my_story
Sunday, July 01, 2007
happy 19th bday july
current song: wala
current mood: di alam ang gagawin next
halatang busy ako at wala nng panahon mag internet e hehe. josko.
ayun. nung wednesday (june 27), hanggang 6pm lang ang class ko, kaya tumambay pa kame ni jerico hanggang 8pm para hintayin ang mga katropa namin sa 3BES1. may usapan kasi kaming overnight inuman sa place nila don para salubungin ang aking 19th bday. wow. ang mga kasapi ay sina don, jerico, ted, dennis, dicky at syempre ako. wow. naggrocery kami sa mini stop. mga tatlong basket ng chibog at ng inumin, pati toothbrush ni ted hehe. tapos bumili ng mdaming chicken sa andoks. wow. ambango. dinaanan namin si dicky dahil sya ang may dala ng regalo ko. diapers na may lamang tshrt at panyo mula sa boys. wow. nakakaiyak. hehe. taga antipolo nga pala sila don. pero dun pden kami ngcelebrate. ayun. inuman lang hanggang malasing. kwentuhan hanggang magkabukingan. videoke ng mga kantang hindi naaabot tulad ng sugarfree. napakataas, mauubusan ka ng katas. (josko)
natira kaming 2 ni don don sa beer, ika sampung red horse mucho na ata namin nun. matapos ang hard. hehe. sabog na kaya n2log na. tas gumising kami, uminom ng milo. nagbihis, at umuwi. mga 1pm na ko nakauwi. (june 28)
june 28, 4pm ako nsa uste halos. syempre bangag pa dahil walang 2log at galing sa inuman, pero medyo fresh naman hehe. sinurprise naman ako dun ni helena sa kanyang "mga" regalo na talaga namang hindi ko inaasahan. wow.
salamat naman. nakakaiyak ung iba pero secret na pls.
cello's donuts. pinagawa pa at napakasarap.
andun din sila tine, jam, justin at kinantahan nila ako ng happy bday. binigyan ako ni stella ng bday bracelet. nung mga bandang 6pm na, umakyat naman ako sa AB dahil andun ang AB Chorale. at may mga magauaudition kasi. pinagaudition namin sila at umuwi na. bagsak. 2log ako nung bday ko.
june 29, friday. wow. nglunch kami ni helena, yun ang bday treat ko sakanya hehe. tapos hindi pala totoo na walang klase. pambata lang pala yun (1st-2nd yr). grr. kaya nagklase kami hanggang 6pm. tas tumambay pa dahil 7pm, tumugtog si ted sa concert ng freshman welcome walk. wow. ibang klase na si ted, pang plaza mayor na. (lugar yun sa uste sa tapat ng main bldg). tpos ay pumunta naman ako ule sa ab chorale para imeet sila dahil nangako ako ng inuman. sa kasamaang palad ay sarado ang mga inuman spots na aming pinuntahan kaya kami ay nauwi na lang sa inuman ng kape. sa coffee indulgence ito naganap, coffee shop sa p.noval. tas tumambay kami dun, nagkantahan, nagtawanan hanggang 1030pm ata.
tas pumasok pa kami sa uste at tumambay sa grandstand para magpicturan. josko. haggard. haha.
ayun. nung june 30 naman, pumasok ako ng maaga sa uste kasi may meeting ang chorale para sa mga ibabagsak naming nag-audition haha. joke. kawawa naman sila. ayun. nagklase ng 1-4pm. tapos pumunta ako ng makati para bumili ng bagong headset para sa fone ko (kasi nanghihiram na lang ako sa kapatid ko, sira na yung akin) at para kumain. kumain ako ng pasta sa delifrance. wow. ansarap ng bolognese dun. bolognese din pala ung kinain ko sa coffee indulgence nung friday. bat ba ang hilig ko dun. ayun. treat ko na un sa sarili ko.
pero hindi pa dyan nagtatapos ang bday ko dahil ngayong july 1, binili na ako sa wakas ng inay ko ng hinahangad kong regalo. ang laughtaft. haha. sa wakas may magagamit na ko pang internet sa skul. wifi capable ito. ang kewl. kewl din ang specs, pero 14.1 inches ung screen. gs2 ko sana ng mas maliit pa, pero butas ang bulsa kapag ganoon kaya ganito na lang. wala pa nga lang windows, bukas pa ko magiinstall. pero masaya padin ako. yehey.
ayun. kamusta naman ang bday kong mula june27-july1. happy beerday talaga! wow!
thank you Lord at sa lahat ng nakaalala sakin sa special "dayS" ko hehe. salamat din sa blessings hehe. yehey.
july wrote this piece of crap on Sunday, July 01, 2007
i'm the mobilemaniac
|