my_story
Thursday, December 22, 2005
tv commercials at patalastas
nakakatuwang isipin kung panoong mula sa isang maliit na black and white tv (na di-pihit pa hanggang channel 13 lang) ay nag-evolve na ang entertainment box of media sa flat screen, plasma at lcd tv's. halos lahat ng tao ay nahuhumaling sa panonood ng iba't ibang palabas dito. merong news, telenovelas (yes, including chinovelas, spanish novelas, f4 novelas, judy ann santos novelas etc.), game shows, reality tv, pinoy big brother, cartoons at marami pang iba. kaya hindi malayo na gamitin ito ng mga bigating companies sa pag-adadvertise ng iba't ibang produkto at pati na rin ng mga politiko sa pangangampanya. commercials o patalastas ang tawag sa mga advertisements na ito.
wala ba kayong napapansin sa mga commercials na 'to? kumbaga, dati, simple lang ang mga commercials. sasayaw lang si aga mulach kasama si serena dalyrymple ng "isa pa, isa pa, isa pang chicken joy!" at presto! may commercial na ang jolibee. pero ngayon, may halo nng violence, kalaswaan at kakaibang kawirdohan ang mga commercials sa tv. sinubukan kong magmasid sa tv at punahin ang bawat commercial na pumapagitan sa mga tv shows.
---------------------------------------
POP COLA
si robin padilla, isang violenteng action star ang endorser ng produktong ito. ang eksena, nagkakagulo ang mga tao at naguunhan sa pagbili ng SAIS pesos na pop cola. sumingit si robin padilla sa harap ng tindahan para sabihin ng malaswa, "Aling Linda, isa nga pong pop cola". tapos mmya, nanghihingi na sya ng autograph. san ka nga naman makakakita ng ganun? pinagbilhan lang sya ng pop cola tapos idol na nya si aling linda at nanghihingi pa sya ng autograph? ang corni.
meron pang isang version nito, ung bata tinatanong ng titser nya ng 5+1, tpos ang sagot nung bata SYETE, paulit ulit pa nyang sinasabi ito. ayon sa kwento ng lola nya, kaya daw nagkaganun ung bata ay dahil SYETE ang benta nya ng pop cola at hindi SAIS. pero kung titignan mong maigi, wala namang kuneksyon ung 5+1 sa pop cola diba? bobo lang siguro talaga ung bata haha
CHIPPY
natutuwa talaga ako sa lahat ng commercial ng chippy ngayon. ang bwat kwento ay nagrerevolve sa adventures ng isang tropa na kung saan ang bida ay ung kalbo.
ung isang version, gumagawa sila ng term paper, tapos ung isang version, binasted sya nung nililigawan nya. meron ding horror version nito at yung pinakalatest, ung nagauaudition sya at natulungan sya ng chippy na makapasok. inuubos na kasi ng tropa nya ung chippy kaya nagemote sya ng sobra sobra. hehe, kewl talaga
PAMPERS, EQ, HUGGIES DIAPERS
pre preho lang naman ang tema ng mga diaper commercials na to- ipakita na mas absorbent ang isa over the other. pero nakakaramdam ako ng konting awa sa mga batang nagmomodel sa commercial na to. pano kaya pag tanda nila? anong feeling na nakita na ng buong mundo ang mga makikinis nilang pwet? haha in some way, pornography din to haha, porn for the kids lolx
REJOICE- Rebond
eto na yata ang isa sa pinaka walang sense na commercial na nakita ko. hindi ba sila nagsasawa sa "nagparebond/nagparelax" taglines nila? parang simula kasi nung sumikat ung rebond/relax na un, puro un na ang ginagamit nila. Nasan na ang creativity?
meron isang version nito na may magkapatid. tapos magdedebut na ung isa. naiingit sya sa buhok ng ate nya at tinanong kung pde syang magparelax for her debut. tpos hindi pumayag ung ate nya kasi magiging parang buhok na buhaghag na parang sirang doll ung buhok nya kung magpapatreat sya. stupid.
tpos meron din namang isa, yung model employee version. napapaisip lang ako, bat biglang humangin ng sobrang lakas dun sa isang lugar tapos biglang naging sobrang gulo nung buhok ng babae. ang oa. tapos inistalk na sya nung dalawang babae para lang malaman kung model sya. cheap.
meron din isang version na nasa isang roofless car ung mag girlfriend tapos habang dinadrive nung lalaki ung kotse, hinahangin ung buhok ng babae. tapos mamaya, biglang naging witch ung babae. ang oa nanaman
dito din sumikat ang ilang version ng mga babaeng nagsasayaw habang winawagayway ang buhok nilang shinampoo sa rejoice. comment ko lang, mukha silang tanga. buti nauuto sila ng rejoice.
basta, regardless of what version, ang corni ng rejoice, sana magsara na yang company nyo.
