my_story
Wednesday, March 29, 2006
hacienda gwapito pepito pito
current song: wag mo nang itanong- mymp
current mood: kwento lang
currently reading: wala
wag nyo na tanungin kung bat ganyan ung title hehe
nakakapagod din ang 3days at 3nights na getaway namin ng 1bes1 hehe. wala talaga akong pahinga mula nung saturday. sunday morning gumising ako ng 6am dahil magsisimba kami ng maaga pra magsimba sa ermita. mga 10am nasa tutuban mall na kami, pero wala akong makitang magandang slippers dun kaya nag sm manila kami hanggang 2pm. nagmamadali na ko dahil 5pm ang usapan namin sa cubao. hindi pa ko nakakapagimpake. mga 415 na ko umalis d2 at luckily, dumating ako ng 515 sa gateway cubao. andun na sila don, dom, david, dicky at jen. hehe. kinatagpo namin si dawna sa mrt at naligaw pa kami hehe. basta. shortcut, nakila iana na kami, quezon city, north ave.
dun kami kila iana m22log para sbay sabay umalis kinabukasan. ayos ung place nila iana, english-speaking ung lolo nya hehe. yun. kinain namin for dinner ung nilutong baked mac ni dicky. bday kasi nya hehe. masarap naman. hmm, kinailangan namin magsm
dahil bibili sila dawna ng stuff at kami naman nila don ay bibili ng regalo ko pra kay athena. dnrive ni don ung van nila iana hehe, nakakapanibago daw. pero nabigo kami dahil wala kaming makitang eksaktong kelangan at 9pm na, nagsasara na ang sm
north. buti na lang nakabili kami ng alternate. basta hehe, pero disappointed pdin ako na sira ung plano ko.
as expected hindi na kami natulog kila iana dahil syempre, bonding muna ang mahalaga hehe. nakapagkwentuhan kami nila don dicky at jerico ng madami pti nadin sila dom at ung iba pa, bsta masaya. nag midnight snak kami courtesy of mcdo. un. tpos nung umaga, alisan na hehe.
nakipagkita kami sa ikalawang van sa stopover dun sa north luzon expressway. andun na yung iba naming kklase. hindi ko bilang kung ilan kami at ayoko na isipin, basta 20 o 21 kami hehe. kumain kami dun at kumain ulit. yung iba nagstarbuko kape.
nagano na kami, bumiyahe papuntang tarlac. hehe, mga 11 ata kami dumating dun, ewan hehe, malapit lang naman pala. kinuha muna namin yung food mula sa shop nila athena tas dumating na kami sa place. Malaki at maganda ung place, ayos.
nagayos na kami ng gamit. yung boys sa kubo natulog at yung girls naman, sa isang bahay. kumain kami ng lunch, nagpalamig muna, tapos ung girls nagswimming na, pero kami n2log muna. wala pa 2log e, tgnan nyo ung pictures o. iniinvade ng girls ung
lugar namin kaya napagusapang lagyan ng barikada ung pinto. dalawang kutson at isang upuang kahoy. solb na, hindi na sila nakapasok at medyo nakatulog na kami hehe. pero yung iba dumaan padin sa bintana grr. mga 4pm naligo na kami hehe, ayos. malamig ung tubig. bsta puro swimming kami habang nag vvideoke na ung mga babae.
hmm, mga bandang gabi, habang nagsswiming ang mga babae, kumanta kami ng para sa masa (eheads) joint forces un kaya naka 63 (o 68) kami sa unang try hehe, inulit nmin ng mas maayos kaya naka 100 kme, well. swimming na ulit. biglang umulan. walangya, ang ginaw. pero swimming pdin hehe. masaya tong part na to.
tpos dinner na. yun, tas ng dinner, bumili kami ni athena ng inumin para sa lahat hehe. mawawala ba naman ung inumin :D pero hindi naman lahat uminom. madaming nangyri nung inuman (hi dicky), at tapos natulog na ang lahat.
dahil sa coding ung isang van, kinailangan umalis agad nung iba samin ng maaga, so ung mga kelangan umuwi ng maaga, sumabay na sa 1st trip. 10 na lang ata ung naiwan. waw. videoke ng madami ang nangyri at kwentuhan. may masarap na lunch pa. hmm,
tpos kwentuhan sa kubo, naglaro kami ng game na nauwi sa madamdaming kwentuhan (hi dom)
tpos swimming na ulit. mga 5pm umahon na kmi para maligo at magbihis. mga 7pm tapos na ang lahat kaya uwian na. nagstopover kami sa nlex ule, nagdinner tas uwian na. masaya talaga yung outing.
mga pinakagusto kong nangyri nung outing:
1.) usapan sa likod ng van nila iana kasama si dicky at jerico
2.) swimming nung umuulan
3.) kwentuhang makabagbag damdamin sa kubo
4.) last swimming, mcdo game hehe
5.) kwentuhang may kiskisan kasama si don, dom at dennis
6.) kwentuhan ksama si cristina
7.) yung barikada hehehe
8.) yung buong outing, langya
nawala nga pala yung isang lighter ko na green. sayang naman.
july wrote this piece of crap on Wednesday, March 29, 2006
i'm the mobilemaniac
|