my_story
Friday, October 27, 2006
i bloghopped my own
current song: wala
current mood: nostalgic
currently reading: http://mobilemaniac.blogspot.com mula sa 1st post
nagbasa ako ng blog ko. mula 1st post. kaso hanggang december 2005 lang. (kelangan na kasi ma2log)
wala lang. nakakasenti. andami kong nabasa. mula 4th yr highschool kasi ata, nakwento ko na dito yung buhay ko haha. minsan kahit walang sense na yung sinasabi ko, nagbblog pa din ako just for the sake of blogging haha. minsan copy paste na lang, or surveys. basta, pero lahat ata ng nakalagay dito, may kinalaman sa buhay ko. nakakatuwang tignan na ang laki na pala ng pinagbago ko mula 4th yr. saka andami ko na palang nakilalang ibang tao mula pa nung highschool. wala lang. kung hardcore blogger kayo, try nyo din basahin yung senyo, nakakaluha hehehe. siguro kung matanda na ko (mga tipong 69yrs old na ko hehe), at buhay pa tong blog na to, maiiyak akong basahin to nyehehehehe. weh.
eto yung mga nakatawag ng pansin ko na bnlog ko hehe, share ko lang.
from chitchat
oo, aaminin kong adik na ko. naging prang marijuanang hinihithit kong gabi gabi ang chat.. naging shabu sa malulungkot kong mga araw ang pakikipagusap sa mga taong hindi ko kilala. minsan tuloy naitatanong ko sa sarili ko, ano bang napapala sa chat at tila ayaw ko na 'tong pakawalan? siguro yun din ang tanong ng ibang mga taong hindi ako naiintindihan. kahit ako sa sarili ko, hindi ko din alam. subalit patuloy at patuloy ko lang itong ginagawa.. kahit siguro pumatay, magagawa ko, makapagchat lang.. isa nga akong adik, isang durugistang kinulong sa isang dimensyon na ayaw akong pakawalan.
kamsta naman ang dimensyon??
from kowt
if u love someone, then go for it.. don't go flirting around with other people just to have someone to flirt with.. because life is to precious to be wasted on the wrong person.. (ha?)
from junkfoods
masarap talaga ang junk foods. masustansya na, malinamnam pa. kahit nga hindi ka na kumain ng fried chicken, tapa, adobo, sinigang or whatever ay mabubusog ka pa din kung kakain ka ng junkfoods. napakahusay talaga ng nagimbento ng junkfoods. isa syang fucking genius dahil kung hindi dahil sa knya, walang ligaya sa mundo.
from drug addict?
alam ko namang instinctive na sa isang mother na magworry or maghanap sa anak nya na pag 12mn na ay wala pa din sa bahay.(ika nga nya, kung ang aso nga hinahanap pag nawawala, tao pa kaya? - bakit aso ba ko? hindi ba ko marunong umuwi??)
from drug addict?
bhala na lang sya kung yun ang iniisip nya skin. hindi ba nila maiintindihan na teenager ako, at madami pa kong dapat matutunan sa buhay, at hindi ako matututo kung ikukulong ko lang ang srili ko sa lintek na bahay na to ang magmumukmok sa bwisit kong kwarto?
from drug addict?
siguro drug addict nga ako even if i don't look like one. malay nyo rapist din ako? matakot na lang kayo sken pag nakita nyo ko
from drunk
my drunken side had revealed to me that i can be a very good english speaker when i'm under the influence of liquor. hmm
walang tagalog, pure english pare lolx
from pets
tuwang tuwa ako sa mga cute na kittens pero after 1 month yata pinapatapon na sila ni mama grrr, nilalagay na sila sa sako at nililigaw sa bukirin. wawa naman. pinapakain ko naman ng sapat si "mimay" pero mhirap sya busugin kaya minsan ay tinangka nyang kainin ang mga alagang hamster ni joel, pero hindi sya nagtagumpay. malas. halos 6 yrs kami nagkasama ni "mimay"
sa hirap at saya. mahal na mahal ko sya at mahal nya din ako. (o mahal nya ung pagkaing pinapakain ko sa kanya gabi gabi?)
from ?
parang pinamukha sakin ng ulan kung gano ako ka manhid at kung gano ako katanga..
kahit kailan, hindi ko ginustong makasakit ng damdamin ng iba dahil alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan.. pero anong magagawa ko? ayoko namang pilitin ang sarili kong gawin ang isang bagay na alam kong hindi gusto ng puso ko..
from ?
nakita kong nagusap si ___ at si tedders nung isang araw. tas kahapon, nung medyo lango na ko sa ispiritu ng magic potion, tinanong ko si ted, "ano bang pinagusapan nyo kahapon"
sabi ni tedders, "mahal na mahal ka pa din nya"
napakawalang kwenta ko talaga
eto na lang muna. happy blogging :)
at sa mga taong naliligaw dito sa kalokohang site na to, salamat sa pakikibahagi sa mga kwento ng buhay ko. keep on reading. haha
july wrote this piece of crap on Friday, October 27, 2006
i'm the mobilemaniac
|