PALMOLIVE
WOW! GANDA!! PRANG NAGPASALON!!, ang srap sanang kalbuhin ni Ricky Reyes e. Ewan ko ba kung anong pinasak nun sa ilong nya at naging ganun ka ngongo ung boses nya
VASELINE
yung latest version ng commercial nito ay tungkol sa isang batang babae na sobrang kapal daw dahil habang dumadaan sya e sinasabihan sya ng mga tao ng KAPAL, KAPAL!! KAPAL!!! tapos mmya sinabunutan siya nung lalaki nyang joyfriend at siya naman ung nagsabi ng KAPAL! na parang nangaakit haha. ang moral ng commercial: "pag makapal ang buhok mo, makapal din ang mukha mo dahil sali ka ng sali sa kung ano anong contest at sasabunutan ka din ng joyfriend mo." tsk
SURF
honestly, i think that this is one of the well-made commercials dahil maganda ang concept nila. may story ung commercial, kaya pag may aabangan ung tao. tulad nung dati, magasawa lang sila na nagaakitan, tapos may anak na, tapos lumaki na ung anak. yun ang ayos na commercial, may logic. ung christmas version ng commercial nila, maganda. maganda kasi ung kanta, usually naririnig ko yun sa am radio. good strategy.
COKE
ang ilan sa pinaka bigtym na commercials ay mula sa company na ito. dito din sumikat si nikki gil na kumanta nung magandang coke jingle. nakabasa na din ako ng artik tungkol sa kanya sa manila bulletin. tpos sino ba namang hindi pinagaralan ung coke game na "ito ang beat sbay sbay, ito ang beat bawal sablay", asteeg un. pag natalo mo ung kalaban mo, sayo na ung coke nya. e pano kung laging talo ung kalaban mo na laging bumibili ng coke. hehe, malas nya. ung latest addition nila sa kanilang bottle sizes ay ung coke sakto (200ml), ang stupid lang kasi iniinom nila ung 5peso coin, baka gayahin sila ng mga bata.
PLDT BUDGET CARD
ang napansin ko lang, bakit kelangan pang tignan nung bata habang sinasabi sa tatay na kausap nya sa telepono na tuli na sya e hindi naman makikita un ng tatay nya. laswa
NESCAFE 3 in 1
kakaiba gumawa ng commercial to. kahit medyo walang logic ung commercial, natutuwa pa din ako, lalo na dun sa PONTIUS PILOT VERSUS SUMMOOOON! saka sa THE VERRRRY STICCKY WALLLLL, ang gara kasi nung pagkakasabi nila nyan. asteeg, LUPIT EVAH!!
TIDE ERASER BAR
sino ba naman ang hindi nakakakilala kay tolits, na napabalita na nga sa text na namatay na daw sa kakabura ng kalawang. pili lang din ang mga nakakatuwang commercial na to, pero ito ang naglaunch sa career ni tolits. comment ko lang, sumbungera yung babae na nakahuli sa mga lalaking nagbubura ng kalawang, kung ako kila tolits, kikidnapin ko yun at ibabalot sa tela at itatapon sa bangin
ARIEL?
hindi ko lang sigurado kung ariel tong commercial na to. darating daw ung boss ni mister kaya nagluto si misis. pero nangangamba si mister na baka mangamoy ulam si misis kakaluto ng ulam ni boss. pero no worry, dahil pag gumamit ka ng ariel, hindi ka mangangamoy ulam. hangang ngayon, im bothered ksi ang laswa talaga nung pagkakasabi nung mister sa misis na "ANG BANGO MO ANG MAS GUSTO KO", ang laswa kasi talaga. mabagal na parang nang aakit. habng kumakain si boss, nag seseduce-an na ung magasawa. tsk
DOWNY NATURALS
tungkol ito sa lalaki na umiiwas sa amoy ng yosi dahil natatakot sya na baka pag nagmano sya sa biyenan nya, magamoy ashtray sya. pero nung gumamit sya ng downy, pinaghinalaan naman sya ng biyenan nya na nambababae, moral lesson : pag nagdodowny ang nanay mo sa iyong mga damit, babaero ka (o lalakero pag babae)
HEAD AND SHOULDERS
napaka thoughtful naman nila dahil nagbibigay pa sila ng PASIMPLE TIPS kung pano magkamot ng ulo. meron kinakaskas ung ulo sa hawakan ng train at meron din namang kinakamot ng pencil. comment ko lang, ang oa naman nila magkamot, parang kinakaskas na nila ung ulo nila kung san san, ano bang meron sa ulo nila. garapata, ahas o sawa?
SUNSILK TOUCH FLICKS at CLOSE UP TO FILM
wala na sigurong maisip kaya ginawa nng contest na movie ang commercial. pero ok lang naman
PEPSI
ang pinaka violence-oriented na commercial. ung latest commercial nila ay ang sugar free na PEPSI. may 2 versions nito. una, ung unggoy na nagddrive ng kotse. tapos ung isa ung lalaki na iniwan sa side ng isang mataas na building at may kung anong orange na bagay na nakalagay sa kamay nya at paa to keep him hanging on the wall. tapos mmya iniwan na sya ng mga kaibigan nya. prehong sinabi na "DONT WORRY, THERE's NO SUGAR" tpos mmya, pahulog hulog na ung guy sa building at nagkakabunguan na ung ibang kotse sa pagddrive nang unggoy. actually, natuwa din ako dito at ang moral lesson: pag uminom ka ng pepsi sugar, lahat hahamakin mo, kahit si kamatayan
---------------------------------------
kakaiba na talaga ang mga commercials ngayon, pero patuloy at patuloy pa ring gumagawa ang mga multinational companies ng commercial para mapansin sila ng tao at bilin ang kanilang produkto. kung ano man ang sense ng ganitong commercials, hindi ko alam. pero hindi pa rin nawawala ang pagasa ko na balang araw, magiginng model ako ng close-up. yeah
july wrote this piece of crap on Thursday, December 22, 2005
i'm the mobilemaniac
|