - 10/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 06/01/2006 - 07/01/2006 07/01/2006 - 08/01/2006 08/01/2006 - 09/01/2006 09/01/2006 - 10/01/2006 10/01/2006 - 11/01/2006 11/01/2006 - 12/01/2006 12/01/2006 - 01/01/2007 01/01/2007 - 02/01/2007 02/01/2007 - 03/01/2007 03/01/2007 - 04/01/2007 04/01/2007 - 05/01/2007 05/01/2007 - 06/01/2007 06/01/2007 - 07/01/2007 07/01/2007 - 08/01/2007 08/01/2007 - 09/01/2007 09/01/2007 - 10/01/2007 10/01/2007 - 11/01/2007 11/01/2007 - 12/01/2007 12/01/2007 - 01/01/2008 01/01/2008 - 02/01/2008 10/01/2008 - 11/01/2008 04/01/2009 - 05/01/2009

supah_friends

Arafol
Hazel
Helena
Jerico
Johnrey
Josemargo
Marvin
Stellar

blog_mates

Aja
Angel
Anne
Arvin
Arvin2
Audrey
Averill
Bluewinn
Chanhassen
Chinky
Coco
Dan
Daryl
Dennis
Eka
Elle
Francia
Jane
Jane2
Jeff
Jen
Jonna
Jose
Kaori
Leilani
Liza
Lora
Louise
Luisa
Martha
Missmath
Nads
Nikki
Poli
Raymond
Sherrlene
Tessa
Trinefusion
Vanessa
Weng
Wilbert
Zheloh

the_other


Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com
My Photobucket
cbox

about the layout: "from the mind of a troubled teen", designed by Clone, only at BlogSkins

blog_listings









blog_code

B5 d+ t k+ s+ u- f i o++ x- e+ l+ c

the_tagboard


Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com