my_story
Sunday, April 30, 2006
utak biya
current song: i- 6cyclemind
current mood: wala sa sarili
currently reading: emails
ang araw na ito ay isa sa mga araw na sobrang tanga ko. wow.
nagsimba muna kami at kumain ng lunch sa sm.
dahil may 3-day sale ngayon sa sm bacoor, kami ay nakigulo at naki-bargain hunting sa mga taong hayuk na hayuk sa mga panindang binawasan lang ng 10-20pesos ang price tag. medyo hindi maganda ang simula ng araw na to dahil kinancel ni ms sermise ang overnyt namin sa bahay nila. hindi kami ngtrabaho ngayon para sa yrbook. wala naman dw kaming gagawin, sbi nya. kamsta naman ang 'wala naman kayong gagawin' eh ang dami dami dami dami pang nakatambak na ggwin, at sa tuesday na ang pasahan ng yrbook. wow. so sira lahat ng plano, at nagenjoy na lang ako sa sm bacoor. andami kong tinxt na tao para sabihan na cancelled na ang mtg. medyo sabog na ang utak ko ng mga panahong iyon.
katangahan part 1
habang kami nila mama ay nagsstroll sa mall, napagdesisyunan naming maghiwa hiwalay para makapili ng mas madali. nalibot ko na halos lahat ng botique sa mall pero wala akong nagustuhan. gs2 ko ksi bumili ng shorts. actually, meron akong nagustuhan sa giordano kaso 2.8k yung presyo, ang mahal ampf. kaya pinili ko na lang ung nakita ko sa bench. sinukat ko muna. ok naman, so lumabas na ko ng bench para puntahan si mama at sabihing bibilin ko na yung shorts. habang papunta na ko kay mama, napansin kong nawawala ang wallet ko. ampf, naiwan ko sa fitting room. takbo ako pabalik ng bench, at deretso sa fitting room. buti na lang wala na dun yung wallet ko. wow. tnignan ko yung shorts na sinukat ko, baka nasama dun, at wala din dun! wow. may lumapit saking bench guy, at tinanong nya ko kung may hinahanap ako. sabi ko, oo, yung oxygen na wallet. tas tinanong nya yung name ko. ayun, buti na lang nakita nila, at naitago. thank God. kinwento ko pa yun kay mama ng natatawa.
katxt ko nun si ate angel at sbe nya sken, ganun dw talaga ang matatalinong tao, makakalimutin. yun dw ung sbe ni einstein. (weh? pampalubag loob?? bd3p haha)
katangahan part 2
bumalik na kami sa bench para bilhin yung shorts ko. at dumeretso na kami sa american blvd para naman bilin yung shirt na nagustuhan nung utol ko. may nagustuhan din akong shirt dun, pero ampf, fit na fit eh, so wag na lang. bumaba kami sa shoes section dahil gs2 ni mama na tumingin ng shoes. kaya sumama kami dun. hawak ko ung mga plastic na pinamili namin. naghiwalay na ulit kami. tumingin ako ng chinelas, medyo trip ko kaya sinukat ko. eh nagkataong hindi bagay sa paa ko, kaya nainis ako at napagdesisyunang katagpuin na lang si mama. napansin kong wala na pala akong hawak na plastic, ampf, inisip ko na lang na bitbit yun ng utol ko, pero saktong pagkita namin sa kapatid ko, alaws syang hawak na plastic bags, so panic na ko! wahh, alam kong naiwan ko yun dun sa mga chinelas, hanap kami ng hanap. di namin makita kaya tinanong na namin sa sales lady dun. ininterview pa kami at kinonfirm kung kami yung may-ari nun (like kung ano yung laman, magkano etc), naibalik naman samin ng maayos. at katakutakot na sermon ang inabot ko kay mama. tanga.
kumain kami ng pizza at mojo potatoes para sa meryenda. tahimik na ko nun dahil nabbd3p na ko sa katangahan ko. tumawag sa kin si karen joy totanes ng IV-Bartholomew and friends at hinahanap nila ako dahil may usapan daw sila ni roxanne. eh hindi naman dw sumipot si roxanne, yun pala nakapatay ang cellphone kaya hindi sumisipot. umalis ako dun sa sm at dali-daling pumunta sa casimiro para katagpuin sila at kunin ang pictures na dala nila. ok naman, nagkita naman kami.
katangahan part 3
dahil nga nasa sm pa sila mama, walang tao sa bahay namin at sarado pa ang gate. wala din akong dalang susi, kaya umakyat na lang ako sa bakod (mababa lang naman). buti na lang may spare key kami at nakapasok ako.
after 1 hr, and2 na sila at may bago na kaming bike, haha, d ko pa nakikita kasi tintype ko pa 2ng bwiset na post na 'to. kapalit yun nung luma naming bike na iniwan ng kapatid ko sa kung saan at nanakaw ng masasamang loob. kitams. hindi lang naman ako ang tanga sa mundo. haha
hay nakaw
july wrote this piece of crap on Sunday, April 30, 2006
i'm the mobilemaniac
|