my_story
Wednesday, February 01, 2006
fireworks, jogging and cherries
current song: lately- dominic and burton
current mood: kakaiba, mixed-up
currently reading: my emails again
*toot* count: 6
warning? long post siguro
fireworks
monday-tuesday happenings
walang papansin ng grammar at tense pls
hindi ko inasahan na magiging ganung kaikli ang pila sa park n ride kagabi ng alas-siyete. usually kasi, hindi na mahulugang karayom ang mga tao dun pag ganung oras. matapos kong aliwin ang aking sarili kasama ang isang bagay na kaibigan ay sumakay na ko sa bus.
kakaiba din ang klase kanina kasi parang lahat ng tao ay masaya. kahit na late na ko dumating as usual at kahit namamaga pa ang mata ko bungad ng aking hindi pagtulog ay magaan pa din ang pakiramdam ko. hindi ako nag PE. nakakatamad kasi. ayokong makita si admiral. inaliw ko na lang ang sarili ko sa himig ng musika mula sa gitara. ayos, may boses ako kahapon. kahit puyat ako, naaabot ko naman ang high sol sa jamming haha, kewl.
kasabay ng mabilis na takbo ng bus ay ang mabilis na pagtakbo ng ibat ibang bagay sa utak ko. eto na siguro yung isa sa iilang mga araw na hindi ako nakakatulog sa bus dahil sa labis na pagiisip tungkol sa kung anu anong bagay.
naalala ko lang kasi kung gano kami kasaya nung 1st sem. halos abutin na kami ng takipsilim bago umuwi kahit na 7am pa ang pasok namin kinabukasan. ayos lang, masaya makasama at makausap ang mga kaibigan. kung babalikan ko isa isa, ang dami na din palang nangyari sa iilang buwan ko sa college- pagpasok ng late, gala sa gateway with picture picture, mga bagsak at pasadong tests, inuman kila don at melvi, nasirang pagibig, mga pagkakamali at maraming gaguhan at kalokohan.
binagtas ng bus na sinasakyan ko ang kahabaan ng san marcelino, papuntang quirino, hanggang sa umabot ako sa edsa. dun ko nasaksihan ang makukulay na fireworks sa langit na nagmula sa heritage hotel.
sa pansumandali ay gusto ko munang itigil ang pagtakbo ng bus dahil namamangha pa ko sa kulay at gilalas ng mga fireworks.
pero hindi ko alam kung bakit naitulad ko ang fireworks display na iyon sa pagibig. (haha) makukulay na pagibig. ang bawat tilapon sa langit ng ibat ibang kulay ay parang sumisimbolo sa nagsusumidhing damdamin ng mga magsingibig.
bigla ko tuloy naisip (nanaman), sa ilang buwan namin dito sa uste, ang dami na ring nabuong pagibig. merong pagibig na higit pa sa pagkakaibigan, pagibig na bunga ng isang masayang samahan, at pagibig ng isang pamilya. namimiss ko na din yung feeling kapag in-love. (haha?) yung feeling na secure ka dahil may nagpapahalagang tao sayo. kaya din siguro ako nagkakakaganito kasi malapit na ang valentayms haha. natatakot akong ibigay ang buo kong sarili at atensyon sa isang taong katext ko ngayon dahil ayoko nang magkamali. baka kasi makasakit nanaman ako ng ibang tao.
hanggang ngayon, hindi ko alam kung masama ako o kasalanan bang hindi ko siya minahal dati. natatakot na talaga akong magkamali ngayon. hindi isang experimental variable ang emosyon ng tao at lalong hindi birong daanin ang pagibig sa trial and error.
ang drama. whew. kamusta naman ang emosyon? gabi na din kasi ako umuwi mula sa rehearsals. nagmamadali akong umuwi dahil kailangan ko pang gawin ang assignment ko sa english epekto lang siguro ito ng gutom. haha, break muna.
i met a new friend. hindi ko inaasahang magiging ganun sya kaopen sakin kahit na 1st time lang namin magusap nung monday ata. hindi kaya sya natakot skin or nagisip na baka hudlum ako hehe, nakakatuwang may nagoopen sayo na ibang tao kahit hindi mo pa sya ganung katagal nakilala. i consider her as one of my new friends.
i missed my quiz sa philo dahil sa katamaran (bunga ng sobrang pagod)
late na ko dumating. 9am na, 8:30 ang class ko kay dr. co. i opted not to take the exam dahil nahihiya na ko pumasok ng late. i stayed at the reader's cafe sa library and tried a cup of hot cappuccino. it was really good. the scent of the cinnamon is very aromatic and somewhat therapeutical. i tried my best not to think about my missed quiz kasi the more i think about it, the more i feel bad.
time management and cherries
wednesday happenings
so much to do, so little time.
so many expectations mula sa ibang tao
so many deadlines and frustrations
i'm a tad bit stressed. pero steady lang, kaya pa to
na ppresure na ko ng konti sa chorale kasi ang daming piyesang kelangan aralin. hindi naman ako ganung ka galing na sight reader kaya hirap din matuto ng mabilis.
ang masakit pa, pag nagkamali ka sa rehersals, para ka na ding nag commit ng murder haha
sa feb 18 na ang bes night at kami ay napasabak ng di oras sa battle of the acoustic bands. kulang na kami sa oras, di pa buo ang banda at wala pa kaming kanta. wala pa kaming praktis, at ibang instruments. sana lang naman matuloy kami. medyo pangarap ko din kasing kumanta sa isang banda. alam kong gs2 din nila dicky na makasali kami. sana makaya nmin.
hindi na ko focused sa study ko. kasalanan ko din. wala akong time management. i try my best to be as organized as possible. gumagawa pa ko ng checklist pero minsan nakakatulugan ko lang yun dahil sa sobrang pagod. 2 weeks na ata akong late/absent sa 1st period ko. sana lang makapagbago na ko.
kanina sa bus na sinasakyan ko pauwi, i sat beside an woman maybe in her late 40's. she looked nice in pink. dapat nga kakausapin ko pero nahihiya naman ako. she was smiling at me, so i smiled back at her everytime she smiles at me haha. tapos she gave me a cherry. lolx. ayoko sanang tanggapin kaso mapilit sya e. kinain ko 2loy yung cherry, wala namang lason or gayuma haha, ayos lang. may mga tao lang talaga siguro sa mundo na mabait. it felt weird on my part. konti lang naman..
july wrote this piece of crap on Wednesday, February 01, 2006
i'm the mobilemaniac
|